Share

Chapter 5 - Honeymoon

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-03-13 04:17:02

Hawak ko na ang bagong kontrata na ginawa ni Jander habang kanina pa ako nakatingin nang masama sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" taas-kilay na tanong niya. "Pirmahan mo na kung wala ka ng tanong. Malapit na kayong umalis."

Nandito kami sa isang private property ng pamilya Buencarlos. Nagkalat ang mga helicopter at ilang mga private airplane sa paligid. Prente akong nakaupo sa loob ng isang eroplano. Papunta kami ngayon sa India.

Oo.

Sa India.

Para mag-mekus-mekus.

Ang ibig kong sabihin ay para sa honeymoon namin.

Ayon sa gusto ni Roxanne Rios ay may walong lugar siyang gustong puntahan. Iyon ang honeymoon na gusto niya— ang mag-travel sa iba't ibang lugar. At bilang parte ng pagpapanggap ay kailangan naming sundin ang honeymoon na gusto ni Roxanne Rios.

Paanong hindi?

Bago pa man siya nawala ay pinanglandakan niya na kung ano-anong lugar ang pupuntahan nila ni Ego sa honeymoon nila. Pinost niya pa iyon sa kanyang social media accounts. Dahil parehas sila ni Ego na mga public figure ay umani iyon ng maraming reaksyon.

Syempre gusto ko! Walong lugar ba naman ang pupuntahan namin. Aba, pagkakataon ko na iyon para makapunta ng ibang bansa. Hanggang Monumento ni Rizal lang yata ang napupuntahan ko. Partida, nag-aabang pa ako ng customer nun!

Pero tumanggi ako.

Oo, tumanggi ako.

Sino ba namang hindi kung isang tulad ni Ego ang makakasama ko? Naiisip ko pa lang ang mga pang-iinsulto niya sa akin ay para na akong babangungutin!

"Ipagpalagay nating hawak siya ng mga kalaban. Sa tingin mo ba ay hindi sila magtataka kung bakit hindi matutuloy ang honeymoon? Iisipin nilang peke ka lang at patuloy lang silang magtatago. Nag-trending pa naman ang post niya tungkol sa magiging honeymoon namin kaya sigurado akong alam na rin ng mga dumukot sa kanya ang tungkol doon," paliwanag ni Ego sa akin kahapon. "Kailangan nating ipakita na hindi tayo apektado."

"Kung dinukot talaga siya bakit hanggang ngayon ay wala pa ring tumatawag sa inyo para humingi ng ransom?" tanong ko sa kanya habang nakikinig lang ang iba. "Hindi na biro iyong isang buwan."

"Hindi ibig sabihin na dinukot siya ay para sa ransom," sagot ni Ego habang kanina pa nilalaro ang hawak na ballpen.

"Kung hindi para sa ransom ay ano ang rason para dukutin siya?" tanong kong muli. Minsan talaga nakakabobo iyong mga taong sobrang talino.

Nalipat ang tingin ko kay Jander dahil sa nagpalitan sila ng tingin ni Ego. Ilang saglit pa ay nagsalita muli si Ego. "Hindi mo na kailangang malaman pa."

"Putik naman!" Hindi ko na napigilan ang inis ko. "Nandito na ako, oh! Nakataya na rin ang buhay ko rito. Karapatan ko rin namang malaman ang lahat! Kung hindi siya dinukot ay baka lumayas siya o hindi kaya ay patay na—"

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang baril na hawak ni Ego pero nakatutok na iyon sa akin ngayon. "Baka gusto mong mamatay na nang tuluyan?"

Naikuyom ko ang mga palad. Hindi dahil sa inis kung hindi dahil sa takot. Aba? Ano bang dapat kong maramdaman? Magsaya ako? Mag-party-party?

Nakahinga ako nang maluwag nang inagaw ni Jander ang hawak na baril ni Ego. Nilingon niya ako at tiningnan sa mga mata ko. "Bilang importanteng tao si Miss Roxanne para sa kaibigan naming si Ego ay ni minsan hindi namin inisip ang ganoong bagay. Isa pa, wala sa ugali niya ang maglayas."

Inirapan ko si Jander at sinalubong ang masamang tingin sa akin ni Ego saka ko itinaas ang hingigitna kong daliri. "Pakyu ka!"

Marahas na napatayo si Ego sa kinauupuan niya at handa na sanang sumugod sa akin nang pigilan siya ni Jander. Nakalapit na rin sina Xavier ay Zandro na siyang malapit sa kanya.

"Umayos ka ng pananalita mo!" sigaw ni Ego sa akin habang dinuduro ako.

"Animal ka ba?" nang-uuyam kong tanong sa kanya. "Oo at malaki ang ibabayad mo sa akin at malaki na rin ang nagastos mo! Pero hindi mawawala ang katotohanang kailangan mo rin ako! Kung ayaw mo palang isipin kong patay na 'yong jowa mo o kaya naman ay naglayas, bakit hindi mo na lang ipaliwanag sa akin lahat! Hindi iyong basta ka na lang maglalabas ng baril mo! Putang ina mo!"

Hindi ko na siya hinayaang makasagot dahil kaagad akong umalis. Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Si Jander ang sumundo sa akin at si Abigaile naman ang naghanda ng mga gamit ko.

"Hindi mapipirmahan iyang kontrata kung kanina pa ang sama ng tingin mo sa akin."

Nabalik ako sa hwisyo nang magsalitang muli si Jander. Nilapag ko sa maliit na mesang nasa harapan ko ang kontrata. "Kailangan talagang naka-tagalog ang buong kontrata? Kahit ganito lang ako ay ganito na talaga ako— ang ibig kong sabihin ay marunong din akong umintindi ng English!"

Ina-under examinating ba nila ako?

Napaangat ako ng tingin kay Jander nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman ay biglang naging seryoso na ang mukha niya. "Pasensya na. Gusto lang naming maintindihan mo nang maayos ang mga nakapaloob sa kontrata."

"Tsk..." Inismiran ko siya at binalik ang atensyon sa kontrata saka iyon binasa nang tahimik.

Bawal magtanong ng kahit anong may kinalaman sa pagkawala ni Roxanne Rios.

Aba! Inuna talaga?

Iwasang makipaglapit kay Ego.

Oo na! Lalayo ako sa kanya ng isang milya!

Kailangang magmukhang tunay na mag-asawa sa harap ng ibang tao.

Kailangang magsalita at kumilos ng mahinhin sa harap ng ibang tao.

Bawal makipag-usap sa hindi kakilala.

Bawal uminom ng alak o manigarilyo.

Hindi mahilig sa matatamis na pagkain si Roxanne Rios kaya iwasan ang mga iyon.

Health conscious si Roxanne Rios kaya laging pumunta ng gym.

Marahas kong nilapag muli ang kontrata. "Baka nakalimutan ninyong ilagay rito na bawal ding huminga?"

"Ah, oo nga pala," saad ni Jander na halos hindi makatingin sa akin. "N-Nakalagay rin sa pinakahuli na b-bawal magreklamo."

Binasa ko ulit at tama nga si Jander, naroroon nga. Sa inis ko ay hindi ko na binasa lahat at kaagad na pinirmahan. "Masaya na tayo?"

Ngumiti si Jander at nilagay sa dalang envelope ang kontrata. "Huwag kang mag-alala. Gagawin namin ang kondisyong dinagdag mo. Kasalukuyan na iyong ginagawan ng paraan ni Marcelo at tinutulungan siya nina Abraham at Joseph."

Si Abraham na may-ari ng isang science and technology company— kumbaga ang kumpanya ay nag-iimbento ng mga makabagong teknolohiya. Si Joseph naman ay may-ari ng isang pharmaceutical company kung saan sila iyong mga gumagawa ng mga gamot at binibenta ang mga iyon sa iba't ibang panig ng mundo.

Oo nga pala— ang kondisyong dinagdag ko ay alamin nila kung paano kami naging magkambal ni Roxanne Rios at kung bakit nagkalayo kaming dalawa.

Nakatingin na ako sa labas ng bintana. Umaandar na ang eroplano. Unang lugar na pupuntahan namin ay ang Taj Mahal na nasa India.

Hindi ko pinangarap na makapasyal sa iba't ibang lugar sa labas ng bansa. Pero ito ako ngayon at mararanasan ko na iyon.

Nalipat ang tingin ko kay Ego nang umupo siya sa upuang nasa harapan ko. Binalik ko ang tingin sa labas at hindi siya pinansin.

"Ang Lucky Nine ay isang mafia organization."

Awtomatikong nabalik ang tingin ko kay Ego. Alam ko na iyon. Paulit-ulit?

"Ang hinala namin ay dinukot siya at dahil mga mafia rin ang kalaban namin... gagawin siyang pain para mapasuko ako dahil siya ang kahinaan ko. Hindi ko alam kung kailan, pero sigurado akong may hinahanda na silang plano at gagamitin nila si Roxanne."

At ako naman ang gagamitin nilang pain para mapalabas ang kalaban.

Napakaswerte mo Roxanne Rios— kabaliktaran naman sa buhay na mayroon ako.

"Hindi nila siya basta p-papatayin..." Nakayuko na si Ego pero ramdam ko naman kung gaano siya kagalit at nasasaktan. "Siguro pinapahirapan na siya ngayon. Alam mo ba gaano kahirap sa akin? Nagpapanggap akong masaya kasama ka. At alam mo ba kung anong mararamdaman ni Roxanne ngayon habang nakikitang masaya ako kasama ka? Samantalang siya ay nasa bingit ng kamatayan..."

Napatingin na lang ako sa labas. Unti-unti nang lumilipad sa himpapawid ang eroplano. Natatanaw ko na ang mga ulap sa kalangitan na dati ay tinitingala ko lang.

Naiintindihan ko ang pinupunto niya. Ano pa bang magagawa ko

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Huwag kang ganyan. Ilang araw pa lang tayong magkakilala pero nasanay na ako sa animal mong ugali. Huwag kang maging mabait sa akin."

Baka hindi ko masunod ang kondisyong binigay ni Jander.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 10 - Red Square, Moscow

    Akala ko malamig lang ang Moscow. Hindi pala. Dahil kasing lupit ito ng buhay ko. Ang lamig niya ay parang nanunuksong pumasok sa buto ko. Parang binubura pati ang mga alaala mong gusto mong itago.Ang sabi ni Ego, ito raw ang second stop ng honeymoon— planado lahat ni Roxy Rios bago siya nawala. Pero habang tinitingnan ko ang itinerary na hawak ni Abigaile, parang hindi honeymoon ang pupuntahan ko.Parang hunting ground.“Welcome to Moscow,” sabi ni Marcus habang binubuksan ang pinto ng black Benz.Humugot ako ng malalim na hinga. Puting usok ang lumabas sa bibig ko. Kung nasa ibang pagkakataon lang ay matutuwa ako nito. Pero parang bawal na rin yata akong ngumiti.“Hindi ko akalaing makikita ko ito sa personal,” sabi ko na parang mismo sa sarili ko sinasabi. “The Red Square, parang painting lang.”Tumingin si Ego sa akin. Suot ang itim niyang coat, scarf na nakapalibot sa leeg niya, at ang karaniwang expression niyang parang ayaw niyang umamin na tao siya. “It’s not a painting,” sab

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 9 - Ang Babaeng Nakabelo

    Hindi na naalis sa isip ko ang ngiting iyon. Ang ngiti ng babaeng nakasuot ng belo. Iyong ngiti na para bang akin.Bakit ganoon?Bakit sa dinami-rami ng tao sa Taj Mahal kanina ay may babaeng mag-aaksaya ng oras para titigan ako at sabay ngumiti ng ganoon? Na parang kilala niya kung sino talaga ako?Pagbalik namin sa sasakyan ay tahimik lang si Ego.Pero ang kamay niya, halos puputok na ang ugat sa higpit ng kapit niya sa manibela.Walang nagsasalita.Walang tinginan.Walang paliwanag.Ni hindi siya lumingon sa akin kahit isang beses.“Ego...”Wala siyang sagot.“Ego, sino ang mga iyon? Sila ba talaga ang mga Skeleton?”“Hindi mo na kailangang malaman.” Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada. Parang baka kapag nagsalita pa siya ay sasabog ang buong mundo.“Hindi mo na kailangang malaman,” ginaya ko siya sa tonong nang-aasar. “Puro na lang iyan ang sinasabi mo. Kailan mo ba ako kakausapin nang matino?”Bigla siyang tumingin. Ang mga mata niya ay matalim na parang kutsilyong tumama s

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 8 - Singsing

    Pangalawang beses ko na iyong muntik mamatay.Una ay sa kasal namin. Ngayon ay dito naman sa India.Sa loob lang ng ilang araw nakilala ko si Diego Buencarlos, nasanay na akong tumakbo, magtago, at magpanggap na kalmado kahit gusto ko nang sumigaw.Pero ngayong nakaligtas kami sa pagsabog sa Buencarlos Grand Hotel, ramdam ko pa rin ang lagkit ng usok sa balat ko.Ramdam ko pa rin iyong amoy ng gunpowder at iyong boses niya sa tenga ko, 'Behind me, Roxy.'Ilang oras kaming nagbyahe palabas ng Agra gamit ang black SUV na minamaneho ni Marcus.Tahimik si Ego sa buong biyahe. Habang ako naman ay nakasandal sa bintana at nakatingin sa dilim ng kalsada.“Walang makakaalam ng nangyari,” sabi niya sa wakas. “I ordered Jander to clean everything up. No press, no witnesses, no trace.”“Ganoon lang?” tanong ko. “Walang magtatanong kung bakit may sumabog sa hotel?”Tumitig siya sa akin, malamig pero matatag. “Hindi pwede magkaroon ng ingay. The Skeletons feed on attention.”“Paano kung bumalik si

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 7 - Honeymoon in Hell

    Mainit ang gabi sa India. Mabango ang hangin, puno ng insenso at mga bulaklak galing sa mga altar sa labas. Pero sa loob ng Buencarlos Grand Hotel suite— puro lamig at katahimikan.Tahimik siya.Tahimik rin ako.At sa pagitan naming dalawa ay may mga salitang hindi pwedeng sabihin, dahil baka mas masakit pa kaysa sa bala.Napakakumplikado rin niyang tao. Bukod sa ang hirap niyang basahin ay para bang may nakapalibot sa kanyang itim na awra. Nakakatakot pala talaga ang mga mafia.At ako?Ako si Roxy Bustamante. Ang kapalit. Ang anino.Ang babaeng tinuruan ng buhay kung paano magbenta ng katawan para lang mabuhay.“Tumigil ka sa kakatingin,” malamig niyang sabi habang iniinom ang alak sa hawak niyang wine glass sa balcony.“Tinitingnan mo ako para magbasa ng reaksyon? Hindi mo ‘yan makukuha, Bustamante.”Napataas ang kilay ko. Bustamante talaga?Ahh, hindi niya ako matawag-tawag na Roxy na dahil pangalan din pala iyon ng kambal ko. Tsk.Napayuko ako. “Hindi ko naman sinusubukang magbasa

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 6 - First Destination

    Isang mahinang tapik ang gumising sa akin. Nakanganga pa ako at pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway kaya kaagad kong pinunasan ang gilid ng aking labi."Hindi ganyan ang kilos ng isang Roxanne Rios," walang kabuhay-buhay na saad ni Ego saka tumayo.Napaayos tuloy ako ng upo at kunwari ay nakatingin sa labas ng bintana. Bigla tuloy ako nahiya at lihim na namura ang sarili. Ilang oras ba akong nakatulog tapos nakanganga pa talaga.Saka ko lang napansin na naka-landing na pala ang eroplano. Ganoon na siguro ako katagal nakatulog. Pero sa pagkakaalam ko ay mahigit isang oras lang naman ang papuntang India. Lalo pa at naka-private airplane naman kami at wala ng lay over sa kung saang bansa."She's a woman of modesty," dagdag pa ni Ego.Ano raw? Modesty? Baka modes? Iyong with wings?Nauna na siyang bumaba ng eroplano habang bitbit ang isang maliit na bag— iyong bang nasa game show na Deal or No Deal. Ano ngang tawag doon?"Kami na po ang magdadala ng gamit ninyo, Miss Roxanne," sabi pa

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 5 - Honeymoon

    Hawak ko na ang bagong kontrata na ginawa ni Jander habang kanina pa ako nakatingin nang masama sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?" taas-kilay na tanong niya. "Pirmahan mo na kung wala ka ng tanong. Malapit na kayong umalis." Nandito kami sa isang private property ng pamilya Buencarlos. Nagkalat ang mga helicopter at ilang mga private airplane sa paligid. Prente akong nakaupo sa loob ng isang eroplano. Papunta kami ngayon sa India. Oo. Sa India. Para mag-mekus-mekus. Ang ibig kong sabihin ay para sa honeymoon namin. Ayon sa gusto ni Roxanne Rios ay may walong lugar siyang gustong puntahan. Iyon ang honeymoon na gusto niya— ang mag-travel sa iba't ibang lugar. At bilang parte ng pagpapanggap ay kailangan naming sundin ang honeymoon na gusto ni Roxanne Rios. Paanong hindi? Bago pa man siya nawala ay pinanglandakan niya na kung ano-anong lugar ang pupuntahan nila ni Ego sa honeymoon nila. Pinost niya pa iyon sa kanyang social media accounts. Dahil parehas sila ni Ego na mga p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status