Pangalawang beses ko na iyong muntik mamatay.Una ay sa kasal namin. Ngayon ay dito naman sa India.Sa loob lang ng ilang araw nakilala ko si Diego Buencarlos, nasanay na akong tumakbo, magtago, at magpanggap na kalmado kahit gusto ko nang sumigaw.Pero ngayong nakaligtas kami sa pagsabog sa Buencarlos Grand Hotel, ramdam ko pa rin ang lagkit ng usok sa balat ko.Ramdam ko pa rin iyong amoy ng gunpowder at iyong boses niya sa tenga ko, 'Behind me, Roxy.'Ilang oras kaming nagbyahe palabas ng Agra gamit ang black SUV na minamaneho ni Marcus.Tahimik si Ego sa buong biyahe. Habang ako naman ay nakasandal sa bintana at nakatingin sa dilim ng kalsada.“Walang makakaalam ng nangyari,” sabi niya sa wakas. “I ordered Jander to clean everything up. No press, no witnesses, no trace.”“Ganoon lang?” tanong ko. “Walang magtatanong kung bakit may sumabog sa hotel?”Tumitig siya sa akin, malamig pero matatag. “Hindi pwede magkaroon ng ingay. The Skeletons feed on attention.”“Paano kung bumalik si
Last Updated : 2025-10-27 Read more