เข้าสู่ระบบAkala ko malamig lang ang Moscow. Hindi pala. Dahil kasing lupit ito ng buhay ko. Ang lamig niya ay parang nanunuksong pumasok sa buto ko. Parang binubura pati ang mga alaala mong gusto mong itago.Ang sabi ni Ego, ito raw ang second stop ng honeymoon— planado lahat ni Roxy Rios bago siya nawala. Pero habang tinitingnan ko ang itinerary na hawak ni Abigaile, parang hindi honeymoon ang pupuntahan ko.Parang hunting ground.“Welcome to Moscow,” sabi ni Marcus habang binubuksan ang pinto ng black Benz.Humugot ako ng malalim na hinga. Puting usok ang lumabas sa bibig ko. Kung nasa ibang pagkakataon lang ay matutuwa ako nito. Pero parang bawal na rin yata akong ngumiti.“Hindi ko akalaing makikita ko ito sa personal,” sabi ko na parang mismo sa sarili ko sinasabi. “The Red Square, parang painting lang.”Tumingin si Ego sa akin. Suot ang itim niyang coat, scarf na nakapalibot sa leeg niya, at ang karaniwang expression niyang parang ayaw niyang umamin na tao siya. “It’s not a painting,” sab
Hindi na naalis sa isip ko ang ngiting iyon. Ang ngiti ng babaeng nakasuot ng belo. Iyong ngiti na para bang akin.Bakit ganoon?Bakit sa dinami-rami ng tao sa Taj Mahal kanina ay may babaeng mag-aaksaya ng oras para titigan ako at sabay ngumiti ng ganoon? Na parang kilala niya kung sino talaga ako?Pagbalik namin sa sasakyan ay tahimik lang si Ego.Pero ang kamay niya, halos puputok na ang ugat sa higpit ng kapit niya sa manibela.Walang nagsasalita.Walang tinginan.Walang paliwanag.Ni hindi siya lumingon sa akin kahit isang beses.“Ego...”Wala siyang sagot.“Ego, sino ang mga iyon? Sila ba talaga ang mga Skeleton?”“Hindi mo na kailangang malaman.” Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada. Parang baka kapag nagsalita pa siya ay sasabog ang buong mundo.“Hindi mo na kailangang malaman,” ginaya ko siya sa tonong nang-aasar. “Puro na lang iyan ang sinasabi mo. Kailan mo ba ako kakausapin nang matino?”Bigla siyang tumingin. Ang mga mata niya ay matalim na parang kutsilyong tumama s
Pangalawang beses ko na iyong muntik mamatay.Una ay sa kasal namin. Ngayon ay dito naman sa India.Sa loob lang ng ilang araw nakilala ko si Diego Buencarlos, nasanay na akong tumakbo, magtago, at magpanggap na kalmado kahit gusto ko nang sumigaw.Pero ngayong nakaligtas kami sa pagsabog sa Buencarlos Grand Hotel, ramdam ko pa rin ang lagkit ng usok sa balat ko.Ramdam ko pa rin iyong amoy ng gunpowder at iyong boses niya sa tenga ko, 'Behind me, Roxy.'Ilang oras kaming nagbyahe palabas ng Agra gamit ang black SUV na minamaneho ni Marcus.Tahimik si Ego sa buong biyahe. Habang ako naman ay nakasandal sa bintana at nakatingin sa dilim ng kalsada.“Walang makakaalam ng nangyari,” sabi niya sa wakas. “I ordered Jander to clean everything up. No press, no witnesses, no trace.”“Ganoon lang?” tanong ko. “Walang magtatanong kung bakit may sumabog sa hotel?”Tumitig siya sa akin, malamig pero matatag. “Hindi pwede magkaroon ng ingay. The Skeletons feed on attention.”“Paano kung bumalik si
Mainit ang gabi sa India. Mabango ang hangin, puno ng insenso at mga bulaklak galing sa mga altar sa labas. Pero sa loob ng Buencarlos Grand Hotel suite— puro lamig at katahimikan.Tahimik siya.Tahimik rin ako.At sa pagitan naming dalawa ay may mga salitang hindi pwedeng sabihin, dahil baka mas masakit pa kaysa sa bala.Napakakumplikado rin niyang tao. Bukod sa ang hirap niyang basahin ay para bang may nakapalibot sa kanyang itim na awra. Nakakatakot pala talaga ang mga mafia.At ako?Ako si Roxy Bustamante. Ang kapalit. Ang anino.Ang babaeng tinuruan ng buhay kung paano magbenta ng katawan para lang mabuhay.“Tumigil ka sa kakatingin,” malamig niyang sabi habang iniinom ang alak sa hawak niyang wine glass sa balcony.“Tinitingnan mo ako para magbasa ng reaksyon? Hindi mo ‘yan makukuha, Bustamante.”Napataas ang kilay ko. Bustamante talaga?Ahh, hindi niya ako matawag-tawag na Roxy na dahil pangalan din pala iyon ng kambal ko. Tsk.Napayuko ako. “Hindi ko naman sinusubukang magbasa
Isang mahinang tapik ang gumising sa akin. Nakanganga pa ako at pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway kaya kaagad kong pinunasan ang gilid ng aking labi."Hindi ganyan ang kilos ng isang Roxanne Rios," walang kabuhay-buhay na saad ni Ego saka tumayo.Napaayos tuloy ako ng upo at kunwari ay nakatingin sa labas ng bintana. Bigla tuloy ako nahiya at lihim na namura ang sarili. Ilang oras ba akong nakatulog tapos nakanganga pa talaga.Saka ko lang napansin na naka-landing na pala ang eroplano. Ganoon na siguro ako katagal nakatulog. Pero sa pagkakaalam ko ay mahigit isang oras lang naman ang papuntang India. Lalo pa at naka-private airplane naman kami at wala ng lay over sa kung saang bansa."She's a woman of modesty," dagdag pa ni Ego.Ano raw? Modesty? Baka modes? Iyong with wings?Nauna na siyang bumaba ng eroplano habang bitbit ang isang maliit na bag— iyong bang nasa game show na Deal or No Deal. Ano ngang tawag doon?"Kami na po ang magdadala ng gamit ninyo, Miss Roxanne," sabi pa
Hawak ko na ang bagong kontrata na ginawa ni Jander habang kanina pa ako nakatingin nang masama sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?" taas-kilay na tanong niya. "Pirmahan mo na kung wala ka ng tanong. Malapit na kayong umalis." Nandito kami sa isang private property ng pamilya Buencarlos. Nagkalat ang mga helicopter at ilang mga private airplane sa paligid. Prente akong nakaupo sa loob ng isang eroplano. Papunta kami ngayon sa India. Oo. Sa India. Para mag-mekus-mekus. Ang ibig kong sabihin ay para sa honeymoon namin. Ayon sa gusto ni Roxanne Rios ay may walong lugar siyang gustong puntahan. Iyon ang honeymoon na gusto niya— ang mag-travel sa iba't ibang lugar. At bilang parte ng pagpapanggap ay kailangan naming sundin ang honeymoon na gusto ni Roxanne Rios. Paanong hindi? Bago pa man siya nawala ay pinanglandakan niya na kung ano-anong lugar ang pupuntahan nila ni Ego sa honeymoon nila. Pinost niya pa iyon sa kanyang social media accounts. Dahil parehas sila ni Ego na mga p







