Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord

Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord

last updateLast Updated : 2025-03-13
By:  Alshin07Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.4
7 ratings. 7 reviews
5Chapters
236views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Kuya, kahit pangkape lang!" Iyon ang lagi kong naririnig kay Nanay noong bata pa ako. Naisip ko dati na sobra talaga kaming naghihirap dahil kahit pambili ng kape ay walang-wala kami. Marumi, mababa ang lipad, at wala ng dignidad— iyon ang buhay na mayroon si Nanay. "Kuya, pangyosi lang!" Hindi naglaon ay sumunod ako sa yapak ni Nanay at iyon na lagi ang linyahan ko gabi-gabi. Pero dahil sa linyang iyon ay mas lalong gugulo ang buhay kong matagal nang miserable. Paanong ang isang babaeng mababa ang lipad na katulad ko ay magiging asawa ng isang makapangyarihan na mafia lord?

View More

Chapter 1

Chapter 1 - Kontrata

"Hoy, kuya! Kahit pangyosi na lang!" sigaw ko sa lalakeng dumaan. "Hay, naku! Sa ganda kong ito? Hindi na naman nakabenta ngayon! Pambihira!"

Nagdadabog akong nagparoon at parito. Ilang oras na akong nakatayo rito sa pwesto ko pero kahit pang-candy lang ay wala pa rin akong kinikita. Hindi pa ako nabobokya simula nang magpasya akong sumunod sa yapak ni Nanay. Isang linggo na rin simula ng mawalan ako ng customer. Ni hindi rin ako tinatawagan ng mga VIP customers ko.

Napasandig ako sa magaspang at malamig na dingding habang nakatingin sa kalsada. Nagpalinga-linga ako at nakikitang nakakabenta na ang ibang mga babaeng tulad ko. Kung tutuusin ay mas masarap pa akong tingnan kaysa sa kanila.

Sa totoo lang ay hindi ko na dapat pang mag-display ng mukha rito dahil mismong customer na ang naghahanap sa akin— pero bigla na lang natigil ang mga tawag sa akin.

Ang sabi sa akin ni Mother— ang handler ko sa pinagtatrabahuan kong club ay rito ako pumwesto.  Sinabi ko rin kasi sa kanya na sa malayo ako ilagay— ayaw kong may makakita sa akin at baka makilala pa ako. Pero hindi ko naman sinabi sa kanya na sa lugar na hindi ako makakadelihensya!

Oo at may ipon pa ako pero hindi ako dapat maging kampante dahil nag-aaral pa sina Josielyn at Matthew— lalo pa at parehas pa silang graduating. Si Josielyn ng kolehiyo at si Matthew naman sa high school. Hanggang second year high school lang ang naabot ko. Kaya gusto ko ay magtapos silang dalawa.

Higit sa lahat ay masyadong mahal ang pagpapagamot kay Nanay.

Si Nanay na dating ganito rin ang trabaho. Sa katunayan ay lumaki akong nakikitang kung sino-sino lang na mga lalake ang lagi niyang kasama. Sa iskwater pa kami nakatira noon. Pinagtagpi-tagping mga sako at karton lang ang nagsisilbing dingding ng bahay namin. Kaya kitang-kita ko at dinig na dinig ang bawat pag-ungol ni Nanay.

Pero kahit ganoon ay wala akong kahit katiting na galit kay Nanay. Dahil hindi niya kami pinabayaan. Dahil inuuna niya kami ng mga kapatid ko.

Dalawang taon na rin pala nang tahakin ko na rin ang landas patungong impyerno. Naalala ko pa kung bakit ko sinuong ang ganitong klaseng trabaho— halos mamatay si Nanay noon, kaya buong tapang kong pinuntahan ang club na pinagtatrabahuan ni Nanay at doon ko nakilala si Mother.

Dahil sa taglay kong ganda ay naging mabenta ako. Simula noon ay hindi na namin kinailangang tumira sa iskwater at mag-ulam ng asin. Ginamit ko ang ganda at katawan ko para iahon sa kahirapan si Nanay at ang dalawa kong kapatid.

At sa dalawang taon na iyon ay hindi pa ako umuuwing walang dalang makakapal na mga pera! Ano ba kasing nangyayari? Siniguro ko namang laging malinis at ligtas ang kipay ko— parte iyon sa pagiging alaga ng Horizon Club. Mayroon kaming weekly check up.

Napangisi ako. Malinis?

Kailan pa ba ako naging malinis?

Nabalik ako sa hwisyo nang may isang puting van ang tumigil mismo sa harapan ko. Nakapagtataka lang dahil ngayon lang ako nakakita ng customer na van ang gamit.

Ito na ba iyong van na nangingidnap daw ng mga tao? Bigla akong napatayo nang tuwid. Napalunok-laway pa ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

Kaya nang bumukas ang pinto niyon ay walang sabi-sabi akong tumakbo.

"Hoy! Sandali!"

Aba at ako nga ang pakay nila! Masama ito! Kaya naman ay binilisan ko pa ang pagtakbo.

"Hoy! Tumigil ka nga!"

"Neknek mo! Bakit ako titigil? Para mahuli mo ako!" ganti kong sigaw habang tumatakbo. Hindi ko na inalintana pang nakasuot pa pala ako ng heels.

"Ano bang pinagsasabi mo!" sigaw muli ng humahabol sa akin.

"Ano bang pinagsasabi ko? Eh?" Nalito man ay hindi ako tumigil sa pagtakbo. "Eh, bakit mo ako hinahabol!"

"Kasi tumakbo ka!" ganti niyang sigaw sa akin.

At dahil sinalo ko na lahat ng kamalasan sa mundo ay may naapakan akong bato. Bakit ba kasi pakalat-kalat dito ang mga bato! Iyan tuloy at nawalan ako ng balanse.

Pero bago pa ako makipag-lips to lips sa magaspang na kalsada ay may humila na sa kamay ko.

"Bakit ka ba kasi tumakbo?"

Kaagad akong napatingin sa lalakeng kanina pa ako hinahabol. Kung nasa ibang sitwasyon lang siguro ay aalukin ko siya ng libreng serbisyo. Kung kidnapper man talaga siya ay handa akong sumama!

Malandi na kung malandi pero ang gwapo niya talaga!

"Miss Roxanne..."

Eh?

Kaagad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Binabawi ko na. Hindi na pala ako sasama sa kanya. Ang weird naman. Hindi ko siya kilala pero alam niya ang pangalan ko. Isa pa, walang nakakaalam ng totoo kong pangalan— maliban kina Nanay at sa dalawa kong kapatid. Kilala ako bilang si Roxie.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Bahagya akong napapaatras. Medyo masakit ang paa ko dahil sa pagkakatapak ko sa bata kanina.

"Gusto kang makausap ng leader namin," dagdag niyang sabi— hindi ko alam kung anong klaseng ekspresyon mayroon ang mukha niya, kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Makausap? Hindi maikama?" diretsahan kong tanong. "Bago yata sa pandinig ko iyan."

Ang weird hindi ba? Kailangan ko na talagang makalayo sa lalakeng ito. Hindi na maganda ang kutob ko.

Bago ko pa man maituloy ang plano kong tumakbo ulit ay pinakita na siya sa akin— isang picture. Wala man siyang sabihin ay sapat na iyon para makuha ang atensyon ko dahil ako ang nasa picture na hawak niya.

Ito na yata ang pinaka-weird na nangyari sa buhay ko— dahil kahit anong piga ko sa utak ko ay hindi ko talaga maalala kung paano ako nagkaroon ng ganoong picture. Tapos ay tuwid na tuwid ang buhok niya at medyo kulot ang buhok ko.

Isa pa...

Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling ngumiti nang katulad ng nasa picture. Iyong klase ng ngiti na abot hanggang sa mga mata. Isang puro at totoong ngiti.

"Huwag kang mag-alala, hindi ikaw ang nasa picture," sabi ng lalake at itinago kaagad ang picture.

"Ah kaya pala," wala sa sariling nasabi ko. "Hindi— eh? Pero mukha ko ang nasa picture. Ilang sako ba ang nahithit mo? Sabog ka na yata. Ipapakita mo sa akin ang picture tapos sasabihin mong hindi ako na kahit baliktarin mo iyang ulo mo ay mukha ko ang nasa picture na iyon."

"Kung gusto mong malaman kung sino ang nasa picture ay sumama ka sa akin at kakausapin ka ng leader namin," saad ng lalake sa tonong nang-aakit para sumama talaga ako.

Curiousness kills the cat daw. Hmm tama ba? O baka community kills the cat iyon? Cutillity?

Ah basta! Iyon na yun!

Hindi ako pwedeng magkamali. Ako talaga ang nasa picture na iyon. Pero ang sabi ng lalake ay hindi raw ako iyon. Parang... kasi wala naman akong picture na ganoon, pati na rin iyong damit na suot.

Kung hindi ako iyon pero kamukha ko siya...

Hala?

May fans ako tapos ginaya ang mukha ko?

"Tahimik ka bang sasama o sapilitan ka naming isasakay sa van?"

"Ay animal ka!" napasigaw ako dahil bigla na lang may sumulpot sa tabi ko.

Nang inangat ko ang mga mata ko ay pakiramdam ko na sa langit na ako. Pero alam kong hindi ako makakapasok doon kaya kinalma ko ang sarili. Pero iyong puso ko...

Ang bilis ng tibok nito.

Hindi ko alam kung paano isasalarawan ang mukha niya. Basta ang alam ko para siyang anghel na bumaba galing sa langit. Ang mga mata niya, ang mga labi niya, ang ilong niya— perpekto ang pagkakahulma. Kahit ang buhok niyang magulo na parang hindi nakaranas ng suklay ay bumagay pa rin sa kanya at ang—

"You look cheap."

Pakiramdam ko ay sinabuyan ako nang malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. Wala naman kasing nakakaalam sa mga kakilala ko na may marumi akong trabaho— maliban lang kay Nanay at syempre sa mga kasamahan sa club. Kahit ang mga kapatid ko ay hindi nila alam. Marami akong natatanggap na mga papuri sa ibang tao dahil sa gandang mayroon ako.

At sa kabila ng mga papuring iyon ay nakatatanggap din ako ng mga insulto sa mga customer ko. Lahat ng iyon ay binalewala ko lang. Dahil tanggap ko na sa sarili ko na mababa akong uri ng babae.

Pero sa mga oras na ito ay bigla akong nanliit sa sarili ko. Hindi ko alam pero sa loob ng dalawang taon ay ngayon lang ako nasaktan sa isang pang-iinsulto.

"Ego..." singit ng lalakeng humabol sa akin kanina. "Baka nakakalimutan mong kailangan mo siya."

Ego? Siya ba ang leader nila?

"Tsk."

Iyon lang at tinalikuran niya kami.

Nilingon ako ng lalakeng humabol sa akin— hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. "Pagpasensyahan mo na si Ego. Gaya ng pangalan niya ay may ego talaga siya."

Nang makasakay na ako sa van ay napansin kong marami sila sa loob ng van. Nakaupo sa unahan iyong lalakeng Ego ang pangalan— sa tabi nung lalakeng humabol sa akin na siyang nasa harap ng manibela. Tapos may apat sa likod at may tatlo rin sa harapan ko— siyam silang lahat. Parehas silang nakasuot ng pormal na damit— ano nga ang tawag doon? Toxico? Tosino? Turko? Ah basta! Iyon yung sinusuot ng mga mayayaman.

Napatingin naman ako sa sarili ko. Ang iksi ng palda ko at backless pa ang damit ko. Nagmukha akong basahan. Kaya pala ako natawag ni Ego ng cheap.

Tinatagan ko na lang ang loob ko habang nakaupo. Naghihintay sa kung anong susunod na mangyayari. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin.

Ilang saglit pa ay nagsalita si Ego. "Magpakasal tayo."

"Oh sige. Iyon lang naman pala..." wala sa sariling sagot ko habang nilalaro-laro ang mga daliri ko. Pero kaagad din akong napaangat ng tingin nang mapagtanto kung anong sinabi ni Ego. "A-Anong sabi mo?"

"Ako na ang bahalang magpaliwanag ng lahat," singit naman noong lalakeng humabol sa akin. "Ang kailangan mo lang ay pumirma ng kontrata."

"Sandali lang," saad ko habang nakataas pa ang kanang kamay sa ere. "Ipaliwanag muna ninyo sa akin bago ako pumirma."

"Ipapadala ko ang nanay mo sa ibang bansa para ipagamot at sisiguraduhin kong makakauwi siyang wala ng sakit," sabi ni Ego habang diretso pa rin ang tingin sa akin. "Sagot ko na rin ang pagpapaaral sa dalawa mong kapatid hanggang makapagtapos sila. At higit sa lahat... maaari mo nang iwan ang maruming trabahong mayroon ka."

"P-Paano mo nalaman ang lahat ng i-iyan?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Kapag natapos ang kontrata, bibigyan kita ng higit pa sa sampung bilyon. Magpakalayo ka kasama ang nanay mo at ng dalawa mong kapatid. Manirahan kayo sa malayo, sa lugar na walang nakakakilala sa inyo at magsimulang muli."

Pati ang pangarap ko na iyon ay alam niya rin.

"Ang tanging gagawin mo lang ay magpakasal sa akin, maging asawa ko sa loob ng isang taon. Kapag nakuha ko na ang gusto ko ay kahit hindi pa nag-isang taon ay makakalaya ka na sa kontrata at ibibigay ko sa iyo ang higit pa sa sampung bilyon. Hindi pa kasali roon ang pagpapagamot sa nanay mo at ang pag-aaral ng dalawa mong kapatid."

May kung sino sa mga lalakeng nasa loob ng van ang naglahad sa akin ng isang pirasong papel at ballpen. Napatingin naman ako roon.

Kung tutuusin ay pabor sa akin ang lahat. Sabi ko noon, susuungin ko ang lahat guminhawa lang ang  buhay namin. Sobra-sobra na itong alok ni Ego sa akin...

Hindi ako natatakot sa mga customer na mukha pa lang ay hindi na maaasahan. Nalagpasan ko ang lahat kahit ang pananakit nila. Pero bakit ngayon ay natatakot ako? Hindi ko nga lang alam kung para saan ang takot na nararamdaman ko.

Isa pa...

Gusto kong malaman kung sino ang babaeng nasa picture kanina.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinirmahan ang kapirasong papel na iyon. "Ngayon ay ipaliwanag ninyo sa akin ang lahat."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Alshin07
June po ang resume ng updates sa lahat ng stories ko po, pasensya na po at salamat.
2025-05-21 13:43:26
0
user avatar
Roxxy Nakpil
Highly reccommended ...️
2025-03-19 21:10:46
1
user avatar
Middle Child
more update miss A=)
2025-03-15 17:26:59
1
user avatar
Anoushka
Highly recommended 🫶🏻
2025-03-12 15:52:54
1
user avatar
Mairisian
must read!!! 🫶🏼
2025-03-12 01:37:01
1
user avatar
Deigratiamimi
highly recommended
2025-03-12 01:29:10
1
user avatar
Gian Chris Mansing
Nakaka walang gana mag basa ng bagong Stories mo. Kc ung iba tagal ko ng natapos basahin hanggang ngaun wala pang update.
2025-04-14 21:08:14
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status