Share

Runaway Miss
Runaway Miss
Author: monsmamoon

Zero

[12 MONTHS BEFORE THE WEDDING]

It's 12 midnight.

Habang nakasandal sa malapad na pader ng isang building katabi ng club ay hindi maiwasan ng dalawa kong braso mapayakap sa sarili. Randam na ramdam ko ang lamig, kahit balot na balot na ako ng suot kong makapal na cardigan.

Usapan namin ni Nics ay before mag-12 am ay dapat nandito na kami sa Oh, Sweet Night Club. This is the first na ako mismo ang umaya sa kaniya, but not the first na late ang pinakamamahal kong bestie na si Nicole Ortega.

Napatingin ako sa madilim at makulimlim na langit sa itaas. Mukhang uulan pa nga dahil sa namumuong makulimlim na ulap sa malawak na kalangitan.

Marahan kong hinawi ang mahaba kong buhok nang ihipin ito pasabay ng malamig na simoy ng hangin, kinapa ang bulsa para kunin ang isang pakete ng matamis na sigarilyo.

Sisindihan ko na sana ito nang bigla akong nakarinig ng pamilyar na boses. Matinis ito at cute na cute.

"Ria! Bestie! My love! Sweetpie!" Sigaw nito habang kumakaway mula sa 'di kalayuan, malawak ang ngiti.

Nakasuot ito ng maikling split skirt at puting polo. May tatlong butones na nakaiwang nakabukas.

Kulay ask pink and buhok ni Nicole. One time, naikwento niya sa 'kin na talagang may nag-report pa sa kaniya sa trabaho dahil lang sa naka-dye ang buhok niya. It's a common discrimination happening in some workplaces, especially if the said fiels is in professional setting. Pero maswerte si Nicole dahil ni-disregard lang ang report ng co-worker niya. And she was able to wear her favorite color.

Tumingin ulit ako sa nakangising mukha ni Nics. Napabuga ako ng hangin at napairap ng mata.

Eh, paano ba naman, anong oras na?

Mahina akong natawa. "Nics, paki-check nga ng relo mo. Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya na may halong pagka-sarkastiko ang tono.

Ngumisi naman ito sa 'kin at nilapat ang index at saka middle finger sa harapan ng wrist niya. "Ping! Wala akong relo!" At saka humalakhak nang parang baliw.

Kahit na maiksi ang pasensya ko ay eh pagdating kay Nicole, tila 'di gumagana 'yung pagiging strikta ko sa mga bagay-bagay. Sa totoo lang, mas nakukusundo ko pa siya kaysa sa mga pinsan ko na nakakasama ko minsan sa bahay. I can say that she's more like my little sister.

Bumagsak ang tingin ni Nicole sa hawak-hawak kong isang pakete ng sigarilyo. "Hoyyy! Ano 'yan? I thought you already quit?"

Shit! Nahuli ako.

Tinapon ko naman agad ang isang buong pakete sa gilid. "Ha? Kakabili ko lang nito kanina," mabilisang rason ko sa kaniya.

"Aria, ha!" Napabusangot ang mukha niya.

"I will quit soon."

Ngumiti si Nicole sa 'kin at saka niyakap ang right arm ko. Iginaya niya naman ako papunta sa may entrance ng club.

"Sorry, besh, ah. Na-late ako hehe. If only my new boss didn't gave me too much task to comply. I am not supposed to do overtime pero nang dahil sa kaniya grrr!" Makikita mo sa mukha ni Nicole na gigil na gigil siya sa bagong boss niya. Tila nag-aapoy ang mga mata nito habang naka-fist ang maliit nitong kamay.

"Uh-uh." Tango ko, kunwari ay na-cconvince niya ako.

"Oo nga, besh! Maniwala ka sa 'kin. Hmph! Sure talaga ako na binu-bully ako ng boss ko. Nakakaiyak. Why me?" Pagkuwan ay bumagsak ang dalawang balikat nito at napanguso.

Nakalinya na kami ngayon sa may entrance ng bar. Kita naman mula sa pwesto namin sa linya ang nakatayong mga bouncers. Magkatapat ang mga ito sa gilid ng entrance ng club. As usual, they are wearing the same fitted black shirt. Ang isang bouncer ay nag-ccheck ng ID at ticket sa mga pumapasok. Habang ang isa naman ay tila kung saan-saan na napupunta ang isipan.

Habang nahihintay kami ng turn namin, sa harap namin ay isang matangkad na lalaki. Kung titignan, mukhang hanggang dibdib lang yata ako nito. Mabango rin ito, dahil din medyo malapit ako sa kaniya ng kaunti ay pumapasok sa ilong ko ang mabango niyang perfume.

Mga ilang minuto ay nagsimula na itong humakbang kasi turn na niya. Sumunod na rin kami ni Nicole. Nasa tabi ko siya sa may right side habang ako ay naka-align naman sa linya ng lalaki.

Pagkatapos ng ilang habang nito ay biglaan itong napahinto dahilan para mangudngod ang mukha ko sa malapad niyang likuran.

"Ah!" nakangiwing sambit ko't napahawak sa noo ko.

Pinaharap ako ni Nicole sa kaniya. "Omg, Ria!" At saka tumingala roon sa lalaki. "Dahan-dahan naman po. May tao po sa likuran niyo. Hello?" Mataray na singhal ni Nics dito.

Tumingin ako sa lalaki na ngayo'y nakalingon na sa amin. Napakunot naman ang noo ko nang pagkatapos nito lumingon ay nagpatuloy lang ito sa pagpasok ng club na parang walang nangayari.

Napaismid ako.

"Gosh! Hindi man lang nag-sorry oh! That jerk!"

Napahawak nalang ako ng ulo. "Hayaan mo na, Nics."

Hindi ko nalang pinagbigyan ng pansin masyado at saka inabot sa isang bouncer ang ID at ticket naming dalawa ni Nicole.

Tuluyan naman kaming nakapasok sa loob ng club.

Sumalibong naman sa 'min ang naglalakasang musika mula sa malalaking speaker. Napatakip naman ako ng kabilang tainga.

Tumingin ako sa paligid. Sa ilalim ng disco ball lights ay mga todo sayaw na mga tao, tila mga wala na sa tamang huwisyong iginigiling-giling ang mga katawan habang nilulunod ang sarili sa alak. Ang iba naman ay tahimik lang na umiinom sa bar counter. May kaniya-kaniyang table rin sa gilid at mga private or VIP rooms kang makikita.

This is my first time to enter this kind of place, but not for Nicole. Sabi ni Nicole ay safe naman daw sila rito at saka sure na sure raw ito dahil kilala nito ang may-ari ng club na ito.

Dumiretsa na kami sa bar counter. The flash din namang nag-order si Nicole ng tinatawag niya na tequila blanco.

"Two glasses of blanco tequila, please," ani nito sa bartender.

Hindi ako umiinom pero just this once, for tonight.

"So... what's the deal?" Napatingin ako kay Nicole na ngayo'y nanlalagkit na ang tingin sa bartender na kumuha ng order namin kani-kanina lang. "It's unusual of you na ayain ako sa ganitong klaseng lugar, when you hate crowded places like this." Bumaling siya sa 'kin.

Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "Mom just announced the date of my marriage."

Muntik na akong atakihin sa gulat nang bigla tumayo si Nicols mula sa upuan niya. "WHAAA? NO!"

Kamuntik rin masagi ni Nicole ang bagong serve na drinks na bitbit ng bartender. "—Ay, sorry!" at saka namang pasimpleng hinagod ni Nicole ang braso ng naiilang na na bartender.

Hindi ko maiwasan mapa-facepalm.

My god, Nicole.

Umalis na rin ang bartender sa harapan namin at saka nag-cater ng mga bagong dating na customer.

Napailing ako. "Kahit kailan talaga, ang landi-landi mo," natatawa kong sabi sa kaniya.

"Ano ba, Besh? Hindi ako nakikipagbiruan ha. Seriously! Pakiulit nga ng sinabi mo."

"Ayaw. At saka hindi rin ako nakikipagbiruan, Biatch. You know me."

"Ano ba!"

Hinawakan naman ako ni Nicole at saka niyuyogyog ang magkabilang balikat ko.

Nagpayugyog lang din naman ako.

"Noooo! You're supposed to marry me!" Habol pa nito't pagkatapos ay napasabunot sa sariling buhok.

Mukhang mas frustrated pa nga yata ito kaysa sa 'kin.

Mahina akong natawa. "Hindi ka pa nga umiinom, lasing ka na agad?"

Sumeryoso naman ang mukha niya at saka umupo't humarap sa 'kin. "So, what's your plan? Hahayaan mo nalang mangyari 'yun?"

"I don't know," matabang kong sagot.

"Come on, Aria! Ikaw ba 'yan? Why would you give up so easily? You don't even love that ugly jerk! Hindi lang 'yun panget, total womanizer pa. Hahayaan mo nalang ba na matali ka sa isang pangit?" ratrat na sabi ni Nicole.

Talo pa niya yata si eminem sa bilis niya magsalita.

Nasabi ko na rin kasi sa kaniya kung sino itong lalaking pinapares ng mama ko sa 'kin. Cliché as it may it sounds, but my mother wants me to marry her bestfriend's son, Ashton. Him and I knew each other even since we're a child. I don't really like him, not only as man, but also as a person. Napakapangit lang ng ugali nito to the point na halos hindi ko masikmura.

I first met Nicole when I was in my second year in college. We're not blockmates, and we don't even have mutual friends, we happen to know more about each other because of Ashton. That time, I was taking Bachelor of Arts in Photography, while Nicole taking Business Management. Nicole and Ashton took the same course and are blockmates. That time as well, Nicole has this huge crush to Ashton and Nicole hated me because Ashton keeps on sticking by my side. But I ended up clearing the misunderstanding which made Nicole and I to become friends. I didn't help Nicole when she asked me to help her para mas mapansin siya ni Ashton. I especially said and told her to find out herself as to why I said no to her. She then took the courage to confess, but ended up getting rejected. Not only that, she was also called "ugly" by Ashton. Kaya ganoon nalang ang pagka-bitter niya sa lalaki.

Sumimsim muna ako ng tequila at saka gumawa ng tunog sa labi. I then pause for a second and...

"Should I runaway?"

Tumayo ulit si Nicole. "Yes, but before that..." She paused and cheers her glass to mine. "Let's enjoy this night first to the fullest! Whooo!" Malakas na hiyaw nito't hinila ako papunta sa dance floor.

Dahil na rin maraming tao ang umiindak at sumasabay sa malakas na ingay mula sa naglalakihang speakers ay halos hindi na kami magkarinigan ni Nicole.

Pumikit na lamang muna ako at nagpadala sa daloy ng alak sa katawan. Pilit kinakalimutan ang pagtatalo namin ni mama kaninang umaga.

Wala sa huwisyo na akong sumasayaw habang hawak-hawak ang caballito ng tequila. Ganoon din naman si Nicole. Sumasayaw kami ng sabay, at magkahawak kamay. Hanggang sa ilang minuto nakalipas ay naiwan nalang ako mag-isa at saka nakita si Nicole na nakikipagsayaw na sa isang lalaki sa hindi kalayuan.

Wala na akong pakealam. Kahit ngayong gabi lang... gusto kong maranasan maging malaya.

Bigla ko namang naramdaman ang tahimik sa paligid ngunit tuloy pa rin ang tugtog na naglalaro sa paligid.

Medyo lasing akong napatigil. Nagsinghapan ang mga tao at nag-uusapan habang nagkukumpulan sa isang table malapit sa stage ng DJ.

"Argh..." Napahawak ako sa noo ko.

Ang sakit ng ulo ko.

Kasabay ng paglakad ko papuntang bar counter ay ang paghinto naman ng musika na pinapatugtog. Mas lalo ring lumakas ang singhapan ng mga tao sa paligid.

Lumingon-lingon naman ako para hanapin si Nicole. Nahagip ko naman siya. Andoon din ito sa nagkukumpulang tao at tila nakikisali sa chismis. Napapatakip pa ito ng bibig.

Ano bang meron?

Lumapit na rin ako out of Curiousity. Hawak-hawak ko pa rin ang ulo.

"I trusted you, Mist! Why?!" hiyaw ng isang lalaki.

Nakasuot ito ng puting shirt habang may suot na pulang cap.

Nakita ko naman ang isang babaeng umiiyak habang yakap-yakap ang mamahaling purse sa gilid na kaunting nakatago rin likuran ng isa pang lalaki. Napatingin ako ro'n sa lalaki. May pasa ito sa mukha at mukhang pinoprotektahan ang babaeng nagngangalang Mist.

"Teka..." pabulong kong sabi at napatingin doon sa lalaking humihiyaw na parang nanginginig sa galit.

Siya 'yung lalaki kanina sa may entrance ah?

Bigla naman itong bwumelo para suntukin sana 'yung lalaking pumoprotekta ro'n sa babae.

Nagsisinghapan at tilian na naman ang mga tao sa paligid.

"E-Easton! Tama na!" Hagulgol ng babae at saka hinawakan sa braso ang lalaking nagwawala.

Tinulak niya ang babae palayo ngunit marahan. "I can't believe you, Mist. You fvcked me up." Ramdam mo na sa bawat salita nito ay may halong diin.

At ito saka humakbang paalis sa eksenang iyon.

Before he can pass by me, our eyes met. I can't help drown by his heavy brown eyes, that were in deep pain. I don't know him, but I feel bad for him and for some reason, my heart aches.

What's this?

Bigla nalang gumalaw ang katawan ko. I grabbed his arms to face him.

I tiptoe then swift my both hands on his cold pale cheeks.

And before I knew it, I kissed him. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status