Share

Chapter 7

Author: Dieny
last update Last Updated: 2025-05-02 19:59:14

Nagulat si Jessica sa biglaang tanong mula sa kabilang linya. Nanginginig ang boses niya habang nagsalita.

“A-Ano bang magagawa ko? Siya ang hindi makapag-isip nang maayos! Anong kinalaman ko ro’n?”

Pero sumigaw si Nolan, galit na galit.

“Tumigil ka nga sa palusot! Ikaw ang paulit-ulit na nanggulo sa kanya. Ngayon patay na si Catherine—masaya ka na ba?!”

“A-Ako... Wala akong balak na ganito ang mangyari. Gusto ko lang naman na lumayo siya sa ’yo. Hindi ko alam na ganito siya ka-extreme...” Halata ang takot sa tinig ni Jessica.

Naputol ang tawag. Napaupo si Nolan, hawak pa rin ang cellphone. Nakatingin siya sa loob ng kabaong kung saan nakahimlay si "Catherine", at hindi na niya napigilan ang tuluyang pag-iyak. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha nito.

“Catherine... sorry. Ako ang may kasalanan. Mali ako. Pwede bang bumalik ka na lang...” mahina niyang bulong.

Ang mga bulong at pakikiramay ng mga bisita sa burol ay tila mga alingawngaw na lang sa tenga ni Nolan. Ang tanging nanatili sa mundo niya ngayon ay pagsisisi at matinding sakit.

***

Samantala, sa isang matahimik na bayan sa Switzerland, banayad na sumisinag ang araw habang abala si Catherine sa pagbubukas ng isang café sa ilalim ng bagong pagkakakilanlan.

Sa loob, naamoy ang masarap at matapang na aroma ng kape. Tahimik siyang naglilinis ng isang tasa, pero paminsan-minsan, lumilingon siya sa bintana, parang may iniisip, parang may iniiwasan.

Pumasok si Calix, gaya ng nakagawian, at ngumiti.

“Nathalie, kamusta ang benta ngayon?” Suot ang apron, handa na siyang tumulong.

Ngumiti ng tipid si Nathalie habang sumagot, “Ganun pa rin, pero salamat sa lagi mong pagtulong.”

Habang inaayos ang coffee beans, nagkwento si Calix.

“Alam mo, Nathalie, iba ka talaga. Ang dami mong pinagdaanan pero ang lakas mo pa rin.”

Napahinto sandali si Nathalie, bahagyang tumigil ang kamay niya. Napangiti siya ng pilit.

“Malakas? Hindi naman. Nagsu-survive lang ako.”

Bumalik sa alaala niya ang masasakit na karanasan—ang panloloko ni Nolan, ang mga mapanirang salita ni Jessica. Bawat eksena, parang punyal sa dibdib niya.

Tumingin si Calix sa kanya, seryoso ang tono. “Alam kong marami kang tinatagong sakit. Pero kung papayag ka, gusto kong tulungan ka. Hindi mo kailangang buhatin lahat mag-isa. Sino pa ang magtutulongan sa lugar na tayo lang din ang nagkakaitindihan, hindi ba?”

Napatingin si Nathalie. May bakas ng emosyon sa mga mata niya, pero agad rin itong nawala.

“May mga sugat na hindi na talaga gumagaling.” Mahina at halos nanginginig ang boses niya, pilit pinipigil ang emosyon.

Lumipas ang mga araw, at unti-unting nabawasan ang lamig sa puso ni Nathalie dahil sa presensya ni Calix.

Isang gabi, aksidenteng nakakita si Calix ng lumang mga litrato at ilang sulat sa pinakatagong bahagi ng drawer ni Nathalie. Sa mga litrato, malinaw—si Catherine iyon.

Nang gabing iyon, hinarap niya si Nathalie.

“Nathalie...” panimula niya, may halong pag-aalinlangan ang boses. “Alam kong ikaw si Catherine Adams. Nalaman ko na rin ang lahat ng pinagdaanan mo.”

Nanlaki ang mga mata ni Nathalie. Namutla siya at hindi sinasadyang napakapit sa laylayan ng suot niya.

“Alam mo na ang lahat...” mahinang bulong niya.

Nagsama-sama sa mga mata niya ang takot, galit, at kawalan ng pag-asa.

Agad siyang nilapitan ni Calix.

“Hindi ko sinadya na usisain ang mga gamit mo. Gusto ko lang talaga na tulungan ka. Matagal ko nang hindi nakikita ang maganda mong ngiti. Ngayon alam ko na kung bakit—dahil sa ginawa nila. Pero ang pagpapanggap mong patay ay pagtakas lang, hindi iyon solusyon. Uwi na tayo. Panagutin natin sila.”

Natigilan si Nathalie. Matagal na niyang gustong bumalik para gumanti, pero natatakot siyang harapin ang sakit muli.

“Natatakot ako… Matagal bago ako naging kalmado. Natatakot akong baka masaktan lang ulit ako pagbalik ko...”

Pumatak ang luha niya. Sa tagal ng panahon, ngayon lang muling sumabog ang lahat ng hinanakit niya.

Marahang niyakap siya ni Calix.

“Don’t be afraid. I’m here. Hindi ka na nag-iisa. Kakampi mo ako.”

Umiyak si Nathalie sa mga bisig niya. Pagkalipas ng ilang sandali, tumingala siya—at sa unang pagkakataon, may bakas ng determinasyon sa mga mata niya.

“Sige... Uuwi tayo. At pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila.”

Muling nag-alab sa puso niya ang apoy ng paghihiganti. At si Calix—ang magiging matibay niyang sandigan.

***

Dalawang taon ang lumipas.

Sa isang marangyang banquet hall, magkahawak-kamay na pumasok sina Nathalie at Calix. Mapang-akit ang presensya nilang dalawa at agad silang napansin ng lahat.

Tahimik lamang si Nathalie habang humihigop ng champagne. Pero sa likod ng kanyang mahinahong anyo, mabilis ang tibok ng puso niya—kasabay ng pagbabalik ng mga masakit na alaala at matinding hangarin para sa hustisya.

“Don’t be afraid, I’m here,” mahinang bulong ni Calix habang hinawakan niya ang kamay ni Nathalie, pinapalakas ang loob nito.

Bahagyang tumango si Nathalie, may konting ngiti sa labi.

“Okay lang ako. Pero hindi ko akalaing pag nakita ko ulit siya... ganito pa rin kasakit.”

Sa kabilang panig ng hall, nakatayo si Nolan. Mula pa kanina, hindi niya inaalis ang tingin sa likuran ni Nathalie. Litong-lito siya.

“Bakit buhay si Catherine? Hindi ba't patay na siya? Ibig sabihin... lahat ng iyon ay palabas lang?”

Napakunot ang noo niya. At sa kanyang isipan, iisa lang ang malinaw—kailangan niyang alamin ang totoo.

Makaraan ang ilang sandali, muling inayos ni Nolan ang kanyang damdamin at lumapit kina Nathalie at Calix. Ngayong pagkakataon, mas matigas na ang tono ng kanyang boses.

"Kung ikaw man si Catherine o hindi, gusto kong makausap ka nang sarilinan."

Agad sanang sasagot si Calix para tumanggi, ngunit marahang pinat tapik ni Nathalie ang kanyang braso, senyales na huwag siyang mag-alala.

"Calix, hintayin mo muna ako roon. Kakausapin ko lang ang ginoong ito."

Pagharap niya kay Nolan, may bahid ng hamon ang tingin niya.

"But, Mr. Martinez, say what you need to say. I don’t have much patience."

Naglakad ang dalawa papunta sa balkonahe. Malamig ang simoy ng hangin sa gabi, pero hindi iyon sapat para mapawi ang init ng galit na namumuo sa puso ni Nathalie.

Si Nolan ang unang bumasag sa katahimikan.

"Catherine, ano bang ginagawa mo? Hindi ba’t patay ka na?"

Napangisi si Nathalie, puno ng panlilibak ang kanyang tono.

"Mr. Martinez, mukhang nagkakamali ka talaga ng pagkakakilanlan. Pero dahil sa sobrang kulit mo, pagbibigyan na kita. Tell me, why are you so sure that I’m that poor woman who killed herself after being betrayed by you?"

Habang binibigkas niya ang salitang “betrayed,” kumislap ang sakit at galit sa kanyang mga mata, ngunit agad niya rin itong pinanatiling tago sa ilalim ng malamig niyang ekspresyon.

Normal na iyon, dahil sa mismong araw ng kasal, kumalat ang balita tungkol kay Catherine kaya hindi malabo na alam din iyong ng karamihan.

Hindi agad nakasagot si Nolan, natigilan siya sa matalas na tanong ni Nathalie. Pilit niyang tinitigan ang babae, hinahanap ang mga pamilyar na anyo sa kanyang mukha.

"Your eyes, your gestures… lahat pareho. You can’t fool me."

Bahagyang tumagilid si Nathalie at tiningnan siya ng malamig.

"Mr. Martinez, mukhang miss na miss mo na talaga ang ex-girlfriend mo. But too bad, I’m not her. Kung wala ka nang ibang sasabihin, aalis na ako. My fiancé is still waiting."

Pagkasabi nito, lumingon siya at papalayo na sana.

Ngunit biglang hinawakan ni Nolan ang kanyang pulso. Excited at desperado ang boses nito.

"Catherine, you can’t just walk away like this! Ano ba talaga ang balak mo?"

Mabilis na pinigilan ni Nathalie ang kamay nito at mariing tinanggal ang pagkakahawak. Matatalim ang titig niya habang nagsalita.

"Hindi ba’t may fiancée ka na. Watch your words and your actions. At isa pa, layuan mo ako. Baka pagsisihan mo pa."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Runaway from My Jerk Husband   56

    "Ang bango naman!" bulalas ni Nathalie habang nakangiti. "Hindi ko inakalang 'yung luto mong hindi ko natikman noon, ay babawiin mo ng ganito ka-sarap ngayon."Habang niluluto ni Calix ang mga inihaw, siya ang unang kumuha ng isang maayos na pagkakaluto at inabot iyon kay Nathalie. Maingat niyang binudburan ito ng cumin at chili powder, kaya’t nang matikman ni Nathalie, halos napapikit siya sa sarap."Grabe, ang galing mo talaga, Calix," puri ni Nathalie habang patuloy na kumakain. "Sana pala noon pa kita pinagluto!""Oo nga eh," sabat ni Christian habang sumisinghot-singhot sa amoy ng inihaw. "Ang tagal na mula nang huli kang nagluto, Mr. Mendoza. Kahit ako, bihirang makatikim ng ganyang level ng barbecue!"Habang nagsasalita, tuloy-tuloy lang siya sa pagkain, halatang natatakot na maubusan. "Swerte ni Miss Nathalie at Miss Jillian, nadamay rin ako sa grasya!"Kahit si Calix, habang abala sa pagluluto, kumuha rin ng isa at tinikman ang sarili niyang gawa. Sa bawat kagat, tumatagos ang

  • Runaway from My Jerk Husband   55

    Nang mapansin ni Jillian na unti-unti nang lumulubog ang araw at dahan-dahang bumabalot ang dilim sa kapaligiran, siya na mismo ang nagmungkahi."Pagabi na rin... Tara na, bumalik na rin tayo."Bahagyang napatingin si Nathalie sa paligid, at agad na pinilit iayos ang sarili. Nagpanggap siyang walang anuman, pilit pinawi ang bigat na kanina pa niya kinikimkim."Uh-huh, let's go." Mahinang tugon niya, saka sila bumalik ni Jillian sa kampo.Pagkarating nila, bumungad agad ang tanawin ng apat na tent na maayos nang naitayo. Nandoon sina Calix at Christian, tila abala sa huling mga paghahanda."Uy, andito na kayo. Tingnan n'yo, tapos na ang tents!" Masiglang bati ni Calix habang pinapagpag ang mga kamay mula sa alikabok."Gusto mo ba sa isang tent kayo ni Jillian matulog, o gusto mong mag-isa?" tanong pa ni Calix, habang sinisilip ang ayos ng pagkakatayo ng huling tent.Lumapit si Calix kay Nathalie, sabay bitaw sa mga gamit na hawak niya. Nakita niyang iniikot ni Nathalie ang tingin sa mg

  • Runaway from My Jerk Husband   54

    “Alam ko naman na magaling ka na talaga noon pa,” biglang sabi ni Calix, nang mapansing parang may ikinukubli si Nathalie. “Pero mukhang na-underestimate kita. Kapag nakaakyat ka na sa tuktok ng bundok, baka gusto mo pang umakyat ulit.”Agad napansin ni Calix ang biglaang pagkahinto ni Nathalie sa kanyang kwento. Ramdam niyang may gusto sanang sabihin ang dalaga pero pinipigilan ang sarili. Ayaw na niyang balikan pa ni Nathalie ang mga alaala na mukhang bumabagabag dito. Kaya minabuti na lang niyang ilihis ang usapan. Sa di inaasahang pagkakaunawaan nila, pareho nilang piniling huwag nang balikan ang lumipas.“Nathalie, grabe ka. Ako nga eh, hiningal na kahit kalahati pa lang ang nararating natin,” sabat naman ni Jillian na naririnig ang usapan nila. “Ikaw parang hindi man lang pinawisan. Kahit wala kang sabihin, halata namang sanay ka. Unlike me, medyo pagod na.”Bagama’t nagbibiro si Jillian, hindi niya naiwasang mapansin ang kakaibang interaksiyon sa pagitan nina Nathalie at Calix.

  • Runaway from My Jerk Husband   53

    Habang tahimik na nakatitig si Nathalie kay Calix, napansin niya kung gaano ito nag-aalala, hindi man tuwirang sinasabi ng binata, ramdam iyon sa bawat salita at kilos nito. Sa kabila ng lahat, tinanggap niya ang inabot ni Calix at hindi na binanggit ang tawag na kanina'y gumambala sa kanila."Okay, noted," sagot ni Nathalie, kasabay ng isang mahinhing ngiti.Matapos siyang pakalmahin ni Calix, hindi na niya muling binuksan ang usapan tungkol doon. Alam niyang hindi tamang panahon iyon para ipilit pa."Si Jillian ayos na raw. Ikaw na ang magmaneho, diretso na tayo mula rito," utos ni Calix matapos ang ilang sandali.Hindi nagtagal, lumabas na si Jillian mula sa crew. Nakasuot na ito ng pang-araw-araw na damit, malayo sa karakter na ginagampanan niya sa set. Halatang handa na rin itong umalis.Sa mabilis na hakbang, nilapitan ni Jillian si Nathalie at ngumiti."Okay, hintayin n’yo lang ako saglit," wika ni Calix bago lumakad palabas ng crew area upang kunin ang sasakyan.Habang naglala

  • Runaway from My Jerk Husband   52

    “Hindi naman sa masyado akong alerto, kundi dahil sobrang excited lang talaga ako ngayon. Gusto kong umakyat sa bundok para makita ‘yung meteor shower kahit AI lang.”Napangiti si Nathalie habang sinasabi iyon, hindi maitago ang saya sa boses niya. Halatang punong-puno siya ng enerhiya at sabik sa lakad nilang magkaibigan. Sa gilid ng bibig niya ay may bahid ng tawa habang pinipigilan ang sarili.“Sige na, bumaba ka na. Baka ready na sina Jillian,” sabi ni Calix habang tinatapik ang balikat niya, medyo natawa na lang sa nakikitang sigla ni Nathalie.Kinusot muna ni Nathalie ang kanyang mga mata, parang sinusubukang ipanumbalik ang sarili sa realidad matapos ang maikling sandaling pagkamangha. Tapos ay dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin kay Calix, na tila hinahanap ang kumpirmasyon sa nararamdaman niya.Pero kahit anong pilit niyang kontrolin, hindi maitatago ang kislap ng kasiyahan sa kanyang mga mata.Maya-maya pa, kusa na niyang binuksan ang pinto ng kotse at halos sabay sa pag

  • Runaway from My Jerk Husband   51

    Matapos makausap ni Nathalie sina Avery at Jillian at maayos ang kanilang plano para sa kinabukasan, saka lang siya nakahinga nang maluwag. Para bang nabawasan ang bigat na kanina pa nakadagan sa dibdib niya. Ang tanging hinihintay na lang niya ngayon ay ang muling pagkikita nila bukas ng gabi sa tuktok ng Tagaytay.Pagkatapos noon, inayos na niya ang kanyang mga gamit at kumain ng hapunan. Sa wakas, isang gabing wala siyang kailangang asikasuhin sa kompanya. Kaya matapos kumain, nahiga siya sa kama at sinulit ang bihirang sandali ng kapahingahan.Biglang tumunog ang cellphone niya—si Calix ang tumatawag.“Hello? Anong meron?” tanong ni Nathalie habang nakahiga pa rin sa kama, bahagyang nag-aalala. Akala niya ay may problema sa opisina.Ngunit sa kabilang linya, malumanay ang tinig ni Calix. “Wala naman. Gusto ko lang sabihin na bukas, ako na ang bahalang magmaneho papunta sa Tagaytay. Susunduin muna kita sa bahay, tapos dadaanan natin si Jillian sa set. Naayos na rin ni Christian ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status