Namutla agad ang mukha ni Nolan. Bahagyang nanginig ang kanyang mga labi, halatang may gusto siyang sabihin, pero agad siyang napatigil sa sumunod na sinabi ni Catherine.
“Niloloko mo na ba ako ngayon?” malamig ang boses ni Catherine habang nakatitig nang diretso kay Nolan. Walang kahit anong init o emosyon sa kanyang mga mata, parang tinitingnan lang niya ang isang estranghero.
“Catherine, hindi ‘yan ang iniisip mo. Totoo ‘to, may emergency lang talaga sa kumpanya,” paliwanag ni Nolan, halatang nagmamadali. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya maiwasang umiwas ng tingin.
Tahimik lang si Catherine. Sa loob-loob niya, napapailing na siya, pero ang kanyang mukha ay nanatiling kalmado—tulad ng isang lawa na walang alon. “Sige, umalis ka na. Ako na lang ang maiiwan dito sandali.”
Nagdadalawang-isip si Nolan sa loob ng ilang segundo, pero sa huli, tumalikod siya at mabilis na umalis.
Habang pinapanood ni Catherine ang papalayong likod ni Nolan, tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Ang lalaking minsang nangakong poprotektahan siya habambuhay ay iniwan na lang siya nang ganoon kadali—para sa ibang babae.
Nanatili lang si Catherine sa kinatatayuan niya, hinahayaan ang malamig na hangin sa bundok na tangayin ang kanyang mahabang buhok. Parang isa siyang estatwang walang buhay.
Tinitigan niya ang kumukutitap na taillights ng sasakyan ni Nolan sa malayo, at unti-unting nanlamig ang kanyang mga mata. Malalim siyang huminga, pilit pinapakalma ang sarili. Alam niya—lahat ito ay bahagi ng plano. Malapit na. Malapit na niyang tuluyang talikuran ang lalaking sumira sa puso niya.
Makalipas ang ilang minuto, isang itim na kotse ang dahan-dahang huminto sa harapan niya. Bumaba mula rito ang isang lalaking nakasuot ng itim na face mask. Lumapit ito sa kanya at inabot ang isang dokumentong nakalagay sa envelope.
“Miss Catherine, ako po ang staff mula sa fake death agency,” malamig at mababa ang boses ng lalaki. “Nandito po ang bago niyong pagkakakilanlan at lahat ng kailangang dokumento. Handa na po ang lahat.”
Tinanggap ni Catherine ang envelope, binuksan ito, at sinuri ang laman. Naroon ang isang bagong identity document, passport, at ilang dokumento tungkol sa kanyang mga ari-arian.
“Nathalie Cristobal…” bulong niya habang tinititigan ang bagong pangalan, para bang unti-unti niyang tinatalikuran ang kanyang nakaraan at sinasalubong ang bagong buhay.
“Okay. Bukas, ayon sa plano, ihatid ang pekeng bangkay sa mismong wedding venue. Siguraduhin n’yong mukhang totoo,” mariin niyang utos.
“Walang problema, Miss Catherine. Sanay na sanay na po ang team namin sa mga ganitong klase ng setup. Hindi po kami magkakamali,” kampanteng sagot ng lalaki.
Mula sa bag, kinuha ni Catherine ang cellphone na naglalaman ng voice at chat recordings ni Jessica—mga pruweba ng paninira nito. Inabot niya ito sa lalaki.
“Ibigay mo ‘yan sa groom. Sabihin mong wedding gift ko,” aniya na may bahagyang mapanuyang ngiti sa labi.
Tumango ang lalaki, bumalik sa kotse, at mabilis na nawala sa kadiliman ng gabi.
Tahimik na tumingin si Catherine sa lungsod na kumikislap mula sa ibaba ng bundok. Dati, ito ang tingin niyang tahanan—kanlungan ng kanyang saya. Pero ngayon, ito na ang ugat ng kanyang sakit.
“Nolan… Jessica… pagbabayaran n’yo ang lahat ng sakit na binigay n’yo sa akin,” mahina niyang bulong habang mariin ang kanyang titig sa malayo.
Pagkatapos ay humakbang siya, kahit pagod na ang katawan, papunta sa kabilang kalsada kung saan may sasakyan nang naghihintay para dalhin siya sa airport.
Habang nasa loob ng kotse, tahimik lang siyang nakatingin sa labas. Nagbalik sa isipan niya ang masasayang alaala nila ni Nolan—mula sa matatamis na simula, hanggang sa pagdududa, at ngayo’y hayagang pagtataksil. Parang isang panaginip na nauwi sa bangungot.
Ngayon, siya na lang ang natira—wasak, sugatan, at tuluyang tumatakas sa lungsod na minsang naging buong mundo niya.
“Tapos na ang lahat. Simula ngayon, ako na si Nathalie Cristobal. Panibagong buhay,” pangakong binitiwan niya sa sarili.
Pagkarating sa airport, huminga siya nang malalim, hinila ang kanyang maleta, at matapang na pumasok sa departure hall.
Sa paglipad ng eroplano, ipinikit ni Catherine ang mga mata, muling huminga nang malalim.
“Goodbye, Catherine. Hello, Nathalie.”
***
Dumating na ang araw ng kasal.
Sa isang marangyang cruise ship, umaalingawngaw ang malambing na tugtugin, sinabayan ng liwanag mula sa naggagandahang chandelier. Pero nabasag ang lahat ng kagandahan nang biglang may mangyaring hindi inaasahan.
Nagkatinginan at nagbulungan ang mga bisita, litaw ang kalituhan sa kanilang mga mukha.
“Anong nangyari? Nasaan ang bride?”
“Baka tumakas?”
Habang patuloy ang pag-uusap ng mga bisita, pumasok ang ilang lalaking nakaputi sa loob ng bulwagan—may dalang kabaong.
Lumapit ang isa sa kanila at mahinahong iniabot ang isang papel.
“Groom? Mr. Martinez? Ito po ang death confirmation ni Miss Catherine. Nagpakamatay po siya. At ayon sa sulat na iniwan niya sa mismong katawan niya, dadalhin ang bangkay niya rito.”
Nataranta ang kaibigang si Carlo at agad sinalo si Nolan na parang nawalan ng lakas. “Nolan! Kalma lang. Baka may hindi lang pagkakaintindihan.”
Namumula ang mga mata ni Nolan habang pasigaw niyang sinabi, “Yes! This must be a mistake! Catherine… she can’t be dead!”
Mabilis siyang lumapit sa kabaong, mahigpit na kumapit sa gilid nito, parang gusto niyang gisingin ang babaeng naroon.
Nang sa wakas ay masilayan niya nang malinaw ang mukha ng babae, para siyang binagsakan ng langit at lupa. Napaupo siya sa sahig, nanghihina, hawak ang death confirmation na nanginginig pa ang kamay.
“Impossible… ilang araw lang ang nakalipas, she was fine… paano nangyari ‘to? Are you sure? Are you really sure this is her?”
Lumapit din si Carlo at maingat na tiningnan ang death confirmation. Napakunot ang noo niya habang sinabing, "Nolan, kumpleto ang detalye rito. Mukhang totoo nga ito. May naging alitan ba kayo ni Catherine kamakailan?"
Napahawak si Nolan sa ulo niya habang napapikit sa sakit. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang masasayang alaala nila ni Catherine—mga sandaling ngayon ay parang mga kutsilyong tumatarak sa puso niya.
Biglang nagsalita ang isa sa mga staff ng fake death agency habang iniabot ang isang cellphone. "Mr. Nolan, nakita namin ito sa bangkay. Nakasulat doon na ibibigay daw sainyo."
Kinakabahang kinuha ni Nolan ang cellphone. Nang mabuksan niya ang laman, isa-isang lumabas ang mga mensaheng nagpapabigat lalo sa dibdib niya:
[If the owner can come over within fifteen minutes, the kitten is at the mercy of the owner.]
Sa ibaba, may reply si Nolan na: [Immediately.]
Sunod-sunod ang mga mensahe mula kay Jessica na may kasamang litrato ng mga gamit na condom.
[He tossed me all night last night, changing tricks on me, so that I couldn't get out of bed. Did he do this to you?]
[Underground garage.]
[This car is full of our breath, and Nolan has promised to give me your necklace. Now, “Eternal Love” is mine.]
[I'm pregnant, it's been two months, and the child's father is super happy! We're going to celebrate this big event with our fans tonight, so let's join in the fun!]
[Follow him, there are surprises waiting for you.]
[Catherine, kahit pa bukas ang kasal niyo, believe it or not, isang tawag ko lang kay Nolan at iiwan ka niya para puntahan ako. Kung matino ka, dapat noon mo pa binigay sa akin ang titulong Mrs. Martinez.]
Tumulo ang luha ni Nolan habang nanginginig sa galit at pagsisisi. "Kasalanan ko 'to. Hindi ko dapat siya niloko… Hindi ko dapat… kasama si Jessica."
Pagkabanggit sa pangalan ni Jessica, bigla siyang napatingala. Nagsiklab ang galit sa mga mata niya habang mabilis na kinuha ang cellphone at tinawagan si Jessica.
Pagkasagot ng tawag, hindi na siya nakapagpigil.
"Jessica! Anong ginawa mo kay Catherine?! Bakit siya nagpakamatay?!"
"Ang bango naman!" bulalas ni Nathalie habang nakangiti. "Hindi ko inakalang 'yung luto mong hindi ko natikman noon, ay babawiin mo ng ganito ka-sarap ngayon."Habang niluluto ni Calix ang mga inihaw, siya ang unang kumuha ng isang maayos na pagkakaluto at inabot iyon kay Nathalie. Maingat niyang binudburan ito ng cumin at chili powder, kaya’t nang matikman ni Nathalie, halos napapikit siya sa sarap."Grabe, ang galing mo talaga, Calix," puri ni Nathalie habang patuloy na kumakain. "Sana pala noon pa kita pinagluto!""Oo nga eh," sabat ni Christian habang sumisinghot-singhot sa amoy ng inihaw. "Ang tagal na mula nang huli kang nagluto, Mr. Mendoza. Kahit ako, bihirang makatikim ng ganyang level ng barbecue!"Habang nagsasalita, tuloy-tuloy lang siya sa pagkain, halatang natatakot na maubusan. "Swerte ni Miss Nathalie at Miss Jillian, nadamay rin ako sa grasya!"Kahit si Calix, habang abala sa pagluluto, kumuha rin ng isa at tinikman ang sarili niyang gawa. Sa bawat kagat, tumatagos ang
Nang mapansin ni Jillian na unti-unti nang lumulubog ang araw at dahan-dahang bumabalot ang dilim sa kapaligiran, siya na mismo ang nagmungkahi."Pagabi na rin... Tara na, bumalik na rin tayo."Bahagyang napatingin si Nathalie sa paligid, at agad na pinilit iayos ang sarili. Nagpanggap siyang walang anuman, pilit pinawi ang bigat na kanina pa niya kinikimkim."Uh-huh, let's go." Mahinang tugon niya, saka sila bumalik ni Jillian sa kampo.Pagkarating nila, bumungad agad ang tanawin ng apat na tent na maayos nang naitayo. Nandoon sina Calix at Christian, tila abala sa huling mga paghahanda."Uy, andito na kayo. Tingnan n'yo, tapos na ang tents!" Masiglang bati ni Calix habang pinapagpag ang mga kamay mula sa alikabok."Gusto mo ba sa isang tent kayo ni Jillian matulog, o gusto mong mag-isa?" tanong pa ni Calix, habang sinisilip ang ayos ng pagkakatayo ng huling tent.Lumapit si Calix kay Nathalie, sabay bitaw sa mga gamit na hawak niya. Nakita niyang iniikot ni Nathalie ang tingin sa mg
“Alam ko naman na magaling ka na talaga noon pa,” biglang sabi ni Calix, nang mapansing parang may ikinukubli si Nathalie. “Pero mukhang na-underestimate kita. Kapag nakaakyat ka na sa tuktok ng bundok, baka gusto mo pang umakyat ulit.”Agad napansin ni Calix ang biglaang pagkahinto ni Nathalie sa kanyang kwento. Ramdam niyang may gusto sanang sabihin ang dalaga pero pinipigilan ang sarili. Ayaw na niyang balikan pa ni Nathalie ang mga alaala na mukhang bumabagabag dito. Kaya minabuti na lang niyang ilihis ang usapan. Sa di inaasahang pagkakaunawaan nila, pareho nilang piniling huwag nang balikan ang lumipas.“Nathalie, grabe ka. Ako nga eh, hiningal na kahit kalahati pa lang ang nararating natin,” sabat naman ni Jillian na naririnig ang usapan nila. “Ikaw parang hindi man lang pinawisan. Kahit wala kang sabihin, halata namang sanay ka. Unlike me, medyo pagod na.”Bagama’t nagbibiro si Jillian, hindi niya naiwasang mapansin ang kakaibang interaksiyon sa pagitan nina Nathalie at Calix.
Habang tahimik na nakatitig si Nathalie kay Calix, napansin niya kung gaano ito nag-aalala, hindi man tuwirang sinasabi ng binata, ramdam iyon sa bawat salita at kilos nito. Sa kabila ng lahat, tinanggap niya ang inabot ni Calix at hindi na binanggit ang tawag na kanina'y gumambala sa kanila."Okay, noted," sagot ni Nathalie, kasabay ng isang mahinhing ngiti.Matapos siyang pakalmahin ni Calix, hindi na niya muling binuksan ang usapan tungkol doon. Alam niyang hindi tamang panahon iyon para ipilit pa."Si Jillian ayos na raw. Ikaw na ang magmaneho, diretso na tayo mula rito," utos ni Calix matapos ang ilang sandali.Hindi nagtagal, lumabas na si Jillian mula sa crew. Nakasuot na ito ng pang-araw-araw na damit, malayo sa karakter na ginagampanan niya sa set. Halatang handa na rin itong umalis.Sa mabilis na hakbang, nilapitan ni Jillian si Nathalie at ngumiti."Okay, hintayin n’yo lang ako saglit," wika ni Calix bago lumakad palabas ng crew area upang kunin ang sasakyan.Habang naglala
“Hindi naman sa masyado akong alerto, kundi dahil sobrang excited lang talaga ako ngayon. Gusto kong umakyat sa bundok para makita ‘yung meteor shower kahit AI lang.”Napangiti si Nathalie habang sinasabi iyon, hindi maitago ang saya sa boses niya. Halatang punong-puno siya ng enerhiya at sabik sa lakad nilang magkaibigan. Sa gilid ng bibig niya ay may bahid ng tawa habang pinipigilan ang sarili.“Sige na, bumaba ka na. Baka ready na sina Jillian,” sabi ni Calix habang tinatapik ang balikat niya, medyo natawa na lang sa nakikitang sigla ni Nathalie.Kinusot muna ni Nathalie ang kanyang mga mata, parang sinusubukang ipanumbalik ang sarili sa realidad matapos ang maikling sandaling pagkamangha. Tapos ay dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin kay Calix, na tila hinahanap ang kumpirmasyon sa nararamdaman niya.Pero kahit anong pilit niyang kontrolin, hindi maitatago ang kislap ng kasiyahan sa kanyang mga mata.Maya-maya pa, kusa na niyang binuksan ang pinto ng kotse at halos sabay sa pag
Matapos makausap ni Nathalie sina Avery at Jillian at maayos ang kanilang plano para sa kinabukasan, saka lang siya nakahinga nang maluwag. Para bang nabawasan ang bigat na kanina pa nakadagan sa dibdib niya. Ang tanging hinihintay na lang niya ngayon ay ang muling pagkikita nila bukas ng gabi sa tuktok ng Tagaytay.Pagkatapos noon, inayos na niya ang kanyang mga gamit at kumain ng hapunan. Sa wakas, isang gabing wala siyang kailangang asikasuhin sa kompanya. Kaya matapos kumain, nahiga siya sa kama at sinulit ang bihirang sandali ng kapahingahan.Biglang tumunog ang cellphone niya—si Calix ang tumatawag.“Hello? Anong meron?” tanong ni Nathalie habang nakahiga pa rin sa kama, bahagyang nag-aalala. Akala niya ay may problema sa opisina.Ngunit sa kabilang linya, malumanay ang tinig ni Calix. “Wala naman. Gusto ko lang sabihin na bukas, ako na ang bahalang magmaneho papunta sa Tagaytay. Susunduin muna kita sa bahay, tapos dadaanan natin si Jillian sa set. Naayos na rin ni Christian ang