Share

Chapter 2

“Saan ka nagpunta kahapon?”

Iyan agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko pa lang ng opisina. Inilapag ko muna ang bag ko sa aking table at saka nilingon si Isabelle.

“Huh?” Tila lutang na lutang ako’t walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid. Tinaasan niya ako ng kilay.

“Anong huh? Bigla ka na lang nawala. Sabi mo, mag-c-cr ka lang pero 'di ka na bumalik.”

Napakagat ako sa ibabang parte ng aking labi nang maalala ko ang nangyari kahapon. Sinundan ko lang naman hanggang condo si Dr. Sevilla at muntikan pa niya akong mahuli! Akala ko nga ay katapusan ko na. Mabuti na lang at nag-ring ang kanyang cellphone, nakipag-usap saglit, at saka umalis.

Umiwas ako ng tingin kay Isabelle. Hindi niya pwedeng malaman na sinundan ko si Dr. Sevilla at sigurado akong magugulantang siya. Nakatingin pa rin siya sa akin, hinihintay ang aking sasabihin nang kalabitin ako ni Beverly. Gulat akong napalingon sa kanya.

“Jusko naman, Bev. Aatakihin ako sa'yo!” Napahawak pa ako sa d****b. She looked at me with an apologetic smile.

“Sorry. Pinapatawag ka nga pala ni Sir sa loob.”

Nagkatinginan kami ni Isabelle, tumango lang siya. Pumunta na ako sa opisina ni Mr. Cheng. Nakaawang ang pinto pero kumatok pa rin ako. Napaangat naman ng tingin si Mr. Cheng at ngumiti.

“Pasok ka.” Sumeniyas naman ito at itinuro ang upuan. Umupo ako sa harap niya. Abala ngayon si Mr. Cheng at naka-focus lang ang tingin sa computer. Tumikhim ako.

“Sir, bakit niyo nga po pala ako pinatawag?” Tumigil si Mr. Cheng sa pagtitipa ng keyboard, in-adjust ang kanyang salamin, at binalingan ako ng tingin. Pinagsaklop niya ang kanyang kamay.

“Ms. Delgado, nakatanggap ako ng mahalagang impormasyon galing sa  isang empleyado ng Montajo General Hospital.” Nanatili akong tahimik. May ideya na ako sa kung anong tinutukoy ni Mr. Cheng ngunit nakinig lamang ako sa kanya.

Bago ituloy ni Mr. Cheng ang kanyang sunod na sasabihin, luminga-luminga muna ito na tila ba kinabahan siya na baka may makarinig saka lumapit nang kaunti sa akin upang sapat kong marinig ang kanyang sadyang hininaang boses.

“May diumanong nangyayaring korupsyon sa loob ng MGH ngunit walang sinuman ang nakakaalam lalo na mula sa media,” he said.

Tama nga ang kutob ko. Matagal na akong nagdududa sa pamunuan ng sa MGH. Intern pa lang ako rito noon sa Manila Daily Times nang may pumutok na usap-usapan patungkol sa lihim na pagkamkam ng pamilya Montajo ng milyon-milyong salapi sa pamamagitan ng sobrang pagbili ng mga bagay na hindi naman kailangan at sa mga bulsa lang naman nila napupunta.

Ayon din sa nabasa kong news article mula sa isang maliit na news outlet, may labing-limang department heads at senior resident doctors ang involve sa corruption na ito. Ngunit hindi pinangalanan ang mga doktor na ito dahil sa mataas nilang tungkulin at sa takot na rin para sa kaligtasan nasabing witness.

“Pero bakit po ako?” iyon na lamang ang tanging nasabi ko. Marami namang ang mas karapat-dapat para sa assignment na iyon pero sa lahat, bakit kaya ako ang napili ni Mr. Cheng na mag-imbestiga rito?

Pinagsaklop niya ang kanyang mga kamay na nakapatong sa kanyang mesa at matipid na ngumiti. “Kasi may tiwala ako sa’yo...”

Pagkatapos ng one-on-one meeting ko with Mr. Cheng, mahiwaga pa rin sa akin ang binitawan niyang salita na paulit-ulit na rumehistro sa isip ko—kasi may tiwala ako sa’yo. Bakit, sa iba ba ay wala siyang tiwala kaya ako ang pinili niya? Hindi naman siguro. Matagal-tagal na rin kaming magkakasama rito sa trabaho at masasabi kong ni-isa sa amin ay wala pang nakagagawa ng bagay na makasisira sa tiwala namin sa isa’t isa. Napabuntong-hininga na lang ako.

Dagdag pa kanina ni Mr. Cheng, hindi ko raw dapat ipagsabi kahit kanino ang tungkol sa coverage na ito at dahil doon nadagdagan na naman ng bakit sa isipan ko. Siguro ay masyadong malaking tao ang kakalabanin namin kaya dapat walang makaalam. Dahil sa oras na makarating ito kay Dr. Montajo tiyak na katapusan na ng career hindi lamang ako maging ng buong Manila Daily Times.

Pagkalabas ko mula sa opisina ni Mr. Cheng, hindi na ako inusisa pa ng mga katrabaho ko sapagkat abala ang mga ito at nakaharap lamang sa mga kanya-kanyang computer kaya tuloy-tuloy lang ako sa aking mesa.

Binabagabag pa rin ang aking kalooban ng naging usapan namin ni Mr. Cheng. It’s an honor for me na ako ang napili niya upang trabahuhin ang istorya na ito ngunit tila nawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Kakayanin ko ba ‘yon? Gaya ng sabi ko, masyadong mabigat ang kakalabanin namin. Natatakot ako para sa kaligtasan ng pamilya ko lalo na ng anak ko. Kung ako lang naman ang maapektuhan ay walang problema sa akin iyon huwag lang talaga madamay ang mga mahal ko sa buhay.

Maagang natapos ang trabaho ko kaya may oras pa akong sunduin ang anak kong si Bea sa kanyang school. Kaya tinawagan ko si Mama at sinabing ako na lang ang magsusundo sa bata.

Balak ko rin kasing ipasyal ang anak ko. Medyo naging busy rin kasi ako nitong mga nakaraang linggo dahil sa sunod-sunod na pinapagawang article. Ngayon lang ako nagkaroon ng time para sa sarili at sa aking anak.

Saktong pagdating ko, nasa labas, sa may waiting shed, nag-aabang si Bea. Tahimik lang siyang nakaupo't binabantayan din siya ng school guard habang nakikipag-usap dito.

Lumabas ako sa kotse at binati ako ni manong guard. Umangat naman ang tingin ni Bea at lumawak ang ngiti nito nang makita ako. Yumakap siya agad sa akin.

“Mommy!” Bea is such a bubbly girl. Kailan ma'y hindi ko pa siya nakikitang nalulungkot o nakasimangot. And all she ever wanted was to make people happy. That's what I love about my daughter.

Lumuhod ako upang magpantay kami. Ginulo ko ang buhok niya and I caressed her cheeks. “How's school, baby?”

“I got a star, mommy! Look!” Pagkatapos ay binida niya ang kanyang kamay na mayroong star stamp. Ngumiti ako sa kanya and pat her head.

“Wow! Very good, baby. I'm so proud of you.” Niyakap ko ulit ang anak ko. Ever since na maghiwalay kami ni Jack, si Bea na ang naging kalakasan ko. Dahil sa kanya, mas lalo akong naging matapang. Siguro, hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na mawalay sa akin ang anak ko.

“Come on, baby. Let's go to the mall. I'll treat you because you are a good student.” Bea uttered a cute and small yelp excitingly. Siya na mismo ang humila sa akin papuntang kotse.

Hindi kami natagalan sa pagpunta sa mall dahil di naman gaanong traffic. Dumeretso kami sa supermarket dahil mag-go-grocery rin kami. Una naming tinungo ay ang biscuit section. Dahil pangako ko rin sa kanya na bibilhan ko siya ng gusto niya for being an excellent student, hinayaan ko siyang kumuha ng kung ano-ano.

Kumuha ako ng isang cereal box na paborito ni Bea nang makita ko through my peripheral vision, ang isang pamilyar na bulto kaya napalingon agad ako rito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang taong ito. "J-Janelle?"

Oo, tama. Si Janelle nga, ang nakababatang kapatid ni Jackson. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong cereal box nang ako ay mabigla.

"S-Sorry!" Tinulungan naman ako ni Janelle pulutin 'yong nalaglag na cereal box at saka ko nilagay sa aking pushcart. Luminga-linga pa ako, kinakabahan na baka narito lang siya. Kasama ko pa naman ang anak ko—ang anak namin.

"Si Kuya ba? Don't worry, hindi ko siya kasama." Naginhawaan naman ang loob ko nang malamang wala ang taong kinababahala kong makasalubong o makaharap sa di-inaasahan. At isa pa, hindi pa ako handa. I'm not ready yet to face him or to introduce Bea to him.

Not today.

"Kumusta ka na pala, Ate? It's been three years."

Yes, it's been three years pero pakiramdam ko sariwa pa rin ang sugat na iniwan niya. Naroon pa rin ang sakit kahit anong gawin kong pagkalimot. Itinutuon ko na nga lang ang atensyon ko kay Bea pero sinong niloko ko? Mas lalo ko pa siyang naaalala sa tuwing nakikita ko ang anak ko, ang anak namin dahil ito ang tanging alaalang iniwan niya sa akin.

Ngunit hindi ko dapat ipahalata lalo na sa harap ng kapatid niya. Kailangan kong magpakatatag para kay Bea. Ngumiti ako, though, it's a fake one.

"I'm okay, Janelle. Kayo ba? Sina Tita?” sunod-sunod kong tanong. I miss their parents, though. Sa limang taon ba naman naming pagsasama, tinuring ko nang pangalawang ina si Tita Josephine at tinanggap niya rin ako't tinuring na tunay na anak. Kailan ma'y di ko rin naramdaman na iba ako, kami ng pamilya ko sa kanila.

Matipid na ngumiti si Janelle. "Okay lang naman kami. Si Mama naman, namimiss ka na."

Pareho kaming natawa. Naalala ko tuloy na sa tuwing bibisita ako sa kanila ay lagi akong pinagluluto ni Tita Josie ng paborito kong carbonara. Pakiramdam ko nga, mas tunay na anak pa ang turing niya sa akin kaysa kay Jackson dahil parang prinsesa niya akong ituring.

Naramdaman ko naman ang paghila ni Bea sa aking damit. ‘Di ko namalayan na nandyan na pala siya kaya kinabahan ako bigla.

Napasinghap ako. Makikita siya ni Janelle!

"Mommy, let's buy this!" Turo niya sa hawak niyang biscuit na may design na Barbie.

Nagkatinginan kami ni Janelle, nangungusap ang mga mata niya. It looks like I owe her an explanation. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya lumuhod ako sa harap ni Bea.

"Uhm, baby. Let's buy that next time na lang. Your Mama Linda's looking for us na e." Nagmamadali kong hinila si Bea palayo kay Janelle. Hindi ito pwede. Hindi maaaring malaman ni Janelle ang tungkol sa anak namin ng Kuya niya dahil panigurado ay makakarating ito kay Jackson.

Nag-protesta si Bea at napalabi. "But mommy. I want that!"

"No buts, baby. When mommy says no, it's a no." Lumingon ako kay Janelle upang magpaalam. "Janelle, it was nice meeting you again, but we need to go."

I was about to turn my heels when I heard what Bea said. Na talagang nakapagpagimbal ng buhay ko't nagpanginig ng aking kalamnan.

"By the way, mommy. I just met my idol doctor, Dr. Sevilla!" Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko at agad na napalingon kay Janelle.

Hindi kaya totoo ang hinala ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status