Share

Chapter 3

Sandali kong isinantabi ang agam-agam kong posibleng nagkita ang mag-ama kahapon at maaaring iisa lang si Dr. Sevilla at si Jack dahil masyado akong focused ngayon sa pangangalap pa ng mga impormasyon ukol sa diumanong korapsyon na nagaganap sa MGH. Sa ngayon, naghihintay pa kami ng update mula sa whistleblower kung kailan siya maglalantad. Hindi kasi namin siya basta-basta pwedeng pilitin na magpakita dahil nakasalalay rito ang kanyang kaligtasan.

Subalit nangangamba pa rin ako na pupwedeng maghinala si Janelle na anak ko si Bea sa kanyang kuya lalo nang tawagin ako nitong mommy.

Tiim-bagang lamang akong nakatingin sa aking monitor at tanging tipa mula sa keyboard ang naglilikha ng ingay. Kakaunti lamang ang lumabas na resulta matapos akong magsaliksik ng impormasyon doon.

I kept on scrolling, hoping that I would see more information.

Napunta na ako sa ikalimang pahina at saka lang may isang news article ang nakapukaw ng atensyon ko. It was dated last 2013 with a headline, “five execs involve in alleged MGH fiasco.”

Pinindot ko ang link na ito, at isang kilalang news outlet ang nag-publish nito. Binasa ko ang kabuuang article nang taimtim gamit ang aking mga mata.

Ayon sa artikulo, nagsimula ang diumanong korapsyon sa procurement o bidding process ng ospital. Mga high-end kompyuter na wala namang explanation kung para saan ang mga iyon at sobrang medical supplies na diumano napupunta sa mga “ghost” organization, ayon sa isang lehitimong source na hindi pinangalanan sa article.

Dagdag pa, isa sa mga limang executive ng MGH na kasama sa ilegal na aktibidad na iyon ay nagkaroon diumano ng kasong medical malpractice o negligence. Taong 2010, may pasyente ito na nagkaroon ng sakit sa puso at kinailangang operahan. Ang nasabing pasyente ay isa ring doktor, si Dr. George Fabila, isang tanyag at magaling na cardiac surgeon.

Naging matagumpay naman ang operasyon ngunit kalauna'y namatay rin ang pasyente. Hindi makapaniwala ang pamilya ng dating doktor sa nangyari kung kaya't nagsagawa ang mga ito ng imbestigasyon sa tulong ng kapulisan.

Ayon sa imbestigasyon, napatunayan na ang doktor na nag-opera kay Fabila ay dati nitong kaibigan at kasamahan sa trabaho. Matapos ang matagumpay na operasyon, napagalamang na-overdose sa drug ang pasyente at ang doktor na sinasabing pumatay kay Dr. Fabila ay si Dr. Rogelio Katigbak na isa ring surgeon. Dagdag pa, inggit daw ang naging ugat ng pagpatay kaya nahatulan ng anim na taong pagkakakulong at pagbawi sa kanyang lisensya.

Nakakita pa ako ng isang article na related sa isyu na binasa ko, kung saan, tungkol naman ito sa isa pang doktor na sangkot sa alleged corruption na may kinaharap ding kaso. Pipindutin ko na sana ang link nang biglang nag-pop up sa screen ng aking phone ang pangalan ni Mr. Cheng. Agad kong sinagot at malamang sa malamang ay urgent ito.

[“Pamela, you are going to the MGH gala tonight, and you’ll be dating Dr. Sevilla.”]

I was shocked by how straightforward Mr. Cheng is pagkasagot ko pa lamang ng tawag. Walang kaabog-abog, walang preno. Tila naestatuwa ako sa kinauupuan ako, hindi ma-process lahat ng salitang binatawan niya. Maigsi lang ‘yon subalit parang na-tanga ako.

“Huh?” that’s all I managed to say. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko kasabay ng panunuyo ng aking lalamunan. “MGH gala? As in ngayon na po? Me? Dating Dr. Sevilla? At saka wala po akong gown!” sunod-sunod kong tanong.

I heard Mr. Cheng chuckled on the other line. At talagang nakuha pa akong pagtawanan ng boss ko gayong gulong-gulo ako sa dala niyang unexpected news. Napakabiglaan talaga. At kung hindi ko lang talaga siya boss ay baka nabatukan at nasigawan ko na siya. [“Relax, Pamela. Isa-isa lang ang pagtatanong. Mahina ang kalaban.”]

Relax? Paano ako makakapag-relax? Hindi naman kasi ako na-inform agad na mamayang gabi na pala ‘yon at kailangan ko palang maka-date si Dr. Sevilla. Sana nga magawa kong mag-relax sa lagay na ‘yon.

Napakamot ako ng ulo kahit alam ko namang di makikita ‘yon ni Mr. Cheng. “E, sir naman kasi. Ginulat mo ako, e. Sana man lang ‘di ba kahapon sinabihan mo na ‘ko.”

[“Bakit, pupunta ka ba kapag in-inform kita at firsthand? I know you hate formal parties. You have never attended any gala held by our company.”]

Napangiwi ako sa naging tugon ni Mr. Cheng. Tama naman siya, though. Ayaw ko talaga kasi um-a-attend sa mga gano’ng party, kahit for work pa ‘yon. Kaya nga si Beverly ang laging um-a-attend bilang representative ng aming team tuwing may gala.

Unang-una, hindi ko hilig. Boring para sa akin. Pangalawa, hindi ako sanay magsuot ng gown at lalo na ng matataas na heels! Ang ending, hindi ko na-e-enjoy ang party dahil sumasakit ang paa ko.

[“Anyway, to answer your questions,”] Mr. Cheng emphasized the letter ‘s,’ pang-aasar lang sa akin dahil nga ang dami kong tanong. I rolled my eyes inwardly. [“First, yes. MGH will hold its annual gala tonight will have their fundraising for their cancer patients, particularly the children. Therefore, this is a cause so, may sense ang pag-attend mo.”]

At naipasok pa talaga ‘yon ni Sir, a. Tila ba kinokonsensya ako. [“Second, Dr. Sevilla works for MGH, right? At malapit din siya kay Dr. Montajo. Paniguradong may nalalaman siya tungkol sa korupsyon na nagaganap sa ospital.”]

Siguro kung may kinakain lang ako ay paniguradong nabulunan na ako. Masyado yata akong assuming para isipin na ang hinandang dinner date ni Mr. Cheng para sa amin ni Dr. Sevilla ay in a romantic way. Nakalimutan ko ata na may tinatrabaho akong isyu na kailangang masiwalat.

Mabuti na lang ay sa telepono lamang kami nag-uusap ni Mr. Cheng dahil kung hindi, I’m sure na mapapansin niya ang pagkapula ko. Observant pa naman siyang tao, maliliit na detalye ay napapansin agad kaya masasabi kong deserve niya ang pagiging isang mamamahayag at editor ng section namin for several years.

[“And don’t worry about your gown and all, I got you. In any minute, papadala ko d’yan ang mga kakailanganin mo, including the invitation na nakapangalan sa’yo.”]

Hindi naman halatang well-prepared si Mr. Cheng, ano. At nakayanan niyang ihanda lahat nang iyon nang hindi ko napapansin? Napakagaling talaga… wala akong choice at hindi pwedeng mag-back out.

Paulit-ulit na tila sirang plaka sa isipan ko ang sinabi ni Mr. Cheng kanina bago matapos ang tawag.

“Kailangan mong makipag-date kay Dr. Sevilla para makakuha ka ng impormasyon sa kanya.” Cool na cool lang niyang sabi na akala mo ay napakadali lamang gawin ng hinihingi niya.

Napahilamos ako sa’king mukha’t napabuga na lang ng hangin. Kailangan ko ba talagang gawin iyon? Marami naman sigurong ibang paraan pero bakit gano’n pa? Akala ko ay doon na matatapos ang usapan namin ni Mr. Cheng nang may pahabol pa siyang paalala.

“But remember, no strings attached. Never fall for him. You’re a journalist, he’s your source. At alam kong alam mong pinagbabawal sa propesyon natin ang pagkakaroon ng romantic relationship sa source natin.”

By the time na matapos ang usapan namin ni Mr. Cheng sa telepono ay sakto namang pagdating ng pinadala niyang gown. Ako na ang nag-receive dahil tiyak ako na kukuwestiyunin ako ni Carol, ang aming kasambahay, kung siya ang kukuha. Madaldal pa man din ang isang iyon.

Agad akong dumeretso sa kuwarto ko at dahan-dahang binagsak sa aking kama ang malaking kahon. Pagkabukas ko, I can’t help but gasped nang makita ko ang disenyo ng gown. Isang black satin spaghetti strap and backless gown ang pinadala ni Mr. Cheng. Grabe, I can’t imagine he has really a taste, ha.

Mr. Cheng is already in his forties nearing fifties at tinutubuan na siya ng puting buhok maging sa kanyang bigote’t balbas. Also, he is still single. I don’t know why, though. But I remembered na nagkaroon siya ng girlfriend during in his twenties and that woman was his greatest love. After no’n ay hindi na siya nagmahal pang muli… o sadyang hindi niya pa siguro nakikilala ang para sa kanya. Well, he’s happy naman kasama kaming mga tinuturing niyang anak at kuntento na siya roon.

May kasama pang black purse with a flashy gold chain as a strap at black na cocktail shoes, with a gold jewelry design on the surface of the shoes. Ang tema ng gala ay masquerade kaya may kasama na ring itim na maskara, na binudburan ng kulay silver na glitters, ang pinadala ni Mr. Cheng. Half-face lamang ito at tanging mga mata lang ang natatakpan.

Nagdadalawang-isip ako kung pupunta ba ako o hindi dahil unang-una, masyadong biglaan. Pangalawa, hindi ko hilig um-attend sa mga ganitong pagtitipon, at pangatlo, kinakabahan akong makaharap si Dr. Sevilla at baka maalala niyang ako ‘yong sumunod sa kanya noong isang araw!

Mamaya sabihan pa niya akong stalker. Ang kapal naman niya kung gano’n. Ay bakit, sis? Hindi ba totoo? Sinundan mo naman talaga siya. Swerte mo lang at umalis agad siya no’n kundi patay ka na.

Kaso kung hindi naman ako pupunta, sayang naman itong mga gamit na pinadala ni Mr. Cheng. Ang gaganda pa naman lalong-lalo ‘yong gown. Feeling ko, tataas ang confidence ko kapag sinuot ko iyon e. Asa ka, girl!

Napabuntong-hininga na lang ako. Ay siya, wala naman din akong choice kundi pumunta roon. At isa pa, parte ito ng trabaho ko. Whether I like it or not, kailangan kong pumunta at baka mawalan ako ng trabaho kung magkataon.

Bago ako umalis, nag-iwan muna ako ng sticky notes kina Mama na ako ay aalis muna saglit saka tinext si Mr. Cheng na papunta na ako. Akala ko ay ang gown lang ang provided ni Mr. Cheng at maging ang transportation papunta sa nasabing venue—sa isang five-star hotel na malapit sa MGH kung saan nagtatrabaho si Dr. Sevilla. Mabilis lang ang byahe dahil hindi naman mabigat ang trapiko kaya nakarating agad ako sa paroroonan.

Napaaga ang pagdating ko sa venue dahil ayokong ma-late kaya mga alas tres pa lamang ng hapon ay naroon na ako at marami-rami na rin ang dumarating na mga bisita at masasabi kong parte sila ng mga alta sociedad dahil sa naggagandahan at mamahaling gown at suit na suot nila higit lalo sa kung paano sila gumalaw at magsalita. Maging ang mga sasakyang gamit ng mga paparating pang bisita.

Nakaramdam tuloy ako ng pagbaba sa sarili ko. Hindi naman kasi ako anak-mayaman at hindi rin mahirap. Sakto lang na kahit papaano ay nakakaahon sa buhay. Middle class, ika nga.

Despite the belittling from myself, I decided to go on. Nandito na ako e. Bakit pa ako aatras, hindi ba? Pinalaki ako ng mga magulang ko na matutong makibagay sa mga tao at tinuruan naman ako ng aking kurso na maging makapal ang mukha—as in literal—because you cannot survive this industry if you can’t step out of your comfort zone, o kung mahiyain ka. Hindi ka pwede sa media.

The receptionist acknowledged my presence as he saw me approaching the reception area, kung saan kailangang mag-register ng mga bisita. Ipinakita ko lang ‘yong invitation na may pangalan ko na kasama sa pinadala kanina ni Mr. Cheng.

Pagkatapos kong ipakita ang aking invitation ay agad namang tinignan ng receptionist ang guest list upang i-check kung naroon ang pangalan ko, his fingertips flipping through the pages. Nang masiguro ay pinapirmahan niya sa akin saka pinapasok na ako sa loob.

Habang papunta roon ay ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib sa hindi malamang dahilan—kaba ba o excitement. Isang pamilyar na pakiramdam din ang nararamdaman ko ngayon ngunit hindi ko matumbok kung ano iyon. Sumalubong din sa akin ang lamig na mula sa aircon na agad ko namang pinagsisihan na hindi ako nagdala man lang ng coat para panangga sa lamig.

As soon as I entered the event hall, I quickly dismissed that thought. Hindi ako pwedeng ma-distract lalo pa’t nasa trabaho ako ngayon.

The event hall was too huge. Pwedeng-pwede nang maglaro ng basketball dahil sa lawak nito. Each vast round table made in mahogany covered with an embroidered beige mantel was suitable for 10 to 15 people.

May mga maliliit na bulaklak din ang nakapatong sa ibabaw ng mesa bilang disenyo at maayos na nakalatag ang mga babasaging plato, baso’t kopita, kutsara’t tinidor, maging ang mga table napkin.

Hinayaan ko muna ang sarili kong i-appreciate ang ambiance ng lugar habang nililibot ito sa pamamagitan ng aking mga mata. All guests were mingling around with their acquaintances samantalang ako, heto isang patatas na nasa gilid lang.

 A man in his middle twenties, and wearing a black crisp suit with a necktie approached me. His hair was sticked with a hair gel. Mukha tuloy siyang bagong ligo dahil sa kintab ng buhok niya. He beamed at me as he draws nearer to me.

“Hey!” bati niya sa akin. Nginitian ko lang siya dahil di ko naman siya kilala pero pamilyar siya sa akin. “You’re from Manila Daily Times, right?”

Nagulat ako kung paano niya nalaman kung saan ako nagtatrabaho. Natawa naman siya sa naging reaction ko. Mukhang nabasa niya ang aking pagtataka. Nagpamulsa siya. “Mr. Cheng told me.”

Napaawang ang bibig ko, as if I am going to say something ngunit wala namang lumalabas ni isang salita roon kaya tinikom ko na lang ulit ang bibig ko.

“I saw you alone here, kaya nilapitan kita,” he continued. “And I was thinking if you can come with me so you won’t feel out of place.”

Nagdadalawang-isip ako kung sasama ba ako o hindi. Kasi naman, he’s a completely stranger to me! Tapos bigla niya akong yayayain, di ba? Malay ko ba kung saan niya ako dadalhin. Mahirap na kasing magtiwala sa panahon ngayon.

He noticed my uneasiness again. Napakamot siya ng ulo. “My bad,” he chuckled cutely. “Sorry for making you uncomfortable. Anyway, I’m Dr. Nikko Guevarra. How about you?”

That name rings a bell… I think I heard it before, or I knew someone with that name… I can’t help but gasp as I hit the jackpot. I think I already know him.

“Nikko?! You’re Jack’s best friend, right?” Nanlaki ang mga mata niya as he also realized something. Dahan-dahan niyang tinanggal ang maskara na suot maging ako at doon kami nagkagulatan lalo.

“Pamela… is that you?”

“Yes, ako nga!”

Hindi namin inakalang dito pa pagtatagpuin ang aming landas. At t*ngina lang. This is my second time unexpectedly meeting those people who are close to Jack’s heart. First, his sister, Janelle, and now, his best friend, Nikko? Mukhang napakaliit nga talaga ng mundo at paniguradong narito rin si Jack. Nangangamba tuloy ako sa oras na mag-krus ang aming mga landas.

Hindi ko alam ang gagawin at mararamdaman ko. Hindi pa ako handa.

“You’ve changed a lot, Pamela! You become more beautiful!” namamanghang bulalas nito.

Matipid akong ngumiti. “Thank you, but people change, Nikko. We all did.”

Bumaba ang tingin ni Nikko, not meeting my eyes at tila ba nalungkot. I know he knows where I am coming from. Magpahanggang-ngayon, hindi ko pa rin sigurado kung naka-move on na nga ba talaga ako o nananatili pa rin ang sakit.

Pagkatapos ng naging usapan namin ay sumama ako sa kanya upang maglibot. Mga ala sais pa raw kasi magsisimula ang mismong event. Kaya heto, nabuburyong na agad ako. Sana talaga kasi di na ako pinilit ni Mr. Cheng e. Kung di lang para sa trabaho ito.

We stopped at the buffet section. May mga kumukuha na ng pagkain pero pang-merienda lang. Natakam naman ako sa pagkain nang maamoy ko ito at mukhang masarap. Yayayain ko sana si Nikko na kumuha ng pagkain nang magpalaam siya sa akin na may kakausapin lang siya sa telepono at tumango lamang ako.

Dahil ayoko namang tumanganga lang ay nilabas ko na lang ang cellphone ko to keep myself occupied. Nag-selfie ako ng tatlong beses lang at hindi pa ako na-satisfy sa naging resulta kaya dinelete ko na lang. Naisipan ko na lang pumunta ng banyo because I felt the need to retouch. Mukhang nahuhulas na yata ang make up ko gawa na rin ng maskarang suot. Ang init kaya tinanggal ko na lang habang papunta ako sa banyo.

I was about to enter the restroom nang may muntik na akong makabanggaang pamilyar na bulto ng isang lalaking nakasuot ng puting dress shirt—his sleeves were folded into three-forths. Kalalabas lamang nito mula sa banyo.

Nakatungo kaya hindi ko pa masyadong maaninag ang kanyang mukha ngunit sa tabas pa lamang ng hair line nito, hanggang sa hulma ng kanyang ilong, at sa kakisigan ng kanyang katawan na halos pumutok na ang suot-suot niyang polo, I know, deep in my heart, pamilyar sa akin ang mga feature na iyon. I know I have seen it before but can’t remember when and where.

The moment he lifted his head as if the world began to move slowly, my heart thumps loudly as it wants to get out of my ribcage. Narito na naman ako sa pamilyar na pakiramdam na ito na hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko nararamdaman iyon sa tuwing nakikita ko siya o marinig lamang ang pangalan niya. Subalit ngayon, mukhang alam ko na.

“Jack…”

“Pamela…”

Samu't-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Sa tinagal ng panahon, ngayon lang ulit nag-krus ang aming landas. 'Yong mga alaala noon na pilit kong kinalimutan ay nagbalik na naman sa isang iglap. Maging siya ay hindi rin inaasahan ang pagkikita namin base sa kanyang reaksyon.

Hindi ko alam kung paano ipoproseso ang mga pangyayari ngayon. Gulong-gulo ang utak ko. My knees began shaking, turning into a jelly. I can’t barely hear the noise background as it was suppressed by my heart thumping so loud. Maski ang mga luha ko ay nagbabadyang tumulo kaya hangga’t maaari ay pinipigilan ko. Ayaw kong ipakita sa kanya na all these years ay naapektuhan pa rin ako sa kanya.

Aalis na sana ako dahil hindi ko kaya ang makaharap siya nang pigilan niya ako. “Pam, let’s talk.”

“No. Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa. Matagal na tayong tapos. So, if you’ll excuse me—"

Tatalikod na sana akong nang pigilan na naman niya ako.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso na tila ayaw niya akong bitawan. “Ano ba, Jack! Bitawan mo nga ako! Pag sinabi kong ayoko, ayoko!”

“Alam mo, hanggang ngayon matigas pa rin ang ulo mo. You're still the same Pamela I know.” May kung anong galit ang muling nabuhay sa aking kaloob-looban nang sabihin niya ‘yon. Tumawa ako ng pagak at nagpamewang.

“Don't act as if you know me. You left me three years ago, remember?” I said in a monotonous voice.

Hindi siya nagsalita at tanging buntong-hininga lamang ang binigay niyang sagot. Nang wala na akong marinig mula sa kanya, tinalikuran ko na siya't nagsimulang maglakad palabas.

“I'm sorry, Pamela.”  That made me stop from walking away and almost fell on my knees. Alam ko kung para saan ang paghingi niya ng tawad.

Isang sorry lang niya, lumalambot na ako. Tila ba tinatabunan lahat ng sakit at pasakit na iniwan niya sa akin. I should be mad at him for traumatizing me these past several years. Napapikit ako nang mariin, stopping myself from doing something that I might regret in the end. I have to stand firm before falling for his trap and leaving me again like trash—tumawa ako ng pagak.

“Pwede ba, Jackson? 'Wag ka nang mag-sorry. Nangyari na ang dapat mangyari. The damage has been done. May magagawa ba 'yang sorry mo? Maibabalik ba niyan ang lahat? Hindi, 'di ba? Kaya tama na." Pagkatapos no'n ay hindi na sumagot pa si Jack.

Akala ko, okay na ako. Akala ko, kapag muli kaming nagkita ay hindi na ako maaapektuhan pa.

Pero bakit gano’n? Lahat ng akala ko ay talagang akala ko lang. Masakit pa rin pala sa akin. Sariwa pa rin ang sugat na iniwan niya.

"I know, nasasaktan ka pa rin dahil sa nangyari noon. But please, give me a chance to explain everything.” Hahawakan na sana niya ang kamay ko ngunit mabilis kong inalis iyon. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa na para bang kinasusuklaman ko siya.

“No need to explain, Jack. The moment you left me on our wedding day, alam ko na sa sarili ko na you already made a decision. I already know the answer na ayaw mo na.” 

Tila isang palabas iyon na paulit-ulit sa utak ko kung paano niya ako iniwan sa ere nang luhaan at sugatan. Ang tagal kong binuong muli ang sarili ko tapos ngayon, makita ko lamang siya, tila nawala lahat ng pinaghirapan ko—nabasag akong muli.

“Wala ka na bang sasabihin? Okay. I gotta go.” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makaalis na sa lugar na 'to. 'Yung walang Jack akong nakikita. Palabas na sana ako nang bigla akong hilahin ni Jack papasok ng banyo ng mga babae at isandal sa pader. Kinabahan tuloy ako at baka may makakita sa amin. Mabuti na lang at walang tao sa mga oras na iyon. Isinandal niya ako sa may lababo.

“Ano ba, Jack!? Bitawan mo nga ako!” Sigaw ko ngunit tila bingi ang lalaking ito at parang hindi man lang ako naririnig. I tried to resist him but he's too strong! Talagang mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking pala-pulsuhan.

"Jackson, let me go! Ano bang kailangan mo, ha!?" Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalaking ito. Ang kulit! Hindi ba siya makaintindi na ayaw ko na?

"You... I want you, Pamela."

Direktang sagot ni Jack. Kasabay rin no'n ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Inilapit niya ang kanyang katawan sa akin at bigla akong nakaramdam ng init. Na-alarma ako dahil alam ko kung anong ipinahihiwatig no'n. Dapat ay hindi ako magpadala.

"Are you crazy!? Sa tingin mo ba—" I was cut off when he smashed his lips on mine. Hindi ko siya dapat hayaan na gawin ito sa akin but it seems my own body betrayed me and aching for more.

Kinokontrol ko pa rin ang sarili ko na hindi mahulog sa kanyang bitag ngunit mukhang matatalo ako.

Dahil unti-unti ko nang hinahayaan ang sarili ko na magpadala sa mga halik niya. At ito na nga. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumutugon sa kanyang halik.

I forcibly removed my hands from his grip and threw them on his nape. The kiss was getting deeper until I felt his hands roaming around my body and caressing the sides of my curve.

"Hmm..." I moan as he sucks on my lips.

Iniwan na niya ang aking labi saka tinungo ang aking leeg at nag-iwan ng marka roon—love bites. Nararamdaman ko na rin ang pagbaba niya ng strap ng gown na suot-suot ko. Agad ko naman siyang pinigilan.

"N-No... Please, s-stop." Ngunit hindi siya nakinig hanggang sa narating na niya ang aking dibdib. He unzipped my gown and freed my mounds out of it. Napasinghap ako nang paglaruan niya iyon pati na rin ang dulo nito.

"These are mine." He then sucks the top of it like a hungry baby. Para siyang isang sanggol na gutom na gutom at hinahanap-hanap ang gatas ng kanyang ina.

I'm trying to suppress my moan at baka may makarinig, but I can't help it. "Oooh..."

Pagkatapos niyang magpakasasa roon ay bumaba na naman ang kanyang mga labi, mula sa aking tiyan, hanggang sa makarating na siya sa ibaba. Nakaluhod na siya ngayon sa harapan ko and he was spreading my legs that made me moan more. He was about to lift the hem of my gown when my phone rings.

"W-Wait. I need to answer my phone." Pigil ko sa kanya. Narinig ko naman siyang napamura. Napailing na lang ako.

Kinuha ko ang phone ko mula sa purse ko. Mom's name popped up on the screen, so I immediately answered my phone.

"H-Hello, ma. Bakit ka po napatawag?" Panimula ko.

["A-Anak... Si Bea."] Kinabahan akong bigla nang banggitin ni Mama ang pangalan ng anak ko. Nanginginig ang kanyang boses habang kausap ko siya. Napatingin ako kay Jack.

Kung sasabihin ko ang salitang ‘anak,’ tiyak na malalaman na niya ang tungkol sa anak namin. At hindi pa ako handa sa bagay na iyon kahit alam kong nagkita na sila.

"A-Ano pong nangyari?" Abot-langit ang kaba ko. Hindi ko siguro alam ang gagawin kung may nangyaring masama kay Bea. Hindi ko iyon matatanggap. Siya na nga lang ang kalakasan at inspirasyon ko.

["Mataas ang kanyang lagnat. Nandito nga ako ngayon sa school clinic nila at pinatawag ako ng adviser niya."] Medyo nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong hindi naman gano'ng ka-grabe ang nangyari sa anak ko. But still, nag-aalala pa rin ako sa kanya.

“Sige, Ma. Pupunta na lang po ako dyan. 'Wag kayong aalis, ha?”

["Okay, anak. Mag-iingat ka."]

"Yes, Ma. I will. I love you." Natapos na ang tawag at nakakunot-noo akong tinignan ni Jack.

"What happened? You seem so worried. Is that Mama Linda?" sunod-sunod niyang tanong. Nagulat ako sa paraan ng pagtawag niya sa aking ina, na hanggang ngayon ay Mama pa rin pala ang tawag niya kay Mama.

Noong magkasintahan pa kasi kami, at simula nang sagutin ko siya, Mama na rin ang tawag niya kay Mama. Agad ko ring iwinasiwas ang pagkagulat.

"O-Oo... Si Mama 'yon. 'Yong pamangkin ko kasi nasa hospital." I lied. I bit my lower lip.

Jack arched a brow and tilted his head. I don’t know kung naniniwala ba siya sa alibi ko o hindi. He knows me well by merely looking at my eyes, and then, he can already tell whether I am telling the truth or lying.

“Ah, gano’n ba? Gusto mo samahan kita?” Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ay pipilitin pa niya ako o sasabihing nagsisinungaling lang but he, instead, offered to accompany me there, and I refused quickly.

"No! H-Hindi na. I can handle myself,” pagdadahilan ko. Agad kong inayos ang sarili ko dahil naka-expose pa rin ang aking dibdib na kanina pang tinitignan ni Jackson.

Napaka-manyak talaga.

Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang make up ko dahil ang tanging gusto ko na lamang ay makalabas sa lugar na ito. Kanina pa sumisikip ang dibdib ko’t tila hindi ako makahinga lalo pa’t kaharap ko ngayon ang taong dahilan ng lahat ng nararamdaman ko ngayon. Agad akong nagpaalam sa kanya in a formal way.

"Dr. Sevilla, thank you for this day. Sorry for the cause. I hope this will be the last. I got to go." May sasabihin pa sana siya pero agad akong tumalikod at nag-martsa palabas. Ayaw ko nang marinig pa ang mga sasabihin niya.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa oras na nakalabas ako sa lugar na iyon. Isang pagkakamali talaga na pumayag pa ako sa gusto ni Mr. Cheng. Samu’t sari ang nararamdaman ko ngayon sa mga pangyayari na hindi ma-proseso ng utak ko.

Hinawakan ko ang aking labi at ramdam ko pa rin ang kanyang halik—walang pagbabago, walang kupas. Kung gaano katamis noon, mas lalong tumamis ngayon. At ang malala pa roon, tumugon ako sa kanyang halik.

Oh my, God. What have I gotten myself into? Bakit napakarupok mo, Pamela?

Esereth

This chapter contains a steamy scene that is not suitable for young readers. Read at your own risk.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status