Share

CHAPTER 6

last update publish date: 2026-05-28 17:20:53

Nanigas ang buong katawan ni Astrid. Pakiramdam niya tumigil ang oras habang nakatayo si Xavian sa labas ng condo at nakatitig sa batang nasa harapan nito.

Tahimik ang buong hallway. Ngunit sa loob-loob ni Astrid, parang napakalakas ng tibok ng puso niya.

Hindi… Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman ni Xavian. Hindi ngayon. Hindi kailanman.

“Hello po,” inosenteng bati ni Ashton habang nakatingala kay Xavian.

At lalo lang sumikip ang dibdib ni Astrid dahil kitang-kita niya ang pagkakahawig nilang dalawa. Parang copy paste. Parehong mata. Parehong ekspresyon. Maging ang paraan ng pagtitig ng bata ay kahawig na kahawig ng ama nito.

Samantalang si Xavian naman ay tila tuluyang napako sa pwesto. Hindi ito makapagsalita. Hindi rin nito maalis ang tingin kay Ashton. Para bang may unti-unting nabubuo sa isip nito. At iyon ang pinakakinatatakutan ni Astrid.

Mabilis siyang lumapit at agad na kinuha si Ashton palayo sa pintuan.

“Baby, go to your room first,” kalmadong saad niya.

Ngunit kumunot ang noo ng bata.

“Why?”

“Just go, sweetheart.”

Naramdaman ni Ashton ang kakaibang tensyon kaya tahimik na lang itong tumango.

“Okay, mama.”

At bago pa tuluyang makapasok ang bata sa kwarto, muling nagsalita si Xavian.

“How old is he?”

Nanlamig si Astrid. Mahigpit siyang napakapit sa doorknob. Hindi siya agad lumingon.

“Why are you here?”

Mabagal siyang hinarap ni Xavian. Ngunit sa pagkakataong iyon…hindi na galit ang nangingibabaw sa mukha nito. Kundi shock. At isang mapanganib na realization.

“I asked you a question.”

Pilit na kinalma ni Astrid ang sarili.

“Five.”

Halos hindi marinig ang boses niya. Ngunit sapat iyon para tuluyang tumigas ang ekspresyon ni Xavian.

Five years old. Five years ago. Eksaktong panahon kung kailan siya iniwan ni Astrid.

Mabigat ang katahimikan sa pagitan nila. At habang tumatagal, lalong bumibigat ang pakiramdam ni Astrid.

Hindi siya pwedeng magkamali ngayon. Kailangan niyang kontrolin ang sitwasyon. Kailangan niyang protektahan si Ashton.

Muling nagsalita si Xavian ngunit mas mababa na ang boses nito ngayon.

“What’s his name?”

“…Ashton.”

Naningkit ang mga mata nito.

“Ashton…”

Parang may kung anong pinoproseso sa isip nito. At bago pa tuluyang madugtong-dugtong nito ang lahat, mabilis na nagsalita si Astrid.

“He’s not yours.”

Diretsahang tumingin si Xavian sa kanya. Tahimik. Napakatahimik. Ngunit mas nakakatakot ang katahimikang iyon kaysa sa pagsigaw nito.

“What?”

Humugot ng malalim na hininga si Astrid.

“He’s not your son.”

Mariing tumigas ang panga ng lalaki. Ngunit hindi siya umatras. Kailangan niyang panindigan ito. Kahit gaano kahirap.

“Kaninong anak siya?”

Nanuyo ang lalamunan niya. Hindi siya agad nakasagot. At iyon agad ang napansin ni Xavian.

Mabagal itong lumapit. One step. Two steps. Hanggang sa halos magkadikit na sila.

“Look at me and say that again.”

Pinilit ni Astrid na salubungin ang mga mata nito.

“He’s not your child.”

Matagal siyang tinitigan ni Xavian. At sa bawat segundo…pakiramdam niya ay mas lalo nitong binabasa ang kaluluwa niya.

“You expect me to believe that?” malamig nitong tanong.

“Truth hurts.”

Biglang napatawa si Xavian. Pero walang amusement doon. Galit. At unti-unting nabubuo na paranoia.

“Interesting.” Tumango ito nang marahan. “So after disappearing for five years… you suddenly have a son who looks exactly like me?”

Napahigpit ang hawak ni Astrid sa pinto.

“Hindi lahat ng batang may matangos na ilong ay anak mo.”

Ngunit tila hindi nakikinig ang lalaki. Nakatitig lang ito sa kanya na para bang anumang oras ay sasabog na.

“Who’s the father?”

Hindi siya sumagot. At iyon ang lalong nagpagalit dito.

“Answer me!”

Napapikit si Astrid nang marahas na tumama ang kamao ni Xavian sa dingding sa tabi niya. Malakas na ugong ang umalingawngaw sa hallway.

At sa isang iglap… Bumalik lahat ng takot niya mula limang taon na ang nakaraan. Parehong galit. Parehong paraan ng pagbuga ng hininga. Parehong marahas na aura.

Nanlamig ang buong katawan niya. At napansin agad iyon ni Xavian. Biglang kumunot ang noo nito nang makita ang takot sa mga mata niya. Ngunit hindi nawala ang galit nito.

“Sinong ama niya?”

Mahina siyang napalunok.

“Wala kang karapatang malaman.”

Biglang tumalim ang tingin ng lalaki.

“Karapatan?” paos nitong ulit. “If he’s mine, I have every damn right.”

“He’s not yours!”

Masyado iyong mabilis. Masyadong desperado. At doon tuluyang natahimik si Xavian. Parang may kung anong bumagsak sa pagitan nila. Mabagal nitong ibinaba ang kamay mula sa dingding. Pagkatapos ay malamig itong ngumiti.

“You’re lying.”

Hindi siya umimik.

“Alam mo kung bakit?” Lumapit pa ito nang kaunti. “Because you only look like that when you’re scared.”

Nanlamig ang sikmura ni Astrid.

Damn him.

Masyado siyang kilala nito.

“Hindi ako natatakot.”

“Really?” Naningkit ang mga mata nito. “Then why are you shaking?”

Hindi niya namalayang nanginginig na pala talaga ang kamay niya.

Mabilis niya iyong itinago sa likod niya. Ngunit huli na. Nakita na ni Xavian. At lalong dumilim ang ekspresyon nito.

“Did you really think you could hide something this big from me forever?”

“Hindi mo siya pwedeng kunin sa’kin.”

Bigla iyong nakalabas sa bibig niya. At agad niyang pinagsisihan iyon. Dahil sa mismong sandaling marinig iyon ni Xavian, biglang nagbago ang ekspresyon nito. Naging mas tahimik. Mas delikado.

“Kunin?”

Mariing napakagat si Astrid sa labi.

Damn it. Maling-mali.

Unti-unting lumapit si Xavian.

“Why would I take someone who’s not my child?”

Hindi siya nakasagot. At iyon ang tuluyang nagpapatibay sa hinala ng lalaki. Malamig itong tumawa.

“There it is.”

Nanghina ang tuhod ni Astrid.

“You’re scared I’ll take him away because deep inside…” marahan nitong saad, “you know he’s mine.”

“No.”

“Then prove it.”

Nanlaki ang mga mata niya.

“Ano?”

“DNA test.”

Biglang nanlamig ang buong katawan niya.

“No.”

Masyadong mabilis ulit. Masyadong defensive. At kitang-kita ni Xavian iyon.

“Why not?”

Hindi siya makahinga. Hindi niya pwedeng gawin iyon. Kapag nalaman ni Xavian ang totoo…hindi na siya nito tatantanan. At higit sa lahat, ayaw niyang mapalapit si Ashton sa lalaking kinatatakutan niya noon.

Mahal siya ni Xavian. Pero alam niyang kaya rin nitong maging mapanganib kapag nawawalan ng kontrol. Hindi niya kayang irisk ang anak niya.

“Because I said so.”

Malamig na tumawa si Xavian.

“You still think you can run from me?”

Tahimik.

Pagkatapos ay mayamaya, marahan itong tumango.

“Fine.”

Bahagyang nagulat si Astrid. Ganun lang? Ngunit nang muli siyang tingnan ni Xavian…mas lalo siyang kinabahan.

Dahil hindi iyon ang tingin ng isang taong susuko. Kundi ng isang taong mas lalong naging determinado.

“I’ll find out the truth myself.”

At bago pa siya makapagsalita, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.

“Mama?”

Agad na napalingon silang dalawa. Nakatayo roon si Ashton habang yakap-yakap ang maliit nitong stuffed toy. Ngunit nang makita nito ang ekspresyon ni Astrid, bahagyang kumunot ang noo ng bata.

“Mama, are you crying?”

Mabilis na pinunasan ni Astrid ang pisngi niya. Hindi niya namalayang may luha na pala siyang tumulo.

“No, baby.”

Tahimik na pinagmasdan ni Xavian ang bata. At habang tumatagal…mas lalo niyang nakikita ang sarili niya rito. Maging ang paraan ng pagkakunot-noo nito ay kaparehong-kapareho niya.

Biglang naglakad si Ashton palapit kay Astrid saka mahigpit itong niyakap sa bewang.

Protective. Parang naramdaman ng bata ang tensyon. At hindi alam ni Astrid kung bakit…pero sa mismong sandaling iyon, may kung anong kumirot sa dibdib ni Xavian. Hindi niya maipaliwanag. Pero pakiramdam niya…may invisible string na humihila sa kanya palapit sa batang iyon.

At habang nakatitig siya kay Ashton…lalong lumalakas ang kutob niya. Kutob na hindi niya na kayang balewalain. Mabagal siyang napangiti. Ngunit malamig pa rin iyon.

“You can deny it all you want, Astrid.”

Mariing napapikit si Astrid.

“Pero hinding-hindi ako magkakamali sa sarili kong dugo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Running Away With His Child   CHAPTER 49

    Kinabukasan, nagising si Astrid dahil sa mumunting halik sa pisngi niya. Pagmulat ng mata niya ay nakita niya si Xavian. Napangiti ito nang makitang gising na siya.“Good morning, Mrs. Avanzado.” Saka muling inilapat ang labi nito sa labi niya.Pagkatapos ng halik ay agad na tinakpan ni Astrid ang mukha niya. Bigla siyang nahiya nang mag-sink in sa isip niya kung ano ang itinatawag sa kanya ni Xavian.“Bakit? May problema ba?”“Stop flustering me.”“What did I do?”“You just called me Mrs. Avanzado.”Napatawa si Xavian dahil doon.“What's wrong with that? Eh Mrs. Avanzado ka naman na talaga ngayon ah?”“Kahit na.”Inalis naman ni Xavian ang kamay ni Astrid na nakatakip sa mukha niya at tinitigan siya.“Alam mo bang matagal ko nang gustong idugtong sa pangalan mo ang apelyido ko? Sobrang tagal ko nang gustong gawin ’yon. At sa wakas, nangyari na. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon na dala-dala mo na ang apelyido ko. Everyone will know that you are mine already.”Hinampas si

  • Running Away With His Child   CHAPTER 48

    “Handa ka na ba?” bulong ni Xavian sa asawa.Nagtataka namang napalingon sa gawi niya si Astrid, “Handa para saan?”Napangiti si Xavian, “Alam mo na.”Biglang nasamid si Fiona na nasa likod lang nila nang marinig ang sinabi ni Xavian. Nanlalaki naman ang mga mata ni Astrid at pinalo niya sa dibdib ang asawa. Bigla siyang namula sa hiya.“Xavian! Yang bibig mo!” sita niya sa asawa. Tumawa lang si Xavian.“Bestie, no worries. Kasal naman kayo kaya okay lang ‘yan. It's normal.” Maya-maya, mas lumapit si Fiona at bumulong sa kaibigan. “Saka wala kang dapat na ikahiya kasi nagawa naman na ninyo ‘yan ‘diba? Kaya nga nabuo si Ashton. At remember no’ng time na kababalik mo lang galing China. Pinag-book kita ng spa service hindi ko naman alam na humirit ka pa pala ng extra service.”Kahit bulong lang iyon ay medyo malakas parin ang boses ni Fiona, sinadya niya iyon para marinig parin ni Xavian ang sinasabi niya. Mas lalong natawa si Xavian dahil dun.“Fiona, isa ka pa! Tumahimik nga kayo!” P

  • Running Away With His Child   CHAPTER 47

    Pagkatapos ng kasal ay dumiretso naman sila sa reception. Same hotel pa rin, pero ibang kwarto o venue na.Pagbukas pa lang ng pinto ng ballroom, napahinto si Astrid.Parang ibang mundo ang sumalubong sa kanya.Pastel yellow ang pangunahing motif ng buong venue, hinaluan ng ivory at white accents. Sa bawat mesa ay may eleganteng floral centerpiece na binubuo ng puting rosas at maliliit na dilaw na bulaklak. Nakapalibot naman sa malawak na dance floor ang maliliit na golden lights na nagbibigay ng warm at romantic na glow sa buong lugar.Sa harapan ay may malaking stage na napalilibutan ng flowers at sheer white curtains. Sa ibabaw nito ay nakasulat ang pangalan nilang dalawa, habang ang crystal chandeliers sa kisame ay lalong nagpapatingkad sa eleganteng ambiance ng ballroom.Napangiti si Astrid. Hindi niya napigilang mapatingin kay Xavian.“Did you do all this?”Ngumiti lamang ang lalaki at hinawakan ang kamay niya.“I wanted tonight to be perfect for you.”Biglang uminit ang dibdib

  • Running Away With His Child   CHAPTER 46

    “Xavian, your vows,” tawag naman ng pastor kay Xavian.“Para sa’yo, Astrid…”Huminga nang malalim si Xavian habang nakatingin sa babae. Kita sa mga mata niya ang halo-halong emosyon; pagsisisi, pagmamahal, at pasasalamat.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ‘to, dahil alam kong maraming bagay akong kailangang sabihin sa’yo. At alam kong hindi sapat ang mga salita para mabawi lahat ng sakit na naibigay ko sa’yo.”Saglit siyang tumigil.“I hurt you. I made you afraid of me when I was supposed to be the person who made you feel safe. I let my jealousy and anger control me, and because of that, I almost lost you and our family.”Nangingilid na rin ang luha sa mga mata ni Xavian.“When you left, I finally understood what it meant to lose the people who mattered most to me.”Tumingin siya kay Ashton bago muling bumalik ang tingin kay Astrid.“For five years, you and Ashton lived without me. You raised our son, watched him grow, and gave him the love and life I should have been there to g

  • Running Away With His Child   CHAPTER 45

    Habang nagsisimula nang maglakad papasok ng entrance ang mga bridesmaid, si Astrid naman ay palingon-lingon sa paligid. Hindi siya mapakali. Iniisip niya kung sino ang nag-send ng message na iyon at kung ano ang ibig sabihin nito. Dahil sa mga nangyari nitong nakaraang buwan na nalagay sa panganib ang buhay nila especially si Ashton ay hindi niya maiwasang kabahan ngayon.Maya-maya napansin ni Fiona ang kakaibang ikinikilos ni Astrid kaya tinanong na siya nito.“Bestie, what's wrong? You look tense.”Ipinakita naman ni Astrid ‘yong message na natanggap niya from unknown number.“Then let them watch. This is your day. Don't let whoever sent that message steal even a second of it. Okay?”Tumango naman si Astrid at ngumiti. Pilit kinukumbinsi ang sarili na magiging okay ang lahat ngayon.‘Breath, Astrid. Baka naman spam message lang ‘yon kaya wala kang dapat na ikabahala.’ Pagkausap ni Astrid sa sarili.Nagsimula nang maglakad sa aisle si Fiona kaya huminga na nang malalim si Astrid dahi

  • Running Away With His Child   CHAPTER 44

    “You look beautiful,” nakangiting saad ni Fiona habang pinagmamasdan si Astrid. “Talaga? Hindi ba parang masikip itong gown ko?” kinakabahang saad naman ni Astrid.Umiling naman si Fiona saka hinawakan ang kamay ng kaibigan.“Astrid, relax.”Ngayon na ang araw ng kasal nina Astrid at Xavian. Matagal na niya itong pangarap pero hindi niya maiwasang kabahan ngayon. “Matutupad na rin ang pangarap mo. Ikakasal ka na. Sa wakas tapos na ang single mom era mo, hindi ka ba natutuwa nun?”“N-natutuwa naman—”“Then get a grip and smile.” Dahan-dahan namang ngumiti si Astrid kahit na ang totoo ay nanginginig na ang kalamnan niya.“Ayan! Diba, sobrang ganda mo, best friend!” sabay hila kay Astrid paharap ulit sa salamin. “Salamat kasi nandito ka.”“Psh! Kung hindi lang dahil sa inaanak kong si Ashton ay hindi naman talaga ako pupunta. Nagtatampo parin kaya ako sa’yo.” Umatras si Fiona at biglang humalukipkip. “Sorry na, hindi ko naman kasi alam na si Xavian pala ang boss mo na magiging boss

  • Running Away With His Child   CHAPTER 7

    Mabigat ang katahimikan sa loob ng condo. Mahigpit na nakakapit si Ashton sa bewang ni Astrid habang nakatingin naman si Xavian sa kanilang dalawa. At habang tumatagal mas lalong lumalalim ang tingin nito sa bata. Parang may unti-unting nabubuo sa isip niya. Isang katotohanang pilit itinatanggi ni

  • Running Away With His Child   CHAPTER 5

    Halos buong araw na lutang si Astrid.Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian.You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me.Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya.Pakiramdam niya anumang o

  • Running Away With His Child   CHAPTER 4

    Tahimik ang buong executive office. Ngunit para kay Astrid, parang napakalakas ng ingay ng tibok ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa perang nakapatong sa mesa sa harapan niya.Iyong limang libong iniwan niya sa hotel. At ngayon… hawak iyon ni Xavian. Kitang-kita niya ang malamig

  • Running Away With His Child   CHAPTER 3

    Halos magdamag na hindi nakatulog si Astrid.Paulit-ulit niyang binabasa ang mensaheng natanggap niya kagabi mula sa unknown number habang nakatitig sa kisame ng condo unit na pansamantala niyang tinutuluyan.You ran away again.This time, I’ll make sure you can’t escape from me anymore.Kahit hind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status