Mag-log inHalos magdamag na hindi nakatulog si Astrid.
Paulit-ulit niyang binabasa ang mensaheng natanggap niya kagabi mula sa unknown number habang nakatitig sa kisame ng condo unit na pansamantala niyang tinutuluyan. You ran away again. This time, I’ll make sure you can’t escape from me anymore. Kahit hindi naka-save ang numero, alam na alam niya kung sino ang nagpadala no’n. Alam niyang si Xavian iyon. Napapikit siya nang mariin habang pilit kinakalma ang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit sa dami ng taon na lumipas ay ganoon pa rin kalakas ang epekto ng lalaki sa kanya. Akala niya noong umalis siya papuntang China ay tuluyan na niyang matatakasan ang magulong relasyon nila. Pero mukhang nagkamali siya. Dahil isang gabi pa lang silang nagkikita ulit, parang bumabalik na naman siya sa dating Astrid. Iyong babaeng umiikot ang mundo kay Xavian Avanzado. Napabuntong-hininga siya saka bumangon mula sa kama. Today was important. First day niya sa bagong trabaho. Kaya kahit magulo ang isip niya ay kailangan niyang ayusin ang sarili. Mabilis siyang nagtungo sa bathroom at naligo. Pagkatapos ay nagsuot siya ng white fitted blouse at black pencil skirt na lalong nagbigay ng elegance sa katawan niya. Hinayaan niyang nakalaylay ang mahaba niyang buhok habang light make-up lang ang inilagay niya sa mukha. Pagharap niya sa salamin ay pilit siyang ngumiti. “Focus, Astrid,” bulong niya sa sarili. “Trabaho lang ‘to.” Hindi niya pwedeng hayaang guluhin siya ni Xavian. Hindi na. Paglabas niya ng condo ay nadatnan niya agad si Fiona na naghihintay sa kanya sa loob ng sasakyan nito. Pagpasok pa lang ni Astrid ay agad na nagsalita ang kaibigan. “Girl, buhay ka pa pala,” dramatikong saad ni Fiona. Napailing si Astrid. “Ang aga-aga, Fiona.” “Eh kasi naman! Hindi ka sumasagot kagabi! Akala ko pinatay ka na no’ng mysterious spa technician mo.” Biglang natigilan si Astrid. Muntik pa siyang mabulunan sa iniinom niyang bottled water. “Fiona!” namumulang saad niya. Nanlaki naman ang mata ng kaibigan. “Teka… don’t tell me may nangyari talaga?!” Hindi agad nakasagot si Astrid. At sapat na iyon para mapasinghap si Fiona. “Oh my God! Astrid Alejandro!” “Can we not talk about it?” Lalong naghinala si Fiona nang makita ang tensyon sa mukha ng kaibigan. “Wait… bakit parang stressed ka?” Umiling si Astrid at mabilis na umiwas ng tingin. “Nothing.” Hindi kumbinsido si Fiona pero hindi na ito nangulit. “Anyway,” saad nito habang pinaandar ang sasakyan, “ready ka na ba?” “Para saan?” “Sa bagong trabaho mo, duh.” Bahagyang kinabahan si Astrid. Actually, hindi pa. Hindi dahil sa trabaho mismo. Kundi dahil pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda ngayong araw. Hindi niya maipaliwanag pero may kakaibang kaba sa dibdib niya. Pagkalipas ng halos trenta minutos ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking building. Napatingala si Astrid sa modernong glass skyscraper sa harapan nila. Malaki at napaka-elegante ng gusali. Halatang pagmamay-ari ng isang napakayamang kompanya. “Welcome to Avanzado Corporation,” proud na saad ni Fiona. Nanigas si Astrid. Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa buong katawan niya. “Ano?” Hindi agad nag-register sa isip niya ang narinig. Ngumiti si Fiona. “Avanzado Corporation. Biggest architectural and luxury real estate company in the country.” Unti-unting nanlamig ang kamay ni Astrid. Avanzado. That surname. Hindi… Hindi siguro… Maraming taong may apelyidong Avanzado. Hindi ibig sabihin no’n… “Astrid?” takang tawag ni Fiona. Mabilis na ngumiti si Astrid kahit pilit. “Y-Yeah. Let’s go.” Pero habang naglalakad sila papasok ng building ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Hindi. Impossible. Hindi pwedeng… “Good morning, Miss Fiona!” “Morning, ma’am!” Sunod-sunod na bati ng mga empleyado kay Fiona habang naglalakad sila. Napansin ni Astrid kung gaano kagalang ang trato ng mga tao rito sa kaibigan niya. “Assistant director ka pala dito?” tanong niya. Tumawa si Fiona. “Of course. Akala mo ba tambay lang ako?” Napailing na lang si Astrid. Pagpasok nila sa elevator ay hindi mawala-wala ang kaba niya. Lalo na nang pindutin ni Fiona ang top floor button. Penthouse executive floor. Biglang nanuyo ang lalamunan niya. “Why are we going up there?” “Ipapakilala kita sa boss natin.” Tumigil ang paghinga ni Astrid. Boss. Hindi naman siguro siya ang boss namin no? Diyos ko. Please huwag naman sana. Ding! Bumukas ang elevator. Agad silang sinalubong ng elegante at tahimik na hallway. Halos puro glass walls at mamahaling interior ang makikita. Ramdam na ramdam ang kapangyarihan ng may-ari ng kompanyang ito. Nanginginig ang kamay ni Astrid habang naglalakad. Pakiramdam niya ay bawat hakbang niya papunta sa isang kapahamakan. Huminto si Fiona sa harap ng isang malaking double door office. Kumatok ito nang dalawang beses. “Come in.” Nanigas si Astrid. Hindi niya malilimutan ang boses na iyon. Kahit limang taon pa ang lumipas. Mabagal na bumukas ang pinto. At doon tuluyang tumigil ang mundo ni Astrid. Nakatayo si Xavian sa harap ng floor-to-ceiling window habang may hawak na coffee mug. Naka-black long sleeves ito na nakatiklop hanggang siko habang bahagyang nakaawang ang unang dalawang butones ng polo nito. Mas lalo itong naging gwapo. Mas naging dominante. Mas naging mapanganib. At nang magtama ang mga mata nila, dahan-dahang ngumiti ang lalaki. Ngunit walang init iyon. Parang isang predator na sa wakas ay nakita na ulit ang matagal nang hinahanap na biktima. “Astrid.” Muntik mawalan ng lakas ang tuhod niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makahinga. Pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Samantalang si Fiona naman ay clueless na nakangiti. “Boss, this is Astrid Alejandro. Siya po ‘yong bagong Design Manager na sinasabi ko.” Hindi sumagot si Xavian. Diretso lang itong nakatingin kay Astrid. Mabagal nitong ibinaba ang coffee mug sa mesa bago naglakad palapit sa kanila. Bawat hakbang nito ay lalong nagpapakaba kay Astrid. Hanggang sa tuluyan itong huminto sa harapan niya. Napalunok siya nang maramdaman ang matinding presensya ng lalaki. “Design Manager?” malamig na saad ni Xavian. Bahagyang ngumiti si Fiona. “Yes, boss. Siya ‘yong top designer from Shanghai that I told you about.” Saglit na natahimik si Xavian bago marahang tumango. “I see.” Pero hindi inaalis ng lalaki ang tingin nito kay Astrid. Parang gusto nitong tunawin siya gamit lang ang mga mata nito. “Interesting.” Napakunot-noo si Fiona habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. “Wait… magkakilala kayo?” Napakagat ng labi si Astrid habang pilit kinakalma ang sarili. Ngunit si Xavian, malamig itong ngumiti. “Oh, we know each other very well.” Nanlaki ang mga mata ni Fiona. “What?!” “Xavian—” agad na putol ni Astrid. Pero tila hindi interesado ang lalaki na iligtas siya. Sa halip ay bahagya itong yumuko palapit sa kanya. Sobrang lapit. Naamoy niya agad ang pabango nito. Iyong pabangong limang taon niyang pilit kinakalimutan. “Buti naman,” bulong nito na sila lang ang nakakarinig, “hindi ka na ulit makakatakas sa’kin.” Nanlamig ang buong katawan ni Astrid. At bago pa siya makapagsalita, biglang inilabas ni Xavian mula sa bulsa nito ang isang malutong na bundle ng pera. 5,000 pesos. Iyong perang iniwan niya sa hotel. Dahan-dahan nitong inilapag iyon sa harapan niya habang nakatitig diretso sa mga mata niya. “Tell me, Ms. Alejandro,” malamig nitong saad, “ganito ba talaga kababa ang tingin mo sa mga lalaking nakakasama mo?” Namutla si Astrid. Samantalang si Fiona ay tuluyang napasinghap. “Wait— WHAT?!”May mga sugat na tinatahi. May mga sugat na ginagamot. At may mga sugat na hindi kailanman tuluyang nawawala. Natutunan iyon ni Xavian sa bawat araw na lumilipas. Dahil kahit tapos na ang lahat...Kahit wala nang mga kaaway. Kahit wala nang mga lihim. May isang bagay na kailangan pa rin niyang harapin. Ang nakaraan. At ang sakit na siya mismo ang dahilan.Isang linggo matapos ang pag-uusap nila ni Astrid sa veranda. Mas naging maingat si Xavian. Hindi dahil gusto niyang magpanggap. Kundi dahil ngayon lang niya tunay na naiintindihan ang ibig sabihin ng respeto. Dati, kapag may gusto siya...Kinukuha niya. Kapag may gusto siyang mangyari...Pinipilit niya. At kapag natatakot siyang mawalan...Lalong humihigpit ang hawak niya. Ngunit si Astrid...Hindi kailanman naging bagay na dapat hawakan nang mahigpit. Siya ay taong dapat mahalin. At matagal bago niya iyon natutunan."Mama!"Masayang sigaw ni Ashton habang tumatakbo palabas ng school. Agad nitong niyakap si Astrid. Kasunod naman ay lumap
Tatlong buwan. Tatlong buwan mula nang matapos ang lahat. Tatlong buwan mula nang mawala ang takot. Tatlong buwan mula nang maibalik nila si Ashton. At tatlong buwan mula nang magsimulang matutunan ni Xavian ang isang bagay na matagal niyang hindi naintindihan.Na hindi sapat ang pagmamahal lamang. Kailangan mo rin itong ipakita. Kailangan mo itong patunayan. Araw-araw. Paulit-ulit. Hanggang sa muling maniwala ang taong nasaktan mo.Isang Sabado ng umaga. Tahimik na bumaba si Astrid sa kusina. Inaasahan niyang walang tao dahil maaga pa. Ngunit agad siyang napahinto. Dahil naroon si Xavian. At mukhang...Nahihirapan. Sobrang nahihirapan dahil nakakunot pa ang noo niya."Ano'ng ginagawa mo?"Halos mapatalon si Xavian nang magsalita si Astrid. Parang nahuling gumagawa ng kalokohan. May suot itong apron. May harina sa pisngi. At mukhang muntik nang sumabog ang kusina."Breakfast." Diretso nitong sagot.Tahimik si Astrid. Tumingin siya sa mesa. Sunog ang toast. Baluktot ang pancake. At mukh
Walang nagsalita matapos maputol ang tawag. Parang huminto ang oras. Parang tumigil ang mundo. At sa gitna ng katahimikang iyon, iisa lamang ang iniisip nina Xavian at Astrid. Si Ashton.Hindi na mahalaga ang mga lihim. Hindi na mahalaga ang nakaraan. Hindi na mahalaga kung sino ang nagsinungaling o kung sino ang nagtaksil. Ang mahalaga ay maiuwi nila ang anak nila nang ligtas. At sa pagkakataong iyon, tila iyon lang ang bagay na may halaga sa buong mundo.Makalipas ang ilang minuto. Muling nagsalita si Ethan. Ngunit ibang Ethan na ito. Hindi na ang lalaking puno ng galit. Hindi na ang lalaking hinahayaang kontrolin ng paghihiganti ang buhay niya. Pagod na siya. Sobrang pagod."May alam akong lugar."Napatingin ang lahat sa kanya. Tahimik siyang tumango."May lumang rest house ang pamilya namin sa baybayin ng San Isidro."Kumunot ang noo ni Helena. At bigla itong nanlaki ang mga mata."Rafael's Cove."Tumango si Ethan."Doon kami madalas dalhin noong bata pa ako."Napahigpit ang kamao
Walang nagsalita matapos matapos ang video. Parang nawala ang hangin sa loob ng silid. Lahat ay nakatitig lamang sa madilim na screen. Lahat ay sinusubukang intindihin ang nangyari. Dahil kung tama si Helena...Kung tama ang nakita nila...May isang taong dapat ay patay na ang buhay pa..At hawak nito si Ashton. Ngunit higit pa roon...May hawak ito ng katotohanang kayang wasakin ang lahat.Tahimik na napaupo si Ethan. Namumutla at hindi makapaniwala."D-Don't do this." Mahina niyang bulong. Parang hindi niya iyon sinasabi sa iba. Kundi sa sarili niya. Dahil kilala niya ang pangalang iyon.Rafael Cervantes. Ang nakatatandang kapatid ng kanyang ama. Ang lalaking minsang itinuring na haligi ng pamilya Cervantes. At ang lalaking idineklarang namatay sa isang aksidente mahigit dalawang dekada na ang nakalipas. Ngunit kung buhay ito...Ibig sabihin may nagsinungaling. At kung nagsinungaling sila tungkol sa pagkamatay ni Rafael…Ano pa ang mga kasinungalingang itinago nila?Makalipas ang isang or
Hindi sumigaw si Astrid. Hindi siya nahimatay. Hindi rin siya umiyak agad. Sa halip, para siyang naging bato.Nakatayo lamang siya sa gitna ng pasilyo habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ng guwardiya.Ashton is gone. Gone. Nawala. Kinuha. Dinukot.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulala.Ilang segundo ba? Ilang minuto? Ngunit nang tuluyang magsink in ang kahulugan ng mga salitang iyon...Parang may humablot sa puso niya."My son..."Nanginginig ang boses niya."My son..."At kasunod niyon ay tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Ngunit bago pa siya bumagsak sa sahig, mabilis siyang nasalo ni Xavian."Astrid."Paos ang boses nito. Halata rin ang takot. Halata rin ang pagkawasak. Dahil kahit gaano katatag si Xavian Avanzado...Isa pa rin siyang ama. At ang batang nawawala ay ang anak niya."Mahahanap natin siya."Mahigpit nitong sabi. Hindi iyon pangako para kay Astrid. Pangako iyon para sa sarili niya. Dahil kung hindi niya iyon paniniwalaan...M
Hindi nakatulog sina Xavian at Astrid buong gabi. Paulit-ulit na umiikot sa isip nila ang banta na natanggap ni Xavian.Your son will pay the price.Sa tuwing naaalala iyon ni Astrid, parang may malamig na kamay na humihigpit sa kanyang dibdib.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Ashton na mahimbing na natutulog sa kabilang silid sa pamamagitan ng baby monitor. Hindi niya namalayang napalakas ang buntong-hininga niya.Agad siyang napalingon nang maramdaman ang presensya ni Xavian sa likuran niya."Nag-aalala ka."Hindi iyon tanong. Katotohanan iyon.Napakagat siya sa labi."Paano kung seryoso sila?"Mahina niyang tanong."Totoo namang seryoso."Diretsong sagot ni Xavian. Hindi siya nagsinungaling. Hindi siya nagbigay ng pekeng pag-asa. At iyon ang isa sa mga bagay na natutunan niyang pahalagahan dito.Palaging totoo. Kahit masakit.Lumapit ang lalaki at umupo sa tabi niya."Pero hindi ko hahayaang may mangyari kay Ashton."Matigas ang boses nito. Punong-pun
Tahimik ang buong executive office. Ngunit para kay Astrid, parang napakalakas ng ingay ng tibok ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa perang nakapatong sa mesa sa harapan niya.Iyong limang libong iniwan niya sa hotel. At ngayon… hawak iyon ni Xavian. Kitang-kita niya ang malamig
Mabigat ang talukap ng mga mata ni Xavian nang dahan-dahan siyang magising.Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa puting kisame ng Presidential Suite. Hindi niya maalala kung kailan siya huling nakatulog nang ganito kahimbing.Tahimik ang buong paligid.Walang tunog ng ulan. Wala ring
Sa isang Presidential Suite.Kakaibang init ang bumabalot sa buong kwarto, init na parang yumayakap sa kanilang pagkatao.Dalawang tao ang magkayakap sa paraang ayaw nang magkahiwalay. Ang kutis ng babae ay kasing puti ng jade, kasing kinis ng nyebe, maselan at malambot, na may bahagyang mapulang
Halos buong araw na lutang si Astrid.Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian.You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me.Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya.Pakiramdam niya anumang o







