LOGINTahimik ang buong executive office. Ngunit para kay Astrid, parang napakalakas ng ingay ng tibok ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa perang nakapatong sa mesa sa harapan niya.
Iyong limang libong iniwan niya sa hotel. At ngayon… hawak iyon ni Xavian. Kitang-kita niya ang malamig na galit sa mga mata nito. Samantalang si Fiona naman ay salitan ang tingin sa kanilang dalawa na para bang hindi alam kung matatawa ba o matataranta. “Teka lang—” naguguluhang saad nito. “Ano bang nangyayari dito?” Napakagat ng labi si Astrid habang pilit kinokontrol ang kaba niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Lalo na’t alam niyang hindi simpleng “past relationship” lang ang meron sila ni Xavian. Magulo. Masakit. At puno ng mga lihim. “Out.” malamig na saad ni Xavian. Napakurap si Fiona. “H-Ha?” “I said out.” Mababa ang boses nito ngunit sapat para maramdaman ang bigat ng awtoridad nito. Napalingon si Fiona kay Astrid na para bang nagtatanong kung okay lang ba siya. Pilit namang ngumiti ang babae. “I’m okay.” Hindi kumbinsido si Fiona pero tumango pa rin ito. “Sige… I’ll wait outside.” Pagkasara ng pinto ay agad na bumigat ang atmosphere ng buong opisina. Pakiramdam ni Astrid ay mas lalo siyang nahirapang huminga. Dahan-dahang sumandal si Xavian sa gilid ng mesa habang walang emosyon na nakatitig sa kanya. “Care to explain?” malamig nitong tanong. Hindi agad nakasagot si Astrid. Hindi niya kayang salubungin ang titig nito. “Xavian…” “Answer me.” Napapikit siya sandali. “I was drunk.” Napatawa nang mahina ang lalaki ngunit walang amusement doon. “That’s your excuse again?” Mariing napahawak si Astrid sa strap ng bag niya. “I didn’t know it was you.” “Then what?” malamig nitong saad. “Kung hindi ako ‘yon, okay lang? Kahit sinong lalaki na lang?” “Stop twisting my words!” Biglang tumalim ang tingin ni Xavian. “Then tell me what the hell that money means.” Tahimik ulit. Pakiramdam ni Astrid ay unti-unting bumabalik ang takot na matagal niyang tinakasan. Ito ang dahilan kung bakit siya umalis noon. Kapag nagagalit si Xavian…Pakiramdam niya kayang sirain ng lalaki ang buong mundo. “I left it because—” “Because what?” putol agad nito. “Para wala akong masabi? Para isipin kong bayaran mo lang ako?” “No!” Mabilis ang sagot niya. Napahinga siya nang malalim bago marahang nagsalita. “I left it because I panicked.” Naningkit ang mga mata ni Xavian. “Panicked?” “Oo,” mahina niyang saad. “Hindi ko alam gagawin ko paggising ko.” Saglit na natahimik ang lalaki. Ngunit hindi pa rin nawawala ang lamig sa ekspresyon nito. “Five years kang nawala,” madiin nitong sabi. “Pagbalik mo, iiwanan mo ulit ako kinabukasan.” Nanuyo ang lalamunan ni Astrid. Hindi niya alam kung bakit mas masakit marinig iyon ngayon. Marahil dahil alam niyang may kasalanan talaga siya. Pero wala siyang choice noon. Kailangan niyang umalis. Kailangan niyang ilayo ang sarili niya kay Xavian. Dahil kung hindi…Mabubunyag ang lihim na pilit niyang itinago sa loob ng limang taon. At iyon ang pinakakinatatakutan niya ngayon. Hindi niya pwedeng malaman. Hindi pa. Mahigpit siyang napakapit sa bag niya. Hindi napansin ni Xavian ang bahagyang panginginig ng kamay niya dahil abala ito sa pagpigil ng galit. “Do you know what I went through because of you?” paos nitong tanong. Napayuko si Astrid. “Xavian…” “Hindi mo man lang ako kinausap.” Lumapit ito nang kaunti. “Bigla ka na lang nawala.” Humigpit ang dibdib niya. Alam niya. At araw-araw niyang dala ang guilt na iyon. “May dahilan ako noon.” “Then tell me.” Napapikit siya nang mariin. Hindi pwede. Hindi niya kayang sabihin. Dahil sa oras na malaman ni Xavian ang totoo, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito. At baka iyon na tuluyan nilang ikasira. “Hindi ko pweding sabihin.” Biglang tumigas ang ekspresyon ng lalaki. “So there’s really something.” Mabilis na napaangat ang tingin ni Astrid. “What?” “Five years, Astrid.” Naningkit ang mga mata ni Xavian. “Hindi ka basta mawawala nang ganoon lang.” Pakiramdam niya ay lalo siyang kinakabahan habang titig na titig sa kanya ang lalaki. Parang sinusubukan nitong basahin lahat ng tinatago niya. At iyon ang pinaka-ayaw niya. Dahil si Xavian, masyado siyang kilala nito. “You’re hiding something from me.” Nanlamig ang buo niyang katawan. “No.” “Lie.” Mariin siyang napalunok. Kailangan niyang kumalma. Hindi niya pwedeng mahalata. Hindi pwede. Biglang tumunog ang cellphone ni Xavian dahilan para maputol ang tensyon sa pagitan nila. Hindi agad ito sumagot. Nakatingin pa rin ito kay Astrid bago dahan-dahang kinuha ang phone mula sa bulsa nito. Bahagya itong napailing saka sinagot ang tawag. “Yes?” Tahimik na nakatayo lang si Astrid habang pilit inaayos ang magulong paghinga niya. Ngunit habang abala si Xavian sa tawag, bahagya niyang naaninag ang wallpaper ng cellphone nito. At doon siya tuluyang nanigas. Larawan niya iyon. Old picture. Kuha limang taon na ang nakakaraan. Nakangiti siya habang yakap si Xavian sa isang beach. Parang gumuho ang mundo niya. Hindi niya inakalang hanggang ngayon ginagamit pa rin iyon ni Xavian. Five years na ang lumipas. Pero hindi siya nakalimutan ng lalaki kahit kailan. At iyon ang mas lalong nagpabigat sa dibdib niya. Mabilis siyang umiwas ng tingin nang matapos ang tawag. Ngunit tila napansin ni Xavian ang reaksyon niya. Bahagya itong napangisi. “You saw it?” Hindi siya sumagot. “Hindi ko pinalitan ‘yong wallpaper ko.” Lalong sumikip ang dibdib niya. Bakit ginagawa nito ito? Bakit parang mas lalo nitong pinapahirapan ang puso niya? “Why are you telling me that?” mahina niyang tanong. Malamig itong tumawa. “Because unlike you…” marahan nitong saad, “I never forgot.” Tahimik ulit. At sa pagkakataong iyon, gusto na lang ni Astrid tumakas. Dahil pakiramdam niya unti-unti nang bumibigay ang matagal niyang itinayong pader laban kay Xavian. Mabilis niyang iniwas ang tingin. “Kailangan ko nang umalis.” Akma siyang lalampas dito ngunit agad siyang nahawakan ni Xavian sa pulsuhan. Napasinghap siya. Mainit ang palad nito. At ganoon pa rin ang pakiramdam. Parang kaya nitong sunugin buong pagkatao niya. “Hindi pa tayo tapos mag-usap.” “Xavian…” “Tell me the truth.” Mariin siyang napapikit. Kung pwede lang. Kung kaya lang niya. Pero hindi pwede. Dahil kapag nalaman nito, hindi niya alam kung anong mangyayari. Biglang may kumatok sa pinto. Pareho silang napalingon. At nang bumukas iyon ay agad na pumasok si Fiona. “Boss, nandito na po ‘yong investors from Singapore.” Bahagyang kumunot ang noo nito nang makitang hawak pa rin ni Xavian ang pulsuhan ni Astrid. Ngunit mabilis ding kumalma ang ekspresyon nito. “Ah… am I interrupting something?” Agad na binawi ni Astrid ang kamay niya. “No,” mabilis niyang saad. Ngunit bago pa siya makaalis, muling nagsalita si Xavian. “Starting today,” malamig nitong saad habang nakatingin sa kanya, “you’ll work directly under me.” Nanlaki ang mga mata niya. “What?” Maging si Fiona ay nagulat. “Boss? Pero design managers usually—” “She’s an exception.” Pakiramdam ni Astrid ay lalo siyang kinabahan. Hindi maganda ito. Hindi talaga. Kapag palagi silang magkasama ni Xavian, mas mataas ang posibilidad na malaman nito ang lihim niya. At hindi niya pwedeng hayaan mangyari iyon. Hindi matapos-tapos ang pag-iisip niya habang nakasakay sa elevator pababa. Tahimik lang si Fiona sa tabi niya ngunit halatang gustong-gusto na nitong magtanong. At hindi nga siya nagkamali. Pagkasara pa lang ng elevator doors ay agad itong napaharap sa kanya. “Okay,” saad nito. “Explain.” Napabuntong-hininga si Astrid. “It’s complicated.” “Complicated?!” halos mapasigaw si Fiona. “Girl, sinabi ng boss natin na kilalang-kilala ka niya habang may hawak na limang libo!” Napahawak si Astrid sa noo niya. “I know…” Naningkit ang mga mata ni Fiona. “Wait… ex mo ba siya?” Tahimik. At doon tuluyang napasinghap si Fiona. “No freaking way.” Ngunit bago pa ito makapagtanong ulit, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Astrid. Nanlamig agad ang mukha niya nang makita ang sender. Si Xavian. Mabagal niyang binuksan ang message. At halos tumigil ang tibok ng puso niya sa nabasa. You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me.May mga sugat na tinatahi. May mga sugat na ginagamot. At may mga sugat na hindi kailanman tuluyang nawawala. Natutunan iyon ni Xavian sa bawat araw na lumilipas. Dahil kahit tapos na ang lahat...Kahit wala nang mga kaaway. Kahit wala nang mga lihim. May isang bagay na kailangan pa rin niyang harapin. Ang nakaraan. At ang sakit na siya mismo ang dahilan.Isang linggo matapos ang pag-uusap nila ni Astrid sa veranda. Mas naging maingat si Xavian. Hindi dahil gusto niyang magpanggap. Kundi dahil ngayon lang niya tunay na naiintindihan ang ibig sabihin ng respeto. Dati, kapag may gusto siya...Kinukuha niya. Kapag may gusto siyang mangyari...Pinipilit niya. At kapag natatakot siyang mawalan...Lalong humihigpit ang hawak niya. Ngunit si Astrid...Hindi kailanman naging bagay na dapat hawakan nang mahigpit. Siya ay taong dapat mahalin. At matagal bago niya iyon natutunan."Mama!"Masayang sigaw ni Ashton habang tumatakbo palabas ng school. Agad nitong niyakap si Astrid. Kasunod naman ay lumap
Tatlong buwan. Tatlong buwan mula nang matapos ang lahat. Tatlong buwan mula nang mawala ang takot. Tatlong buwan mula nang maibalik nila si Ashton. At tatlong buwan mula nang magsimulang matutunan ni Xavian ang isang bagay na matagal niyang hindi naintindihan.Na hindi sapat ang pagmamahal lamang. Kailangan mo rin itong ipakita. Kailangan mo itong patunayan. Araw-araw. Paulit-ulit. Hanggang sa muling maniwala ang taong nasaktan mo.Isang Sabado ng umaga. Tahimik na bumaba si Astrid sa kusina. Inaasahan niyang walang tao dahil maaga pa. Ngunit agad siyang napahinto. Dahil naroon si Xavian. At mukhang...Nahihirapan. Sobrang nahihirapan dahil nakakunot pa ang noo niya."Ano'ng ginagawa mo?"Halos mapatalon si Xavian nang magsalita si Astrid. Parang nahuling gumagawa ng kalokohan. May suot itong apron. May harina sa pisngi. At mukhang muntik nang sumabog ang kusina."Breakfast." Diretso nitong sagot.Tahimik si Astrid. Tumingin siya sa mesa. Sunog ang toast. Baluktot ang pancake. At mukh
Walang nagsalita matapos maputol ang tawag. Parang huminto ang oras. Parang tumigil ang mundo. At sa gitna ng katahimikang iyon, iisa lamang ang iniisip nina Xavian at Astrid. Si Ashton.Hindi na mahalaga ang mga lihim. Hindi na mahalaga ang nakaraan. Hindi na mahalaga kung sino ang nagsinungaling o kung sino ang nagtaksil. Ang mahalaga ay maiuwi nila ang anak nila nang ligtas. At sa pagkakataong iyon, tila iyon lang ang bagay na may halaga sa buong mundo.Makalipas ang ilang minuto. Muling nagsalita si Ethan. Ngunit ibang Ethan na ito. Hindi na ang lalaking puno ng galit. Hindi na ang lalaking hinahayaang kontrolin ng paghihiganti ang buhay niya. Pagod na siya. Sobrang pagod."May alam akong lugar."Napatingin ang lahat sa kanya. Tahimik siyang tumango."May lumang rest house ang pamilya namin sa baybayin ng San Isidro."Kumunot ang noo ni Helena. At bigla itong nanlaki ang mga mata."Rafael's Cove."Tumango si Ethan."Doon kami madalas dalhin noong bata pa ako."Napahigpit ang kamao
Walang nagsalita matapos matapos ang video. Parang nawala ang hangin sa loob ng silid. Lahat ay nakatitig lamang sa madilim na screen. Lahat ay sinusubukang intindihin ang nangyari. Dahil kung tama si Helena...Kung tama ang nakita nila...May isang taong dapat ay patay na ang buhay pa..At hawak nito si Ashton. Ngunit higit pa roon...May hawak ito ng katotohanang kayang wasakin ang lahat.Tahimik na napaupo si Ethan. Namumutla at hindi makapaniwala."D-Don't do this." Mahina niyang bulong. Parang hindi niya iyon sinasabi sa iba. Kundi sa sarili niya. Dahil kilala niya ang pangalang iyon.Rafael Cervantes. Ang nakatatandang kapatid ng kanyang ama. Ang lalaking minsang itinuring na haligi ng pamilya Cervantes. At ang lalaking idineklarang namatay sa isang aksidente mahigit dalawang dekada na ang nakalipas. Ngunit kung buhay ito...Ibig sabihin may nagsinungaling. At kung nagsinungaling sila tungkol sa pagkamatay ni Rafael…Ano pa ang mga kasinungalingang itinago nila?Makalipas ang isang or
Hindi sumigaw si Astrid. Hindi siya nahimatay. Hindi rin siya umiyak agad. Sa halip, para siyang naging bato.Nakatayo lamang siya sa gitna ng pasilyo habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ng guwardiya.Ashton is gone. Gone. Nawala. Kinuha. Dinukot.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulala.Ilang segundo ba? Ilang minuto? Ngunit nang tuluyang magsink in ang kahulugan ng mga salitang iyon...Parang may humablot sa puso niya."My son..."Nanginginig ang boses niya."My son..."At kasunod niyon ay tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Ngunit bago pa siya bumagsak sa sahig, mabilis siyang nasalo ni Xavian."Astrid."Paos ang boses nito. Halata rin ang takot. Halata rin ang pagkawasak. Dahil kahit gaano katatag si Xavian Avanzado...Isa pa rin siyang ama. At ang batang nawawala ay ang anak niya."Mahahanap natin siya."Mahigpit nitong sabi. Hindi iyon pangako para kay Astrid. Pangako iyon para sa sarili niya. Dahil kung hindi niya iyon paniniwalaan...M
Hindi nakatulog sina Xavian at Astrid buong gabi. Paulit-ulit na umiikot sa isip nila ang banta na natanggap ni Xavian.Your son will pay the price.Sa tuwing naaalala iyon ni Astrid, parang may malamig na kamay na humihigpit sa kanyang dibdib.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Ashton na mahimbing na natutulog sa kabilang silid sa pamamagitan ng baby monitor. Hindi niya namalayang napalakas ang buntong-hininga niya.Agad siyang napalingon nang maramdaman ang presensya ni Xavian sa likuran niya."Nag-aalala ka."Hindi iyon tanong. Katotohanan iyon.Napakagat siya sa labi."Paano kung seryoso sila?"Mahina niyang tanong."Totoo namang seryoso."Diretsong sagot ni Xavian. Hindi siya nagsinungaling. Hindi siya nagbigay ng pekeng pag-asa. At iyon ang isa sa mga bagay na natutunan niyang pahalagahan dito.Palaging totoo. Kahit masakit.Lumapit ang lalaki at umupo sa tabi niya."Pero hindi ko hahayaang may mangyari kay Ashton."Matigas ang boses nito. Punong-pun
Mabigat ang katahimikan sa loob ng condo. Mahigpit na nakakapit si Ashton sa bewang ni Astrid habang nakatingin naman si Xavian sa kanilang dalawa. At habang tumatagal mas lalong lumalalim ang tingin nito sa bata. Parang may unti-unting nabubuo sa isip niya. Isang katotohanang pilit itinatanggi ni
Nanigas ang buong katawan ni Astrid. Pakiramdam niya tumigil ang oras habang nakatayo si Xavian sa labas ng condo at nakatitig sa batang nasa harapan nito.Tahimik ang buong hallway. Ngunit sa loob-loob ni Astrid, parang napakalakas ng tibok ng puso niya.Hindi… Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman n
Mabigat ang talukap ng mga mata ni Xavian nang dahan-dahan siyang magising.Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa puting kisame ng Presidential Suite. Hindi niya maalala kung kailan siya huling nakatulog nang ganito kahimbing.Tahimik ang buong paligid.Walang tunog ng ulan. Wala ring
Sa isang Presidential Suite.Kakaibang init ang bumabalot sa buong kwarto, init na parang yumayakap sa kanilang pagkatao.Dalawang tao ang magkayakap sa paraang ayaw nang magkahiwalay. Ang kutis ng babae ay kasing puti ng jade, kasing kinis ng nyebe, maselan at malambot, na may bahagyang mapulang







