ログインHalos buong araw na lutang si Astrid.
Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian. You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me. Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya. Pakiramdam niya anumang oras ay mabubunyag na ang lahat. At iyon ang pinakakinatatakutan niya. Tahimik siyang nakaupo sa conference room habang nagsasalita ang isa sa project heads tungkol sa bagong luxury hotel project ng kumpanya. Pero wala siyang maintindihan. Abala siya sa pagpigil sa kaba. “What do you think, Ms. Alejandro?” Bigla siyang napakurap nang matawag. Lahat ng tingin ay nasa kanya. Maging si Xavian na nasa pinakadulong bahagi ng conference table ay malamig na nakatingin sa kanya. Mabilis siyang umayos ng upo. “I think… mas magandang gawing minimalist contemporary ang lobby para mas lumabas ‘yong elegance ng structure.” Tumango ang project head. “Exactly what I was thinking.” Ngunit hindi pa rin inaalis ni Xavian ang tingin nito sa kanya. Parang sinusubukan nitong himayin lahat ng nasa isip niya. Nakakabinging tensyon ang namagitan sa kanilang dalawa hanggang matapos ang meeting. Pagkatapos no’n ay agad na tumayo si Astrid para makaalis. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ng conference room… “Ms. Alejandro.” Huminto siya. Nanuyo agad ang lalamunan niya nang marinig ang boses ni Xavian. Unti-unti siyang lumingon. Nakatayo na ngayon ang lalaki habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa nito. “Stay.” Tahimik na nagsialisan ang ibang employees. Maging si Fiona ay napatingin muna kay Astrid bago tuluyang lumabas. At nang tuluyang sumara ang pinto, pakiramdam ni Astrid ay lalo siyang kinapos ng hininga. Mabagal na lumapit si Xavian sa kanya. “What do you want?” mahina niyang tanong. Naningkit ang mga mata ng lalaki. “The truth.” Napapikit siya nang mariin. Again. Lagi na lang iyon. Pero paano niya sasabihin? Paanong sasabihin niyang habang halos mabaliw ito sa paghahanap sa kanya noon…bitbit-bitbit niya ang anak nila? “Wala akong itinatago.” Malamig na tumawa si Xavian. “You’re a terrible liar.” Hindi siya sumagot. Tumigil ito sa harapan niya. Sobrang lapit. Ramdam niya agad ang init ng katawan nito. “Why did you leave?” Tahimik. “Tell me the real reason.” Mariing napakagat si Astrid sa labi. At sa pagkakataong iyon… Bumalik lahat ng alaala niya. *Flashback* “Nasaan ka?!” sigaw ni Xavian habang malakas na ibinabagsak ang vase sa sahig. Napapikit si Astrid habang nanginginig sa takot. “Office lang ako—” “Sinungaling!” Marahas siyang hinila nito noon sa braso. Halos mapaiyak siya sa sakit. Possessive si Xavian noon. Mahal siya nito. Sobra. Pero habang tumatagal… Lalong nagiging mapanganib ang pagmamahal nito. Kontrolado nito lahat. Kung sino kakausapin niya. Saan siya pupunta. Anong oras siya uuwi. At kapag nagseselos ito, nagiging bayolente. Hindi man siya direktang sinasaktan noon ni Xavian…Pero sapat na ang paraan ng paghawak nito kapag galit. Sapat na ang mga basag na gamit.Mga suntok sa pader. At nakakatakot nitong mga mata. Hanggang sa isang araw… Nalaman niyang buntis siya. At doon siya tuluyang natakot. Ayaw niyang lumaki ang anak niya sa ganoong klaseng environment. Ayaw niyang matutunang katakutan ang sariling ama.Kaya umalis siya. Walang paalam. Walang paliwanag. Dahil alam niyang hindi siya pakakawalan ni Xavian kapag sinabi niya ang totoo. *End of Flashback* “Answer me, Astrid.” Muling bumalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang malamig na boses ng lalaki. Mabilis siyang umiwas ng tingin. “Kailangan ko nang umuwi.” Akma siyang lalakad palayo ngunit agad siyang nahawakan ni Xavian sa braso. Nanigas siya. Hindi niya namalayang bahagya siyang nanginig. At tila napansin iyon ng lalaki. Biglang kumunot ang noo nito. “Why are you shaking?” Mabilis niyang binawi ang kamay niya. “I’m tired.” Ngunit habang nakatitig si Xavian sa kanya… May kung anong kakaiba sa ekspresyon nito. Parang may naalala ito. Parang may napansin. At lalo iyong nagpakaba kay Astrid. Hindi na siya naghintay pa. Mabilis siyang lumabas ng conference room at dire-diretsong naglakad papunta sa elevator. Kailangan niyang makaalis. Kailangan niyang makauwi. At higit sa lahat, kailangan niyang makita ang anak niya. Pagdating niya sa condo unit ay agad siyang sinalubong ng katahimikan. Ngunit ilang segundo lang… “Mama!” Biglang lumiwanag ang mukha niya nang may munting batang tumakbo palapit sa kanya. Agad niya itong sinalo sa yakap. Napangiti siya sa wakas matapos ang magulong araw. “There’s my baby…” Mahigpit siyang niyakap ng bata. “Mama, you’re late!” Napatawa siya nang mahina saka hinalikan ang noo nito. “I’m sorry, baby. Madaming work si mama today.” Unti-unti siyang napatingin sa mukha ng bata. At gaya ng palagi… Sumisikip ang dibdib niya. Dahil kahit anong gawin niya, kitang-kita niya si Xavian dito. Parehong mata. Parehong matangos na ilong. Parehong hugis ng labi. At kahit limang taong gulang pa lang ito… Ramdam na ramdam na niya ang malakas nitong presence. Parang maliit na bersyon ni Xavian. “Did you miss me?” tanong niya habang hinahaplos ang buhok ng anak. Tumango naman agad ang bata. “Yes! Tita Fiona brought me ice cream!” Napailing siya nang mahina. Of course. Spoiled na spoiled ito kay Fiona. “Where’s yaya?” “Nasa kitchen!” Ngumiti siya bago tuluyang pumasok sa loob ng condo. Ngunit habang pinagmamasdan niya ang anak niyang masayang nagkukwento tungkol sa buong araw nito, unti-unting bumibigat ang dibdib niya. Limang taon niyang inilihim ang batang ito. At wala ni isang beses na nagsisi siya. Dahil ang batang ito ang naging buong mundo niya. Ang dahilan kung bakit kinaya niyang mabuhay mag-isa sa China. Ang dahilan kung bakit tiniis niya lahat. “Mama?” Napakurap siya nang hawakan ng bata ang pisngi niya. “Why do you look sad?” Mabilis siyang ngumiti. “I’m not sad.” “Liar.” Napatawa siya nang bahagya. Mana talaga sa ama nito. Masyadong observant. “Kumain ka na ba?” Tumango ang bata. “Yes! But I waited for you.” Biglang sumikip ang dibdib niya sa sinabi nito. Dahan-dahan niya itong niyakap. “I love you so much.” “I love you too, mama.” Napapikit siya nang mariin. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya kayang hayaang malaman ni Xavian ang totoo. Kapag nalaman nitong may anak sila, hindi siya titigilan nito. At sigurado siyang kukunin nito ang bata sa kanya. Biglang tumunog ang doorbell. Nanigas si Astrid. Bahagyang kumunot ang noo ng anak niya. “Mama?” Hindi agad siya gumalaw. Hindi niya alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang may masamang kutob siya. Muling tumunog ang doorbell. At bago pa siya makapunta sa pinto, biglang tumakbo roon ang anak niya. “Baby wait—!” Ngunit huli na. Nauna nang nabuksan ng bata ang pinto. At doon tuluyang nanlamig ang buong katawan ni Astrid. Nakatayo si Xavian sa labas ng condo. Malamig ang ekspresyon nito kanina, Pero sa mismong sandaling makita nito ang batang nasa harapan niya, biglang tumigil ang mundo. Nanigas ang lalaki. Unti-unting bumaba ang tingin nito sa mukha ng bata. At doon tuluyang nawala ang kulay sa mukha ni Xavian. Dahil para itong nakatingin sa sarili niyang limang taong gulang. Tahimik na tumingala naman ang bata kay Xavian. Curious ang mga mata nito. At pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, ngumiti ang bata. “Hello po.”Mabigat ang katahimikan sa loob ng condo. Mahigpit na nakakapit si Ashton sa bewang ni Astrid habang nakatingin naman si Xavian sa kanilang dalawa. At habang tumatagal mas lalong lumalalim ang tingin nito sa bata. Parang may unti-unting nabubuo sa isip niya. Isang katotohanang pilit itinatanggi ni Astrid.“You can deny it all you want, Astrid,” malamig nitong saad. “Pero hinding-hindi ako magkakamali sa sarili kong dugo.”Nanlamig ang buong katawan ni Astrid. Hindi. Hindi niya pwedeng hayaan na umabot pa ito sa puntong iyon. Kailangan niyang pigilan si Xavian.Ngunit bago pa siya makapagsalita, biglang bumukas ang elevator sa hallway. Kasunod no’n ay mabilis na yabag ng isang tao.“Astrid!”Lahat sila ay napalingon. Isang matangkad na lalaki ang naglalakad palapit habang may hawak na paper bag ng groceries. Mestizo ito, maamo ang mukha, at halatang may concern sa mga mata nito nang makita ang tensyon sa paligid.“Daniel…” halos pabulong na saad ni Astrid.Huminto ang lalaki nang maki
Nanigas ang buong katawan ni Astrid. Pakiramdam niya tumigil ang oras habang nakatayo si Xavian sa labas ng condo at nakatitig sa batang nasa harapan nito.Tahimik ang buong hallway. Ngunit sa loob-loob ni Astrid, parang napakalakas ng tibok ng puso niya.Hindi… Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman ni Xavian. Hindi ngayon. Hindi kailanman.“Hello po,” inosenteng bati ni Ashton habang nakatingala kay Xavian.At lalo lang sumikip ang dibdib ni Astrid dahil kitang-kita niya ang pagkakahawig nilang dalawa. Parang copy paste. Parehong mata. Parehong ekspresyon. Maging ang paraan ng pagtitig ng bata ay kahawig na kahawig ng ama nito.Samantalang si Xavian naman ay tila tuluyang napako sa pwesto. Hindi ito makapagsalita. Hindi rin nito maalis ang tingin kay Ashton. Para bang may unti-unting nabubuo sa isip nito. At iyon ang pinakakinatatakutan ni Astrid.Mabilis siyang lumapit at agad na kinuha si Ashton palayo sa pintuan.“Baby, go to your room first,” kalmadong saad niya.Ngunit kumunot ang
Halos buong araw na lutang si Astrid.Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian.You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me.Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya.Pakiramdam niya anumang oras ay mabubunyag na ang lahat. At iyon ang pinakakinatatakutan niya.Tahimik siyang nakaupo sa conference room habang nagsasalita ang isa sa project heads tungkol sa bagong luxury hotel project ng kumpanya.Pero wala siyang maintindihan. Abala siya sa pagpigil sa kaba.“What do you think, Ms. Alejandro?”Bigla siyang napakurap nang matawag. Lahat ng tingin ay nasa kanya. Maging si Xavian na nasa pinakadulong bahagi ng conference table ay malamig na nakatingin sa kanya.Mabilis siyang umayos ng upo.“I think… mas magandang gawing minimalist contemporary ang lobby para mas lumabas ‘yong elegance ng structure.”Tumango ang project head.“Exactly what I was thinking.”Ngunit hindi pa rin inaali
Tahimik ang buong executive office. Ngunit para kay Astrid, parang napakalakas ng ingay ng tibok ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa perang nakapatong sa mesa sa harapan niya.Iyong limang libong iniwan niya sa hotel. At ngayon… hawak iyon ni Xavian. Kitang-kita niya ang malamig na galit sa mga mata nito.Samantalang si Fiona naman ay salitan ang tingin sa kanilang dalawa na para bang hindi alam kung matatawa ba o matataranta.“Teka lang—” naguguluhang saad nito. “Ano bang nangyayari dito?”Napakagat ng labi si Astrid habang pilit kinokontrol ang kaba niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Lalo na’t alam niyang hindi simpleng “past relationship” lang ang meron sila ni Xavian.Magulo. Masakit. At puno ng mga lihim.“Out.” malamig na saad ni Xavian.Napakurap si Fiona.“H-Ha?”“I said out.”Mababa ang boses nito ngunit sapat para maramdaman ang bigat ng awtoridad nito.Napalingon si Fiona kay Astrid na para bang nagtatanong kung okay lang ba siya
Halos magdamag na hindi nakatulog si Astrid.Paulit-ulit niyang binabasa ang mensaheng natanggap niya kagabi mula sa unknown number habang nakatitig sa kisame ng condo unit na pansamantala niyang tinutuluyan.You ran away again.This time, I’ll make sure you can’t escape from me anymore.Kahit hindi naka-save ang numero, alam na alam niya kung sino ang nagpadala no’n.Alam niyang si Xavian iyon.Napapikit siya nang mariin habang pilit kinakalma ang sarili.Hindi niya maintindihan kung bakit sa dami ng taon na lumipas ay ganoon pa rin kalakas ang epekto ng lalaki sa kanya.Akala niya noong umalis siya papuntang China ay tuluyan na niyang matatakasan ang magulong relasyon nila. Pero mukhang nagkamali siya. Dahil isang gabi pa lang silang nagkikita ulit, parang bumabalik na naman siya sa dating Astrid. Iyong babaeng umiikot ang mundo kay Xavian Avanzado.Napabuntong-hininga siya saka bumangon mula sa kama.Today was important. First day niya sa bagong trabaho. Kaya kahit magulo ang isip
Mabigat ang talukap ng mga mata ni Xavian nang dahan-dahan siyang magising.Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa puting kisame ng Presidential Suite. Hindi niya maalala kung kailan siya huling nakatulog nang ganito kahimbing.Tahimik ang buong paligid.Walang tunog ng ulan. Wala ring tunog ng mahinang ungol o habol-hininga ni Astrid na paulit-ulit niyang narinig kagabi. Unti-unti siyang napamulat nang tuluyan. At doon niya agad napansin na wala na ang babae sa tabi niya.Nanigas ang ekspresyon niya.Mabilis siyang napabangon at napatingin sa kabilang side ng kama. Gusot pa rin ang bedsheet at may bakas pa ng presensya ni Astrid doon, pero malamig na ang pwesto nito.Ibig sabihin matagal na itong umalis.Mariing napahawak si Xavian sa noo niya habang pilit inaalala ang nangyari kagabi.Astrid.She came back.Pagkatapos ng limang taon.At pagkatapos ng limang taon na iyon… ngayon lang ulit siya nakatulog nang maayos.Napabuntong-hininga siya at isinandal ang likod sa headb







