LOGINAminado naman ako na seryoso si Rhyxe sa sinasabi niya. Aaminin ko na nagkaroon ako ng kaunting paghanga sa kaniya. Kasi bakit naman hindi? Gwapo naman siya, matangkad, matipuno ang katawan, matalino at mayaman pa. Nasa kaniya na ang lahat. Marami ring nagkakandarapa sa kaniyang mga babae. Pero hindi ko lang lubos maunawaan kung bakit sakin pa siya nagkagusto eh halos ang dami ko ngang pagkukulang sa sarili at sa buhay. Hindi ako nababagay sa isang tulad niya.
Hindi naman sa nag-iinarte ako pero hindi ko lang talaga makita ang future ko kasama siya. Mahirap lang ako, hindi-dati kaming mayaman na naging mahirap. Nasa mataas si Rhyxe, ako nasa mababa na. Magkaiba kami ng estado. Kahit kahit na umasa ako na magiging kami ay alam kong hindi pwede. Hindi kami nababagay para sa isa't isa. Mapapahiya lamang siya kapag papatol siya sa isang tulad ko. Hindi lang sa mata ng ibang tao kundi sa mga magulang na rin niya. Siguradong mababa ang magiging tingin nila sakin at mapapatanong kung bakit mapupunta pa sa isang tulad ko ang anak nila. Hindi naman sa nag-ooverthink ako pero ganun kasi ang mga nangyayari, hindi lang sa pelikula o sa mga librong nababasa. Pati sa totoong buhay ay nangyayari iyon. Maraming mayayaman na tao lalo na ang mga magulang na nagnanais na na mapangasawa ang mga anak nila ng may kaya at mapera, yun bang kaya silang sabayan sa malakaharian nilang buhay. Mapili sila at arogante. Kaya natatakot ako na baka mangyari iyon sakin, na kamuhian at panliitan dahil sa estado ko. Kaya iniiwasan ko na mapaibig sa mga lalaki na mayaman. At isa na dun si Rhyxe. "Pupuntahan ko lang si Rhyxille sa kwarto niya. Kailangan ko na siyang turuan." Sambit ko na lang bago siya iniwan roon para puntahan yung kapatid niya. Hindi ko na siya narinig pa na nagsalita kaya nagpatuloy na ako sa pag-akyat. Ilang oras rin ang lumipas bago natapos ang pagtuturo ko kay Rhyxille. Pag-alis ko ay hindi mo na nakita si Rhyxe, hinayaan ko na lang. Mas mabuti na rin iyon para hindi na niya ako kulitin. Umuwi kaagad ako, at syempre naglalakad lang ako. Nang makauwi na ako ay naabutan ko na si Mommy na nagluluto sa kusina. Wala pa yung dalawa kong kapatid dahil whole day ang klase nila. Nasa public school lang sila nag-aaral dahil di naman namin sila kayang pag-aralin sa private school. Hindi na kasi tulad sakin dati na nakapag-aral ng private school noong grade school pa lang ako. Noong lumipat kami ng bahay ay pinalipat na rin ako sa public school hanggang sa maghigh school ako. Ngumiti ako at lumapit kay Mommy. Nakatalikod siya habang abala sa niluluto niya kaya hindi niya ako nakita na lumapit. Niyakap ko siya mula sa likod at hinalikan sa pisngi. "I love you, My." Ngumiti si Mommy at hinagod ang kamay ko na nakapulupot sa beywang niya. "Naglalambing ka na naman. Alam ko na yang galawan mong yan." Aniya nito kaya napanguso ako. "Tsk. Hindi po ba pwedeng maglambing? Isa pa, hindi ko rin naman na makukuha yung mga gusto ko tulad ng dati. Kaya wala na akong ibang kailangan pa. Kayo lang ay sapat na sakin." Malambing kong wika, napansin ko naman ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Mommy. "Pasensya ka na, anak. Hindi ko na maibibigay sa inyo ang mga bagay na gusto niyo na dati ay kaya ko pang ibigay. Pati kayo ay nahihirapan sa sitwasyon natin ngayon. Hindi niyo dapat ito nararanasan." Mahina niyang sambit. Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Marami nga kaming hirap na napagdaanan simula noong nawala ang lahat samin. At hindi na rin niya nabibigay ang mga gusto namin. Naiintindihan ko naman siya, at kahit kailan ay hindi ako nagreklamo. Ni hindi ko rin naisip na sisihin siya dahil alam ko naman na wala siyang kasalanan. Pinilit ko na lang na ngumiti para pagaanin ang loob niya. "Ano ka ba, My? Ayos lang. Naiintindihan naman kita. At naiintindihan ko ang sitwasyon natin ngayon. Hindi mo na kailangan pang sisihin ang sarili mo kung anuman ang nangyari sa buhay natin. Ang mahalaga magkakasama tayo. Yun lang naman ang importante sakin eh." Nakita ko na ang muling pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. "Salamat anak. Salamat sa pag-intindi." Humarap ito at hinalikan ako sa noo. "Anyway, gutom ka na ba? Sandali lang, umupo ka na lang dyan at maghahain na ako. Alam kong pagod ka na rin sa magdamag mong pagto-tutor, kaya kailangan mong kumain." Tumango na lang ako at humiwalay na sa kaniya bago ako umupo. Nang mailapag na ni Mommy ang pagkain ay nagsimula na akong kumain. Sakto rin na dumating na ang dalawa kong kapatid kaya nagsabay-sabay na kaming kumain. Marami rin kaming mga napag-usapan habang kumakain lalo na yung tungkol sa pag-aaral nila. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Actually, sabay kaming nagising ni Mommy ng saktong 6 A.M. Nagtaka pa nga siya na maaga akong nagising eh halos saktong 8 A.M akong nagigising. Ipinaliwanag ko naman ang dahilan kaya tumango na lang siya. Kagabi ko pa nareceive yung text na binigay ni Allora sakin na location ng bahay nila. Hindi ko pa kasi nakikita o napupuntahan ang bahay nila kahit na ilang taon na kaming magkaibigan. Medyo malayo kasi dito sa baryo namin ang tinitirhan nila. Matapos kong maligo at magbihis ay nag-asikaso muna ako para sa babaunin ng dalawa kong kapatid. Nagsaing na ako at nagluto ng ulam. Plinantsa ko na rin ang mga uniform na susuutin nila mamaya. Nag-igib na rin ako ng tubig na gagamitin nilang pangligo dun sa may malapit na balon. Ayaw kasi kaming pagamitin ni Auntie Myrna ng gripo sa apartment na konektado sa ginagamit nilang tubig dahil baka mas lumaki daw yung babayaran nila sa bill. Kaya nag-iigib na lang kami sa may balon. Buti nga pinapayagan kami ng mga tagaroon na makigamit ng balon. Kaya kahit papano ay may nagagamit kaming tubig. Matapos kong asikasuhin lahat ay saka ko naman ginising ang dalawa kong kapatid. Binigyan ko na rin sila ng tig-isang baon na pera dahil aalis na ako. Malaki naman na sila at kaya nang mag-asikaso ng sarili kaya hinayaan ko na sila. Maaga akong umalis dahil alam kong medyo malayo-layo ang pupuntahan ko. Hindi naman kasi tulad ng bahay nila Rhyxe ang bahay nila Allora na madali lang puntahan at lakarin. Kaya kailangan ko pang sumakay ng trycicle para lang makarating ang location nila Allora dahil hindi ko kakayanin kung lalakarin ko lang. Naglakad lang muna ako dahil wala pang tricycle ang dumadaan dito banda samin sa ganitong oras. Tataas pa ako para makarating sa gate kung saan ay nandun ang mga trycicle driver na bumabyahe. Ilang minuto ang inabot bago ako makarating sa may kalsada na may mga trycicle nang nag-aantay ng pasahero nila. Sumakay na ako sa isa dun at sinabi sa driver ang location. Halos kalahating oras rin ang inabot bago kami nakarating sa location na sinabi ko. May nakikita na akong malaking gate. Ito na kaya yun? Naisip ko na siguro malaking bahay rin nasa loob nun or should I say a mansion? Ganito rin kasi kalaki ang gate ng mansyon namin dati. Kaya naisip ko na mansyon rin iyon. Matapos magbayad sa trycicle driver ay lumapit na ako sa malaking gate at nagdoorbell. Kaagad naman bumukas ang malaking gate at bumungad sa harapan ko ang isang security guard na mukhang nagbabantay dito sa gate. Ngumiti ako ng pilit rito. "Good morning po, nandito po ako para mamasukan bilang labandera." Magalang kong saad sa kaniya. "Ahh, ikaw po ba si Agathe? Ang kaibigan ni Ma'am Allorabella?" Tanong nito kaya kaagad akong tumango. "Opo, ako nga po iyon. Inalok niya po kasi ako ng trabaho dito which is bilang labandera." Tugon ko. "Sige hija, pumasok ka na. Maglakad ka lang sa daanan na iyan at makikita mo na ang mansyon." Saad nito at itinuro ang daan. Tumango naman ako at naglakad na. Medyo mahaba-haba rin ang nilakad ko papunta pero nakikita ko na ang mansyon. May mga nasasalubong akong mga puno na maliliit na nakahanay, sa tingin ko ay puno ng mangga. Meron rin akong nadaanan na hardin. May hardinero pa nga na inaayos at ginugupitan ang ilang mga bulaklak na nalanta na. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan na akong nakarating sa mansyon. Maganda ang labas ng mansyon, may mga halaman na nakahanay sa gilid ng pintuan. Bumukas ang malaking pintuan at bumungad si Allora na nakangiti. "Agathe!" Kaagad itong lumapit at niyakap ako. Kaagad rin namang lumayo ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. "Buti ang aga mo. Tara sa loob, ihatid na kita sa mga dapat mong gawin." Umuna na siyang pumasok sa loob, sumunod naman ako sa likod niya. Iginala ko muna ang tingin sa buong sulok ng bahay. Masasabi kong maganda nga talaga ang bahay, maayos at malinis ang loob. May malaking chandelier rin na nakasabit sa kisame na kumikintab dahil sa mga crystals na nakakabit. "Oh, wait. Tapos ka na bang kumain? Pwede ka munang kumain bago ka magsimula, baka gutom ka." Alok nito pero umiling lang ako. "Hindi na, okay lang. Kumain na ako sa bahay bago pumunta dito. Salamat na lang, Allora." Pagtanggi ko. Tumango na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. "Oh, okay. Ikaw ang bahala. If so, then you can eat a snack later when you're done. Ihahanda ko sa kusina yung pagkain. Let's go, so you can start." Sumunod na ako sa kaniya papunta sa laundry room. Nang makarating na kami ay tumambad sa harapan ko ang sandamakmak na labahin na nakalagay sa laundry basket. Tinitingnan ko pa lang iyon ay parang ramdam ko nang nakakapagod. Ang dami pa naman, puno ang isang basket. Bigla tuloy akong napaisip, ganito rin ba ang naranasan ng mga katulong namin dati kapag naglalaba? Siguro marami rin kaming mga labahing damit. Hindi ko naman malaman dahil wala naman akong pakialam dati, bihis lang ako ng bihis tapos nilalagay sa labahan. Pero ngayon, naiintindihan ko na ang mga pagod na dinanas ng mga labandera naming katulong dati. Ganito rin ang nararamdaman nila sa tuwing nasisilayan ang mga labahin namin araw-araw. At ngayon ay mararanasan ko na ang naranasan nila. Naglalaba naman ako ngayon samin, nasanay na ako kasi alam kong wala nang katulong ang maglalaba ng mga damit namin. Pero hindi ako sanay sa ganito karaming labahin. Kaya tinitignan ko pa lang ay mukhang mapapagod na ako. "Ahhh.." Natawa na lang ako ng mapakla. "I-ito na ba ang mga labahin ninyo?" Tanong ko sabay turo sa laundry basket na puno ng mga labahing damit. "Oo eh. Alam mo naman kami, hindi sanay na pabalik-balik lang ang damit. Hindi mo ba kaya?" Kaagad akong umiling. Syempre hindi ako pwedeng humindi. Nandito na ako eh, sayang naman kung tatanggihan ko pa. Malaki rin ang bayad kaya keri ko na to. "Hindi naman. Nagulat lang ako sa dami. P-pero okay na to. Itutuloy ko pa rin. Sayang naman yung 5k." Pilit akong ngumiti. "San na ba yung mga sabon? Para makapagsimula na ako." Binuhat ko na ang laundry basket at dinala sa paglalabhan ko. "Nandyan sa may basket. Kuha ka na lang dyan." Tumango na lang ako at binuksan na ang kabinet na tinuro niya. Kinuha ko ang isang malaking sachet ng powder soap saka laundry perfume. "Nandun lang ako sa sala. Just call me when you're done." Tumango lang ako at sinimulan nang lagyan ng tubig ang palanggana para simulan na ang paglalaba. "Sige, salamat." Saka na tumalikod si Allora at umalis. Sinimulan ko nang basain ang mga damit. Pagkatapos ay naglagay na ako ng powder soap sa kaunting tubig ng palanggana bago ko nilagay ang mga damit saka kinusot-kusot isa-isa. Kusot-kusot lang ang ginagawa ko, at hindi ko tinitigilan hangga't walang nakukuhang dumi. Alam ko na ang mga mayayaman ay hindi gustong may nakikitang dumi, dapat malinis at maayos ang pagkakalaba. Madalas ko iyong naririnig kina Mommy at Daddy sa tuwing inuutusan nila ang mga katulong namin. Bawal rin ibrush ang ibang damit. Lalo na yung mga cotton at makintab na damit dahil baka masira. Dapat rin na magkakahiwalay ang puti at de-color na damit, ganun ang itinuro ni Mommy sakin nung una niya akong tinuruan kung paano maglaba. Ilang oras ang inabot ko sa paglalaba, nangangalay na nga ang kamay ka kakakusot eh. Pero hindi ako tumigil. Kailangan kong tapusin ito. Dahil kabuhayan namin ang nakasalalay sa ginagawa ko. Nakasalalay rin rito ang tirahan namin na pilit nang sinisingil ni Auntie Myrna na kailangan kong bayaran. Nang matapos ay nagbanlaw na ako. Binanlawan ko ng maigi dahil hindi pwedeng may maiwan na bula. Ganun dapat ang ginagawa sa paglalaba. Matapos magbanlaw ay ipinasok ko na sa washing machine ang mga damit at nilagyan na ng laundry perfume para pampabango sa mga damit. Downy na lang ang gamit namin pampabango kapag naglalaba ng damit, hindi na kasi kami mayaman para ma-afford ang laundry perfume na ginagamit ng mayayaman. Pina-dry ko na rin sa loob ng machine yung mga damit. Pagkatapos ay isa-isa ko nang sinampay. Sa wakas ay tapos na rin. Makakapagpahinga na rin ako. Napa-stretceh ako ng ulo at katawan. Nakakangalay ang ilang oras na paglalaba. Sa dami ba naman ng nilabhan ko. Nangalay na rin ang kamay ko, sobrang nakakapagod. Lumabas na ako sa laundry room at nagtungo sa sala, nakita ko nga si Allora na nakaupo sa couch. Mukhang hinihintay ang pagtapos ko. Pinapunta niya ako sa kusina at pinakain ng cake with juice. Fair na rin iyon dahil sobrang napagod ko, nagutom rin ako dun. Mabuti na lang mabait si Allora. Mamaya pag-uwi ko ay siguradong maaga akong matutulog nito dahil sa sobrang pagod."Here. Pumili ka sa mga ito kung alin d'yan yung magugustuhan mo. Kung wala naman sa kanila, babalik ulit ako mamaya para sa panibago. Puro gulay ito, for your health.""Naku, ano ka ba naman? Para ka namang ano d'yan, nag-alala ka pa. Nakakahiya naman sa'yo. Saka, kung makaasta ka ay parang sobrang close natin ah. Ano kita boyfriend? Nagtanong ka pa talaga sa mga kasambahay mo about sa pagbubuntis? Naku." Anas ko at napailing na lang bago muli siyang tiningnan. Bahagya nang salubong ang mga kilay ko. "Alam kong may kailangan ka. Ano, kukunin mo na ba ang kamay ng kapatid ko? Plano mo na bang mamanhikan at ako muna ang una mong nilapitan para humingi ng permiso? Naku, hindi pa pwede. Hindi ako papaya-""What the?! No! That's not what I came here for! And can you lower your voice? Baka mamaya dumating bigla si Sidhe at marinig pa niya. Hindi iyon ang pakay ko, okay? Ang OA mo. Hihintayin ko munang mag-legal age siya bago ko patulan-" Pinanlakihan ko siya ng tingin dahil sa gulat."Kit
Pagmulat ko ng mga mata ay puting kisame ang una kong nasilayan. Bumibigat pa ang talukap ng mga mata ko pero pinilit ko pa ring kumurap para mas luminaw ang aking paningin. Nasan ba ako?Nang mas luminaw na ang paningin ko ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Bakit parang hindi pamilyar yung lugar? Saka, ang pangit ng amoy dito. Amoy gamot at chemical. Ano ba yun? Saka, ano ba tong nakakabit sa kamay ko? Dextrose ba to? Wait, ibig sabihin nasa hospital ako ngayon?Nang ibaling ko ang tingin sa gilid ay doon ko lang napagtanto na may mga kasama pala ako. Si Mommy ay nakaupo sa may tabi ko habang mahimbing na natutulog na nakahawak pa sa kamay ko, while si Sidhe at Orfhlaith naman ay magkatabing natutulog sa may sofa. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Rhyxe na may dalang plastic na may laman na sa palagay ko ay prutas iyon."Oh, gising ka na pala." Saad niya nang makita ako at naglakad palapit bago ipinatong sa mesa na medyo malapit lang sa pwesto namin. Saka
I promised myself that I would never fall in love with someone who came from a high position. Dahil para sa kanila, hindi nababagay ang nasa mataas na antas at ang nasa mahabang antas tulad namin. Hindi namin sila ka-level kaya hindi dapat kami nakikisalamuha sa kanila. Dahil ang mayayaman ay para sa mayayaman lang. At ang mahihirap ay para sa mahihirap lang. Kaya nga hindi ko sinagot si Rhyxe dati, dahil mayaman siya at mahirap lang ako.Pero ang paniniwala ko ay napigtas nang makilala ko si Azzurro. Hindi ko kailan man ninais na mapaibig sa isang tulad niya pero may sariling desisyon ang aking puso. Hindi ko man sadya ay tuluyan akong umibig sa kaniya na nagmula sa mataas na katayuan. Malayo ang narating at malabong abutin ngunit nakaya kong makuha ang puso niya. Akala ko ay hindi siya tulad ng iba. Nakaya niya akong ipagtanggol sa stepmother niya na ayaw sa isang tulad ko. Pero akala ko lang iyon. Ngayon ko lang napagtanto na hindi nagpapakatotoo si Azzurro sakin, ang dami kong
Napahugot na lang ako ng malalim na paghinga at ininom ang gatas ko. "Oh? Kung makabuntong-hininga ka ng malalim para namang may pinapasan kang mabigat sa likod mo. Is there a problem?" Sinilip ko lang siya sa gilid ng aking mga mata. "Wala. Si Azzurro kasi, kanina ko pa tinatawagan hindi naman niya sinasagot. Nagmessage rin ako kanina, wala ring reply." "Baka busy siya." I nodded. "May business trip kasi siya." "Yun naman pala. Alam mo naman palang may trabaho iyong tao, bakit mo pa tatawagan? Baka naman kasi naka-off yung phone niya. Don't overthink it too much, Dyosa. Mas lalo ka lang maii-stess niyan." Sang-ayon naman ako sa sinabi niya. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga hindi maganda kay Azzurro, I should trust him. Pero may bumabagabag lang talaga sa'kin. Hindi ko alam kung ano at kung bakit. Hindi kaya dahil pa rin iyon kay Zephryne? Nagkikita kaya sila nang hindi ko alam? Sana naman hindi. "Alam mo hindi lang kasi iyon eh. Nawawalan na kami ng oras sa isa't isa. Sa
Tinitigan ko siya ng hindi makapaniwala. Pambihira. Ang kapal nga naman talaga ng mukha ng babaeng to. Sino siya para utusan ako? I held up my chin and look straight into her eyes, "Bakit? Kung lalayuan ko ba siya sa tingin mo makukuha mo siya? Sa tingin mo ba makukuha mo ang pagmamahal niya? Ang loob niya? Hindi. Dahil nasa akin na ang puso niya. Nakakabit na iyon sakin, nakakandado na. Ako lang ang mahal at ang mamahalin niya." Puno ng kumpyansa kong usal na ikinamula niya sa galit. "Walang sa'yo, Agathe. Ako ang nakauna sa kaniya kaya akin lang siya. Ako ang una niyang minahal, ang una niyang inangkin at ang pinakasalan niya." Mariin niyang bulalas saka tumawa. Tawa na parang baliw, "Ikaw, mahal niya? Paano ka naman niya pipiliin? Walang pipili sa katulad mong dukha. Eskwater, hampaslupa—" Hindi siya pinatapos, kaagad dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Malakas iyon, rinig sa buong silid ng kusina. Nagngingitngit ang ngipin at nanlilisik ang aking mga mata habang nakatitig s
"We're here." Napatingin ako sa labas at nagtaka nang makita ang tinatahak naming daan. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba habang tinitingnan ang paligid sa daan. "N-nasan tayo? Teka, anong lugar ba to?" Nilingon niya lang ako at nginitian. Baliw, di na lang sabihin. Maya-maya ay tumigil na kami sa may tapat ng malaking bahay. May pagtataka ko iyong tiningnan sa bintana ng sasakyan. Ang laki. Teka, mansyon ba yun? Bumaba na si Azzurro sa sasakyan saka naman lumibot sa kabila para pagbuksan ako ng pintuan. "Let's go inside." Taka ko lang siyang tiningnan. Parang iba ang feeling ko ngayon ah. "Teka, sabihin mo muna kung nasan tayo." Kaagad kong pahabol at hindi muna tinanggap ang nakalahad na niyang kamay. Kinakabahan kasi talaga ako. "We're on my parent's mansion. I will now introduce you to my family." Umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. "Ano?!" Gulat kong bulalas. Ipapakilala na niya ako sa pamilya niya? Ni hindi pa nga ako hand


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




