LOGINMatapos kong kumain ay bumalik si Allora, umalis siya kanina para magtungo sa silid niya. May inabot siya sakin na puting sobre, siguro iyon na ang sahod ko sa paglalaba.
"Here. Alam kong napagod ka kaya dinagdagan ko na iyon ng limang libo, which is sampung libo na iyan in total." Nanlaki ang mata ko sa gulat bago chineck ang nasa loob ng sobra at binilang ang pera. Tama, sampung libo nga. "Wag ka nang magtanong kung bakit. Kakasabi mo lang sakin noong nakaraang linggo na sinisingil na kayo ng tita mo sa apartment pinapaupa niya sa inyo, diba? Kung ibabayad mo ng buo ang limang libo sa kaniya, wala naman kayong pangkain niyan. Kaya dinagdagan ko na. I don't take a no, kaya tanggapin mo na iyan, Dyosa. Tulong ko na iyan sa inyo." Lumambot naman ang puso ko sa sinabi niya at ngumiti. "Salamat, Allora. Salamat dito, laking tulong na ito sakin, samin." Ngumiti lang din ito saka tinapik ng marahan ang balikat ko. "Hindi pa tapos ang pagkakayod mo, Fionna. Babalik ka pa naman dito bukas. Remember, isang linggo kang magtatrabaho dito. Kaya medyo malaki-laki ang sasahurin mo. Ang swerte mo na dun." Malaki ang ngiti ang binigay nito sakin. "Oo nga. Kaya laking pasasalamat ko talaga ito sayo." Tugon ko sa kaniya at ngumiti rin. "Sige, aalis na ako. Kailangan ko nang umuwi eh." B****o muna siya sakin bago ako umalis. Napailing na lang ako sa ginawa niya. Hindi naman ako mayaman para ibeso niya ng ganun, may pahalik pa siya sa pisngi ko. Ang alam ko kasi mayayaman lang ang gumagawa nun. Tumalikod na ako at naglakad palabas. Mukhang mahaba-haba na naman ang lalakarin ko bago ako makalabas dun sa gate. Medyo mainit pa naman. 2 PM na ako natapos sa paglalaba eh, di kasi talaga ako sanay maglaba. Kung sanay lang ako ay baka kanina pa lang ay tapos na ako. Sobrang dami rin kasi ng nilabhan kong damit. Grabe, sa isang araw dumadami talaga ng ganun yung mga damit nila Allora? Ilan kaya sila na nakatira sa mansyon at ganun karami ang labahin nila? Napagod tuloy ako. Pero go na para lakarin, wala namang sasakyan ang hahatid sakin palabas kaya bakit pa ako mag-iinarte? Nang sa wakas ay nakarating na ako sa malaking gate ay pinagbuksan na ako nung security guard kanina na nagpapasok rin sakin kanina. Nagpaalam pa ako sa kaniya bago lumabas. Nang makalabas na ako ay napatingin pa ako sa sarili. Nakasuot pa rin ako ng mahabang dress pero this time ay hanggang tuhod ko lang. Sa paglalaba ko kanina ay nababasa ako ng tubig kaya ayun, para na akong basang sisiw dahil nabasa na ang laylayan ng damit ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at naghintay ng masasakyan. Sana lang may tricycle na dumaan. Gusto ko nang umuwi para naman makapagpahinga na ako. Sa paghihintay ko nga ay napalingon ako sa isang motorbike na papadaan pa lang. Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon. Di man lang huminto yung driver para magsorry kung napansin man niya. Sobramg badtrip ko talaga nun kahapon. Napairap na lang ako sa kawalan at hindi na pinansin ang pagdaan nung nakamotorbike sa harapan ko. Mukhang hindi naman yata iyon yung kahapon na nakamotorbike at magkapareho lang ng gamit na motor. Pagdaan nung motorbike ay may napansin akong nahulog sa kalsada. Sinundan ko ng tingin yung papalayong motor, hindi ko naman na iyon mahahabol pa para sabihing may nahulog siyang gamit niya. Naglakad ako palapit para tingnan ang nahulog na gamit. Paglapit ko nga ay isa iyong itim na pitaka. Kinuha ko iyon bago bumalik sa gilid, mahirap na baka may dumaan na sasakyan at mabangga ako. Nasapian nga ako ng curiosity kaya binuksan ko yung pitaka. Gusto ko ring malaman kung may nakalagay bang ID or any identification ng may-ari. Pagbukas ko ay nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ang laman ng wallet. Wala iyong pera pero puro credit card naman ang naroon. Ang nakapagbigay pansin sakin ay ang itim na katulad lang din ng credit card. Sa pagkakaalam ko ay mga mayayaman lang ang nagkakaroon ng ganito. Merong ganito si Daddy dati, ganito din ang ginagamit ni Mommy sa tuwing nagshoshopping siya, minsan ay sinasama pa niya ako. Pero yung black na card, hindi ko pa iyon nakikita. Siguro sobrang yaman nga nung may-ari. Malabong hindi, sa dami ba naman ng card na nakalagay sa wallet niya ay siguradong sobrang yaman nga niya. Kung tutuusin, dahil napulot ko ito ay pwede ko nang magamit ang credit card para sa mga pangangailangan namin. Pero naalala ko yung bilin ni Mommy na huwag magnakaw. Kaya kahit na napulot ko ito ay pagnanakaw pa rin iyon kung gagamitin ko ito nang hindi alam ng may-ari. Inilagay ko na lang muna sa bag na dala ko yung pitaka at naghintay ng masasakyan. Mamaya ko na lang titingnan hahanapin dun ang identification nung may-ari pag nakauwi na ako. Ilang sandali pa ay may huminto nang trycicle sa harapan ko kaya sumakay na ako. Ilang minuto ang byahe hanggang sa makarating na kami. Hapon na at malapit na ring lumubog ang araw. Yung tirang pera kanina ang ibinayad ko dahil puro buo ang binigay ni Allora sakin na pera. Nilakad ko lang papunta sa baryo namin dahil hindi makakadaan ang trycicle. Halos iskineta na kasi yung samin, marami nang bahay. Nang palapit na ako samin ay naabutan ko si Mommy at ang dalawa kong kapatid na kinakausap si Auntie Myrna na galit na galit at kahit anong sinasabi kina Mommy. Halata naman sa mukha ni Mommy ang pagmamakaawa. Marami na ring mga kapitbahay ang nakatingin sa kanila dahil sumisigaw na sila roon. Hindi na ito maganda kaya kaagad akong tumakbo palapit sa kanila. "Ilang linggo na akong naniningil sa inyo, Cynthia! Hindi niyo pa rin nababayaran ang renta! Kaya umalis na kayo!" Pasigaw niyang singhal kay Mommy at akma pa niyang itutulak pero kaagad akong humarang. "Auntie, tama na! Tama na po!" Kaagad kong awat sa kaniya. "Isa ka pa Agathe, hindi mo man lang maisakatuparan ang sinabi mong babayaran mo ako ngayong linggo! Ano na? Malapit nang lumagpas ang isang linggo tapos manghihingi ka na naman ng isang palugit? Aba, hindi naman pwede iyon! May kasunduan tayo na magbabayad kayo kada buwan! Kung hindi lang nakulong ang walang kwenta niyong tatay, eh di sana hindi kayo ang sisingilin ko ngayon!" "Teka lang naman po, Auntie Myrna. Wag niyo namang idamay dito si Daddy. Magbabayad naman po kami eh, kaya nga po ako naghahanap ng trabaho para mabayaran ka na namin." Kaagad kong anas sa kaniya na ikinairap niya. "Oh, asan na? Asan na ang perang nakuha mo sa trabaho? Ilang linggo mo na iyang sinasabi sa akin pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring naibibigay na pambayad sakin! Aba, malapit nang matapos ang buwanang ito hindi mo pa rin natutupad ang pangako mo na babayaran ako!" Galit niyang singhal sakin. Mas lalo nang dumami ang mga nanonood sa alitan namin, yung mga chismoso at chismosang kapitbahay ay nagbubulungan narin. Sa inis ko ay kinuha ko ang sobre sa bag at kinuha ang limang libo roon saka binigay kay Auntie Myrna. "Ayan na po. Sakto yan, walang kulang." Pagalit niyang hinablot sa kamay ko ang pera at binilang pa. "Sabi ko naman po sa inyo, babayaran namin kayo. Hindi naman po namin kayo tatakbuhan." Saad ko sa kaniya. "Wala akong tiwala, Agathe. Ang gusto ko makabayad kayo kaagad pag sinisingil kayo. Buti nga binibigyan ko pa kayo ng palugit. Pero wag naman sanang umabot ng ilang linggo! Aba, hindi ko kayo pinatira dyan nang libre, kaya umayos kayo. Dyan na nga kayo!" Pairap niya kaming tinalikuran at ikinumpas pa ang dalang pamaypay. Humarap na ako kina Mommy, at hinawakan ang balikat niya. "Ayos lang ba kayo? Hindi nya ba kayo sinaktan?" Nag-aalala kong tanong sa kanila. "Hindi naman, anak. Salamat naman at dumating ka. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Halos palayasin na niya kami kanina." Mahinang usal ni Mommy, hinagod ko na lang ang balikat niya para kumalma siya kahit papano. "Teka, saan mo nakuha ang pera Ate? Nabayaran mo kaagad si Auntie Myrna ng isang bagsakan, grabe! Saan galing yun?" Tanong ni Sidhe (Shee) sakin na may paghanga. "Inalok kasi ako ng trabaho ng kaibigan kong si Allora sa bahay nila bilang labandera. Eh, sayang naman kung tatanggihan ko, malaki pa naman ang sahod sa isang araw. Heto nga't dinagdagan pa niya ng limang libo para sa pang-araw-araw natin." Saad ko na ikinamangha ng dalawa kong kapatid. "Talaga Ate? Grabe, sobrang yaman naman ng kaibigan mong iyon!" Aniya ni Sidhe. "Kaya nga! Mukhang maswerte tayo ngayon ah." Saad naman ni Orfhlaith na malaki pa ang ngiti. Napangiti naman ako bago tiningnan si Mommy na nakatingin lang sakin. "My, may problema po ba?" Tanong ko sa kaniya, kaagad naman siyang umiling bago lumapit sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at yumuko para tingnan ang mga palad ko. "Hindi ka naman sanay maglaba, ayan puro kalyo na tuloy ang mga palad mo." Mahina niyang usal habang hinahaplos ang mga palad ko na ginamit ko sa paglaba. "My, okay lang. Masasanay rin ako. Isa pa, ito rin ang dahilan kaya may pera tayo ngayon. Kaya proud ako dito sa kamay ko." Pinilit kong ngumiti sa harap niya at maging matatag para mawala ang pag-aalala niya. "Anyway, baka gutom na kayo. Pumasok na lang muna kayo sa loob at hintayin niyo ako. Bibili lang ako ng mauulam natin." Saad ko sa kanila. "Tamang-tama, nakapagsaing na si Mommy. Makakakain na rin tayo. Gutom na rin ako eh." Kaagad na sabi ni Sidhe. "Kaya nga, gutom na rin ako. Sarap nang kumain." Aniya naman ni Orfhlaith na hinahagod pa ang tiyan niya. "Kaya nga pumasok na kayo at hintayin ako sa loob. Bibili lang ako ng mauulam natin." Matapos ko iyong sabihin ay pumasok naman sila sa loob at ako naman ay naglakad na. May mga tindahan na nagtitinda ng manok at iba pang putahe ng ulam. Ang binili ko ay ang inihaw na buong manok, which is palaging bukambibig ng dalawa kong kapatid dati. Gustong-gusto talaga nila iyong tikman kaya nga ito na ang pagkakataon para matikman nila iyon. Bukod pa doon ay may ina pa akong binili na ibang ulam, para naman pagsawaan namin sa hapag mamaya. Syempre, ngayon lang ulit ako makakakain ng masarap na ulam kaya susulitin ko na ngayon. Pagdating ko nga sa bahay ay kaagad nang nilapang ng dalawa kong kapatid ang mga binili kong ulam. Sumalo na rin kami ni Mommy sa kanila at nagkakatuwaan pa habang kumakain. Nang matapos kumain ay iniligpit na namin ang natirang ulam para bukas, si Sidhe naman ang nagboluntaryo na maghugas ng pinggan. Ako ay pumasok na sa kwarto ko. Magkaiba kami ng kwarto. Tabi sana kami ni Orfhlaith sa kwarto ko pero gusto niyang makatabi si Mommy, ganun din si Sidhe. Kaya magkatabi silang tatlo, ako naman dito sa isang kwarto. Pagpasok sa kwarto ko ay umupo na ako sa kama at kinuha ang pitaka na sa bag na napulot ko kanina. Wala naman akong nakitang mga ID o ano na magpapatunay kung sino ang may-ari nito. "Tss. Ano ba yan, paano ko naman masusuli to sa may-ari kung walang ID ang nakalagay dito?" Mahina kong usal sa sarili. Pero hindi ako tumigil at minabuting kinalungkat ang bawat sulok ng wallet hanggang sa may nakitang maliit na card na nakasuksok. Kinuha ko iyon at tiningnan. "Russo Management Company?" Pagbasa ko sa nakasulat roon. Hindi kaya dito nagtatrabaho yung may-ari nitong pitaka? Inikot ko ang card para tingnan ang nasa likod at may nabasa ako roon na pangalan. "Azzurro Cielo Russo." Muli kong basa sa nakasulat. "Wow ah. Ang astig rin naman ng pangalan. So expensive." Mangha kong usal. Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagtungo sa bahay nila Allora at muling nilabhan ang mga damit nila na hindi man lang nababawasan sa dami. Naikwento niya sakin na lima silang magkakapatid at may sumunod pa nga na bunso, kaya anim na sila. Kaya siguro dumadami sa isang araw ang labahin nila. Matapos kong maglaba ay binigyan na rin niya ako ng sahod. Kaagad na rin akong nagpaalam dahil may pupuntahan pa ako. Nagtaxi na ako dahil plano kong puntahan ang company na nabasa ko sa card kagabi kung saan nagtatrabaho ang mag-ari nung pitaka. Ilang oras ang ibinyahe bago makarating sa tapat ng kompanya. Matapos kong magbayad sa driver ay lumabas na ako sa sasakyan. Nalula pa nga ako sa sobrang taas at laki ng building. May billboard pa nga na nakasulat ang name ng kompanya nila which is yung nabasa ko na Russo Management Company. Ang yaman nga nila, ang laki ng building eh. Sa loob ay may nakita akong mga taong nagtitipon at mukhang nagkakagulo. Hahakbang na sana ako para pumasok pero may security guard ang pumigil sakin. "Miss, bawal pong pumasok ang hindi nagtatrabaho dito." Kaagad kong naintindihan ang sinabi niya. Nahiya pa nga ako kasi ang simple lang ng suot kong damit. Simpleng dress na hanggang talampakan ang suot ko at basa pa iyon dahil sa paglalaba ko kanina. Nakapusod rin ang buhok ko na siguradong hindi na maayos ang pagkakatali pero hindi ko na lang iyon pinansin. "Ah, ganun po ba? Sige, sandali lang po." Kaagad kong binuksan ang bag at kinuha ang pitaka saka inabot sa guard. "Pwede niyo po ba itong ibigay sa may-ari? Napulot ko po ito kahapon sa kalsada mula sa taong nakamotor bike. Nabasa ko sa may card dyan na dito siya nagtatrabaho sa kompanya. Huwag po kayong mag-alala, wala akong kinuha na kahit ano dyan. Promise." Kaagad kong paliwanag. Tinanggap naman niya ang pitaka. "Sandali, Miss. Anong pangalan mo? Para naman masabi ko sa—" "Naku wag na po. Okay na po na nasuli ko ang pitaka. Sige po, aalis na ako." Kaagad kong putol sa kaniya at tumalikod na paalis roon."Here. Pumili ka sa mga ito kung alin d'yan yung magugustuhan mo. Kung wala naman sa kanila, babalik ulit ako mamaya para sa panibago. Puro gulay ito, for your health.""Naku, ano ka ba naman? Para ka namang ano d'yan, nag-alala ka pa. Nakakahiya naman sa'yo. Saka, kung makaasta ka ay parang sobrang close natin ah. Ano kita boyfriend? Nagtanong ka pa talaga sa mga kasambahay mo about sa pagbubuntis? Naku." Anas ko at napailing na lang bago muli siyang tiningnan. Bahagya nang salubong ang mga kilay ko. "Alam kong may kailangan ka. Ano, kukunin mo na ba ang kamay ng kapatid ko? Plano mo na bang mamanhikan at ako muna ang una mong nilapitan para humingi ng permiso? Naku, hindi pa pwede. Hindi ako papaya-""What the?! No! That's not what I came here for! And can you lower your voice? Baka mamaya dumating bigla si Sidhe at marinig pa niya. Hindi iyon ang pakay ko, okay? Ang OA mo. Hihintayin ko munang mag-legal age siya bago ko patulan-" Pinanlakihan ko siya ng tingin dahil sa gulat."Kit
Pagmulat ko ng mga mata ay puting kisame ang una kong nasilayan. Bumibigat pa ang talukap ng mga mata ko pero pinilit ko pa ring kumurap para mas luminaw ang aking paningin. Nasan ba ako?Nang mas luminaw na ang paningin ko ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Bakit parang hindi pamilyar yung lugar? Saka, ang pangit ng amoy dito. Amoy gamot at chemical. Ano ba yun? Saka, ano ba tong nakakabit sa kamay ko? Dextrose ba to? Wait, ibig sabihin nasa hospital ako ngayon?Nang ibaling ko ang tingin sa gilid ay doon ko lang napagtanto na may mga kasama pala ako. Si Mommy ay nakaupo sa may tabi ko habang mahimbing na natutulog na nakahawak pa sa kamay ko, while si Sidhe at Orfhlaith naman ay magkatabing natutulog sa may sofa. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Rhyxe na may dalang plastic na may laman na sa palagay ko ay prutas iyon."Oh, gising ka na pala." Saad niya nang makita ako at naglakad palapit bago ipinatong sa mesa na medyo malapit lang sa pwesto namin. Saka
I promised myself that I would never fall in love with someone who came from a high position. Dahil para sa kanila, hindi nababagay ang nasa mataas na antas at ang nasa mahabang antas tulad namin. Hindi namin sila ka-level kaya hindi dapat kami nakikisalamuha sa kanila. Dahil ang mayayaman ay para sa mayayaman lang. At ang mahihirap ay para sa mahihirap lang. Kaya nga hindi ko sinagot si Rhyxe dati, dahil mayaman siya at mahirap lang ako.Pero ang paniniwala ko ay napigtas nang makilala ko si Azzurro. Hindi ko kailan man ninais na mapaibig sa isang tulad niya pero may sariling desisyon ang aking puso. Hindi ko man sadya ay tuluyan akong umibig sa kaniya na nagmula sa mataas na katayuan. Malayo ang narating at malabong abutin ngunit nakaya kong makuha ang puso niya. Akala ko ay hindi siya tulad ng iba. Nakaya niya akong ipagtanggol sa stepmother niya na ayaw sa isang tulad ko. Pero akala ko lang iyon. Ngayon ko lang napagtanto na hindi nagpapakatotoo si Azzurro sakin, ang dami kong
Napahugot na lang ako ng malalim na paghinga at ininom ang gatas ko. "Oh? Kung makabuntong-hininga ka ng malalim para namang may pinapasan kang mabigat sa likod mo. Is there a problem?" Sinilip ko lang siya sa gilid ng aking mga mata. "Wala. Si Azzurro kasi, kanina ko pa tinatawagan hindi naman niya sinasagot. Nagmessage rin ako kanina, wala ring reply." "Baka busy siya." I nodded. "May business trip kasi siya." "Yun naman pala. Alam mo naman palang may trabaho iyong tao, bakit mo pa tatawagan? Baka naman kasi naka-off yung phone niya. Don't overthink it too much, Dyosa. Mas lalo ka lang maii-stess niyan." Sang-ayon naman ako sa sinabi niya. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga hindi maganda kay Azzurro, I should trust him. Pero may bumabagabag lang talaga sa'kin. Hindi ko alam kung ano at kung bakit. Hindi kaya dahil pa rin iyon kay Zephryne? Nagkikita kaya sila nang hindi ko alam? Sana naman hindi. "Alam mo hindi lang kasi iyon eh. Nawawalan na kami ng oras sa isa't isa. Sa
Tinitigan ko siya ng hindi makapaniwala. Pambihira. Ang kapal nga naman talaga ng mukha ng babaeng to. Sino siya para utusan ako? I held up my chin and look straight into her eyes, "Bakit? Kung lalayuan ko ba siya sa tingin mo makukuha mo siya? Sa tingin mo ba makukuha mo ang pagmamahal niya? Ang loob niya? Hindi. Dahil nasa akin na ang puso niya. Nakakabit na iyon sakin, nakakandado na. Ako lang ang mahal at ang mamahalin niya." Puno ng kumpyansa kong usal na ikinamula niya sa galit. "Walang sa'yo, Agathe. Ako ang nakauna sa kaniya kaya akin lang siya. Ako ang una niyang minahal, ang una niyang inangkin at ang pinakasalan niya." Mariin niyang bulalas saka tumawa. Tawa na parang baliw, "Ikaw, mahal niya? Paano ka naman niya pipiliin? Walang pipili sa katulad mong dukha. Eskwater, hampaslupa—" Hindi siya pinatapos, kaagad dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Malakas iyon, rinig sa buong silid ng kusina. Nagngingitngit ang ngipin at nanlilisik ang aking mga mata habang nakatitig s
"We're here." Napatingin ako sa labas at nagtaka nang makita ang tinatahak naming daan. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba habang tinitingnan ang paligid sa daan. "N-nasan tayo? Teka, anong lugar ba to?" Nilingon niya lang ako at nginitian. Baliw, di na lang sabihin. Maya-maya ay tumigil na kami sa may tapat ng malaking bahay. May pagtataka ko iyong tiningnan sa bintana ng sasakyan. Ang laki. Teka, mansyon ba yun? Bumaba na si Azzurro sa sasakyan saka naman lumibot sa kabila para pagbuksan ako ng pintuan. "Let's go inside." Taka ko lang siyang tiningnan. Parang iba ang feeling ko ngayon ah. "Teka, sabihin mo muna kung nasan tayo." Kaagad kong pahabol at hindi muna tinanggap ang nakalahad na niyang kamay. Kinakabahan kasi talaga ako. "We're on my parent's mansion. I will now introduce you to my family." Umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. "Ano?!" Gulat kong bulalas. Ipapakilala na niya ako sa pamilya niya? Ni hindi pa nga ako hand







