Share

KABANATA 04

Author: MissLuzy
last update Last Updated: 2025-03-11 01:44:24

Kinabukasan ay walang nagbago sa oras ng pag-alis ko. Maaga ulit akong nagtungo sa bahay nila Allora. Ilang araw na lang ay matatapos na ang trabaho ko bilang labandera sa kanila since pansamantala ko lang namang pinalitan ang isa nilang katulong na nagbakasyon daw sa probinsya nila.

Masaya naman ako dahil kahit paano malaki ang sinasahod sakin sa isang araw. Feeling ko tuloy yumayaman na ako dahil sa malaking halagang sinasahod ni Allora sakin. Parang gusto ko na lang manatili ng ganito, na hindi ko na kailangan pang humanap ng ibang trabaho. Parang gusto kong makuntento sa trabahong ito pero alam kong hindi pwede dahil pansamantala lang naman ako dun.

Matapos ang ginagawa ko sa bahay nila Allora ay nagpaalam na rin ako sa kaniya matapos niya akong bigyan ng sahod. Parang ang swerte ko nga dahil araw-araw niya akong sinasahuran matapos kong magtrabaho sa kanila.

Ang sabi ni Allora sakin ay sakin lang daw niya iyon ginagawa since isang linggo lang naman daw akong nagtatrabaho roon at tulong na daw niya iyon sakin pati sa pamilya ko. Kaya ayun, sobrang saya na ng mga kapatid ko sa tuwing umuuwi ako na may dalang pagkain para sa kanila. Nabibigyan ko na rin sila ng baon na kakasya sa kanila hindi lang sa pamasahe kundi pambili na rin ng snack nila kapag recess time na.

At syempre, hindi rin mawawala si Mama. Binibigyan ko rin siya ng pera na pwede niyang magamit sa pangangailangan niya. Plano ko ngang bilhan siya ng gamot para pampawala ng mga nararamdaman niya kasi madalas ko siyang nakikitang inuubo at sumasakit ang katawan. Syempre nag-aalala ako para sa kalagayan niya at ayaw kong nakikita siyang may malubhang sakit. Hindi ko yun kayang tingnan lang.

Sinimulan ko na ding mag-ipon para pangtubos kay Daddy sa kulungan para makalaya na siya. Kahit na may pagkukulang siya at nakagawa ng kasalanan ay hindi ko naman maatim na manatili siya sa loob ng kulungan. Mahal ko pa rin siya sa kabila ng mga pagkakamali niya. Kaya gagawin ko ang lahat para makalaya na siya. Siguro naman ay natuto na siya sa mga pagkakamali niya.

Naglalakad ako sa may gilid ng kalsada habang naghihintay ng trycicle na masasakyan. Matirik pa ang init ng araw na tumatama sa balat ko kahit na alas tres na ng hapon. Pero hindi ko na pinansin ang init habang naglalakad.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang may marinig na mahinang tahol ng isang tuta kaya luminga-linga ako para hanapin iyon. Nagtaka pa ako kung bakit may aso dito eh walang masyadong kabahay-bahay at wala rin akong nakikitang gumagala na mga aso. Siguro naligaw lang.

Nabaling ang tingin ko sa gitna ng kalsada sa di kalayuan at doon ay nakita ko ang maliit na bagay na gumagapang habang mahinang umiiyak. Napansin ko kaagad na nahihirapan iyong lumakad kaya naglakad ako para lapitan iyon. At hindi nga ako nagkakamali, isa iyong tuta. Paano kaya yun napunta sa lugar na ito?

Paglapit ko ay sakto na may paparating na motorbike na humaharurot ng takbo. Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang bilis ng pagpapatakbo nun. Sa bilis nun ay siguradong pisat ang kawawang tuta kapag nasagasaan. Kaya walang alinlangan akong tumakbo sa gitna ng kalsada palapit sa tuta habang palapit rin ang humaharurot na motor. Hindi ko hahayaan na mamatay ang tuta. Sa mga oras na iyon ay hindi ko na naalalang may sarili rin akong buhay. Basta na lang akong nagdesisyon para lang sa isang tuta.

Sakto na palapit na ang motor nang tuluyan na akong makalapit sa tuta at kaagad ko iyong pinulot. Gumulong ako nang nawalan ng balanse habang yakap-yakap ang tuta. Sobrang higpit ng pagkakapikit ko ng mga mata habang pinapakiramdam ang pagsagasa sakin ng motor.

Narinig ko na lang ang malakas na kalabog ng isang bagay at ang pagdaing ng sinuman.

"Ugh! Shit! Fuck!" Rinig kong daing ng malulutong na mura ng tao.

Naimulat ko ang mga mata at napatingin sa paligid bago ko sinuri ang sarili. Naginhawa ako nang malamang buhay pa ako. Ibig sabihin hindi ako nasagasaan. Napatingala ako para magpasalamat kay puong maykapal bago ko tiningnan ang yakap na tuta. Lumambot ang ekspresyon ko habang tinitingnan ang tuta, kawawa naman siya.

"Damnit! Fuck!" Natauhan ako nang marinig muli ang pagdaing ng kung sino kaya nilingon ko iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakahelmet na malaking tao habang nakaupo sa kalsada. Yung motorbike ay nakahandusay rin sa gilid nito. Kaagad kong narealize ang sitwasyon. Naisip ko na siguro nagbreak at lumiko siya para hindi ako mabangga dahil sa biglaan ko ring pagdaan para kunin ang tuta.

"Naku!" Kaagad akong tumayo at nilapag muna sa gilid ng kalsada ang nanghihinang tuta. Hindi naman yata iyon aalis dun kasi nakapikit na, mukhang nakatulog.

Kaagad akong lumapit sa taong nakaupo para sana tulungan siya. May konsensya pa rin naman ako kahit papano dahil kasalanan ko rin ang nangyari, may nadisgrasya tuloy.

"P-pasensya na. O-okay ka lang ba?" Balisa at nag-aalala kong tanong. Anong klaseng tanong naman iyon? Obvious naman na hindi siya okay, dumaing nga kanina eh.

"Isn't it obvious?" Galit niyang tugon na mas lalong nagpakonsensya sakin.

Tiningnan ko siya na kinuha ang helmet sa ulo niya at ginulo ang buhok. Habang tinitigan ko siya ay doon ko napansin na gwapo pala siya. Matangos ang ilong at meron siyang thin lips. Para siyang may lahi kung tititigan. Napailing ako sa sarili bago muling ipinakita ang pag-aalala sa mukha.

"P-pasensya na ulit. Ahm, s-sandali hihingi lang ako ng tulong." Saad ko, hindi na ako mapakali sa sobrang kaba na nararamdaman dahil sa nangyari.

"Stupid. Sa tingin mo ba may mahihingan ka ng tulong dito?" Natigilan ako sinabi niya gamit ang malamig na boses bago siya tumingala at tiningnan ako.

Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil tinitigan niya ako. Hindi ko alam kung sinusuri niya ba ako o kung may dumi ba ako sa mukha. Grabe naman kung makatitig ang lalaking to, parang walang bukas. Parang nakakita naman siya ng white lady. Tumikhim ako at napaiwas na lang ng tingin. Paano ko siya tutulungan kung ganyan ang paraan ng tingin niya? Kulang na lang matunaw ako dahil sa titig na titig ng kulay asul niyang mata na tugma sa malamig na karagatan.

"What's your name?" Napakurap ako ng dalawang beses bago siya muling binalingan ng tingin dahil sa gulat at pagtataka. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa mukha ko.

Is he serious? Nadisgrasya na nga siya't lahat-lahat, iyon pa ang lumabas sa bibig niya? Ang tanungin kung ano ang pangalan ko? Baliw na ba siya?

Napabuga na lang ako ng sariling hangin dahil hindi makapaniwala. Parang gusto ko na lang mapamura dahil sa sobrang kahihiyan at konsensya na nararamdaman ko kanina, pati pag-aalala ay dinala ko na pero iyon lang ang sasabihin niya? Ang tanungin ang pangalan ko? Di ko alam kung gago ba siya o kung nanggagago lang. Sarap sapakin, kahit isa lang para matauhan at maramdaman niya ang sakit dahil mukhang namanhid na siya.

"Sir, mukhang kailangan niyo na pong pumunta sa hospital para magpagaling. Mukhang malakas ang impact ng pagkakadisgrasya niyo eh." Pag-iba ko na lang ng topic. Kahit ang weird niyang tao ay nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya dahil mukhang malakas ang pagkakatumba niya mula sa motorbike.

"Tulungan ko na po kayo. Kaya niyo po bang tumayo?" Tanong ko at hinawakan siya sa braso at balikat para tulungan siyang makatayo.

Hindi naman siya nagreklamo at hinayaan akong tulungan siya. Napangiwi pa ako dahil ang bigat niya. Ramdam ko na malaki ang katawan niya kahit nakasuot siya ng itim na leather jacket. At legit, sobrang bigat niya. Nang makatayo ay bahagya pa siyang nawalan ng balanse at dumaing. Mukhang napuruhan siya.

"O-okay lang po ba kayo?" Kahit na alam ko naman ang sagot ay nagtanong pa rin ako para makasigurado. Inalalayan ko siya para hindi siya matumba.

"I'm fine." Ramdam ko na nakatitig na naman siya sakin pero pinilit kong huwag mapalingon dahil maiilang lang ako.

"S-sandali lang." Tinanggal ko muna ang isa kong kamay na nakahawak sa braso niya para kunin sa bag ang selpon ko. Wala na akong ibang maisip na paraan pa para may tumulong. I need Allora's help.

Matapos kunin sa bag ang de-keypad kong selpon ay in-on ko yun at hinanap ang contact number ni Allora.

"What the hell is that?" Napalingon ako sa lalaking alalay ko na kunot ang noo ng gwapo niyang mukha habang nakatitig sa hawak kong phone.

"Ahm, cellphone? De keypad na cellphone. Bakit, di mo alam to?" Tanong ko sa kaniya.

Mukhang hindi naman niya yata alam o hindi pa yata siya nakahawak ng ganito. Sa hitsura niya at sa paraan ng pananalita niya sa wikang English ay siguradong mayaman siya.

"I know that thing, of course. I'm not stupid. What I mean is why do you have that tiny gadget?" Halata sa boses niya ang pagkairita. Gusto ko na lang mapairap pero hindi ko ginawa sa ugali niya.

"Dahil ito lang ang afford ko." Sagot ko lang sa kaniya bago magsimulang magdial nang makita ko na ang contact number ni Allora.

Ramdam ko na ang bigat niya habang nakaalalay ang isa kong kamay sa likod niya. Lalo pa't nakapatong sa balikat ko ang malaki niyang braso. Dyos ko, mukhang sasakit ang katawan ko nito mamaya dahil sa sobrang bigat niya. Dinaig pa ang isang sakong bigas sa bigat niya.

"You're having a hard time supporting me, do you?" Narinig kong mahina niyang tanong, mukhang napansin niya ang paghihirap ko sa pag-aalalay sa kaniya gamit lang ang isang kamay.

"Ang bigat mo po kasi." Pabalang kong aniya na ikinairap niya.

"If you hadn't run into the middle of the road while I was passing by, we wouldn't be in this situation. I wouldn't have fallen. It's your fault, y'know." I scoffed.

Pambihira siya.

"Alam kong kasalanan ko, wag mo nang ipaalala. Pero ipapaliwanag ko lang ha? Ginawa ko lang naman iyon dahil gusto kong iligtas ang buhay ng kawawang tuta dyan sa kalsada." Sabay turo ko sa tuta sa gilid at lihim na inikutan siya ng mata na sana ay hindi niya nakita.

"Ayaw ko namang hayaan siya na mapisat at mamatay lang dahil sayo." Dagdag ko pa na may halong pang-aakusa.

Para kaming ewan dito na nag-aalitan kahit hindi magkakilala. Parang dinaig na namin ang aso't pusa na nagbabangayan. Maririnig naman ang pagring ng selpon habang hinihintay ko ang pagsagot ni Allora sa tawag ko. Ano kayang ginagawa ng babaeng yun? Emergency pa naman ang pagtawag ko.

"You prioritized the dog's safety over your own life? What are you, a hero?" May halong pang-iinsulto niyang saad na ikinataas ng dugo ko sa inis.

Hindi ko naman ginusto ang nangyari sa kaniya. Gusto ko lang naman iligtas ang tuta, ano bang mali dun? Isa pa ay hindi ko na rin naisip kung ano ang magiging kahihinatnan ng buhay ko, kung masasagasaan man ako dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa aso. Sa sobrang panic ko at desperadang mailigtas ang aso ay hindi ko na naisip pa ang sarili kong buhay.

"Even if you say you wanted to save the dog, your decision is still wrong. What if I really hit you? My conscience will be the price if you end up in the hospital. And I will carry that conscience for the rest of my life because of the unfortunate event that happened." Sermon niya sakin pero may halong sinseridad.

"Alam ko naman." Humina ang boses ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman. Totoo naman kasi ang sinabi niya.

"Nadala lang talaga ako ng emosyon at pag-aalala sa tuta. Kawawa naman kasi, ang hina-hina na nga tapos mamamatay pa sa gitna ng kalsada dahil nasagasaan mo. Syempre, konsensya ko naman iyon dahil ako ang nakakita." Depensa ko na naman kaagad.

"Alam kong mahirap ang ginawa ko, hindi madali at delikado. Pero syempre may puso ako at hindi ko hahayaan na basta na lang matege ang buhay nung kawawang aso. May pagmamahal pa rin ako sa mga hayop kaya ayaw ko na nasasaktan sila at basta na lang mamatay sa brutal na paraan tapos mismong mga mata ko pa ang nakakita. Naku, hindi ko yun kaya noh. Tapos tingnan mo na naman yang motor mo, ang laki-laki tapos ang bilis pa ng pagpapatakbo mo. Pisat talaga ang tuta nyan panigurado, sa sobrang liit ba naman niya." Anas ko sa mahabang pangungusap.

Maya-maya pa ay tumigil na ang pagring ng selpon ko at narinig ko na ang boses ni Allora.

"Ayun, buti naman. Sandali lang ah?" Pag-excuse ko sa kaniya at inilapit sa tenga ang selpon.

"Hello Dyosa? Bakit ka napatawag?" Kaagad ko iyong sinagot.

"Ahm, pasensya ka na Allora. Wala na akong ibang mahingan ng tulong eh, ikaw lang ang naisip ko." Panimula ko.

"Bakit? May nangyari ba?" Bakas na sa boses niya ang pag-aalala.

"Eh, kasi.. may nadisgrasya kasi—"

"Ano?! Okay ka lang ba? Wala bang nangyaring masama sayo? Hindi ka ba nasugatan?" Sunod-sunod niyang tanong na hindi ko masundan.

"Sandali, patapusin mo muna ako. Wala namang nangyari sakin. Saka hindi ako yung nadisgrasya. Ah, basta. Mamaya ko na lang ipapaliwanag. Pero... Kailangan ko ng tulong mo. Wala kasing ibang bahay dito, papatulong sana ako na dalhin sa hospital itong lalaki na nadisgrasya." Hingi ko ng pabor ko sa kaniya.

"Sige, pupunta na ako dyan. Saan ba kayo banda ngayon?" Tiningnan ko ang paligid.

"Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa gate ninyo. Wala pa kasing trycicle na dumadaan ngayon eh."

"Sige, sige. I'll be there in a minute. Dyan ka lang." Pagkapatay niya ng tawag ay ibinalik ko na sa bag ang selpon.

"Pwede bang umupo ka muna dyan sa gilid habang hinihintay natin ang kaibigan ko? Nangangalay na rin ako eh." Aniya ko bago ko siya inalalayan na maupo sa gilid ng kalsada. Grabe, sakit ng balikat ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 23

    Ito na yung huling araw ng pagtuturo sakin ni Azzurro ng paglalangoy at ang masasabi ko lang ay. . .nag-iimprove na si self. Oh diba? It's only been a few days, thanks to Azzurro's instructions.. Magaling rin kasi siyang magturo, medyo tanga lang talaga ako sa pagkakaintindi noong una pero nakuha ko rin naman. Kaya nga medyo marunong na ako sa paglalangoy. Sa wakas, di na ako matatakot pumunta sa malalim at di na rin malulunod. Ang galing-galing kasi talaga ng bebe ko—este ni Azzurro magturo. Basic pa lang naman yun pero matututunan ko rin ng mas maigi kung palagi akong magsasanay. Worth it din ang pag-extend namin ng isa pang linggo. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa loob ng sasakyan niya. Kung kailan maggagabi na eh saka naman siya aalis. Tas isasama pa ako. Na naman. Pahinga ko na sana ngayon kasi tapos na yung pagsasanay ko sa paglalangoy kahapon. Tapos, heto na naman kami sa gala-gala niya. Wala ako sa mood lumabas eh, pwede rin namang bukas na lang. "May bibilhin lang ako sa

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 23

    Sumama nga si Azzurro sakin sa pamimili. Imbis sa market lang ay doon siya dumeretso sa may mamahaling mall, marami daw kasing magagandang bagay na pwedeng bilhin dun. Wala na akong nagawa pa. Iniisip ko na lang kung paano pagkakasyahin ang pera ko. Pagdating namin ay kaagad na kaming naglibot. Di nga maikakaila, magaganda ang mga materials and accessories na binebenta dun. Yun lang, ang mamahal. Hindi naman marami ang mga binili ko, pili lang. Yun bang kakasya lang sa pera ko at yung tutugma sa mga kagustuhan ng dalawa kong kapatid. Matapos naming bumili ay nagpunta na kami sa cashier para magbayad.Napatingin ako kay Azzurro nang kunin niya ang pitaka sa bulsa niya at inilabas ang black card niya. Nagtaka ako at agad siyang pinigilan. "Uyy, teka. Ano iyan? Wag mong sabihin na ikaw ang magbabayad ng mga pinamili ko?" Parang balewala niya lang akong tiningnan. "Why? What's the problem with that? Ayaw mo ba?" Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. "Pero nagsabi ako na yung sweld

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 22

    Matapos kong babain ang tawag ay nagtungo ako sa banyo para maligo nang maalala ko na may swimming pool pala sa backyard. Naisip ko na ako lang pala dito mag-isa, I can do what I want to do. Dala ang towel ay lumabas ako at nagtungo sa pool. Medyo malaki ang pool ang sobrang linis. Nakakahalina at presko. Masarap languyan at nang subukan kong ilublob ang paa ay malamig siya, as expected. Napangiti ako at lulusong na sana nang maalala kong may suot pa pala akong damit. Inilagay ko muna sa may malapit na patungan ang towel saka ako nag-isip. Ako lang naman mag-isa dito at siguradong wala namang ibang makakapasok dito sa loob ng silid. Nang makapagpasya ay hinubad ko na ang damit, tanging itinira ko ay ang panloob. Nang mahubad na ang mga damit ay saka na ako lumusong sa pool at kaagad kong naramdaman ang lamig ng tubig dahilan ng panginginig ko. Napangiti ako sa pakiramdam na iyon. Hindi ako lumangoy dahil hindi ako marunong, nasa gilid lang ako ng pool sapat na para mapreskuhan ak

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 21

    Kinabukasan ay maaga akong nagising para gawan ng breakfast si Azzurro. Sigurado aalis na naman iyon ng maaga para sa trabaho. Dahil pangbreakfast naman iyon ay nilutuan ko lang siya ng bacon at egg. Nagtoast na din ako ng slice bread para sa kaniya. Nang inihanda ko na sa dining table ang pagkain ay saktong bumaba si na Azzurro. Amoy na amoy na ang shampoo at pabango niya. Pagtingin ko nang makarating na siya sa dining table ay nakasuot na siya ng pangmalakasan niyang suit. Oh, Pak! Sino ka d'yan? Ang gwapo at pormadong-pormado, parang baby boy na bagong bihis. May gel pa ang buhok niyan, mas makintab pa sa salamin sa restroom ng mall. Kulang na lang lagyan siya ng pulbo sa likuran para maging baby boy na talaga. Kaso di na siya baby boy, ang laki na niyang tao eh, damulag na siya. Gwapong damulag. Bago pa mapunta sa ibang lugar ang imahinasyon ko tumikhim ako pero hindi pa rin makatingin ng deretso sa kaniya. "Magbreakfast ka na. Nakahanda na ang pagkain." Busy siya sa pagtit

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 20

    Tulala akong nakatitig sa kisame. Magdamag akong ganun sa totoo lang, di ko alam kung anong oras akong tulala. I didn't get a good night's sleep until morning. There is only one reason behind it. And it seems like that will never fade from my memory. "Arghh! Nakakainis!" Napasabunot na lang ako ng buhok dahil sa pagkairita. Naiinis ako sa sarili ko. Para na akong naiiyak dito na ewan. Hindi ko alam kung anong gagawin.Hindi na muna ako bumaba. Wala rin naman akong gagawin. At wala rin ako sa mood.Nang mainip na ako sa kwarto ay saka na ako nagpasyang lumabas na s’yang pinagsisihan ko. Nasalubong ko lang naman si Azzurro sa kusina, mukhang bagong gising pa siya. Nanlaki ang mga mata ko at naging balisa. Hindi alam kung anong gagawin. Pero nang tingnan ko siya ay ilang minuto akong napatitig sa kaniya. Infairness, kahit bagong gising at magulo ang buhok ay gwapo pa rin siya. Kahit siguro nakapikit siya ay maganda pa rin ang mukha. Hindi kumukupas. Shit, anong ginagawa ko? Am I chec

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 19

    Gulat akong napatitig kay Daddy. Paano nangyari iyon? Hindi ko pa siya napapyansahan sa kulungan, paanong nakalaya siya? Kaya ba ganun ang tingin ni Sidhe sakin dahil dito? Dahil nandito na si Daddy?Kaagad nagsalubong ang kilay ko nang may pumasok sa isip ko. Mali naman yata yung iniisip ko, diba?"Ngayon-ngayon lang siya nakauwi, anak. Sakto nakapaghanda na ako ng makakain, baka nagugutom ka-""Tumakas ka ba sa kulungan, Dad?" Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Mommy at basta na lang iyong tinanong habang deretso ang mga mata kay Daddy. Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko."A-ano? T-teka, ano bang sinasabi mo, anak? Mali ka ng iniisi-" Kaagad akong lumapit sa kaniya na nakapagtigil sa kaniya."Hindi ko pa nababayaran ang pangpyansa mo sa kulungan! Kaya imposibleng makakalaya ka basta-basta. Imposible rin namang makakautang ka basta-basta sa iba gayung nasa loob ka ng rehas! Kaya sabihin mo na sakin ang totoo, Dad." Mariing kong sambit sa kaniya. Napaatras agad ako nang humarang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status