Share

KABANATA 05

Author: MissLuzy
last update Last Updated: 2025-03-15 00:01:05

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Allora sakin habang naglalakad kami sa hallway pabalik sa kwarto sa hospital kung saan pinasok yung lalaki.

Galing kami sa Canteen, may bibilhin lang sana kasi ginutom ako. Pero di ko na tinuloy, di ko kasi gusto ang mga pagkain kahit sa unang tingin pa lang. Ang plain kasi at mukhang para sa mga pasyente lang ang mga iyon.

"Ganito kasi ang nangyari.." Panimula ko. "Naglalakad ako sa gilid ng kalsada tapos may nakita akong tuta sa gitna, nanghihina at hindi makalakad ng maayos. Sakto naman na yung lalaki ay nagpapaharurot ng takbo sa motorbike niya ayun.. walang pag-aalinlangan kong tinakbo ang tuta para kunin." Kwento ko na nagpagulat sa kaniya.

"Huyy! Baliw ka ba? Bakit ka naman tumakbo sa gitna kung alam mo namang may paparating na motor? Magpapakamatay ka ba?" Singhal nito sa akin, galit nga siya. Sabi ko na nga ba ganun ang magiging reaksyon niya.

"Eh, kesa naman hayaan kong masagasaan yung tuta? Kawawa naman. Isa pa, tingnan mo naman. Hindi ako natuluyan.Buhay pa ako. Buong-buo pa ang katawan ko." Puno ng kumpyansa kong aniya habang sinusuri ang sarili.

"Baliw ka talaga. At may gana ka pang magbiro. Walang nakakatuwa sa ginawa mo, Dyosa." Naiinis niyang singhal sakin.

"Dahil lang sa isang aso ipapahamak mo ang sarili mong buhay? Didn't you even think about your family before you ran into the middle of the road to save the dog? Why do you make decisions so quickly without thinking carefully? You are putting your life at risk, do you even know that?" Sermon niya sakin.

Kapag ganito na nagagalit siya ay dinadaan na niya sa english ang mga sinasabi niya, akala niya siguro hindi ko naiintindihan. Pero alam ko kung saan ako lulugar kapag ganito na seryoso siya dahil alam ko na nagkamali ako na ikinagagalit niya. Alam ko naman na nag-aalala siya sakin, ramdam ko iyon.

Allorabella Fiore Ferro, my only best friend for all this year. Nakilala ko siya sa public school na pinasukan ko noong nag-high school na ako. I have no friends that time kasi baguhan pa lang ako. But Allora was the first to approach me. Ang nakakatawa pa ay same lang din kaming transferee sa school at magkaklase rin kami. Kaya ayun, naging close kaming dalawa.

Kinuwento pa niya sakin ang naging dahilan kung bakit siya nalipat sa public school. Noong grade school daw kasi ay marami siyang naging kaaway, siniraan din siya sa teacher niya. Mabait naman si Allora, hindi kami magiging kaibigan kung hindi. Sadyang yung mga tao lang talaga ang may problema, marami kasing naiinggit sa kaniya noon dahil daw maganda na nga ay pinakauna pa sa list ng matatalino.

Sinong hindi maiinggit kung ganung tao ang nasa harap nila at classmate pa? Kaya ayun, pinalipat siya ng parents niya sa public school para daw matuto siya. Kahit nga noong magclassmate kami, siya pa rin ang nangunguna sa klase. Ako naman ang pumangalawa sa kaniya.

Sadyang mas matalino lang talaga siya sakin kaya nalalamangan niya ako. Pero hindi naman iyon big deal sakin at hindi ako nagtanim ng galit sa kaniya dahil lang dun. Hindi naman kasi ako mahilig makipagkumpetensya at hindi ko rin pinipressure ang sarili ko pagdating sa klase. Ang mahalaga lang talaga sakin nun ay makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho para matulungan ang pamilya ko sa kahirapan.

Sa kasamaang palad ay mas lalo kaming naghirap dahil nakulong si Daddy at wala nang pangtustos ng pag-aaral namin dahil hindi kumakasya ang salaping kinikita ni Mommy sa pagbebenta ng gulay sa palengke. Kaya ayun, senior high lang ang natapos ko at pagkatapos nun ay hindi na ako nag-enroll sa kolehiyo.

Naghanap na lang ako ng trabaho para makatulong kay Mommy at para sa pangtustos sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Idagdag na yung pangtubos sa kulungan para sa paglaya ni Daddy na nahirapan pa akong makapag-ipon sa dami ng gastusin sa bahay.

Nalungkot pa nga si Allora nang malaman na hindi ako makakapagtake ng enrollment para sa kolehiyo. Ang plano kasi ay sabay kaming tutuntong ng kolehiyo at sabay makapagtapos pero hindi ko natupad.

Nag-insist pa nga ang bruha na tutulungan ako. Siya ba naman daw ang bahala sa tuition ko as long as makapasok ako ng college at makasama niya ako. Pero tumanggi ako sa alok niya, nakakahiya naman kasi sa pamilya niya.

Alam kong mayaman sila at kahit ilang bilyon pa ang ilabas pero syempre ayaw ko namang i-take advantage ang pagiging magkaibigan namin para lang sa pera. Marunong pa rin naman akong mahiya. Kaya ayun, hindi na niya ako napilit pa. Matigas ang ulo ko eh, bakit ba.

"Syempre naisip ko naman yung pamilya ko at ang sarili kong buhay... Sa huli nga lang." Ilang kong saad na mas lalong nagpakulo sa ulo niya. Loko-loko ka talaga self.

"-aray naman! Bakit ka nambabatok?!" Reklamo ko habang hinihimas ang noo ko dahil sa lakas ng pagbatok niya sakin. Gusto ko siyang samaan ng tingin pero wag na lang dahil mas nakakatakot ang matulis niyang tingin.

"Oh, ano?! Gusto mo pa ng isa, ha?" Sipat niya sakin kaya umirap na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi na ako magtataka kung bakit marami ang ayaw sa kaniya dati nung grade school, dahil sa ugali niya. Pero iyon ang isa sa mga ugali na nagustuhan ko sa kaniya. Kasi nagagawa niya iyon upang protektahan ang mga taong mahalaga sa kaniya. Hindi siya naging masama dun, dahil kahit ganun ang ugali niya ay mas nangibabaw ang kabaitan sa puso niya.

"Nga pala, Allora. Tungkol dun sa tuta." Panimula ko na may pag-aalinlangan pa. "Pwede bang... ikaw muna ang bahala dun?"

"Ano?! Bakit ako? Ako ba ang kumuha nun sa gitna ng kalsada?" Singhal niya na ikinanguso ko.

"Sige na. Hindi ko kasi pwedeng dalhin samin. Walang mag-aalaga nung tuta dun. Saka hindi ko rin iyon mapapakain ng mabuti. Baka magkasakit pa yun or worse baka mamatay." Pakiusap ko sa kaniya with puppy eyes pa. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya, halatang nag-iisip pa.

"Dyosa, alam mo naman na hindi kami nag-aalaga ng kahit anong hayop sa loob ng bahay. Masyadong sensitive ang mga tao dun sa loob ng Mansyon pagdating sa mga hayop." Pagpapaalala niya. Oo nga, nakalimutan ko na nasabi na niya pala sakin ang tungkol dun.

Naalala ko dati na naikwento na yung Mommy niya ay nagdala daw ng pusa sa loob ng bahay, tapos naapakan ng isa nilang kapatid ang tae sa sahig ng living room nila kaya ayun todo sigaw at iyak ng iyak dahil kadiri daw. Ayaw din hawakan ang pusa. Halos reklamo rin ng reklamo ang iba pa niyang mga kapatid kaya napilitan na lang ang Mommy nila na ibalik sa vest ang pusa. Simula nun ay hindi na sila ulit nag-alaga ng hayop.

Pero ngayon ay heto ako't nagmamakaawa sa kaniya na alagaan niya ang aso kahit pansamantala. At may naisip nga ako na paraan.

"Allora, kahit itago mo na lang muna yung tuta. Huwag mo na lang ipakita o ilabas kapag nandyan ang mga kapatid mo. Please? Promise, kapag okay na sa bahay kukunin ko na sa inyo yung tuta. Huling pabor ko na to sayo, promise." Giit ko pa.

"Hayys. Pag-iisipan ko." Saad niya.

"Kahit ibawas mo na sa sweldo ko bukas yun-Aray!" Napaigik na naman ako sa sakit at napahimas sa balikat nang hampasin na naman niya ako dun. Ang sakit. Grabe na tong babaeng to ah.

"Anong pinagsasabi mong ibabawas? Walang mangyayaring ganun, bruha ka!" Singhal niya bago muling sumeryoso ang mukha at umayos. "Fine. I'll take care of the puppy."

Napangiti ako ng mapalad sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba, hindi niya rin ako matitiis.

"Wag mo akong ngitian ng ganyan, Dyosa. Basta tuparin mo lang ang sinabi mong kukunin mo ang tuta. That thing can't stay in the mansion for long." Paalala niya na kaagad kong tinanguan. Hindi naman ako bumibitaw sa pangako ko.

Hinintay pa namin ang doktor na sumuri sa lalaki, ipinaliwanag naman nito ang kalagayan ng lalaki at sinabing okay na kaya nakaramdam ako ng ginhawa. Buti naman hindi nasaktan ang lalaki ng malubha.

"Anyway, I'll pay the bills. So you don't have to worry anymore." Aniya ni Allora sakin na ikinailing ko.

"Naku, hindi na. Nagpatulong na ako sayo na dalhin dito sa hospital yung lalaki tapos ikaw pa ang magbabayad ng bills para sa chisgarged niya." Kaagad kong tanggi. Nakakahiya naman dahil ilang beses na niya akong tinulungan.

"Eh, sinong magbabayad nun? Ikaw?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit kaya mo bang bayaran? Gagamitin mo yang pera mo pambayad?"

Hindi na ako nakapagsalita sa mga nasabi niya. Naisip ko nga na bayaran yung bills pero nawala sa isip ko na mas kailangan ko pala yung pera. Kailangan namin ng pera, hindi lang ako. Pero nahihiya na ako kay Allora kung palagi na lang akong nakaasa sa tulong niya.

"Ako nang bahala dito, Dyosa. Wag ka nang umangal-"

"Excuse me, are you talking about the bills?" Sabay nung doktor na kanina pa palang nakikinig samin kaya pareho kaming napatingin ni Allora sa kaniya. Akala ko nakaalis na siya, wala na kasi siya sa harapan namin kanina matapos niyang magpaliwanag samin.

"That's why I came back to tell you about that. The man told me that he would pay the bills. So you don't have to pay the bills anymore, it has been paid." Aniya ng doktor na ikinagulat namin parehas ni Allora.

"Really?" Nakangiting tanong ni Allora bago ako sinikuhan. Sakit nun ah. "Yown! Mabait naman palagi si Kuyang pogi eh. Hindi mo na poproblemahin yung expenses dito sa hospital, bayad na pala eh."

Napangiti ako dahil sa lubos na pasasalamat. Hindi ko na poproblemahin yung pera pambayad ng bills para sana sa kabayaran sa lalaki dahil nadisgrasya siya nang dahil sakin. Hindi ko maiwasan na humanga sa kaniya. Mukhang mabait naman siya kahit na ang sungit-sungit ng dating niya kapag nagsasalita.

"Nga pala, dok. Nandyan pa po ba yung lalaki?" Tanong ko sa kaniya.

"He left a while ago." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Ano?!"

Umalis na siya? Eh, plano pa naming bumalik sa kwarto niya para sana icheck ang kalagayan niya bago kami umalis. At para rin makapagsorry ako dahil sa nangyari sa kaniya. Sayang.

"Umalis na siya, kani-kanina lang. Nagmamadali pa nga habang may kausap sa phone." Napatango na lang ako bago siya nagpaalam samin at umalis na.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para makalabas na kami dito sa hospital. Wala naman na kaming gagawin dito dahil nakaalis na pala yung lalaki.

"Ouh, anong klaseng mukha yan?" Tanong ni Allora nang mapansin ang bagsak kong balikat habang naglalakad kami.

"Nalulungkot ka ba dahil umalis ng walang paalam yung lalaki? Dahil hindi mo natanong pangalan niya?" Bahagyang sumalubong ang dalawa kong kilay sa tanong niya.

"Anong sinasabi mo dyan?" Taka kong tanong nang balingan ko siya.

"Sus, ano ka ba. Alam ko namang type mo yun noh. Sa gwapong iyon at mukhang yummy? Alam ko kaya ka ganyan dahil type mo sya."

Shemay, napagkamalan pa nga. Inis ko siyang siniko sa balikat.

"Ano ka ba? Hindi ah! Nanghinayang lang ako kasi hindi ako nakahingi ng paumanhin sa kaniya. Nang dahil sakin kaya siya nadisgrasya at nadala sa hospital. Iba naman yang iniisip mo." Paliwanag ko.

"Ayy, akala ko pa naman." Tugon niya na mukhang nanghinayang pa. Baliw to. Iba kasi ang iniisip, ayan tuloy.

"Anyway, nabayaran mo na ba yung upa na sinisingil sa inyo ng buraot mong tiyahin?" Pag-iba niya ng usapan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Iyon ang palagi kong iniisip dati, ang mabayaran ang tiyahin ko na mukhang walang pakialam at parang stranger ang tingin samin. Kahit na hindi sila pure na magkapatid ng Daddy ko ay tiyahin ko pa rin siya.

Pero dahil hindi sila magkasundo ni Daddy ay pati samin grabe siya kung magalit. Ewan ko ba, simula daw kasi nung pakasalan ni Daddy si Mommy ay mas lalo lang na lumayo ang loob ni Auntie Myrna kay Daddy. Obviously, ayaw na ayaw niya kay Mommy kaya ganun na lang niya kami ituring, parang hindi pamilya.

"Oo. Salamat sa pasweldo mo sakin bilang pansamantalang labandera sa inyo. Kahit papano ay nabawasan ang problema namin sa bahay pati gastusin." Halos pabiro ko pang saad.

"Wala na ring magtatalak samin kapag naniningil na siya. Ang sakit sa tenga ng boses niya eh. Kulang na lang gawin na naming alarm clock sa umaga, pampagising." Parehas kaming natawa sa naging biro ko.

Tuluyan na kaming nakalabas sa gusali ng hospital, pero nagpatuloy lang kami sa paglalakad patungo sa parkingan kung saan ipinarking ni Allora ang sasakyan niya.

"What about your Dad? How is he doing inside the prison?" Tanong niya ulit. Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala iyon.

"Ayun, di pa namin nabibisita. Busy rin kasi si Mommy sa pagbebenta ng gulay sa palengke kaya hindi pa niya nabibisita si Daddy. Tungkol naman dun sa pangpyansa para sa paglaya niya ay pinag-iipunan ko pa. Pero problemado pa rin kami sa laki ng bayad. Di ko alam kung sasakto ba ang mga naipon ko dun." Mahina kong saad.

Nakakalungkot lang isipin na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin si Daddy at mukhang hinihintay kung kailan siya makakalaya. Hanggang ngayon ay problemado pa rin ako dun.

"Alright, let's not talk about that for now. Let's go. Baka pagod ka na." Tumango na lang ako. Pagod na nga talaga ako dahil sa nangyari kanina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 23

    Ito na yung huling araw ng pagtuturo sakin ni Azzurro ng paglalangoy at ang masasabi ko lang ay. . .nag-iimprove na si self. Oh diba? It's only been a few days, thanks to Azzurro's instructions.. Magaling rin kasi siyang magturo, medyo tanga lang talaga ako sa pagkakaintindi noong una pero nakuha ko rin naman. Kaya nga medyo marunong na ako sa paglalangoy. Sa wakas, di na ako matatakot pumunta sa malalim at di na rin malulunod. Ang galing-galing kasi talaga ng bebe ko—este ni Azzurro magturo. Basic pa lang naman yun pero matututunan ko rin ng mas maigi kung palagi akong magsasanay. Worth it din ang pag-extend namin ng isa pang linggo. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa loob ng sasakyan niya. Kung kailan maggagabi na eh saka naman siya aalis. Tas isasama pa ako. Na naman. Pahinga ko na sana ngayon kasi tapos na yung pagsasanay ko sa paglalangoy kahapon. Tapos, heto na naman kami sa gala-gala niya. Wala ako sa mood lumabas eh, pwede rin namang bukas na lang. "May bibilhin lang ako sa

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 23

    Sumama nga si Azzurro sakin sa pamimili. Imbis sa market lang ay doon siya dumeretso sa may mamahaling mall, marami daw kasing magagandang bagay na pwedeng bilhin dun. Wala na akong nagawa pa. Iniisip ko na lang kung paano pagkakasyahin ang pera ko. Pagdating namin ay kaagad na kaming naglibot. Di nga maikakaila, magaganda ang mga materials and accessories na binebenta dun. Yun lang, ang mamahal. Hindi naman marami ang mga binili ko, pili lang. Yun bang kakasya lang sa pera ko at yung tutugma sa mga kagustuhan ng dalawa kong kapatid. Matapos naming bumili ay nagpunta na kami sa cashier para magbayad.Napatingin ako kay Azzurro nang kunin niya ang pitaka sa bulsa niya at inilabas ang black card niya. Nagtaka ako at agad siyang pinigilan. "Uyy, teka. Ano iyan? Wag mong sabihin na ikaw ang magbabayad ng mga pinamili ko?" Parang balewala niya lang akong tiningnan. "Why? What's the problem with that? Ayaw mo ba?" Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. "Pero nagsabi ako na yung sweld

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 22

    Matapos kong babain ang tawag ay nagtungo ako sa banyo para maligo nang maalala ko na may swimming pool pala sa backyard. Naisip ko na ako lang pala dito mag-isa, I can do what I want to do. Dala ang towel ay lumabas ako at nagtungo sa pool. Medyo malaki ang pool ang sobrang linis. Nakakahalina at presko. Masarap languyan at nang subukan kong ilublob ang paa ay malamig siya, as expected. Napangiti ako at lulusong na sana nang maalala kong may suot pa pala akong damit. Inilagay ko muna sa may malapit na patungan ang towel saka ako nag-isip. Ako lang naman mag-isa dito at siguradong wala namang ibang makakapasok dito sa loob ng silid. Nang makapagpasya ay hinubad ko na ang damit, tanging itinira ko ay ang panloob. Nang mahubad na ang mga damit ay saka na ako lumusong sa pool at kaagad kong naramdaman ang lamig ng tubig dahilan ng panginginig ko. Napangiti ako sa pakiramdam na iyon. Hindi ako lumangoy dahil hindi ako marunong, nasa gilid lang ako ng pool sapat na para mapreskuhan ak

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 21

    Kinabukasan ay maaga akong nagising para gawan ng breakfast si Azzurro. Sigurado aalis na naman iyon ng maaga para sa trabaho. Dahil pangbreakfast naman iyon ay nilutuan ko lang siya ng bacon at egg. Nagtoast na din ako ng slice bread para sa kaniya. Nang inihanda ko na sa dining table ang pagkain ay saktong bumaba si na Azzurro. Amoy na amoy na ang shampoo at pabango niya. Pagtingin ko nang makarating na siya sa dining table ay nakasuot na siya ng pangmalakasan niyang suit. Oh, Pak! Sino ka d'yan? Ang gwapo at pormadong-pormado, parang baby boy na bagong bihis. May gel pa ang buhok niyan, mas makintab pa sa salamin sa restroom ng mall. Kulang na lang lagyan siya ng pulbo sa likuran para maging baby boy na talaga. Kaso di na siya baby boy, ang laki na niyang tao eh, damulag na siya. Gwapong damulag. Bago pa mapunta sa ibang lugar ang imahinasyon ko tumikhim ako pero hindi pa rin makatingin ng deretso sa kaniya. "Magbreakfast ka na. Nakahanda na ang pagkain." Busy siya sa pagtit

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 20

    Tulala akong nakatitig sa kisame. Magdamag akong ganun sa totoo lang, di ko alam kung anong oras akong tulala. I didn't get a good night's sleep until morning. There is only one reason behind it. And it seems like that will never fade from my memory. "Arghh! Nakakainis!" Napasabunot na lang ako ng buhok dahil sa pagkairita. Naiinis ako sa sarili ko. Para na akong naiiyak dito na ewan. Hindi ko alam kung anong gagawin.Hindi na muna ako bumaba. Wala rin naman akong gagawin. At wala rin ako sa mood.Nang mainip na ako sa kwarto ay saka na ako nagpasyang lumabas na s’yang pinagsisihan ko. Nasalubong ko lang naman si Azzurro sa kusina, mukhang bagong gising pa siya. Nanlaki ang mga mata ko at naging balisa. Hindi alam kung anong gagawin. Pero nang tingnan ko siya ay ilang minuto akong napatitig sa kaniya. Infairness, kahit bagong gising at magulo ang buhok ay gwapo pa rin siya. Kahit siguro nakapikit siya ay maganda pa rin ang mukha. Hindi kumukupas. Shit, anong ginagawa ko? Am I chec

  • Blooming Season (Russo #1)   Kabanata 19

    Gulat akong napatitig kay Daddy. Paano nangyari iyon? Hindi ko pa siya napapyansahan sa kulungan, paanong nakalaya siya? Kaya ba ganun ang tingin ni Sidhe sakin dahil dito? Dahil nandito na si Daddy?Kaagad nagsalubong ang kilay ko nang may pumasok sa isip ko. Mali naman yata yung iniisip ko, diba?"Ngayon-ngayon lang siya nakauwi, anak. Sakto nakapaghanda na ako ng makakain, baka nagugutom ka-""Tumakas ka ba sa kulungan, Dad?" Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Mommy at basta na lang iyong tinanong habang deretso ang mga mata kay Daddy. Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko."A-ano? T-teka, ano bang sinasabi mo, anak? Mali ka ng iniisi-" Kaagad akong lumapit sa kaniya na nakapagtigil sa kaniya."Hindi ko pa nababayaran ang pangpyansa mo sa kulungan! Kaya imposibleng makakalaya ka basta-basta. Imposible rin namang makakautang ka basta-basta sa iba gayung nasa loob ka ng rehas! Kaya sabihin mo na sakin ang totoo, Dad." Mariing kong sambit sa kaniya. Napaatras agad ako nang humarang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status