Share

Chapter 249

Author: Reign
last update publish date: 2026-09-27 01:53:00

“Ipinapakita lang niyan na napakaganda mong puntirya para paglabasan ng sama ng loob.” Walang pakundangang pinagmasdan ni Anton ang buong katawan niya, ngunit nanatili pa rin siyang hindi kumikilos.

“Ano pa ba ang gusto mo?” mausisang tanong ni Pia.

“May dalawang kundisyon ang sinumang gustong manatili sa tabi ko. Una, katapatan. Ayokong mag-alaga ng dalawang maliliit na asong babae na anumang oras ay maaaring kagatin ang sarili nilang amo.” Napangisi si Anton.

“Ang kapal ng mukha mong tawagin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 250

    “Hindi ko naman sinabing itapon ninyo. Gusto ko lang na humanap kayo ng lugar para sa kanya sa labas ng villa para hindi na siya makapasok dito. Hindi naman siguro unreasonable ang hinihingi ko, hindi ba?” sagot ni Marionne.“Paano kung ganito na lang? Mag-compromise tayong lahat.” Nag-isip sandali si Anton bago nagsalita. “Bukas, gagawa ako ng magandang bahay para kay Ryu sa labas. Doon siya matutulog sa gabi. Sa araw naman, puwede siyang manatili sa villa, pero sa unang palapag lamang. Bawal siyang umakyat sa ikalawang palapag. Ayos ba?”Hindi nagsalita sina Abigaile at Marionne.Hindi rin nagsalita si Ryu. Tama naman. Hindi naman talaga ito marunong magsalita.“Dahil sang-ayon naman kayong lahat, iyon na ang magiging kasunduan. Mula ngayon, mamumuhay nang mapayapa ang tao at aso at sama-samang bubuo ng isang magandang tahanan,” nakangiting sabi ni Anton.Sa wakas ay naayos din ang kanilang alitan, ngunit pansamantala lamang iyon. Tiyak na magkakaroon pa rin ng mga pagtatalo sa hina

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 249

    “Ipinapakita lang niyan na napakaganda mong puntirya para paglabasan ng sama ng loob.” Walang pakundangang pinagmasdan ni Anton ang buong katawan niya, ngunit nanatili pa rin siyang hindi kumikilos.“Ano pa ba ang gusto mo?” mausisang tanong ni Pia.“May dalawang kundisyon ang sinumang gustong manatili sa tabi ko. Una, katapatan. Ayokong mag-alaga ng dalawang maliliit na asong babae na anumang oras ay maaaring kagatin ang sarili nilang amo.” Napangisi si Anton.“Ang kapal ng mukha mong tawagin kaming mga aso!” Galit na sumulong si Pia nang ilang hakbang, nag-aapoy ang mga mata.Walang taong may dignidad ang matutuwa kapag tinawag na aso.“Gusto mo na ba akong kagatin ngayon? Mukhang kulang na kulang talaga ang katapatan mo!” sarkastikong sabi ni Anton.“Ikaw…” Alam ni Pia na tuluyan nang nabigo ang plano niyang gamitin ang kanyang kagandahan upang mapasunod ang lalaking ito at makuha ang proteksiyon nito.Bumalik siya sa tabi ng kama, sinuot ang kanyang damit, saka umupo.“Ano ang kai

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 248

    Matagal na nagmasid si Anton. Lumipas na ang halos buong araw, ngunit wala pa ring lumalabas mula sa Room 303.Pati almusal at tanghalian ay puro takeout.Grabe naman ang pagiging recluse nito. Isa kayang online writer na buong araw nakatutok sa pagsusulat at nagta-type ng kung anu-ano?Pero hindi naman ganoon kayaman ang mga online writer. Paano nila kayang magbayad para sa isang high-end hotel na ganito?O baka naman dalawang batang magkasintahan? Sinasamantala ang Sabado para magkulong buong araw sa kuwarto?Makalipas pa ang dalawang oras, wala pa ring lumabas.Unti-unti nang nawalan ng pasensya si Anton. Pakiramdam niya ay hindi na niya kayang maghintay pa. Malaki ang posibilidad na may taong mula sa Predators Organization na nakatira doon. Kung tama ang hinala niya, malamang isa ito sa mga tinutuluyan noon ni Venom.Kung talagang tumira rito si Venom, imposibleng naka-lock ang mga bintana. Bilang isang mapanganib na tao, tiyak na naghanda ito ng maraming ruta para makatakas sakal

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 247

    Sumunod, ikinuwento ni Marionne kay Anton ang naging proseso ng kanyang pagpapagaling.Napag-alaman na ang tumulong sa kanya ay babaeng disipulo ng Lingnan Medical God. Sa buong proseso ng paggamot, nakatakip ang mukha nito kaya hindi makita ang tunay nitong anyo.Nang tanungin kung bakit nakatakip ang mukha nito, sinabi ng divine physician na isa raw iyon sa mga patakaran ng kanilang grupo.Sinabi rin ni Lord Kyo kay Anton na pumayag ang Lingnan Medical God na tulungan siyang iligtas si Marionne, ngunit hindi nito sinabi kung sino mismo ang gagawa ng paggamot. Dahil doon, nagkaroon ng maling akala si Anton.Sa totoo lang, hindi naman kailangan ang kanyang pag-aalala.Batay sa personalidad ni Marionne, kahit ang simpleng pagpapahubad sa harap ng ibang tao ay hindi niya kayang gawin. Kahit ang basta mahawakan siya ng iba ay nakakaramdam na siya ng pagkailang. Paano pa kaya kung lalaki mismo ang magpapahubad sa kanya para gamutin siya?“Seloso ka talaga!” mapaglarong saway ni Marionne.

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 246

    “Ryu, asawa ko siya! Kapag inungulan mo na naman ako, itatapon talaga kita sa labas!” galit na saway ni Anton.“Kinakausap mo ang isang maliit na aso nang ganyan. Ano ba naman ang maiintindihan niya?” sabi ni Abigaile.Ngunit laking gulat ni Abigaile nang marinig ni Ryu ang mga sinabi ni Anton. Bigla itong tumalikod at naglakad patungo sa pintuan.'Naiintindihan niya talaga?'Bago pa siya makapag-react, nakaupo na si Ryu sa tapat ng pinto at kinakalmot iyon gamit ang matutulis nitong kuko.Para bang malinaw na sinasabi nito:'Papasukin mo ako? Kung hindi ay ilabas mo ako!Dahil hindi nito kayang buksan ang pinto, tumingala si Ryu kay Abigaile at humingi ng tulong gamit ang maliliit nitong mga mata.Agad na lumapit si Abigaile, binuksan ang pinto, at mabilis na tumakbo palabas si Ryu. Sa isang iglap, nawala na ito sa paningin nila.“Bayaw, naaawa ako kay Ryu,” malungkot na sabi ni Abigaile habang tila naiiyak at kumikirot ang kanyang ilong.Sumakit ang ulo ni Anton.Mukhang hindi talag

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 245

    “Ang boring naman. Kailan ba uuwi si bayaw?”Naka-pajama si Abigaile habang nakahiga sa sofa, nakataas at magkakrus ang mga binti. Maluwag na ang suot niyang pajama, kaya nang itaas niya ang mga binti, halos malantad na ang kanyang pribadong bahagi.Napatingin sa kanya si Marionne na nakaupo rin sa sofa at agad siyang pinagsabihan. “Babae ka, hindi mo ba iniisip ang iyong sarili? Kung nandito lang si Anton, tuluyan ka nang malalantad!”“So what kung makita niya? Hindi naman sa hindi ko pa pinakita dati,” walang pakialam na sagot ni Abigaile.Ngunit ilang sandali lang ay natigilan siya. Hindi niya sinasadyang nasabi ang tunay niyang iniisip.Ay, naku!Gaya ng inaasahan, biglang nagbago ang ekspresyon ni Marionne. “Ano ang sinabi mo?”“Ibig kong sabihin… alam mo naman kung ano si bayaw. Ilang beses ko na siyang nahuling palihim na tumitingin sa akin kapag nasa bahay kami,” mabilis na paliwanag ni Abigaile.Hindi sigurado si Marionne kung nagsasabi siya ng totoo, ngunit nagbabala pa rin

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 3

    Samantala, ay nagsisimula na ang pinakaemosyonal na parte ng kasal.“Mr. Daniel Corpuz, tinatanggap mo ba si Marionne Villamor, bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa karamdaman man o sa kalusugan, habang kayo ay nabubuhay?" tanong ng pari habang hawak ang bibliya.“Opo,” walang pag-aalinlang

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 2

    Samantala, sa loob ng isang pribadong kwarto.Iba't ibang klase ng putahe ang nakahain sa hapag. May fresh tuna, malalaking lobsters, at kung ano-ano pa.“Sigurado akong hindi mo pa natitikman ang mga ito. Bukod sa mahal na ay de kalidad pa ang mga sangkap na ginamit!” Mabilis na sumandok ng pagkai

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 1

    Bumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 4

    Nagulat ako sa bigla niyang pagbabago ng ekspresyon. Hinablot niya ang kuwelyo ko kaya hindi ako komportable. Dahil natatakot akong agawin niya ang bato ko, dali-dali ko itong tinakpan gamit ang dalawang kamay.Ganoon din ang ginawa ng matandang babae noong nakaraan, at ganoon din ang reaksiyon niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status