ログインPaglabas ni Anton mula sa coffee shop, muling bumigat ang kanyang pakiramdam. Isa-isang bumalik sa kanyang isip ang mga alaala. Hindi niya inakalang matapos ang mahigit isang taon ay ganoon pa rin kalinaw ang lahat. Akala niya ay nakalimutan na niya ang mga iyon, ngunit napagtanto niyang itinago lamang pala niya ang mga ito sa kaibuturan ng kanyang isip. Nang maalala niya muli, sabay-sabay silang sumiklab na parang alon.
Mula sa kanyang damit ay inilabas niya ang isang luma at kupas na litrato; anim silang naroon sa larawan. Sila ang pinaka-lihim na anim-na-taong elite soldier squad sa bansa, mga makinang pumapatay— ngayon ay siya na lamang ang natitirang buhay. Dati, magkakahawak sila ng kamay. Nangako silang mabubuhay at mamamatay nang magkakasama. Nangako silang walang sinuman sa kanila ang mag-aalay ng sariling buhay. Ngunit ang lahat ng iyon ay nasira dahil lamang sa isang maling desisyon. “Isang utos lang tapos ligtas na sila sa responsibilidad? Kagaguhan,” mura ni Anton habang ibinabalik ang litrato sa kanyang damit at nagpatuloy sa paglalakad. Tinamaan siya ng mainit na sinag ng araw, at muli niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na parang ibang tao na siya. Mula nang umalis siya sa organisasyong iyon, hindi ba’t araw-araw naman talaga siyang nabubuhay na parang nasa ibang mundo? “Hi!” Kinawayan ni Anton ang dalawang magandang babaeng dumaraan. “Baliw!” mataray na sagot ng dalawa bago mabilis na lumayo. Hindi naman naapektuhan si Anton at padaskol-daskol lamang na nagpatuloy sa paglalakad. Sa loob ng coffee shop, tinanggal ni Phoenix ang kanyang sunglasses at minasdan sa pamamagitan ng malawak na bintana ang walang-pakialam na pigura sa labas. Unti-unting sumiksik sa kanyang dibdib ang kakaibang lungkot. Matapos ang mahabang katahimikan, inilabas niya ang kanyang telepono at tumawag. “Commander, tumatanggi si Death na bumalik sa team,” mahinahon niyang sabi. ... Ang taglamig ay panahon ng paglalandi. Ang tag-init ay panahon ng bikini. Napaisip si Anton kung dapat ba siyang magkaroon ng totoong relasyon ngayong panahon? Matapos gumala buong araw, tamad siyang bumalik sa dormitoryo sa construction site pagsapit ng gabi. Sa tapat ng dormitoryo ay may nakatayong matangkad at magandang babae na nakaitim na bestida at may salaming kurbado—si Kattrina iyon! “Parang multong mapilit talaga siya. Hindi ko naman siya ginalaw, bakit ba niya ako hinahabol?” isip ni Anton. Lumapit siya nang tila walang pakialam at kunwaring nagulat. “Uy, hindi ba’t si Miss Kattrina ito? Anong hangin ang nagdala sa’yo rito?” Nang makita si Anton, halos hindi makapaniwala si Kattrina na ito rin ang lalaking nakita niya noong gabing iyon. Napakalaki ng pinagkaiba ng aura nito. Kung ang Anton noon ay isang maginoo at elegante, ang Anton ngayon ay mukhang totoong siga sa kanto. Noong una ay hindi pa siya lubos na naniwala sa sinabi ni Marionne, pero ngayon ay kumbinsido na siya. “Naparito ako para maningil,” diretsahang sabi ni Kattrina. “Ano pa bang dapat nating pagkuwentahan?” may bahagyang ngising tuso si Anton. “Hindi naman kita minura o sinaktan, at si President Villamor pa nga ang nagbayad ng cellphone ko. Kahit anong bilang ko, parang wala naman akong utang sa’yo.” “Ikaw… bayaran mo ang emotional damages ko!” biglang sabi ni Kattrina. “Emotional damages? Ibig sabihin may epekto ako sa damdamin mo. Ahh, gets ko na—love at first sight pala,” kunwaring natauhan si Anton. Nanumpa si Kattrina na wala pa siyang nakitang lalaking ganito kakapal ang mukha. Hindi ba nito alam ang estado niya? Isa lang itong hamak na construction worker, tapos iisipin nitong nahulog agad ang loob niya rito? Si Kattrina ay may sariling kumpanya, kumikita ng dalawa hanggang tatlong bilyon kada buwan. Mataas ang pinag-aralan at tipikal na “maganda, mayaman, at matagumpay.” Paano siya mai-inlove agad sa ganitong tao? Huminga siya nang malalim at pinigilan ang galit. Matapos ang ilang sandali, malamig siyang nagsalita, “Tumingin ka muna sa salamin bago ka magsalita ng ganyan.” “Ililibre kita ng dinner mamaya. Sasama ka ba?” “Sa tingin mo papayag ako?” “Diretsohin mo na. Oo o hindi. Kung ayaw mo, ibang tao na lang iimbitahan ko,” putol ni Anton. “Sasama ako, pero ako ang pipili ng lugar,” sabi ni Kattrina. “Walang problema. Sandali lang, magpapalit muna ako.” Pagkaraan ng sampung minuto, bumalik si Anton na hindi lang nakapagpalit ng damit kundi nakaligo pa. Naka-gray siyang pantalon at dark T-shirt. Mas seryoso at tahimik ang dating niya ngayon. Wala na ang dating maginoong aura noong nag-free meal siya sa hotel; ngayon ay mas malalim at misteryoso ang kanyang dating. “Chameleon ba ito noong past life niya?” Sa isip ni Kattrina. Talagang namangha siya. Lalo siyang naging interesado sa lalaking ito. Paano nagagawa nitong magpalit-palit ng aura nang ganoon kadali? At isa lang naman itong construction worker! “Sasakay ka ba sa kotse mo?” tanong ni Anton. “Malamang sa kotse ko tayo sasakay.” Inikot ni Kattrina ang kanyang mga mata at ibinato sa kanya ang susi. “Ikaw mag-drive.” “Alam mong marunong akong magmaneho?” “Pakiramdam ko kaya mo pang magpalipad ng eroplano.” Tumawa si Anton at sumakay sa BMW. Puti ang BMW ni Kattrina, nagkakahalaga ng humigit-kumulang limang daang libo yata ito. Halatang bago pa ito at maayos pa ang kondisyon. Sa isang pamilyar na galaw ng kambyo, umarangkada ang BMW na parang pana. “Saan tayo pupunta?” tanong ni Anton. “Sa Evergreen.” Ang Evergreen ay isa sa pinakasikat na lugar sa syudad—isang resort na may kainan, libangan, at entertainment. Paboritong puntahan ito ng mayayamang kabataan at mga elite. Matatagpuan ito sa Mt. Mirasol at ito lang ang hotel sa bundok kaya maraming nagbabakasyon doon. Nakaupo si Kattrina sa likuran habang nakatitig sa likod ng ulo ni Anton. Buong biyahe ay tahimik ito, malalim at seryoso, taliwas sa dati nitong mapagbiro at walang pakialam na ugali. “Hindi ako pwedeng malinlang ng taong ito,” paulit-ulit niyang paalala sa sarili. Sigurado siyang nagpapanggap lang ito. Napakabilis nitong magpalit ng ugali—mas mabilis pa sa babae—at siguradong marami na itong nabiktimang babae. Kaya para kay Kattrina, laro lamang ito. Kapag naging seryoso ka, talo ka. Paulit-ulit niyang pinatatag ang sarili sa ideyang iyon. Makalipas ang kalahating oras, huminto ang BMW sa outdoor parking lot at pumasok sila sa Evergreen. Habang naglalakad, bigla silang nakarinig ng pamilyar na boses. “Kattrina, ikaw nga! Akala ko namamalikmata lang ako.” Isang lalaking mukhang edukado, nakasuot ng gray suit at salamin, ang lumapit sa kanila. Nang makita si Kattrina ay agad itong ngumiti at iniabot ang kamay. “Owen, ikaw pala! Ang tagal na nating hindi nagkita!” masayang sabi ni Kattrina habang inaabot din ang kanyang kamay. Ngunit may ibang kamay na naunang humawak dito. Magalang na ngumiti si Anton habang kinakamayan si Owen. “Hindi na kailangang maging pormal.” Bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak kaya napasigaw si Owen sa sakit. “Anton!” galit na sigaw ni Kattrina. “Ayos lang.” Pinisil ni Owen ang namamagang kamay at pilit na ngumiti. “Boyfriend mo ba siya?” May malamig na kislap sa kanyang mga mata, ngunit hindi iyon nakaligtas kay Anton. “Hindi,” sagot ni Anton. Bahagyang nakahinga nang maluwag si Kattrina. Ngunit sa sumunod na segundo ay dinagdagan pa ni Anton. “Ako ang lalaki niya.” Magkahawig man ang ibig sabihin ng “boyfriend” at “lalaki,” malaki pa rin ang pagkakaiba. Ang una ay maaaring simpleng relasyon lamang, pero ang ikalawa ay parang may mas malalim nang nangyari. Halos himatayin si Kattrina sa inis. Kung wala lang si Owen, siguradong sasabog na siya. Para namang may langaw na nalunok si Owen—hindi mailuwa at hindi malunok. Halatang napahiya ito at dali-daling nagpaalam. “Pwede bang maging gentleman ka kahit minsan?” inis na sabi ni Kattrina. “Depende sa tao ang pagiging gentleman. Tingnan mo siya.” Itinuro ni Anton si Owen. Kanina’y mukhang disente ito, pero ngayon ay nakikipaglandian na sa isang babaeng halos kita na ang katawan sa suot nitong damit. Halatang bagong kakilala pa lamang at nasa unang yugto pa lang ng pang-uuto. Nandidiri si Kattrina. Halatang babaero ito na hobby ang mangolekta ng babae. Kakaupo pa lang nila nang may biglang umupo sa tabi nila. Nakatali ang buhok nito, nakasuot ng lilang bestida, at hawak ang menu gamit ang maputi at pinong kamay. “Ito ang order ko,” sabi niya sa waiter. Tumingala si Anton at natigilan. Si Marionne pala iyon. Tahimik itong nakaupo na parang prinsesa ngunit may dating na parang reyna. Hindi siya kasing wild ni Kattrina. Hindi rin ganoon kalaki ang katawan o kapansin-pansin ang dibdib niya. Halos walang nakalitaw na balat sa kanya, ngunit sa sandaling umupo siya roon, agad niyang nakuha ang buong atensyon ni Anton. May likas siyang elegante at marangal na aura—isang bagay na nakaukit na sa kanyang pagkatao at hindi kayang baguhin ng anumang kasuotan. “Si Marionne talaga ang may pakay sa’yo. Akala mo ba talaga maghihintay ako buong hapon sa maruming construction site para sa’yo? Sino ka ba sa tingin mo?” irap ni Kattrina kay Anton.(Bayagra po iyong nakita ni Anton sa ilalim ng unan, hindi menstrual pad)Hindi kailanman inakala ni Anton na mauuwi sa ganoon ang sitwasyon. Sandali siyang natigilan at hindi alam kung ano ang sasabihin.Yumuko si Amanda, kasinghiya ng isang dalagang nasa bente anyos, saka dali-daling pinulot ang bagay at itinago sa drawer.“Hindi ako ang bumili niyan... Si Arnold... Hindi ko alam kung saan niya nakuha. Hindi ko pa naman iyon nagagamit.”Sa ilalim ng unan pa talaga itinago. Sino ang nakakaalam kung gaano na niya katagal ginagamit, tapos sasabihin niyang hindi pa niya nagagamit?Talagang hindi mo basta-basta mapagkakatiwalaan ang sinasabi ng isang babae.“Si Arnold kasi... hindi siya ganoon kagaling sa bagay na iyon. Nakonsensya siguro siya, kaya niya binili ang bagay na iyan...” alanganing paliwanag ni Amanda.Sandali... impotente ba si Arnold?“Aalis na muna ako.”Habang unti-unti nang nawawala ang pagpipigil niya sa sarili, mabilis na tumakbo palabas si Anton.Ayos lang ang asaran,
Maya-maya, nagmamadaling bumalik si Amanda kasama ang tatlong babae, na bawat isa ay may dalang malaking supot ng mga pinamili.May baka, tupa, manok, baboy—halos lahat ng klase ng karne, maliban na lang sa laman ng tao. May mga isda, hipon, alimango, at iba't ibang uri ng shellfish. Mayroon pa ngang apat o limang klase ng gulay.Ano ba ito? Ginawang palengke ang bahay?Napangiwi si Anton nang makita ang dami ng kanilang dala. “Ang dami naman nito. Mauubos ba natin lahat?”Ngumiti si Amanda. “Iba-iba ang panlasa ng bawat isa. Pumili lang tayo ng dalawa o tatlong putahe bawat isa. Hindi naman puwedeng may mapabayaan sa atin, di ba?”“Bayaw, ikaw na ang bahala rito. Andrea, tara, bumalik tayo sa kuwarto at manood ng TV. May ilang episodes pa tayong hindi natapos kagabi.”Hinila ni Abigaile si Andrea at umakyat sa kuwarto.“Alam mo namang hindi ako ganoon kagaling sa kusina. Baka lalo ko lang guluhin ang pagluluto,” walang magawa na sabi ni Marionne. “Ang init pa naman. Pinagpapawisan n
“Paano mo nalaman na narito ako?” curious na tanong ni Anton. "Lumipad ka pa galing Pinas."“Hindi naman mahirap alamin kung nasaan ka,” natatawang sagot ni Uno.“Nagtataka ako kung bakit mo ako pinapunta rito, Chief.”“Gusto kong tanungin kung pag-iisipan mong bumalik sa Dragon Group para sa espesyal na operasyon.”Napakunot-noo si Anton sa narinig.“Bagama’t hindi na ako bahagi ng Dragon Group, naririnig ko pa rin ang mga nangyayari roon. Napakaseryoso na ng sitwasyon ng buong Dragon Group. Kailangan nila ng isang taong kayang humarap at mamuno sa operasyon. Kinontak ka rin ni Dos, hindi ba?”Tumango si Anton.“Gusto ka rin niyang maging commander-in-chief, tama?”“Nakipagpustahan siya sa akin, pero natalo siya. At hindi rin ako pumayag,” sagot ni Anton.Hindi nagulat si Uno, na para bang alam na niya ang lahat. “May iba pa bang sinabi sa iyo si Dos?”Tinitigan siya ni Anton.Paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ni Dos:Huwag basta magtiwala kaninuman.Dating pinu
Hindi alam ni Anton kung paano ilalarawan si Falcon.Sa kabuuan, mahusay itong tao—matalino, malakas, at may kakayahan. Ngunit isa rin itong tuso at mailap na tao. Bihira itong magsalita, at walang sinuman ang nakaaalam kung ano talaga ang nasa isip nito."Iwan muna natin ang ugali ni Falcon. Kung usapang pamumuno ng squad, hindi siya kwalipikado," sabi ni Dos. "Masyado siyang mayabang. Hindi niya kayang makisalamuha sa mga tauhan niya, kaya wala ring tunay na gumagalang sa kanya. Ikaw naman, sa lahat ng aspeto, ikaw ang pinakaangkop na maging commander-in-chief.""Isa akong tauhan ni Uno noon. Hindi ka ba nag-aalala?" tanong ni Anton."Nagtitiwala ako sa sarili kong paghuhusga. Ikaw ay si Anton. Hindi ka pag-aari ninuman." Mariing tumingin si Dos sa kanya.Matapos ang ilang sandaling katahimikan, nagsalita si Anton. "Sayang. Malaya na ako ngayon. Sabihin mo na ang pangalawa mong pakay, pagkatapos ay uuwi na ako sa asawa ko.""Ang ikalawang dahilan, gusto kong imbestigahan mo ang isan
Sa unang tingin pa lamang, alam na ni Anton na mas mataas ang antas ng internal energy ng kanyang kalaban kaysa sa kanya.Marahil ay umabot pa ito sa maalamat na antas ng Qi Transformation.May tatlong pangunahing antas ang internal energy:Entry LevelMasteryQi TransformationSamantalang ang sinasabing Dust-Entering Realm ay isa na lamang alamat, dahil wala pang nakarinig na may tunay na nakaabot sa antas na iyon.Hindi nangahas si Anton na magpakampante. Agad niyang hinugot ang Cold Ink Dagger sa kanyang baywang at sinalubong ang pag-atake.Bagama't alam na niyang napakalakas ni Dos, nang tunay na silang magharap ay saka lamang niya napagtanto...Mas malakas pa pala ito kaysa sa inaakala niya. Sunod-sunod ang mabibigat nitong pag-atake, na halos hindi na siya makahinga.Karapat-dapat nga itong tawaging God of War at pinakamalakas na mandirigma ng hukbo.Kung hindi dahil sa sarili niyang mataas na antas ng internal energy at napakaraming karanasan sa totoong labanan, malamang ay nat
Samantala, ang matipunong lalaking sinuntok ni Anton palabas ng entablado ay matagal bago nakabangon. Pagkatayo niya, galit na galit siyang sumigaw. "Sino ka ba? Bakit ka nakialam sa laban at nilabag ang mga patakaran?"Nanlilisik ang mga mata ni Anton habang malamig niyang tinitigan ang lalaki. Kasabay noon ay bumuhos ang nakapangingilabot niyang killing intent. "Lumalaban ka ba sa sarili mong kasamahan o sa kaaway? Sumuko na ang tao, pero gusto mo pa ring patayin? Miyembro ka ba ng Dragon Group... o isa ka lang walang pusong mamamatay-tao?"Naramdaman ng matipunong lalaki ang matinding presyon mula sa titig ni Anton. Agad siyang nawalan ng yabang. "Ang... ang Commander ang nagsabi...""Ang sabi niya, ang tunay na layunin ng martial arts ay talunin ang kalaban sa anumang paraan. Pwede raw gumamit ng sandata at dapat tratuhin ang bawat laban na parang tunay na digmaan. Kapag nasa bingit lang daw ng kamatayan, saka lumalabas ang pinakamalakas na potensyal ng isang mandirigma.""Kalokoh
Bumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito
Lumaki ang mga mata ni Alissa sa pagkagulat. Kilala niya si Marionne Villamor— presidente ito ng VGC, ang magiging susunod na CEO, at napakaraming tao ang pilit na nagpapapansin dito ngunit ni hindi nito pinapansin. Hindi niya inaasahang kilala pala nito ang simpleng construction worket na ito at t
Ngayon ay may malaking kaganapan sa New Haven Office.Ang presidente ng Saldivar Empire ay personal na mag-iinspeksyon sa progreso ng proyektong ipinagkatiwala nila sa VGC, kaya mataas ang alerto ng buong engineering department ng VGC.Dahil sa mga balitang lumabas ilang araw na ang nakalipas tungk
Nagulat ako sa bigla niyang pagbabago ng ekspresyon. Hinablot niya ang kuwelyo ko kaya hindi ako komportable. Dahil natatakot akong agawin niya ang bato ko, dali-dali ko itong tinakpan gamit ang dalawang kamay.Ganoon din ang ginawa ng matandang babae noong nakaraan, at ganoon din ang reaksiyon niy







