Share

Chapter 5

Author: Reign
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-29 01:58:10

Ngayon ay may malaking kaganapan sa New Haven Office.

Ang presidente ng Saldivar Empire ay personal na mag-iinspeksyon sa progreso ng proyektong ipinagkatiwala nila sa VGC, kaya mataas ang alerto ng buong engineering department ng VGC.

Dahil sa mga balitang lumabas ilang araw na ang nakalipas tungkol sa naudlot na kasal nina Marionne at Daniel, halos lahat ay alam na ang nangyari. Kaya sa kritikal na panahong ito, lalo pang kinakabahan ang lahat sa pagdating ng presidente ng VGC para personal na tingnan ang proyektong hawak niya.

Posibleng matanggal sa trabaho ang kahit sinong magkamali.

Naabisuhan na ang construction site na unahin ang kaligtasan at maging maingat sa kilos at asal; sinumang magkamali ay agad sisibakin.

Nakasuot ng sweatpants, naka-bun ang buhok, at may sunglasses si Marionne habang bumababa mula sa sasakyan. Agad siyang naging sentro ng atensyon ng lahat. Nakatayo siya sa gitna ng karamihan na parang isang anghel na bumaba sa lupa, umaakit ng lahat ng tingin.

“President Villamor, welcome po,” bati ni Arvin, ang pinuno ng engineering department, habang papalapit kasama ang grupo ng mga engineer.

“Bigyan ninyo ako ng hard hat,” utos ni Marionne.

May agad na nag-abot ng bagong hard hat at isinuot niya ito bago nagtungo sa construction site. Sakto namang tumunog ang cellphone niya.

“President Villamor, nalaman namin na nagpadala si Daniel ng maraming tao para hanapin ang lalaking si Anton Dela Vega,” ulat ng security manager ng grupo mula sa kabilang linya.

“Nahanap na ba ninyo siya?”

“Hindi pa po.”

“Magpatuloy kayo sa paghahanap. Kailangang mahanap natin si Anton bago pa siya mahanap nina Danile,” utos ni Marionne.

Pagkababa ng tawag, muli niyang naisip ang misteryoso at tila kayang gawin ang lahat na lalaking iyon. Sino nga ba talaga siya? Ano ang trabaho niya? Bakit siya tinulungan nito?

Mula noong gabing iyon, tila naglaho na lang siya. Kahit ang VGC at Corpuz Estate, dalawa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa syuda ay hindi siya mahanap. Para siyang naglaho sa hangin.

“President, townhouse area po ba muna o apartment buildings?”

“Townhouses muna.”

Napakalaking proyekto ng New Haven. Mahigit tatlong bilyong piso na ang na-invest ng VGC sa phase na ito pa lamang, kaya isa ito sa pinakamalaking development projects sa lungsod. Isa rin ito sa pinakamahalagang proyekto ng VGC sa kasalukuyan.

Sa kalsada malapit sa townhouse area…

Nakasuot ng kupas na rubber shoes si Anton habang hinihila ang maliit na karitong puno ng mga ladrilyo. Nakaupo naman sa kariton ang payat na si Danilo habang magkasabay silang papunta sa construction site.

“Anton, alam mo ba kung bakit kinansela ni Marionne ang engagement noong gabing iyon?” tanong ni Danilo.

“Kasi niloko siya ni Daniel kasama ang ibang babae sa kuwarto sa itaas habang kasal nila.”

“Tsk, kung makakwento ka parang totoong-totoo,” sabi ni Danilo sabay taas ng middle finger nito.

“Bakit ba hindi ka naniniwala kapag nagsasabi ako ng totoo?” napabuntong-hininga si Anton. “Pagkatapos nun, pumunta pa nga ako sa mansyon ni Marionne at nakipagkwentuhan sa dalawang magagandang babae sa iisang kuwarto.”

“Sobra ka na talagang mag-imbento,” walang magawang sabi ni Danilo.

Habang nag-uusap sila, nakarating sila sa villa area. Matalas ang mata ni Anton kaya agad niyang napansin ang isang astig na babaeng pulis na nakikipag-usap kay Myrna.

“Lintik!”

Isang tingin pa lang ay nakilala na niya ang babaeng pulis—ang mataas na opisyal na nagposas sa kanya sa poste kanina lang.

“CR muna ako.”

Ibinaba niya ang sombrero niya at mabilis na lumihis papunta sa gilid. Pagkapasok niya sa construction site, tumunog ang cellphone niya. Si Myrna ang tumatawag.

“Ang kulit naman.”

Agad niyang ni-silent ang cellphone at nagtago sa loob ng site.

“Nasaan si Anton?”

Nagtatakang tanong ni Myrna nang makita si Danilo na mag-isa. “Hindi ba magka-grupo kayo ngayon? Bakit ikaw lang?”

“Nagpunta po siya sa CR.”

Napatingin si Danilo kay Alissa at agad kumislap ang mga mata niya. Malago ang katawan nito, pino ang mukha, mahahaba ang pilikmata, at parang tubig-taglagas ang mga mata—sobrang ganda. Dagdag pa ang police uniform nito, mas kaakit-akit pa kaysa sa mga babaeng naka-uniform sa Japanese adult films.

“Kailan pa siya umalis?”

“Ilang minuto pa lang po.”

Alam ni Alissa na tama ang taong hinahanap niya kaya malamig siyang nagsalita. “May limang minuto ka para dalhin siya rito. Kung hindi, mananagot kayong lahat.”

“Ano po bang ginawa ni Anton?” mahinang tanong ni Myrna.

“Rape.”

Sa tuwing naiisip niya ang pagmumukha ng lalaking iyon ay naiirita siya, kaya naisip niyang takutin muna sila nang kaunti para seryosohin ang paghahanap.

“Officer, baka may pagkakamali po? Hindi ganoong tao si Anton,” balisang sabi ni Danilo.

“Kung wala siyang ginawang masama, bakit siya tatakbo nang makita niya ako?” balik-tanong ni Alissa.

“Hahanapin ko siya!”

Pagkasabi noon, mabilis na tumakbo si Danilo.

Pagkapasok ni Myrna sa construction site, agad siyang sumigaw. “Tumigil muna kayong lahat sa trabaho! Hanapin ninyo si Anton! Malaki ang problemang kinasangkutan niya!”

Samantala, nakasiksik si Anton sa tabi ng banyo habang nanonood ng Japanese adult film sa cellphone niya. Pagkatapos ng ilang tawag, pinatay niya ang signal ng phone.

Biglang may grupo ng mga manggagawa na sumugod papunta sa kanya habang sumisigaw.

“Nandito siya! Hulihin ninyo siya!”

“Anton, hindi namin akalaing ganito kang klaseng tao! Bulag pala kami!”

“Kahit limampung taong gulang na babae hindi mo pinalampas! Tao ka pa ba?”

“May ilang police car na naghihintay sa labas. Mabuti pang sumuko ka na!”

“Tama na ang salita! Hulihin natin siya, bugbugin, saka ibigay sa pulis!”

Galit na galit na sumugod ang grupo.

Tuluyang natulala si Anton. Nabaliw na ba ang mga ito? Isang kotse lang naman ang dinaanan niya ng motorsiklo—kailan pa siya nang-rape ng matandang babae?

Sa ganitong sitwasyon, ang pinakamagandang gawin ay tumakas muna. Kung hindi, siguradong papatayin siya sa bugbog ng mga ito.

Tinukod niya ang kamay sa pader, tumalon palabas, at mabilis na tumakas.

“Naroon siya! Huwag ninyong pakawalan!”

“Lintik!”

Lumiko si Anton pakaliwa at napunta sa tambak ng semento. Biglang may isang lalaking tumalon at sinugod siya.

“Hindi ko naman ni-rape ang kapatid mo, kailangan mo bang lumaban nang ganyan?”

Magaan siyang umiwas at nalampasan ang pagsugod. May isa na namang sumugod, tila handang mamatay makahuli lang.

“Bwisit, hindi ako pwedeng manatili rito.”

Mabilis siyang sumingit-singit sa mga hadlang at tumakbo patungo sa gate.

“Habulin ninyo siya! Huwag siyang hayaang makatakas!”

Dose-dosenang construction workers ang humahabol sa kanya—sobrang engrande ng eksena.

Nakatayo naman si Alissa sa may gate ng construction site habang umiinom ng tubig at aliw na aliw sa panonood kay Anton na tumatakbo para sa buhay nito habang hinahabol ng napakaraming manggagawa.

Nakakapagtaka na mahigit sampung minuto na ang lumipas at wala pa ring natatamaan si Anton, pero hindi pa rin siya mahuli ng dose-dosenang tao. Napakadulas talaga ng lalaking ito.

Sa isang iglap, nagkagulo ang buong construction site.

Pinangunahan ni Arvin si Marionne papunta sa site habang ipinapakilala ang mga manggagawa.

“President, mataas po ang kalidad ng aming construction workers. Mahigpit silang sinuri. Maya-maya po makikita ninyo kung gaano sila kasipag at kaseryoso sa trabaho…”

Hindi pa siya tapos magsalita nang matigilan siya.

Pagliko nila sa kanto, bumungad ang isang magulong eksena. Dose-dosenang construction workers ang naghahabulan sa isang kapwa construction worker habang maingay at magulo ang buong lugar.

“Ito ba ang sinasabi mong high-quality team?” kunot-noong tanong ni Marionne.

Pinawisan agad si Arvin. Mabilis niyang inilabas ang cellphone at tinawagan si Myrna.

“Hoy, Myrna, ano’ng nangyayari diyan sa construction site? Ano? Rape?”

Pagkababa ng tawag, nanghihinang siyang nagsalita. “President… may construction worker pong sangkot sa rape. Hinuhuli siya ng mga manggagawa.”

“Ano’ng nangyari?” kunot-noong tanong ni Marionne.

“Naroon si Officer Redobles. Bakit hindi natin siya tanungin?”

Mabilis na nagtungo ang grupo sa gitna ng construction site kung saan nakatayo ang isang maayos manamit na babaeng pulis na halos mabaliw na sa kakatawa habang hawak ang tiyan niya.

Nakita ni Alissa na sabay na sumugod ang dalawang manggagawa kay Anton ngunit pareho silang naiwasan nito kaya nagbanggaan ang mga ulo nila. Napahawak sila sa ulo at napaungol sa sakit.

“Officer Redobles, ano’ng nangyayari dito?” tanong ni Arvin.

“May dadalhin lang ako para sa imbestigasyon.”

Nawala ang ngiti ni Alissa habang itinuturo si Anton sa gitna ng site. “Pakidala siya rito.”

“Tama na kayong lahat!”

Lumapit si Arvin, pinatigil ang lahat, at itinuro si Anton. “Ikaw, lumapit ka rito.”

Napabuntong-hininga si Anton. Alam niyang hindi na siya makakatakas ngayon kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod.

“Officer, nagkita na naman tayo,” alanganing bati niya.

Naka-cross arms si Alissa habang paikot-ikot siyang tinitingnan. Humanga siya sa kapal ng mukha nito.

“Magaling ka rin. Dose-dosenang tao na ang humahabol pero hindi ka pa rin mahuli,” natatawang sabi niya.

“Parang sasabog na.” Napatingin si Anton sa dibdib nitong nakaipit sa braso at mahina niyang ibinulong iyon.

“Ano’ng sabi mo?” taas-kilay na tanong ni Alissa.

“Ang sabi ko, habang mas maraming ladrilyong binubuhat, mas gumagaan ang katawan,” mabilis na sagot ni Anton habang inilalabas ang maruming posas mula sa baywang niya. “Isauli ko na po sa tunay na may-ari.”

Kinuha ni Alissa ang posas at agad iyong ikinabit sa mga pulso niya. “Halika na.”

Itinuro niya ang motorsiklo niya.

Masunuring naglakad si Anton papunta rito nang mapansin niyang may grupong paparating. Ang nasa unahan ay walang iba kundi si Marionne, ang presidente ng VGC.

Agad niyang ibinaba ang ulo niya. Problema kapag nakilala siya.

Hindi siya takot kay Marionne, pero ang kaibigan nitong si Kattrina ay hindi biro.

Napatingin si Marionne sa kanya. Napansin niyang nakayuko ito kaya hindi makita nang maayos ang mukha, pero matangkad ito.

“Officer, ano pong krimen ang ginawa ng empleyadong ito?” tanong ni Marionne bilang boss ng kumpanya.

“Dinaan niya ng motorsiklo ang kotse ng iba. Galit siya sa mayayaman,” sagot ni Alissa.

“Hindi rape?”

“Kung rape iyon, binaril ko na sana siya,” malamig na sabi ni Alissa. “Sundin na lang natin ang batas.”

Tiningnan ni Marionne ang nakayukong si Anton at nakaramdam ng kakaibang pamilyar na pakiramdam. Bigla siyang nagsalita. “Itaas mo ang ulo mo.”

Parang walang narinig si Anton at nagpatuloy lang sa paglalakad nang nakayuko.

“Sinabihan ka ng presidente na itaas ang ulo mo, hindi mo ba narinig?” galit na sabi ni Arvin.

Parang nahihiyang humarap si Anton kaya lalo pa niyang ibinaba ang ulo niya. Lalong naghinala si Marionne at biglang may naisip siyang tao.

Bigla niyang sinabi. “Salamat pala noong gabing iyon.”

“Walang anuman, maliit na bagay lang iyon.” Walang pakialam na kumaway si Anton, bago niya biglang na-realize na naisahan siya.

Wala na siyang nagawa kundi itaas ang ulo at ngumiti.

“President Villamor, nagkita na naman tayo.”

Nakatitig si Marionne sa magulong hitsura niyang ito nang halos kalahating minuto bago niya tuluyang nakilala kung sino siya. Kung hindi dahil sa pamilyar nitong mapangahas na ngiti, iisipin niyang ibang tao ito.

Siya nga talaga ang lalaking iyon noong gabing iyon.

Pero paano nangyari iyon?

Noong gabing iyon, naka-designer clothes siya at punong-puno ng karisma—isang tunay na rich at handsome guy. Pero itong nasa harap niya ngayon?

Hindi napigilan ni Marionne na matawa. Hindi nakapagtataka na hindi siya mahanap ng mga tauhan niya at ng mga tauhan ni Daniel. Sino bang maniniwala na ang lalaking iyon ay isa palang construction worker na nagtatago sa construction site?

Nagkatinginan nang naguguluhan ang mga tao sa paligid. Hindi nila akalaing kilala pala ng President ang construction worker na ito, at base sa tono nila, mukhang natulungan pa siya ni Anton noon.

“Ilang araw ka na naming hinahanap!” Ngumiti nang pambihira si Marionne.

Ngayon ay naniwala na talaga siya sa pulis. Kung kaya ng lalaking ito na umakyat ng limang palapag para maningil ng utang, maliit na bagay na lang talaga ang pagdaan ng motorsiklo sa ibabaw ng kotse.

“Ako na ang magbabayad sa lahat ng danyos sa kotse. Pakawalan muna siya,” biglang sabi ni Marionne.

Sa isang iglap, nagkagulo ang lahat at napatingin kay Anton na para bang multo ang nakita nila.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 277

    Napako ang tingin ni Andrew sa tatlong taong nakapalibot sa kanya. Bahagyang nagdikit ang kanyang mga kilay. Batay pa lamang sa kanilang mga aura, alam niyang hindi basta-basta ang tatlong ito.*Sa ganitong sitwasyon, wala na akong ibang pagpipilian kundi ang makipaglaban nang harapan.*Biglang sumugod si Andrew kay Yana. Batay sa aura ng tatlo, nahinuha niyang si Yana ang pinakamahina sa kanila. Nahulaan na ni Phoenix ang kanyang balak kaya nauna na itong umatake.Agad ding nakisali sina Xavier at Yana sa pag-atake.Simple lamang ang layunin ng kanilang misyon sa pagkakataong ito: hulihin si Andrew. Wala silang pakialam kung anong paraan ang kailangan nilang gamitin. Ang pinakamahalaga ay mahuli siya.Nakita ni Anton na lubusang napipigilan ni Phoenix si Andrew. Ilang ulit nang nalagay sa alanganin ang lalaki, ngunit wala pa rin itong ipinakitang palatandaan ng pagbabago ng anyo. Dahil dito, nakahinga nang maluwag si Anton.Hindi pala gene warrior si Andrew.Malamang ay ayaw ni Uno n

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 276

    Hindi nakapagsalita si Alex. Kilalang-kilala niya ang kakayahan ng sarili niyang anak.Malayong mas mahusay si Andrew kaysa kay Aivan, ang walang-kuwentang anak ng una niyang asawa na walang ibang inatupag kundi habulin ang mga babae at magpalipas ng oras sa mga bar.Kung hindi pambihira ang kakayahan ni Andrew, hindi sana siya nailipat ng pamahalaan sa isang napakalihim na organisasyon—isang organisasyong hindi man lang alam ni Alex kung ano ang pangalan o kung saan talaga nabibilang ang kanyang anak.Isang taon na ang nakalipas, alam ni Alex ang pagtatalo ng una at ikalawa niyang asawa. Alam din niyang may inupahan si Isabel upang patayin si Felicity. Gayunpaman, hindi siya nangahas na magsalita dahil natatakot siyang masira ang kanyang reputasyon.Malubhang krimen ang pag-upa ng mamamatay-tao. Kapag nalaman ito ng pulisya, aarestuhin si Isabel at makukulong. Kapag nangyari iyon, mawawala rin sa kanya ang una niyang asawa.Dahil sa magkasalungat na damdaming ito, at sa pagmamakaawa

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 275

    Hindi pinansin ni Anton ang mga kakaibang tingin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Diretso siyang naglakad patungo sa gitna ng silid at matalim na tinitigan ang guwapong lalaki na para bang kayang tumagos ng kanyang tingin. Kalmado siyang nagsalita, “Andrew, nagawa mong paghigantihan ang sarili mong pamilya sa ganitong paraan? Hindi mo man lang ba kayang ipakita ang tunay mong mukha?”Nagdulot ng malaking kaguluhan ang kanyang mga salita. Agad na napako ang atensyon ng lahat sa guwapong lalaki.Bahagyang lumiit ang mga balintataw ni Alex habang nakatitig sa lalaki, tila sinusubukang alamin kung totoo ang sinabi ni Anton.Nanginginig si Arrianne, at bakas sa kanyang mga mata ang matinding pag-aalinlangan. Maging ang iba pang miyembro ng pamilya Chi ay nagpakita ng sari-saring emosyon sa kanilang mga mukha.Sinumang nagtrabaho sa pamilya Chi nang mahigit isang taon ay tiyak na nakarinig na tungkol kay Andrew.Noon, isa siyang tanyag na tao sa pamilya Chi. Mahusay siya kapwa sa akademik

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 274

    Namumutla sa galit si Alex. Halos magsuka siya ng dugo sa sobrang poot at kahihiyan.“Peke ang lahat ng mga litrato! Sinusubukan mo lang sirain ang reputasyon ng pamilya Chi. Walang maniniwala sa iyo!” mariing sabi ni Alex.“Tama! Siguradong peke ang mga litrato!”“Wala sa amin ang naniniwala sa iyo!”“Sinisiraan mo lang ang pamilya Chi!”Sunod-sunod na sigaw ng mga taong nakapaligid sa kanila. Matatag pa rin nilang ipinagtatanggol si Alex. Gayunman, may ilan sa kanila ang natahimik at hindi maiwasang maghinalang hindi ganoon kasimple ang buong pangyayari.“Kung hindi pa rin kayo naniniwala, mayroon kaming ebidensiyang video. Pero siyempre, mas kapana-panabik kung masasaksihan ninyo mismo ang lahat!”Pagkasabi nito, biglang tumalikod ang guwapong lalaki at mabilis na nagtungo sa isang silid. Sinipa niya ang pinto at pilit itong binuksan.Sa loob, may isang lalaki at isang babae na magkasamang nakahiga sa kama. Pareho silang hubad.Sino pa nga ba ang mga ito kundi sina Aivan at Zenaida

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 273

    Kinabukasan ng umaga, nag-aalmusal ang buong pamilya Chi sa hapag-kainan.Biglang nagmamadaling pumasok ang isang utusan. Halatang balisa ito nang sabihin, "Master Chi, may masamang nangyari! May dumating na taong gustong hamunin kayo!”“Sinong napakatapang na naglakas-loob na manggulo sa tahanan ng pamilya Chi? Mukhang naghahanap siya ng kamatayan!” Agad na tumayo si Alex.Sa loob ng maraming taon, namayani si Alex sa syudad. Wala pang sinumang naglakas-loob na hamunin siya nang harapan. Karaniwan lamang sa mundo ng martial arts ang paghahamon at pakikipaglaban. Gayunman, ang wastong paraan ay ang magpadala muna ng hamon at magkasundo sa lugar kung saan gaganapin ang laban. Ang basta na lamang pagsugod sa tahanan ng kalaban nang walang paunang abiso ay isang malaking kawalang-galang.Hindi pa man natatapos magsalita si Alex, biglang sumugod sa loob ang mahigit tatlumpung tao. Karamihan sa kanila ay mga kilalang dalubhasa sa martial arts sa lungsod.Halos lahat ng mga ito ay may mga p

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 272

    “Dahil kailangan kong mahanap ang kuya mo,” mariing sagot ni Anton, malinaw na binibigkas ang bawat salita.Habang nagsasalita, patuloy niyang inoobserbahan ang ekspresyon ni Arrianne. Gaya ng inaasahan, biglang nagbago ang mukha nito bago napasigaw. “Ano ba ang mga pinagsasasabi mo? Patay na ang kuya ko!”“Hindi patay ang kuya mo. Sina Alexa at Ariel, pati ang dalawa pang kasambahay na namatay. Kung hindi ako pinalad kagabi, baka patay na rin ako ngayon. At hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Posibleng may iba pang mamamatay. Mamamatay si Aivan, mamamatay si Isabel, at isa-isang mamamatay ang lahat ng miyembro ng pamilya Chi. Galit na galit ang kuya mo at desperado siyang maghiganti sa buong pamilya ninyo!”“Kung magpapatuloy siya sa ginagawa niya, mas marami pang inosenteng tao ang mamamatay. Hahayaan mo na lang bang paulit-ulit siyang gumawa ng pagkakamali at manakit ng mas marami pang walang kasalanan?”Walang tigil sa pagsasalita si Anton. Sunod-sunod ang mga tanong niya, na para

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 7

    Paglabas ni Anton mula sa coffee shop, muling bumigat ang kanyang pakiramdam. Isa-isang bumalik sa kanyang isip ang mga alaala. Hindi niya inakalang matapos ang mahigit isang taon ay ganoon pa rin kalinaw ang lahat. Akala niya ay nakalimutan na niya ang mga iyon, ngunit napagtanto niyang itinago la

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 6

    Lumaki ang mga mata ni Alissa sa pagkagulat. Kilala niya si Marionne Villamor— presidente ito ng VGC, ang magiging susunod na CEO, at napakaraming tao ang pilit na nagpapapansin dito ngunit ni hindi nito pinapansin. Hindi niya inaasahang kilala pala nito ang simpleng construction worket na ito at t

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 4

    Nagulat ako sa bigla niyang pagbabago ng ekspresyon. Hinablot niya ang kuwelyo ko kaya hindi ako komportable. Dahil natatakot akong agawin niya ang bato ko, dali-dali ko itong tinakpan gamit ang dalawang kamay.Ganoon din ang ginawa ng matandang babae noong nakaraan, at ganoon din ang reaksiyon niy

  • Ruthless CEO and Her Fake Husband   Chapter 3

    Samantala, ay nagsisimula na ang pinakaemosyonal na parte ng kasal.“Mr. Daniel Corpuz, tinatanggap mo ba si Marionne Villamor, bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa karamdaman man o sa kalusugan, habang kayo ay nabubuhay?" tanong ng pari habang hawak ang bibliya.“Opo,” walang pag-aalinlang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status