Share

Chapter 4: THEIR AMBITION

last update Huling Na-update: 2025-10-23 09:04:09

Martina’s  POV

Naglilibot ako ngayon sa bawat shelves dito sa super market ng mall dahil namimili ako ng mga grocery sa bahay.

Tutal na ibigay na yung sweldo ko mula sa huli kong misyon ay marami ako pangbili ng pagkain ngayon at pupunuin ko yung ref. Bili rin ako ng mga bagong gamit sa bahay at lilinisin yung kwarto ko at kay lola.

Para sa oras na makauwi si lola sa bahay ay makikita niyang malinis at maganda yung bahay at marami pang stalk na pagkain sa ref.

Konti na lang at mabibili ko na lahat ng nasa listahan ko. Halos nga mapuno na yung cart ko sa dami kong kailangan.

Napapahawak naman ako sa balakang ko dahil sa sakit nito dahil aksidente akong na saksak sa huling misyon ko. Maliit lang yung saksak pero masakit at namamaga kaya nga hirap na hirap ako sa pagtulog ko.

*Ahhhh!*

Napasigaw ako nang malakas nang may tumamang cart sa likuran ko dahilan para mahaplos ako sa pwetan ko pati balakang.

“Sorry po miss,”rinig kong boses ng batang babae.

“Ayan! Nakasakit kana dahil sa kakulitan mo!”rinig kong pananaway ng lalaki. Bakit parang pamilyar yung boses ng lalaki?

Nilingon ko yung bata at pamilyar ang mukha nito at tila namukhaan din ako nito at paglingon ko sa matangkad na lalaking kasama niya ay nakita ko si Mr. Volcov.

“Mr. Volcov!”bahagya kong nagulat na sambit.

“Miss. Martina!...”bahagyang nagulat na sambit ng gwapong CEO sa harap ko.

“Hindi ko alam na dito rin pala kayo namimili ng pamangkin mo?”kamot batok ko.

“Sorry kung natamaan likuran mo dahil sa kakulitan ng pamangkin ko,”panghihingi nang pasensya ni Itzael.

“Sorry po, Miss,”nakanguso na sambit ng pamangkin niya sa akin.

Ginulo ko yung buhok ng pamangkin niyang cute.

“Ano ulit pangalan mo?”tanong ko sa kanya.

“Anaiah po, tandaan niyo po ang cute na pangalan na ‘yan.”mando na sagot nito na ikinatuwa ko. Ang cute nang pagkakasabi niya.

“Napaka cute mo naman... Ang sarap mong pisilin sa pisngi!”Gigil na gigil kong sambit.

Gusto ko sana pisilin pisngi niya kaso lang baka lumawlaw.

“Ayan po yung mga bagay na hindi na po sinasabi kasi matagal ko na po 'yang alam,”nakangisi na sambit ni Anaiah dahilan para matawa ako ng bahagya.

“Dahil sa kakulitan mong bata ka ay sumakit likod niya.”singhal ni Itzael sa pamangkin niya.

“Patapos na rin kayo mag grocery?” tanong ko kay Mr. Volcov.

“Matatapos na sana kung hindi lang pinaglalaruan ng batang ‘yan ang cart,” bahagyang napabuntong hininga na sambit ni Mr. Volcov.

“Mukhang marami po kayong pangangailangan,”sabi naman ni Anaiah habang nakatingala sa malabundok kong napamili.

“Tama ka, marami talaga akong pangangailangan.”bahagyang natawa na sambit ko habang nagkakamot ng batok.

Maya-maya ay inaya ako ni Mr. Volcov na samahan silang mamili para mabili na nila yung kailangan nilang bilhin. May kasamang kwentuhan yung bawat pagtulak namin sa cart.

“Kamusta na nga pala yung lola mo?”tanong sa akin ni Itzael.

“Patuloy pa rin siyang nagre-recover sa ospital pagkatapos ng operasyon niya dahil ayun ang bilin ng doctor.” sagot ko.

“May pamilya na po ba kayong binubuhay?”biglang tanong ni Anaiah dahilan para matawa ako.

“Wala pa, para lang itong pinamili ko sa amin ng lola ko.”sagot ko sa bibong bata.

“Buti na lang po!”nagalak na sambit nito sa akin.

“Bakit?”

“Para po pakasalan ka ng uncle ko!”pilyang sagot ni Anaiah dahilan  para takpan ni Mr. Volcov ng panyo ang bibig yung pamangkin niya.

“Pakasalan?”kamot batok ko habang nakangiwi ang bibig.

“Ganito talaga ka daldal itong pamangkin ko... Pasensya na,”kamot batok ni Mr. Volcov.

“Naiintindihan ko, ganyan talaga kakulit mga  bata.”sagot ko.

Habang nagke-kwentuhan kami ni Mr. Volcov ay panay ang himas ko sa balakang at pwetan  ko dahil kumikirot ito.

“May rayuma na po ba kayo?”biglang tanong sa akin ni Anaiah.

“Ang dami talagang pumapasok d’yan sa bibig mo na hindi ko alam kung saan galing,”singhal na umiiling na sambit ni tito niya sa kanya.

“Kanina pa ko pa po kasi napapansin na humihimas ka d'yan sa pwet mo po.”sabi sa akin ni Anaiah.

“Ano ba nangyari d’yan?”kunot noong sambit ni Mr. Volcov sa akin.

“Naglalagay kasi ako ng kurtina sa kwarto ng lola ko nang aksidente na nahulog ako sa may upuang kahoy na may nakausling pako.”pagsisinungaling ko.

“Gusto mo ba na dalhin na lang kita sa ospital para matignan lagay mo?”pag-aalok sa akin ni Mr. Volcov.

“ ‘Wag na po, nakakahiya...”pagtatanggi ko.  “Tsaka napa check-up ko na rin naman po ito.”sagot ko.

Nang nakapila na kami sa counter ay pansin ko na ang daming tumitingin sa aming tatlo. Akala siguro nila ay iisa kaming pamilya.

“Ms. Martina.”biglang tawag sa akin ni Mr. Volcov.

“Po?”magalang kong sagot.

“Are you free on Sunday?”he asked me.

Bahagya akong napaisip. Wala naman akong misyon sa sabado at wala ring pasok sa trabaho.

“Wala naman po, sagot ko.

“Can I ask you out on Sunday? I have something important to tell and ask you.”deritsahan na sambit ng binatang CEO.

“Sige,”sagot ko. “Anong oras?”

“7:30 nang gabi ang call time doon sa Lemuria Gourmet Restaurant, send ko na lang yung location sa’ yo.”sabi niya sa akin.

Maya-maya ay tapos na kami mamimili at pinakiusapan niya ako na ihatid na lang ako malapit sa bahay namin dahil mabibigat ang bitbit ko.

***

Pagsapit ng linggo ay umaga pa lang ay nag handa na ako ng casual dress na pwede kong suotin. Namumurblema ako sa susuotin ko dahil dalawang dress lang ang meron ako dahil kadalansa  kong suot kapag aalis ay pantalon, t-shirt or fitted polo.

Kaya na pagpasyahan ko na lang na isuot ang black fitted long dress ko na madalas suotin sa misyon. Mabuti na lang ay kalalaba ko lang nito at natanggal na yung mantsa at amoy ng dugo galing sa huli kong misyon.

Pagbaba ko ng taxi sa labas ng expensive restaurant na napagpasyahan ni Mr. Volcov kung saan niya kami gustong magkita ay tumingin ako sa  relo ko.

Kita kong 7:15 PM na. Mukhang ang aga nang dating ko. Nasa loob na kaya siya?

Bumuga muna ako ng hangin bago ako naglakad papasok sa loob ng Lemuria Gourmet Restaurant. Masasabi kong mamahaling restaurant nga ito. Mabuti na lang at may pagka elegant ang suot kong long dress.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang waitress.

“Good eve, Ma'am!”masayang pagbati nito sa akin.

“Good eve rin po,”pagbati ko.

“Kayo lang po ba mag-isa?”kunot noong tanong ng waitress.

“Hindi po, may kasama po...” sagot ko habang iniiling ang ulo ko.  “Si Mr. Itzael Volcov po ang pangalan, nandito na po ba siya?”curious kong tanong.

Bahagyang nagulat ang waitress nang banggitin ko ang pangalan ni Mr. Volcov.

“Sorry po, hindi ko alam... Kayo pala ang fiancee ni Mr. Volcov,”panghihingi nito nang paumanhin sa akin.

“Fiancee?”napalunok laway kong sambit.

“Yes, ayun kasi ang sabi niya sa amin.”sagot ng waitress sa akin.

Ano ba nangyayari? Fiancee?

“By the way, where is he?”pag-iiba ko ng topic.

“Nandoon po sa second floor sa dulong table sa tabe ng glass wall.”pagde-detalye ng watress.

“Mauna na po ako,”paalam ko tsaka umakyat ng hagdanan.

“Enjoy po kayo!”rinig kong pahabol ng waitress.

Pagtuntong ko sa second floor ay inilibot ko ang paningin ko. Kita ko na lahat ng mga customers na kumakain ay sandaling napukaw ang atensyon sa akin at lahat sila tinitignan  ako from head to toe.

Hindi ko naman maiwasang mahiya dahil sa tinginan ng mga customer sa akin pati nga mga waiter napapasulyap sa gawi ko.

Hindi ko na lang sila nilingon at hinanap yung table ni Mr. Volcov. Nakita kong pinagmamasdan na pala ako ng binatang CEO mula sa table niya.

Nakasuot siya ng blue navy blue na coat at puting polo sa loob at yung pantalon niya kakulay ng coat niya na navy blue rin.

Yung ang gwapo niya na pero mas lalo pa siyang gumwapo. Umayos ka self!

***

Itzael’s  POV

The moment Ms. Martina stepped onto the stairs, she immediately captured the attention of all the customers there because of her stunning beauty and the perfect shape of her body.

I can't deny that her beauty and captivating figure are truly jaw-dropping. Kaya pati mga waiter na nagse-serve ng order ay napapatulala sa taglay niyang alindog.

I’m so lucky to have such a beautiful and sexy woman as my future wife. Can you believe that?

‘Wag ka muna pilingero Itzael dahil hindi mo pa alam kung papayag ba siya sa alok mo na pakasalan ka.

Nang nasa harapan na siya ng table ko ay isang ngiti agad ang ibinungad niya sa akin. Tumayo naman ako para alalayan siya na umupo sa kabilang upuan.

“Thank you po, Mr. Volcov.”pasasalamat niya.

“Sinabi kong Itzael na lang at ‘wag kana mag ‘po’ sa akin dahil nakakamatanda pakinggan para sa akin.”pagpapaalala ko sa kanya.

“Pasensya, literal kasi na magalang ako... Hindi ko na maaalis ‘yon,”bahagyang napakamot batok na sambit ni Martina.

Nang nakaupo na ako sa upuan ko ay tinawag ko ang waiter at binigyan kami ng menu folder. Nakahanda naman ng stiky notes nito para ilista ang order namin.

“Choose your order kahit anong gusto mo d'yan.”sabi ko sa kanya.

Kita ko binuklat niya na yung menu folder.

“Yung sa appetizer ko ay bone marrow and shrimp, para naman sa salad at cold appetizer ko ay Lemuria Salad and Tuna Tartare,”sabi niya sa waiter na kaagad naman isinulat ng waiter.

“For me... My appetizer is escargot and scallop, and my salad and cold appetizer is Quinoa salad and Charcuterie board.”I said to the waiter.

“Hintay na lang po kayo dito Ma'am and Sir.”sabi ng waiter sa amin at kinuha na yung menu folder sa amin tsaka naglakad paalis.

“Ano nga pala gusto mong pag-usapan natin?”biglang tanong ni Martina habang hinihintay namin ang order namin. Uminom naman ito ng malamig na tubig na nasa glass.

“I don’t want to beat around the bush anymore… Martina, I want to ask you to marry me,”I said directly and decisively.

Martina spit out the water she was drinking and started coughing. I quickly took my napkin and gave it to her to wipe her mouth.

“Thank you,”she said as she wiped her mouth.  “Ano nga ulit?”tanong ulit niya sa akin.

“Sabi ko, gusto kitang alukin na pakasalan ako.”paglilinaw ko.

“Kasal?”napabugang hangin na sambit ni Martina.

“Alam kong nakakagulat... Pero ‘wag ka mag-alala dahil lahat ng gusto mo ay ibibigay ko. I am Itzael Volcov, one of the richest businessmen in the Philippines and even in other countries. I can give you anything you want, even if it seems impossible to you.”desidido kong sambit kay Martina.

“Hindi mo ba alam na hindi kayang bilhin ng pera ang tunay na pagmamahal? Sa tingin mo ba ay papayag ako dahil lang sa marami kang pera?”seryosong sabi ng dalawang waitress sa akin.

Grabe! Sa tanang buhay ko ay ngayon lang may babeng nang busted sa akin at tinggihan ang offer ko.

“Iba ito sa inaasahan ko,”mahina kong sambit.

“Bakit ako pa? Marami namang ibang babae na mas mayaman, maganda, at sexy sa akin?”kunot noong sambit sa akin ni Martina.

“Iba ka kasi sa kanila, hindi ka materialistic at simple ka lang tsaka hindi ka malandi katulad  ng ibang babaeng may gusto sa akin dahil lang sa mayaman ako.”seryoso kong sambit.

“Ayan ba ang dahilan mo kung bakit ka naging loyal customer sa shop namin? Dahil gusto mo ako?”kunot noo na sambit ni Martina.

“Hindi naman talaga kita literal na gusto yung tipong may pagtingin ako sa ’yo, gusto kita maging asawa dahil wala lang talaga akong mahanap na tamang maging wife material para sa akin.”paglilinaw ko.

“Teka?... Hindi mo talaga ako gusto? Gusto mo lang ako dahil sa interes mo?”napasinghap na sagot ni Martina.

“Kasi ganito ‘yun... Hindi ko naman talaga gusto mag-asawa at magpakasal pero yung Daddy ko ay iyon ang kahilingan niya sa akin dahil sa aming magkakapatid ay ako na lang walang asawa't anak. As I promised, I looked for someone to marry, and I chose you because I want my future children to have a good person like you. I know you will take good care of them if we ever have children.”pagpapaliwanag ko sakanya.

Maya-maya dumating na yung order namin at isa-isa itong inilapat sa table namin. When we started eating, the atmosphere was filled with tension between us.

I wanted to speak, but I was worried that I might just look like a fool talking to the air since she didn't respond to me.

“Sige, papayag ako.”biglang sambit niya na ikinagulat ko.

“Ta-talaga?!”Gulat kong sambit.

“Tutal sabi mo ay ibibigay mo naman yung gusto ko kahit imposible.”biglang seryoso na sambit ni Martina.

“Bakit, ano bang gusto mo na ibigay ko bilang kapalit?”tanong ko.

Kita ko na bahagya itong natahimik sa sinabi ko at binitawan yung tinidor at pork knife na hawak niya.

“Gusto ko mahanap yung tunay na pumatay sa Mama ko,”malungkot na sabi niya at makikita mo sa mata niya ang lungkot at sinseridad. “Matagal ko nang gustong malaman kung sino ang pumatay sa Mama ko, dahil sinarado agad yung kaso noong bata pa ako dahil maraming nagbura ng ebidensya nang pagkamatay niya.”seryoso na may halong pait na daing niya.

Hindi ko maiwasang maawa nang makita ko ang pagbagsak ng luha sa mata ni Martina, kaya agad kong kinuha yung panyo ko sa bulsa at pinunasan yung luha niya.

“Sorry kung bigla ako naging emosyonal,”pagpapasensya ni Martina at inayos ang sarili.

“If that is your wish, I will do everything just to make you agree to marry me. May bestfriend akong abogado at lahat ng mga kaso na isinantabi ay kaya niyang ungkatin dahil may kaso rin ako na pinapalutas sa kanya at malapit na namin malutas ang kasagutan.”paglalahad ko ng kwento sa kanya.

He extended his hand as if he wanted to shake hands.

“Deal,”Martina said briefly. I shook her hand.

“You didn’t make a mistake in trusting me,”I said.

“Pwede ba na next week ay ipakilala na kita sa lola ko bilang finacee ko?”hiling niya sa akin.

I couldn't help but laugh suddenly at the request. “Alright, if that's what you want,”I agreed.

“Tulad mo kasi ay pine-pressure na rin ako ng lola ko na mag-asawa,”kamot batok ni Martina sa akin.

“Don't worry, I'll do my best to show your grandmother that we truly love each other,”I said with a grin.

“Pahabol ko rin na sabihin natin kay lola na 1 year and 6 month na yung relasyon natin pero sinekreto ko lang sa loob nang matagal na panahon sa kanya.”karagdagan niyang hiling.

“Sige ba, magaling naman ako mag panggap,”napailing kong sambit.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ruthless Series#1: Slave his Ruthless Desire   Chapter. 34: SHE START PLAYING

    Itzael’s POVTAPOS na ang meeting pero nandito parin kame sa meeting room ng kompanya ni Mr. Hariz dahil nagke-kwentuhan pa ang mga board member. “Mr. Volcov, how lucky are you?”Mr. Castro praised me. “You have a beautiful pregnant wife,”Madam Victorina praised me too. “And also talented,”Mrs. Chavez added. “Masyado lang talaga humble si Itzael kaya chill lang siya,”sabi naman sa akin ni Franco na katabi ko at hinimas ang balikat ko. “Thank you for praising and appreciating my wife,”pormal kong sagot sa mga samot-saring papuri na naririnig ko sa kanila. Pinapanood kasi nila si Martina at Anaiah na busy mag-TikTok. Tutal day-off ni Martina sa trabaho at walang pasok si Anaiah sa school ay sinama ko silang dalawa dito sa meeting ko. Hindi nila napapansin dalawa na pinapanood sila ng mga business partner ko. Ayaw sana ni Martina dahil nahihiya siya pero wala siyang nagawa sa pamimilit ni Anaiah. In the end, Martina received various praises from my business partners for her impr

  • Ruthless Series#1: Slave his Ruthless Desire   Chapter. 33: COMFORT FROM HER FATHER

    A/N: Sorry kung late po update ko. Busy po kasi ako tapusin fantasy novel ko sa wattpad. Martina’s POVINATASAN ako ni Carla na ako muna maging barista dahil bigla raw nag-alboroto ang t'yan niya. “Tina, isang ice vanilla latte at 1 slice of black forest cake.”biglang sulpot ni Kim sa counter habang nagtitimpla ako ng kape. “Saang table ‘to?”tanong ko. “Sa table 4,”sagot nito. “Tsaka ikaw na muna maghatid ng order doon sa table 4 dahil may kukunin ako sa storage room.”hiling n'ya pa sa ‘kin. “Pero ang dami kong ginagawang order.”sagot ko. “Palabas na rin yata si Carla sa CR, siya na bahala d'yan.”sambit ni Kim sabay punta sa storage room. Nang gawin ko na yung dalawang order bago gawin ang order mula sa table 4 ay kinuha naman ni Jenna yung dalawang na unang order at hinatid sa table ng mga customer. Nang matapos ko timplahin yung order ng nasa table 4 at nilagay ko ito sa trey at naghiwa ng 1 slice of black forest cake tulad ng nakasulat sa stiky note. “Thank you, Tina...

  • Ruthless Series#1: Slave his Ruthless Desire   Chapter. 32: HER MARTYR HEART

    Continuation... Martina’s POV HINDI ko mapigilan na bumagsak yung mga luha ko sa mata nang nasa harapan na ako ng puntod ni Mama. Nilinis ko muna ito gamit yung walis ting-ting at dustpan na nasa tabi. Nang matapos ako ay naglatag ako ng pick-nick blanket tsaka umupo sa harapan ng puntod ni Mama. “Hello, Ma...” “Sorry nga pala kung ngayon na lang ulit ako nakadalaw... Siguro naman napapanood mo ako d'yan sa langit kung ano yung mga nangyari sa life ko.”pabiro kong sambit habang pinupunasan yung luha ko. Bahagya kong hinilot yung tiyan ko dahil naramdaman ko ang paggalaw ng kambal sa loob. “Alam kong late na para ibalita ko sa 'yo... Magkakaroon na po kayo ng apo,”mapait na ngiti kong sambit habang nakatingin sa puntod ni Mama. “Even if I don’t want to, I still feel the pain caused by the man I loved.”I said coldly. “The thing I feared the most has finally happened, falling in love with a man who may never love me back.” My tears flowed even more when I remembered the sc

  • Ruthless Series#1: Slave his Ruthless Desire   Chapter. 31: ULTRASOUND

    Itzael’s POVHATING gabi na at kumuha muna ako sa kusina ng malamig na tubig para mag water break dahil tinatapos ko yung PPT para sa bored meeting ko sa lunes. Nang matapos akong uminom ay umakyat na ako papuntang kwarto nang makaagaw pansin sa akin yung kwarto ni Anaiah nakaiwang ang pintuan at bukas pa ang ilaw. Tinignan ko yung oras sa smart watch ko at nakita kong 11:30 pm na nang hating gabi. So I walked over there and saw Anaiah, who was still awake and working on her assignment.I glanced at Martina, who was sleeping soundly on the long couch with Anaiah’s book resting on her stomach and a pencil in her hand.“Why are you still awake, baby?”I asked Anaiah softly as I walked gently toward her.“Please don’t be loud, Uncle… You might wake up Auntie Martina,”Anaiah whispered as she glanced at her sleeping aunt.“Did she help you with your assignment?”I asked quietly as I sat on the edge of her bed.“Yes, but since she was tired from work, she couldn’t stop herself from falling

  • Ruthless Series#1: Slave his Ruthless Desire   Chapter. 30: CONFESS HER SIN

    Trigger Warning;What you will read contains scenarios involving violence, such as bloody battles or killings. If you have trauma related to these kinds of situations, you may scroll past them.Martina’s POVTUMUTULO ang dugo sa kamay ko dahil meron akong pinapatay ngayon dito sa abandonadong were house. Higit sa sampu na rin ang napatay ko na tauhan ng kleyente namin ngayong gabi. I'm with Manager on this special mission because our targets are part of a syndicate again.They’re planning to deliver drugs and transport high-powered firearms onto a ship at around three in the morning. We’re among those assigned by Boss to stop their evil plans.Napasandal ako sa pader nang makitang nakahandusay at wala nang buhay ang mga napatay kong tauhan dito sa second floor. Binuksan ko ang baul na may lamang mga manahaling alahas at mga malalaking baril. “Ugh!”I instinctively rubbed my stomach when I felt the twins kicking in my womb. “Baby, please... Matulog na muna kayo, nagta-trabaho pa s

  • Ruthless Series#1: Slave his Ruthless Desire   Chapter. 29: HER BROKEN HEART

    (A/N: Good eve everyone this is my update. Magpapaiyak muna tayo for tonight) Itzael’s POVNILILIBANG ko ang sarili ko sa panonood ng Netflix dito sa sala. Ilang araw na kasi ako hindi mapakali at minabuti ko na mag-work from home muna ako. Martina hasn't been paying attention to me for several days until now. In fact, it's been two weeks of cold treatment from her.That's why I couldn't stop myself from overthinking, I just drowned it out of drinking alcohol. I try to talk to her, but she immediately avoids me.Para na akong baliw dito kakaisip kung anong nagawa ko para ba bigyan niya ako ng cold treatment. Tutal tapos na kami mag-dinner at naghuhugas na siya ng mga pinagkainan namin doon sa kusina at gumagawa naman si Anaiah ng assignment sa kwarto niya at maya-maya matutulog na rin siya. Pagkakataon ko na ‘to para makausap siya. Sana naman pansinin niya na ako, jusko! Para akong mababaliw! *BLLAAGG!*Tila bumalik ako sa katinuan nang makarinig nang may nabasag mula sa kusina

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status