MasukMartina’s POV
“Mabuti nakarating ka,”sabi ko kay Itzael habang naglalakad kami sa hallway ng ospital. “Sorry kung pinaghintay kita nang matagal kasi nagpabili pa itong batang ‘to ng materials sa science project nila.”pagpapasensya ni Itzael habang nakatingin kay Anaiah. “Mabuti nga at sinama mo siya para makilala rin siya ni lola.”sambit ko. “Dapat nga i-uuwi ko na muna siya sa bahay kaso lang nagpumilit sumama dahil gusto niya raw makilala ang lola mo.”paliwanag sa akin ni Itzael. “T‘yak matutuwa si lola na makita si Anaiah dahil mahilig pa naman ‘yun sa mga bata.”sambit ko. “Excited na rin po ako makita yung lola mo, auntie Martina!”masayang sambit ni Anaiah sa akin. “Auntie Martina?”bahagya kong napakamot batok. “ ‘Di ba po pakakasalan niyo na ang uncle Itzael ko?”magiliw na taong sa akin ni Anaiah at niyakap ako sa bewang. Bahagya naman nagtagpo ang mata namin ni Itzael at nginitian ang isa't isa. “Oo naman,”sagot ko kay Anaiah habang nakatingin kay Itzael. Nilingon ko ulit si Itzael. “Basta, yung na Pag-usapan natin noong date natin ang sasabihin natin kay Lola.”pagpapaalala ko kay Itzael. “Don't worry, I got you,”nakangisi na sambit ng binatang CEO na halatang may binabalak. Pagpasok namin sa loob ng kwarto ni Lola ay na abutan namin siya nag ga-ganchilyo ng scarp. Hilig niya kasi gawin ‘yan dito sa hospital kapag wala ako. “Lola!”masaya kong pagbati. “Sila na ba yung ipapakilala mo sa akin?”kunot noong sambit ni Lola. Lumapit kami sa kama ni Lola at nagmano naman si Itzael ganun din si Anaiah. “Nice to meet you po, Lola Martha.”malumanay na pagbati ni Itzael kay Lola. “Nice to meet you po, Lola ni auntie Martina!”masayang pagbati ni Anaiah. “Antie?”kunot noong sambit ni lola. “Nga pala La, si Itzael po fiancee ko at yung pamangkin niyang si Anaiah.”pagpapakilala ko sa kanila kay Lola. “FIANCEE?!”Gulat na hindi makapaniwala na sambit ni Lola at napahawak pa sa dibdib niya. “Lola, kumalma po kayo... Baka sakit naman sa puso ang maging sakit mo kapag hindi ka po kumalma.”pagpapahinahon ko kay Lola. “Paano ba naman ako hindi magugulat, sa tagal nang panahon ay ngayon ka lang nagpakilala ng lalaki sa akin... Tapos ngayon magpapakilala ka ng lalake na fiance mo agad?!”hindi makapaniwala na sambit ni Lola. “Permission to speak po,”biglang sabat ni Itzael. “Anong sasabihin mo, ijo?”kunot noong sambit ni Lola kay Itzael. “Sorry po kung hindi nabanggit ni Martina ang tungkol sa relasyon namin dahil po parehas kaming busy para mag-ipon sa pagpapakasal namin. Tsaka inaalala rin po kasi ni Martina ang pagpapa opera sa ’yo kaya wala po siyang time banggitin yung tungkol sa relasyon namin. “Ang tanong, ilang taon na ba kayo niyang fiancee mo para itago mo sa akin?”seryosong sambit ni Lola sa akin. “1 years and 6 months po,”sagot ko. Buti hindi nahahalata ni Lola na nagsisinungaling kang ako, ang galing naman ni Itzael umarte. Best actor yarn! “Tapos hindi mo man lang siya ipinakilala sa akin?”nagtatampo na sambit ni Lola. “Naintindihan ko naman po kung bakit hindi niya po ako pinakilala sa inyo nang ganung ka tagal dahil inuuna niya muna yung pagpapagamot sa inyo. Tsaka busy rin po kasi ako sa pagta-trabaho para rin ipagawa ang dream house namin kapag kinasal na kami.”paliwanag naman ni Itzael. Ka agad ni Lola tinignan ang kanang kamay ko at tinignan yung engagement ring sa palasing-singan ng daliri ko. Mabuti na lang noong myerkules ay sinuotan ako ng engagement ring yung daliri ko para hindi maghinala si lola na peke lang yung relasyon namin. Prepared talaga siya at mukhang matagal nang pinaghandaan. “Wow! Mukhang mamahalin itong sing-sing mo!”namamangha na sambit ni Lola habang hinahawakan ang sing-sing sa daliri ko. “That's the Cushion Cut Three stone Lab grown diamond engagement ring.”pagdedetalye ni Itzael sa pangalan ng singsing na ibinigay niya. Halata mo pa lang sa pangalan kung gaano ka expensive yung engagement ring na ibinigay sa akin ni Itzael. Partida engagement ring pa lang ‘to, paano pa kaya kapag wedding ring na? “Grabe! Pangalan pa lang ay nakakalula na yung presyo.”nalulang sambit ni Lola nang sabihin ni Itzael yung pangalan ng sing-sing. “Hindi matutumbasan nang halaga ng sing-sing na ‘yan yung pagmamahal ko sa apo niyo.”malumanay na sambit ni Itzael kay Lola. Napatingin naman ako kay Itzael nang hawakan niya yung kamay ko at mas lalo na nang halikan niya yung likod ng palad ko. “Ibig bang sabihin nito ay kaya ka nandito dahil mamanhikan kana sa akin?”kunot noo na sambit ni Lola kay Itzael. “Opo, sana po payagan niyo...”hiling ni Itzael kay Lola na halatang nanghihingi ng sagot. “Oo, sa isang kondisyon,”nakangisi na sambit ni Lola kay Itzael. “Halikan mo nga apo ko sa labi,”pilyang hiling ni Lola. “Lola?!”bahagyang nagulat kong sambit. “Bakit ka magugulat , hindi na rin naman bago sa inyo yung kiss?”kunot noo na sambit ni lola sa akin. Halah! Lagot! Loko ka talaga self! ‘Wag kang pahahalata. “Pero gusto po namin na sa private namin ginagawa yung kiss,”nahihiya kong sambit kay lola. “Pagbigyan na natin si lola, gawin na lang natin yung normal nating ginagawa.”sabi sa akin ni Itzael. Nilakihan ko si Itzael ng mata ko nang sabihin niya ‘yun. Grabe! Masyado na siyang ganap na ganap sa pagpapanggap na ‘to. Feel ko para akong bomba na sasabog dahil hindi ko kinakaya mga nangyayari. Pero wala naman ito sa napag usapan namin. “Pero paano si Anaiah, makikita niya... ‘Di ba bawal sa bata makakita ng ganitong bagay!”dahilan ko. Nagulat ako nang takpan ni lola ang mata ni Anaiah. “Ayan, tinakpan ko na.”sabi ni lola sa akin. “Per— Naputol na lang ang sasabihin ko nang hawakan ni Itzael ang baba ko at hinarap sa kanya at walang pasabi na hinalikan ng marahan ang labi ko. Nang kumalas na siya sa pagkakahalik niya sa akin ay para akong na estatwa. “Parang hindi naman ito sanay sa halikan nila, pfftt.”natatawa na napailing na sambit ni Lola sa akin. “First time lang po kasi naming mag kiss ng may nakatingin na tao.”sagot ni Itzael. “Aba'y mag practice kana, apo... Sa mismong kasal niyo ay maraming makakasaksi nang halikan niyo!”malokong sambit ni Lola na ka agad naman sinang ayunan ni Itzael. “Tama naman kasi si Lola,”nakangisi na sambit ni Itzael sa akin. “Lola!!”saway ko kay Lola. Nilapit ni Itzael ang bibig niya sa tenga ko. “We need to practice our kissing scene for our wedding day,”malokong pagbulong na sambit sa akin ni Itzael. “Pang-asar ka ba?”pabulong kong sambit sa kanya habang nakakunot ang noo ko. *** Itzael’s POV Because I was in Iloilo for three days on a business trip, I can only introduce Martina to Dad now. When I got out of the car, I went to the passenger side, opened the door for her, and helped her get out. Kita kong ang pagkamangha sa mukha ni Martina nang makita ang kabuuan ng mansyon namin. “Grabe! Napaka ganda at laki naman ng mansyon niyo!”mangha na mangha na sambit ni Martina. “I'm happy that you liked it... By the way, I've already taken care of our wedding arrangements,”I told her. “Kailan ba tayo magpapakasal?”kunot noo na tanong ni Martina. “Two weeks later dahil marami pa ako kailangan gawin para sa kasal natin... Since I already have many event organizers and photographers for our wedding, including our honeymoon in Italy.”paliwanag ko sa kanya. “Sa Italy?!”bahagyang nagulat na sambit ni Martina. “Why?”kunot noong tanong ko. “Pwede ba na sa Baguio na lang tayo mag honey moon kung sakali?”kahilingan ni Martina. “Para hindi malayo.”dugtong niya. “Kung mangangarap ka lang din naman ay taasan mo na, alam kong hindi ka pa nakakaranas makapunta sa ibang bansa. So this is your chance.”pag-uudyok ko sa kanya. “Ganito na lang, una muna pumunta tayong baguio at libutin ang bawat tourist place doon tsaka tayo pupunta ng Italy katulad ng gusto mo.”ideya ni Martina. “Okay I agree... Kung ayun talaga ang gusto ng future wife ko,”nakangisi na sambit sa kanya. “ ‘Wag kang mag-alala dahil ako ang gagastos ng mga gagastusin natin doon sa Baguio.”sabi niya sa akin. “Ano ka ba... Asawa mo na ako sa araw na ‘yun at responsibilidad kita kaya normal lang na gastusan kita sa mga gusto mo.”pagpapaintindi ko kay Martina. “S'yempre, bilang asawa mo rin ay hindi lang ako dapat umaasa sa pera mo, para saan pa kung nagta-trabaho ako kung sa ’yo lang din naman ako aasa para bilhin mga kailangan ko.”makatwirang sagot sa akin ni Martina. “Sa bagay, you have a point.”nakangisi na sambit ko. Pagdating namin sa office ni Dad ay nakita ko siya na abala magpirma ng mga papeles. “Pwede ka ba namin maistorbo, Dad.”bungad ko pagpasok. Hinawakan ko naman ang braso ni Martina at naglakad palapit sa table ni Dad. “Itzael, my son!”natuwang sambit ni Dad nang makita ako. But he became even more delighted when he saw Martina because I could see how amazed he was by her beauty, especially with her wearing a red fitted dress. This was the first time I saw Dad smile at a woman. Never ko nakita si Dad na maganda ang bungad sa babaeng dinala kong side chix dito sa mansyon niya, pero ibang-iba awra ni Dad ngayon. “And is she the one you've been meaning to introduce to me?”my father asked with a silly grin. “Yep,”I replied mischievously. “Anong pangalan mo, ija?”tanong ni Dad kay Martina. “My name is Martina Crussinta and I'm 26 years old,”pagpapakilala ni Martina kay Dad at nagmano pa ito pagkatapos makipag kamay. “Wala akong masabi, Itzael... Totoo nga lahat ng ikinuwento mo sa akin na maganda at mabait siya...”papuri sa akin ni Dad dahilan para mamula sa sobrang hiya si Martina. “Magalang pa.”karagdagan pa niyang papuri. “Kung sa pagpili lang, magaling ako d'yan,”nakangisi kong sambit kay Dad. Sabay kami umupo ni Martina sa guest couch kaharap ng table ni Dad. “Akala ko katulad lang siya ng mga side chixs na dinadala mo dito minsan, nagkamali pala ako,”umiiling na sambit ni Dad. Kita ko napatingin sa akin si Martina nang sabihin 'yun ni Dad. “Shot up, Dad!”nakangiwi kong saway kay Dad habang nakasingkit mata. “I'm just kidding, hindi ka naman mabiro!”pang-asar na ani ni Dad sa akin. *** Martina’s POV Kasama ko ngayon si Lola dito sa bilihan ng nga luxury wedding gown, tinawagan kasi ako ni Itzael kanina na pwede na raw ako pumunta dito sa luxury gown shop na kinuha niya na gumawa ng gown ko para sa wedding namin. “Miss Martina... You may now choose the gown you want for your upcoming wedding with Mr. Volcov.”sabi sa akin ng designer ng gown si Mr. Galvez. Kahit saan ako tumingin ay puro magagandang mga gown ang nakikita ko at kung ibang babae nasa posisyon ko ay mahihirapan din silang pumili. “Apo, ano na? Nakapili ka na ba?”tanong sa akin ni Lola. Halata niya siguro na nahihirapan akong pumili. “Hindi pa po... Nahihirapan po ako pumili dahil lahat po magaganda,”napapakamot batok kong sambit. “Edi piliin mo kung ano ang mas nakapupukaw ng atensyon mo.”puntong sambit ni lola Martha. Kaya sinuri namin ang bawat gown na nasa shelves at makalipas ng sampung minuto ay may gown na mas nakapukaw ng atensyon ko . “Ang ganda niya!”napahanga kong sambit. “Mukhang marunong kang pumili ng limitted edition, Miss Martina.”papuri sa akin ni Mr. Galvez. “Limitted edition po ba yung gown na 'to?”curious kong tanong. “Yes, ayan yung bago kong design at wala pa akong nagagawa na kagaya niyan... Kaya masasabi ko na magaling kang pumili,”nakangiti na sambit sa akin ni Mr. Galvez. “Ano pong tawag sa gown na 'yan?”curious kong tanong. “That's the limitted edition Elegant white Wedding Dresses White Train mermaid bridal gown SD 1375.”pagde-detalye ni Mr. Galvez. “Tamang-tama lang, ‘di ba apo ay pangarap mo maging serena noong bata ka, ngayon matutupad mo na.”mapang-asar na sambit ni Lola sa akin. “Lola, nakakahiya!”saway ko kay Lola dahil narinig 'yun ni Mr. Galvez. “Pwede mo na siya sukatin, Miss Martina.”paanyaya sa akin ni Mr. Galvez. Kaya sinamahan na ako ni lola sa dressing room dala-dala ang gown. Makalipas nang limang minuto na pagbihis ay tinignan ko sa repleksiyon ko sa sarili ko. “Napaka ganda mo, apo ko!”papuri sa akin Lola at napatakip pa ng bibig. Paglabas namin ni Lola ng dressing room ay pinalakpakan ako ni Mr. Galvez pati na yung ibang saleslady. “You're look stanning and elegant, soon to be Mrs. Volcov.”papuri sa akin ni Mr. Galvez. “Mr. Volcov's jaw will surely drop as he watches you walk down the aisle toward him.”karagdagan pa nito. “Iba talaga ang ganda ng lahi natin.”confidence na sambit ni Lola dahilan para mamula ako. *** Anaiah’s POV Nandito ako ngayon sa bahay ni auntie Martina dahil siya ngayon nag sundo sa akin sa school kasi nag request ako kay uncle Itzael na si auntie Martina muna magsundo sa akin sa school. Masasabi kong maganda yung bahay nila auntie Martina kaso lang mas malaki pa yung bathroom ko sa kwarto kesa dito. Pero maganda siya kasi may dalawang kwarto. “Anaiah, Apo! Ito na yung gatas na hinihingi mo.”sabi sa akin ni lola Martha. Tinabihan ako ni lola Martha dito sa sofa nila at binigay yung isang mug na may lamang gatas. “Thank you po, Lola Martha!”pasasalamat ko. “Dahan-dahan lang sa paghigop dahil mainit pa ‘yan.”bilin sa akin ni Lola. “Lola Martha. Ang ganda naman po nitong bahay niyo, kahit po maliit ay may dalawang kwarto.”sabi ko kay lola Martha. “Naliliitan ka pa dito, ako nga ay kontento na may ganitong bahay... Sa bagay, lumaki ka sa mayamang pamilya kaya hindi na ako magtataka.”sabi sa akin ni lola Martha. “Pero hindi naman po bago sa akin na makapunta sa ganitong bahay dahil may mas maliit na bahay pa po akong na puntahan, yung bahay ng kaibigan kong si Praise.”kwento ko. “Kamusta na pala ang Mama at Papa mo? Bakit ang tito Itzael mo ang madalas maghatid sundo sa ‘yo?”tanong sa akin ni Lola. “Wala na po si Mama, tatlong taon na po siyang patay.”sagot ko at bumusangot. “Ay, pasensya na Anaiah... Nakikiramay ako.”panghihingi ng sorry ni lola Martha. “Ayos lang po, may mga nagtatanong din po kasi sa akin ng ganyang baga,”sagot ko at humigop ng gatas. “Yung Papa mo, na saan?”sunod na tanong ni Lola Martha. “Nasa Italy po, pinapatakbo yung business ng pamilya po namin,”sagot ko at humigop ulit ng gatas. “Noong 5 years old po ako ay malapit na ako kay Uncle Itzael dahil siya na lang lagi may concern sa amin ni Mommy dahil si Daddy ay busy lagi sa work at wala nang oras para sa amin ni Mom.”pagke-kwento ko kay Lola. “Kaya ba malayo ang loob mo sa Papa mo at mas malapit sa Uncle mo?”panghuhula ni Lola. “Hindi po. Nagtatampo ako kay Dad dahil pakiramdam ko ay wala siyang pake sa amin ni Mom, at noong burol ni Mom ay hindi siya pumunta na parang wala lang sa kanya ang pagkamatay ni Mommy.”malungkot kong pagke-kwento kay Lola Martha. Bago pa bumagsak ang luha ko at pinunasan na ni Lola yung mata ko gamit ang daliri niya. Ka agad akong niyakap ni Lola Martha at hinapo ang likod ko. “ ‘Wag kang magsalita ng ganyan sa Papa mo, tiyak ako na apektado siya sa pagkamatay ng Mama mo at dahil sa sobrang sakit non ay hindi na siya pumunta para mabawasan yung sakit na nararamdaman niya.”pagpapaliwanag sa akin ni Lola. “Pero bakit po lagi siyang cold kay Mommy noong nabubuhay pa ito?”nakabusangot kong sambit kay Lola. “Alam mo Anaiah, may mga tao talaga na hirap na ipakita sa mga taong mahal nila yung tunay nilang nararamdaman kaya ipinapakita nila na wala silang pake alam.”pagpapaintindi sa akin ni lola Martha. Pinunasan ko na yung luha ko at ininom na yung gatas ko. “Grade 2 at 8 years old ka pa lang pero ang matured mo na mag-isip kahit na kinulang ka sa height,”napapakamot batok na sambit ni lola Martha. “Sabi nga po sa akin ni Uncle, kaya minsan naiinis siya sa attitude ko kasi kaya ko siyang sabayan siya sa pagsasalita kahit na hindi pa bagay sa edad ko.”sagot ko. “Basta ako, natutuwa ako sa attitude mo.”sambit ni Lola sa akin. “Lola, nagsisimba po ba kayo?”biglang tanong ko kay Lola. “Dati noong hindi pa ako inatake nang malubhang sakit... Nakakamiss nga magsimba sa totoo lang.”sagot ni Lola sa akin. “Gusto niyo po ba sa linggo ay sumama po kayo sa akin magsimba?”paanyaya ko kay lola Martha. “Oo naman, wala naman akong ginagawa kapag linggo.”pagpayag ni Lola. Maya-maya ay dumating si Auntie Martina at may dala-dalang tray na may dalawang mangkok. Hindi ko alam kung anong laman basta something sweet yung amoy niya at pakiramdam ko ay masarap ito. “Mukhang tuwang-tuwa kayong dalawa d'yan, ha.”bungad sa amin ni auntie Martina. “Amoy pa lang masarap na ‘yang luto mo, apo.”sabi ni lola Martha kay auntie Martina. “Ano po yung niluto niyo at nakakatakam po yung amoy?”curious kong tanong kay Auntie. “Ang tawag dito ay ginataang bilo-bilo.”sagot ni auntie Martina sa akin. Inilapat niya sa table na may lamang dalawang mangkok ng ginataang bilo-bilo na tinutukoy sa akin. Sumandok ako ng isang kutsara at may sumama na sago at hinipan ito bago isubo. “Wow! Ang sarap!”tuwang-tuwa kong sambit. “Salamat at nagustuhan mo,”napakamot batok sambit ni auntie Martina. “Pwedeng-pwede kana talaga mag-asawa, lahat na lang yata nang gawaing bahay ay kaya mo, apo!”papuri naman ni Lola Martha kay auntie Martina. “Napaka swerte naman ni Uncle Itzael dahil ikaw mapapangasawa niya, Auntie Martina!”papuri ko kay auntie Martina. “Talaga,”pag sang-ayon ni lola Martha at nag-apir kaming dalawa. “Kayo talaga, pinagtutulungan niyo ‘ko,”nakanguso na sambit ni auntie Martina sa amin ni Lola Martha.Itzael’s POVTAPOS na ang meeting pero nandito parin kame sa meeting room ng kompanya ni Mr. Hariz dahil nagke-kwentuhan pa ang mga board member. “Mr. Volcov, how lucky are you?”Mr. Castro praised me. “You have a beautiful pregnant wife,”Madam Victorina praised me too. “And also talented,”Mrs. Chavez added. “Masyado lang talaga humble si Itzael kaya chill lang siya,”sabi naman sa akin ni Franco na katabi ko at hinimas ang balikat ko. “Thank you for praising and appreciating my wife,”pormal kong sagot sa mga samot-saring papuri na naririnig ko sa kanila. Pinapanood kasi nila si Martina at Anaiah na busy mag-TikTok. Tutal day-off ni Martina sa trabaho at walang pasok si Anaiah sa school ay sinama ko silang dalawa dito sa meeting ko. Hindi nila napapansin dalawa na pinapanood sila ng mga business partner ko. Ayaw sana ni Martina dahil nahihiya siya pero wala siyang nagawa sa pamimilit ni Anaiah. In the end, Martina received various praises from my business partners for her impr
A/N: Sorry kung late po update ko. Busy po kasi ako tapusin fantasy novel ko sa wattpad. Martina’s POVINATASAN ako ni Carla na ako muna maging barista dahil bigla raw nag-alboroto ang t'yan niya. “Tina, isang ice vanilla latte at 1 slice of black forest cake.”biglang sulpot ni Kim sa counter habang nagtitimpla ako ng kape. “Saang table ‘to?”tanong ko. “Sa table 4,”sagot nito. “Tsaka ikaw na muna maghatid ng order doon sa table 4 dahil may kukunin ako sa storage room.”hiling n'ya pa sa ‘kin. “Pero ang dami kong ginagawang order.”sagot ko. “Palabas na rin yata si Carla sa CR, siya na bahala d'yan.”sambit ni Kim sabay punta sa storage room. Nang gawin ko na yung dalawang order bago gawin ang order mula sa table 4 ay kinuha naman ni Jenna yung dalawang na unang order at hinatid sa table ng mga customer. Nang matapos ko timplahin yung order ng nasa table 4 at nilagay ko ito sa trey at naghiwa ng 1 slice of black forest cake tulad ng nakasulat sa stiky note. “Thank you, Tina...
Continuation... Martina’s POV HINDI ko mapigilan na bumagsak yung mga luha ko sa mata nang nasa harapan na ako ng puntod ni Mama. Nilinis ko muna ito gamit yung walis ting-ting at dustpan na nasa tabi. Nang matapos ako ay naglatag ako ng pick-nick blanket tsaka umupo sa harapan ng puntod ni Mama. “Hello, Ma...” “Sorry nga pala kung ngayon na lang ulit ako nakadalaw... Siguro naman napapanood mo ako d'yan sa langit kung ano yung mga nangyari sa life ko.”pabiro kong sambit habang pinupunasan yung luha ko. Bahagya kong hinilot yung tiyan ko dahil naramdaman ko ang paggalaw ng kambal sa loob. “Alam kong late na para ibalita ko sa 'yo... Magkakaroon na po kayo ng apo,”mapait na ngiti kong sambit habang nakatingin sa puntod ni Mama. “Even if I don’t want to, I still feel the pain caused by the man I loved.”I said coldly. “The thing I feared the most has finally happened, falling in love with a man who may never love me back.” My tears flowed even more when I remembered the sc
Itzael’s POVHATING gabi na at kumuha muna ako sa kusina ng malamig na tubig para mag water break dahil tinatapos ko yung PPT para sa bored meeting ko sa lunes. Nang matapos akong uminom ay umakyat na ako papuntang kwarto nang makaagaw pansin sa akin yung kwarto ni Anaiah nakaiwang ang pintuan at bukas pa ang ilaw. Tinignan ko yung oras sa smart watch ko at nakita kong 11:30 pm na nang hating gabi. So I walked over there and saw Anaiah, who was still awake and working on her assignment.I glanced at Martina, who was sleeping soundly on the long couch with Anaiah’s book resting on her stomach and a pencil in her hand.“Why are you still awake, baby?”I asked Anaiah softly as I walked gently toward her.“Please don’t be loud, Uncle… You might wake up Auntie Martina,”Anaiah whispered as she glanced at her sleeping aunt.“Did she help you with your assignment?”I asked quietly as I sat on the edge of her bed.“Yes, but since she was tired from work, she couldn’t stop herself from falling
Trigger Warning;What you will read contains scenarios involving violence, such as bloody battles or killings. If you have trauma related to these kinds of situations, you may scroll past them.Martina’s POVTUMUTULO ang dugo sa kamay ko dahil meron akong pinapatay ngayon dito sa abandonadong were house. Higit sa sampu na rin ang napatay ko na tauhan ng kleyente namin ngayong gabi. I'm with Manager on this special mission because our targets are part of a syndicate again.They’re planning to deliver drugs and transport high-powered firearms onto a ship at around three in the morning. We’re among those assigned by Boss to stop their evil plans.Napasandal ako sa pader nang makitang nakahandusay at wala nang buhay ang mga napatay kong tauhan dito sa second floor. Binuksan ko ang baul na may lamang mga manahaling alahas at mga malalaking baril. “Ugh!”I instinctively rubbed my stomach when I felt the twins kicking in my womb. “Baby, please... Matulog na muna kayo, nagta-trabaho pa s
(A/N: Good eve everyone this is my update. Magpapaiyak muna tayo for tonight) Itzael’s POVNILILIBANG ko ang sarili ko sa panonood ng Netflix dito sa sala. Ilang araw na kasi ako hindi mapakali at minabuti ko na mag-work from home muna ako. Martina hasn't been paying attention to me for several days until now. In fact, it's been two weeks of cold treatment from her.That's why I couldn't stop myself from overthinking, I just drowned it out of drinking alcohol. I try to talk to her, but she immediately avoids me.Para na akong baliw dito kakaisip kung anong nagawa ko para ba bigyan niya ako ng cold treatment. Tutal tapos na kami mag-dinner at naghuhugas na siya ng mga pinagkainan namin doon sa kusina at gumagawa naman si Anaiah ng assignment sa kwarto niya at maya-maya matutulog na rin siya. Pagkakataon ko na ‘to para makausap siya. Sana naman pansinin niya na ako, jusko! Para akong mababaliw! *BLLAAGG!*Tila bumalik ako sa katinuan nang makarinig nang may nabasag mula sa kusina







