تسجيل الدخولMARTINA
"Teka...teka," awat ko kay Warren ng binuhat nito ang mga bottled water na dapat ilagay sa malaking cooler para lumamig.
"Ano?" Magkasalungat ang mga kilay ko ng lingunin si Martina. Kanina pa ako nabibingi sa kakadaldal niya, kulang na lang ay maging announcer ito sa radyo sa dami ng paalala nito sa akin habang inaayos ko ang mga paninda sa grocery store ni Tita Cora.
"Dahan-dahan naman kasi sa pagbubuhat at baka mabagsak ang mga yan at sumabog ang laman. Hindi naman kasi ikaw ang mapapagalitan kapag tumapon ang mga laman nyan."Nakanguso kong sintemyento sa kanya ng padaskol-daskol lang nitong buhatin ang isang malaking box na may lamang mga bottle water.
"Kaya ko, okay? Basta huwag ka lang maingay d’yan at magagawa ko ng tahimik ang mga trabaho dito." Sungit! Inis kong sabi sa sarili ko. Kung hindi lang talaga ito pamankin ng mismong amo ko...malaman na nabatukan ko siya kanina pa. Napa presko...mayabang, hays.
Wala pang tanghali ay nagawa na nga ni Warren na maiayos ang mga bagay sa grocery, salamat at malaki nitong katawan at mabilis nitong nabuhat ang mga mabibigat na mga paninda.
"Kain na tayo..." yaya ko sa kanya. Binuksan ko ang lunch box na dala ko at inilagay iyon sa table para makakain na kami ng tanghalin, pagkakasyahin na lang siguro namin ang dala kong pagkain. Hindi naman ito lumabas para bumili ng pagkain, napagod rin siguro sa mga ginawa nito hanggang tanghali. Hindi ito umimik ng yayain ko siyang kumain. Hinayaan ko na lang siya, tutal hindi naman ako ang magugutom, kung hindi siya. Busy din ito kaka cellphone.
Tumayo ako para kunin ang tubig sa thumbler na nilagay ko sa malaking freezer ng biglang pumasok ang isang delivery rider ng isang fast food chain sa loob ng grocery.
"Delivery po para kay Warren Santos." Nakita kong tumayo ang mokong sa kinauupuan nito at dinukot ang wallet sa likod ng bulsa ng pantalon nito.
"Magkano?" tanong nito sa delivery rider.
"Bale three hundred fifty pesos po sir." At nagbigay ng five hundred peso bill si Warren sa driver, at iniabot dito ang sukli pagkatapos.
Nakabalik na ako sa upuan ko ng idusog niya sa gawi ko ang isang order ng kanin at isang piraso ng chicken joy.
"Oh, idagdag mo na'to sa pagkain mo at bukas ikaw naman manglibre ng lunch natin...okay?" biro ko kay Martina, titingnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Ha? Anong libre?" Naguluhan ako bigla sa sinabi niya, para namang ang laki ng sahod ko bilang cashier at talagang nagpalibre pa ito sa akin. Nakita kong tumawa siya ng palihim pagkatapos kong sabihin iyon.
"Tsssk!" ang mga babae talaga 'oo' patola. "Never mind, kainin mo na lang yan." utos ko sa kanya.
Napreskuhan naman ako ss ugali ng lalakeng ito, para talaga siyang my saltik kung umasta. Kainis!
Lumipas ang maghapon at puro inisan na lang ang nangyari sa amin, lalo na sa tuwing walang bumibili...hindi ko na lang siya minsan pinapansin at nakaka stress na ang mga pinagsasabi niya.
"Good afternoon po sir..." bati ko sa lalakeng costumer na kapapasok lang sa grocery store. Di kotse pa ito kaya halatang may kaya kaya medyo nailang pa akong batiin ito pero yun kasi ng pangkaraniwan kong ginagawa kapag may pumapasok na costumer at bibili.
Napatingin ito sa akin saglit at saka ngumiti, pagkatapos ay kumuha ng mga beer in can na nasa sampung piraso at saka inilagay sa counter.
"Miss... can I have your number?"
Napalingon ako sa kinaroroonan ni Martina at ng bagong dating na lalake, maliwanag kong narinig ang sinabi nito na hinihingi nito ang number ng dalaga kaya sinandya kong tingnan kung ano ang gagawin ni Martina, ibibigay kaya nito ang number or hindi?
"Sorry sir...hindi ko po binibigay ang number ko sa kahit sino at mawawalan po ako ng gagamiting sim card." Gusto kong sumambulat ng tawa sa sinabi ni Martina sa lalake na napangiwi pagkatapos. Malakas din ang tama ng isa na'to ah.
"Whatever..." narinig kong sagot ng lalake kay Martina at saka padabog na kinuha ang supot na kinalalagyan ng binili nitong mga alak.
Pinagmasdan ko ang lalake hanggang sa makasakay ito ng kotse ay masama ang tingin kay Martina.
"Ayos ka rin ah. Magaling ka rin pa lang mambara ng mga epal..." Nakangising sabi ni Warren sa akin pagkatapos kong supalpalin ng biro ang lalakeng katatapos pa lang na bumili sa store.
"Ano?" Kunwari ay hindi naintindihan ni Martina ang sinabi ko kaya napaismid ako ss harap niya." Tsssk!"
"Yun kakong lalake kanina, napaalis mo ng hindi oras."
"Ah yun ba...hayaan mo siya. Sa tagal ko ng nagtitinda dito ay hindi na nila ako maloloko." Sagot ko kay Warren na kinagulat nito.
"You mean...madalas na may mga gagong lalake na bumibili dito?" Napatango si Martina sa tanong ko, kakaiba talaga ang babaeng ito.
"Oo nuh...mga pang isang daan siguro ang lalakeng bumili kanina. Mahahalata mo naman na mga nagtritrip lang ang mga iyon."
"Paano ang ginagawa mo kapag mag-isa ka lang tapos ay may mga gagong lalake na katulad niya ang na e-encounter mo?"
"Wala, may cctv kako na nakastalled dito sa loob ng store...konektado sa bahay ng may-ari kaya kako malamang sa ngayon ay tumawag na ng mga pulis ang amo ko at papunta na dito un...sabay sibad na sila nun kapag narinig ang sinabi ko."
Natatawa ako sa sense og humor ni Martina, para itong may anak at asawa na sa paraan ng pag-iisip nito. Wait, hindi ko natanong kung may sarili na nga pala itong pamilya.
"I see...yun pala ang panakot mo sa kanina."
"Oo, at saka un iba pag-inirapan ko na alam na nila ang ibig sabihin nun. Umaalis na sila pagkatapos nilang bumili." Dagdag ko kay Warren. Totoo naman kasi na kapag nagpadala ako sa mga litanya ng mga lalakeng araw-araw na bumibili sa store ay baka dati pa ako nakapag-asawa. Pero hindi...mas matibay ang pagmamahal ko sa tatay ko na dapat ko siyang alagaan at buhayin kaysa ang makipag relasyon sa mga lalakeng wala lang magawa sa buhay kung hindi ang pagtripan ang katulad ko na mahirap lang.
"If you don't mind...may asawa ka na ba? Oh anak..." matapang kong tanong kay Martina. Hindi kasi ako mapapakali kung hindi ko malalaman mismo sa kanya, hindi ko naman matatanong si Tita Cora at aasarin lang ako nun pagkatapos.
Napatitig ako saglit kay Warren, sinisiguro ko kung nag tritrip naman ba ito oh papaano. Nang masiguro kong seryoso siya sa tanong niya ay saka lang ako ng salita.
"Boyfriend nga wala ako, asawa at anak pa kaya?"
"Totoo wala ka kahit boyfriend?" Paniniguro ko sa sinabi niya.
"Oo nga kulit, at busy ako sa pag-aalaga kay tatay kaya wala akong time sa mga relasyon na yan."
"Unbelievable ka talaga." Hindi makapaniwalang sagot ni Warren sa akin.
"Bakit naman? May masama ba sa sinabi ko? Iritadong tanong niya sa akin ng sinabi kong napaka unbelievable ng kagaya niyang babae na hindi man lang naiisip ang makipagboyfriend man lang sa kahit sinong lalake.
"Wala..." sagot ko sa kanya, mas nagiging cute si Martina sa tuwing naiinis ito sa mga tanong at sinasabi ko. Ngayon lang ako nakakilala ng katulad niyang babae.
"Tsssk!" Inirapan ko si Warren dahil nagsisimula na naman itong mang-inis at totoo...kung ilang kutsara ata ng dugo sa katawan ko ang nawala sa maghapong kasama ko siya. At may bukas pa ha...
YOHANN Gumayak ako ng maaga para pumasok sa trabaho. I usually visited my own hospital located in Taguig. Simula ng magkaroon ako ng pagkakataon para makapagtayo ng isang hospital sa tulong ni Saldy Ortega. Ito ang ama ni Brigitte na tumulong sa akin na makapag-aral hanggang makatapos ng Medicine sa college. Hindi ko naramdaman sa mag-asawa na kailanman ay sinumbatan nila ako dahil sa pagtulong ng mga ito sa akin. They have been helping me since the day that I chose to lived with them. Even their daugther, Bridgitte treated me with the same respect as her parent did to me. Kaya lumipas ang maraming taon na hindi ko napapansin, its been fifteen long years when I left that place where I first met Martina. Hindi siya nawala sa isip ko simula ng makilala ko siya. I clearly remember her angelic face, and feminine side. Ang boses nito na malambing at tila palaging bumabalik sa pandinig ko ang siyang ala-ala na iningatan ko hanggang sa ngayon. There
MARTINA Pagkauwi ko galing ng trabaho ay namili pa ako ng mga stocks na pagkain sa bahay. Buti na lang at kahit papaano ay nakakaraos kaming mag-ama sa araw-araw kahit na mahirap ang sitwasyon namin. Hindi pa rin tuluyang gumagaling sa sakit sa puso si tatay at malaking halaga ang kakailanganin namin para sa operasyon nito. Saan akong kamay ng Diyos kukuha ng milyong pera para mapagamot ang sakit ng Tatay? Palagi na lang tumatakbo sa isipan ko ang sitwasyon ni Tatay at kung paano ko siya matutulungan. Sa huli ay nanghihina lang ako sa katotohanang hindi ko matulungan ang sarili kong magulang dahil sa kahirapan na dinadanas namin ngayon sa buhay. Bitbit ko ang ilang supot ng mga gulay at prutas na binili ko sa divisoria, pati ang kaunting karne at mga delata ay nakipagsisiksikan ako sa maraming tao. Balak kong dumaan muna sa simbahan ng Quiapo para magdasal bago tuluyang umuwi sa bahay. Ito na ang nakasanayan kong gawin palagi simula ng magsimula ako
YOHANN Ang sabi nila, gaano mo man planuhin ang buhay mo, mangyayari at mangyayari pa rin ang inilaan sayo ng kapalaran at Diyos sayo. Katulad ng nangyari sa akin, labing limang taon na ang nakalipas. Hindi ko inakala na maiiba ang aking tadhana dahil sa isang pangyayaring hindi ko makakalimutan. Ibinaba ko ang hawak kong baso ng alak sa isang round table na nasa gilid ng rillings ng balcony. Kasalukuyan akong nakatanaw sa malawak na lupain ng mga Ortega sa Laguna. Biglang bumalik ang mga ala-ala ko fifteen years ago. "Hijo..." Napalingon ako sa isang babae na isa sa mga tauhan ng DSWD. Hindi ako agad nakasagot at nanatili akong tahimik habang tinitingnan ko ang tuluyang pagsasarado ng nitso ni Tiyo Andres. "Kailangan ka munang sumama sa amin ngayon dahil minor de edad ka pa." Doon na ako napatingin muli sa kanila. Ano ang magyayari kapag sumama ako sa kanila? Umiling ako sa kanya at nagsalita."Kaya ko pong mag-isa. Magtratrabaho n
MARTINA "Teka...teka," awat ko kay Warren ng binuhat nito ang mga bottled water na dapat ilagay sa malaking cooler para lumamig. "Ano?" Magkasalungat ang mga kilay ko ng lingunin si Martina. Kanina pa ako nabibingi sa kakadaldal niya, kulang na lang ay maging announcer ito sa radyo sa dami ng paalala nito sa akin habang inaayos ko ang mga paninda sa grocery store ni Tita Cora. "Dahan-dahan naman kasi sa pagbubuhat at baka mabagsak ang mga yan at sumabog ang laman. Hindi naman kasi ikaw ang mapapagalitan kapag tumapon ang mga laman nyan."Nakanguso kong sintemyento sa kanya ng padaskol-daskol lang nitong buhatin ang isang malaking box na may lamang mga bottle water. "Kaya ko, okay? Basta huwag ka lang maingay d’yan at magagawa ko ng tahimik ang mga trabaho dito." Sungit! Inis kong sabi sa sarili ko. Kung hindi lang talaga ito pamankin ng mismong amo ko...malaman na nabatukan ko siya kanina pa. Napa presko...mayabang, hays. Wala pang tanghali
MARTINA Malalakas na busina ng mga sasakyan, mainit na panahon at mga ingay na nagmumula sa iba't-ibang bibig ng mga tao ang naririnig ko mula sa bintana ng jeep na sinasakyan ko. Papunta ako ngayon sa Balintawak para pumasok sa trabaho ko. Simula ng atakihin si Tatay sa puso ay hindi ko na siya hinayaang pang magtrabaho, dahil doon ay napilitan na rin akong huminto sa pag-aaral. Nasa first year college na ako noon ng huli akong tumungtong sa paaralan. Ayaw akong payagan na huminto ni Tatay sa pag-aaral pero sa huli ay naisip niya rin na hindi kami mabubuhay kung hindi ako magtratrabaho kaya simula noon ay naging sanay na rin ang katawan ko sa ganitong sitwasyon. "Ma-ma...para na po sa tabi." Narinig kong sabi ng isang lalake kaya napakapit ako sa bakal na hawakan ng jeep ng mabilis na huminto ang driver ng jeep para ibaba ang isa nitong pasahero. Hinawakan kong mabuti ang dala kong lunch box para protektahan na mahulog ito. Araw-araw akong nagbabaon ng pag
YOHANN Pagkatapos akong pakawalan ng mga tanod at humingi ng despensa ni Manong Antonio dahil sa ginawa ko raw na pagnanakaw ng mga dala-dalahan ng ale ay isinama niya ako sa maliit na turo-turo stand niya. "Maupo ka muna dyan, at ipaghahain kita ng mainit na sabaw at kanin." Bilin nito sa akin at muling isinuot ang apron na hinubad nito kanina ng makipag-usap ito sa mga tanod. Simple lang ang tindahan niya at tipikal itong stand na makikita sa kahabaan ng Divisoria. Pamaya-maya ay bumalik ito na may dalang isang mangkok na umuusok ang laman nitong sabaw. Pagkapos nitong ilapag ang mangkok sa mesa ay sunod naman nitong binalikan ang kanin at pitsel ng tubig. "Oh heto, kumain ka na muna bago ka umuwi sa inyo." Sinulyapan ko ang kanin na dala niya, sunod ay tiningnan ko ang reaksyon ng mukha nito. Nakangiti ito na parang wala akong ginawang anumang bagay na masama kanina. "Salamat na lang po pero uuwi na lang po siguro ako at masyado nang

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





