Share

Chapter 5

Rose

Kitang-kita ko kung paano sumubsob ang lalaking tila pamilyar sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nabusuhan ng ganito. Magkakamatayan na kami at hinding-hindi talaga siya makakaisa sa akin! Ang herodes na ito!

Sumusuray ang lalaking pilit na tumayo mula sa pagkakasubsob niya sa halamanan at halatang wala na siyang sapat na lakas. Wala akong naramdamang pagkahabag sa nangyari sa kaniya basta ang alam ko ay nabusuhan ako ng kumag na ito.

“Iyan ang bagay sa iyo, manyakis ka!” Akma ko na sana siyang papaluin nang biglang may pumigil sa akin.

“Rose!”

Napasulyap ako sa taong pumigil sa akin. “Ha?! S-Sir Roberto?!” gulat kong wika. Agad kong ibinaba ang dalawang kamay kong may hawak na toilet map.

“Anong ginagawa mo?” pagtataka niya.

“S-Sir, k-kasi ho... Ang lalaking ito...”

Napapailing na lang si Sir Roberto na agad dinaluhan ang lalaking halos hindi na makatayo. Tinulungan niya itong makatayo at inalalayan upang hindi matumba dahil sa kalasingan. Labis naman ang pagtataka ko sa tinuran niya dahil mas dapat ako ang tulungan niya.

“H-Hindi mo ba nakikilala ang lalaking ito?” muling tanong sa akin ni Sir Roberto.

“M-Mang R-Roberto... Nasu—suka ako...” anang lalaki.

“Sir, dadalhin ko na kayo sa—”

Hindi na natapos ni Sir Roberto ang sasabihin niya nang bigla na lang sumuka ang lalaki. That moment na nasilayan ko ang gwapong mukha niya at noon ko lang siya naalala. He was the guy on that rainy night when I was in Manila.

Nasapo ko ang bibig ko nang maalala ko ang lalaking ito na lalong sumira nang gabing lugmok ako. But when I knew his name, mas lalo nagulantang ang mundo ko. Ang lalaking nakapangalan sa insurance ng tatay ko at ang boss ko ay iisa.

Dali-dali kong dinaluhan sina Sir Roberto upang tulungan sila. “S-Sir Roberto, h-hindi ko ho alam na si Sir E-Ethan ito. S-Sorry, Sir Ethan!” Lord, bakit mo ba kami pinagtatagpo ng lalaking ito sa ganitong sitwasyon?

“You!” Sabay duro niya. “D-Damn...” Muli na naman siyang sumuray sa kalasingan.

“Rose, tulungan mo akong ihatid siya sa bahay niya.”

“O-Oho!” tarantang tugon ko.

Ang lalaking napagkamalan kong manyakis ay siyang lalaking inalalayan namin ngayon ni Sir Roberto. He’s wasted! Marahil ay nagkamali siya ng pinasukan dahil sa kalasingan niya at ito naman ako na inakusahan siyang manyakis.

Nang inilagay ko ang braso niya sa leeg ko upang alalayan siya, hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam itong umuusbong sa puso ko. I could smell his masculine scent rathen than his alcohol redolence. Mas naniniwala na ako sa sinabi ng kaibigan ko na ang gwapo nga ng isang ito.

“Alalayan mo akong i-upo siya rito sa sala,” utos sa akin ni Sir Roberto nang makarating na kami ng bahay ni Sir Ethan.

“Hmm...” anas niyang tila nakatulog na nang alalayan naming makaupo.

“Bantayan mo muna siya at kukuha ako ng first aid kit. Ano ba kasi ang ginawa mo sa kaniya? Tingnan mo at nagkasugat-sugat pa siya. Hay,” sambit ni Sir Roberto na napapailing na lang.

“S-Sorry ho, Sir Roberto. Hindi ko sinasadya,” paghingi ko ng tawad.

Hindi na ako sinagot ni Sir Roberto at nagmamadali na siyang umalis upang kumuha ng first aid kit. Ako naman na bumaling kay Sir Ethan na nakapilig ang ulo sa sofa habang hindi na iniinda ang mga sugat mula sa halamanan kanina.

“Sir Ethan, p-pasensiya na ho talaga! Akala ko kasi na nambubuso kayo sa loob ng restroom ng babae. Kung bakit pa kasi kayo naligaw roon eh nabasa niyo naman ang sign ng men’s restroom. Naku, sir. Huwag niyo ho akong sesantehin. May dalawa pa ho akong kapatid at may nanay akong may sakit,” pagsusumamo ko sa lalaking ito kahit hindi na ako naririnig.

Maya-maya lang ay muling bumalik si Sir Roberto bitbit ang first aid kit.

“Heto. Gamutin mo muna siya at kukuha lang ako ng damit niya,” nagkukumahog na utos ni Sir Roberto sa akin.

“O-Oho! Ako na ang bahala, sir.”

“Sige at kukuha lang ako ng pamunas niya.”

Muli akong iniwan ni Sir Roberto sa sala kasama si Sir Ethan. Agad kong kinuha ang first aid kit para maamputan ang mga sugat niyang hindi naman gaanong malalim. Kailangan lang din maiwasan ang impeksiyon at baka lumala kung hindi malagyan ng betadine.

“Sir Ethan, hanggang langit ho ang paghingi ko ng tawad sa inyo. Kung may kaparusahan man itong nagawa ko, handa ho akong gawin ang lahat. Huwag niyo lang akong tanggalin sa trabaho. Diyos ko naman! Kung bakit pa kasi ako nag-CR sa malayo gayong may malapit naman,” paninisi ko sa sarili ko habang nilalagyan ng alcohol ang mga sugat niya.

“Hmm...”

“Sir, mahapdi ito kaya tiisin mo. Sorry talaga. Nagasgasan tuloy ang kutis niyo.” Ang gwapo! Bakit sobrang gwapo ng isang ito? Inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya para lang titigan siya.

“Rose, anong ginagawa mo na naman?”

“Ay, kabayo!” gulat kong wika. “Ginulat mo naman ako, Sir Roberto. Tinitingnan ko lang naman ang mukha niya at baka may sugat din.” Ang tangos pati ng ilong. God! Kamukha niya si Can Yaman na maigsi ang buhok at walang gaanong balbas.

“Hay, naku. Inayos mo ba ang paglagay ng betadine?”

“Oho. Ito na at maglalagay na ako ng band aid na—hello kitty?” Tumaas ang isang kilay ko sa design ng band aid at sa isang banda ay gusto kong ngumiti.

“Kay Nana Claudia niya iyan. Wala na kasi akong mahanap na first aid kit at saktong iyan ang nakuha ko kaysa tumawag pa ako ng doktor sa bayan. Hindi rin naman malala ang sugat niya. Ano ba kasi ang nangyari?” pag-usisa na naman ni Sir Roberto.

“Eh, kasi ho. Ganito iyon. Marami kasi ang gumagamit sa banyo malapit sa reception at sakto naman na pinapunta niyo ako sa Pavilion kaya dumiretso na ako roon. Hindi ko naman alam na matapos akong magbanyo ay nakita ko itong si Sir Ethan na tinatanggal ang sinturon niya. Sa sobrang gulat ko ay hinabol ko siya ng toilet map. Hindi ko naman alam na boss pala natin ito. Lagot ako nito.”

“Lagot ka talaga.”

“Talaga ho? Masesesante na ako?” pag-aalala ko sabay sumulyap na naman kay Sir Ethan na mahimbing na ang tulog.

Muling napailing si Sir Roberto. “Umuwi ka na at ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya.”

“Eh, s-sir...”

“Bukas na lang kayo mag-usap at mahimbing na ang tulog ni Sir Ethan. Hayaan mo at kakausapin ko na lang din siya na hindi mo sinasadya,” mahinahong sambit na niya sa akin.

Marahan akong tumayo. “Taos puso ho akong humihingi ng tawad at kay...” Sinulyapan ko ang gwapong boss namin na walang kamalay-malay sa nangyari. “At kay Sir Ethan.”

“Oh, siya. Umuwi ka na at gabi na. Mag-ingat ka.”

“Salamat, ho.” Isang sulyap pa ang ginawa ko kay Sir Ethan bago ako tunalikod. Laglag din ang balikat ko habang iniisip ang mangyayari sa akin at sa pamilya ko.

Malaki ang pagsisisi ko sa katangahang ginawa ko sa gabing ito. Ang chance na makiusap ako kay Sir Ethan tungkol sa insurance ng tatay ay mapupurnada pa sa ginawa ko. The worst thing is, nadisgrasya ko pa ang boss ko. Hanggang sa pagtulog ko, laman pa rin siya ng isipan ko. Ihahanda ko na lang talaga ang sarili ko bukas.

KINABUKASAN ay nagmamadali na akong pumasok sa first shift ko. Kamuntik pa akong hindi magising nang maaga dahil sa kakaisip ko sa nangyari kagabi.

“Rose! Mabuti naman at nandiyan ka na. Aba, ang aga ni Sir Roberto rito at hinahanap ka,” bungad ni Lea sa akin. Isa siya sa mga kasamahan ko rito sa hotel.

“Ha?!” kunot-noong tugon ko. “B-Bakit daw?” Nagkunwari na lang akong walang alam at marahil ay sa nangyari kagabi.

“Hindi namin alam basta ang bilin niya ay tumungo ka raw sa bahay ni Sir Ethan. Bilisan mo na raw.”

Tumango na lang ako at hindi nagpahalata na kabado na ako. Hindi na rin naman ako inusisa ni Lea dahil abala na rin siya sa mga dumating na mga guests. Iniwan ko na lang ang gamit ko sa locker at agad na tumungo sa bahay ni Sir Ethan.

Habang nasa daan ako ay panay ang dasal ko na sana ay hindi ako mapagalitan. Na sana ay mananatili pa rin ako sa trabaho ko at maayos ang pakikipag-usap namin sa isa’t isa.

“Oh, Rose. Nandiyan ka na pala,” bungad ni Sir Roberto sa akin mula sa main door ng bahay ni Sir Ethan. “Pumasok ka na sa loob at hinihintay ka na ni Sir Ethan.”

Pinisil-pisil ko pa ang mga daliri ko dahil sa tensiyon na nararamdaman ko. “Sesanti na ho ako?”

Napangiti si Sir Roberto. “Ikaw talaga. Umakyat ka na para makapag-usap kayo ni Sir Ethan. Bawasan ang kakukitan,” paalala niya.

Napakamot ako sa ulo. “Sir Roberto naman. Mabait ho ako.”

“Oh, siya. Kailangan ko na rin umalis. Pumasok ka na.” Nilagpasan na lang niya ako at tuluyang nilisan ang bahay ni Sir Ethan.

“Salamat, Sir Roberto,” sabi ko na lang.

Ibinaling ko ang tingin ko sa malawak na bahay ng gwapong boss ko. Kaya lang ay urong-sulong ang mga paa kong humakbang papasok. Subalit para sa pamilya ko ay nilabanan ko ang takot at kaba sa puso ko. Alam ko sa sarili kong wala naman akong kasalanan talaga. Kung mayroon man, patawarin nawa ako.

Ito na ang pangalawang beses na nakatuntong sa pamamahay niya. Inilibot ko kaagad ang paningin ko sa apat na sulok ng sala upang hanapin siya kaya lang bigo ako. Nagtungo na lang ako sa sofa upang doon na lang siya hintayin.

Bago pa man ako umupo, napuna ko ang picture frame ng family ni Sir Ethan. Imbes na maging behave ay na-curious lang akong tingnan ang mga larawan. Hindi ko rin naman napansin iyon kagabi dahil sa abala ako sa kaniya. Ang cute! Napangiti ako nang makita ko ang batang lalaki sa photo frame na halos kasing-edad ng bunso kong kapatid.

Bumaling ako sa isa pang photo frame at natitiyak kong si Sir Ethan iyon. Napalunok ako dahil sa larawan na iyon, hubad-baro siya. Nakikita ko ang mga namunutok biyang biceps at triceps habang hawak ang surfing board.

“Sinong may sabi sa iyong pakialaman mo ang photo frame ko?”

Huh?! Napawi ang ngiti sa mga labi ko nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Nataranta rin akong ibalik ang hawak kong photo frame sa lalagyan at humarap sa kaniya. This time, muli kong nasilayan ang seryosong mukha at mga mga titig niyang katulad nang gabing pinaliguan niya ako gawa ng talsik ng kotse niya habang bumuhos ang malakas na ulan.

Mas lalo pa akong nakaramdam ng kaba nang unti-unti siyang naglakad patungo sa direksiyon ko habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Intimidating ang mga tingin niya sa akin at kahit anong gawin kong ibaling ang tingin sa ibang direksiyon, tila nakapako na sa kaniya.

“Ikaw si Rose?”

Lihim akong napalunok. “A-Ako n-nga,” nauutal kong sagot. Shit! Bakit ako nauutal sa isang ito?

“Follow me,” utos niya. Isang malalim pa na tingin ang ginawa niya bago siya naglakad paakyat sa hagdanan.

Ano raw? Susundan ko siya? Pero sabi niya, eh. Nagtatalo pa ang isipan ko ngunit sa huli ay sinundan ko siya. Dali-dali naman akong umakyat sa taas at nakita ko siya sa may pinto sa unahang bahagi.

“Ang tagal mo,” reklamo agad niya.

Ang sungit? “Sir, ang haba ho ng hagdanan niyo,” dahilan ko na lang.

“Come in.” Binuksan niya ang pinto at tuloy-tuloy lang siyang pumasok. “Just locked the door.”

“Ho?” paninigurado ko. Subalit sinunod ko pa rin siya kahit na iyon naman talaga ang narinig ko.

“Maupo ka,” wika niya sabay turo sa bakanteng couch.

Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid nang mapagtanto kong nasa library kami. May kinuha lang siya sa drawer niya at iyon na ang pagkakataon ko na pagmasdan siyang muli. Napuna ko kaagad ang band aid na may design na hello kitty sa magkabilaang braso niya. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi at mga hinaing ko sa kaniya.

“Sir Ethan, sorry sa nangyari kagabi. Hindi ko ho sinasadya,” paghingi ko kaagad ng paumanhin sa kaniya kahit wala pa siyang sinasabi.

Umupo siya katapat ko habang may bitbit na envelope. “I won’t accept your apologize.”

“Ho?!” Namilog ang mga mata ko kasabay ng alalahanin na baka wala na akong trabaho.

“Instead… Be my woman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status