ILANG ulit na tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Sir Ethan sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil sa lahat ng kaniyang mga sinabi ay iyon pa ang maririnig ko. I was expecting that he would be nice to me and accept my apologize but that’s not what happened. He won’t accept it unless I would be his woman. Hindi naman ako tanga para hind maintindihan iyon at hindi ko rin alam kung bakit niya ito gustong gawin sa akin.
“S-Sir…” Halos nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko man lang madugtungan agad ang sinabi niya. “You heard me, woman. Accept it or leave it,” seryoso pa rin niyang sabi. Sumandal siya nang maayos sa kinauupuan niya at unti-unting binuksan ang hawak niyang brown envelope. “Hawak ko ang papeles ng ama mo na nagpapatunay na ako ang beneficiary niya. You knew it already, right?” Napatitig ako sa papel at nakita ko nga pangalan ni Sir Ethan sa list ng beneficiary ng tatay ko. Doon pa lang ay nanlumo na ako dahil mas kailangan namin iyon ng pamilya kaysa sa kaniya na halos nasa kaniya na ang lahat. Subalit hindi ko pa rin lubos maisip na bakit nasa kaniya ito at iyon ang dapat kong malaman. Sinalubong ko ang tingin niya. “Sir, h-hindi ba kami ang dapat mas may karapatan sa beneficiary ng tatay ko? Paanong ikaw ang nasa list niya?” lakas-loob kung tanong na. “For transparency, malaki ang pagkakautang ng tatay mo sa akin. Kung hindi niya pinagtangkaan ang pera ko nang araw na iyon, baka kayo pa ang nasa listahan. Ms. Borja, limang milyon ang nawala sa akin. Do you think I would turn my blind eye to it for nothing? This is business, Ms. Borja. Kailangan ko ng collateral bago pa man mawala sa akin ang mga kliyente ko maging ang mga tao ko.” Napaisip ako. So, it was the reason kung bakit nasa kaniya ang insurance ng tatay. Subalit palaisipan sa akin kung bakit nagawa iyon ng tatay ko. For what reason? Naguguluhan ako. Hindi ako makapag-isip dahil sa natuklasan ko mula sa kaniya. “Sir, hindi ho iyan magagawa ng tatay ko,” pagtatanggol ko sa tatay ko. “Nagawa na niya. Nagawa mo nga akong pagtangkaang hampasin ng toilet map kagabi, magagawa rin iyon ng tatay mo. Well, saan ka pa ba magmamana?” sarkastiko niya. Aba’t⸻ Kalmahan mo lang, Rose. Makapangyarihan ang lalaking ito at kaya niyang gawin ang lahat sa iyo. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil kung hindi ay buhay ng pamilya ko na naman ang nakataya rito. Ano ba naman ang laban ko sa lalaking ito? “Sir, nasabi ko na po kagabi na humihingi ako ng pasensiya sa nagawa ko.” “Alam ko.” “A-Alam niyo?” kunot-noong tanong ko. “Ibig sabihin ay narinig niyo ang paghingi ko ng tawad kagabi?” “Yeah. So, do you accept it or not? Dalawa lang naman ang patutunguhan ng alok ko sa iyo, ang pumayag ka sa gusto ko o hayaan mo sa akin ang perang ito.” “Hindi madali ang hinihingi niyo, sir!” Bigla akong tumayo at naglakas-loob akong ipaglaban ang karapatan ko. Masyado na rin siyang mapagmataas para lang tapak-tapakan niya ang pagkatao ko. Kahit boss ko pa ito ang lalaking ito. “Ang inakala ko pa naman na mas lalo mong maintindihan ang sitwasyon ko dahil tauhan niyo rin ako. Mas kailangan ng pamilya ko ang perang ito kaysa sa inyo. May sakit ho ang nanay ko at may dalawang kapatid akong pinapaaral, sir. Hindi naman ho yata tama na alukin niyo akong maging…babae mo,” nanginginig kong wika sa kaniya. Pinigilan ko lang ang mga luha kong nagbabadyang dumaloy sa pisngi ko. “Like I said, this is damn business. Hindi ako charity na basta na lang itatapon ang lahat ng mga pinaghirapan ko na walang kapalit, Ms. Borja. Now, if you don’t want my offer, the door is wide open you to leave. Palalagpasin ko rin ang ginawa mo kagabi kahit halos nagkasugat-sugat na ako.” I stared each other and then I realize something. Ang inakala kong isang diyos ng Olympus na inihulog ng langit ang lalaking ito dahil iyon ang pagkakaalam ko. Bukambibig sa mga kasamahan ko rito sa resort kung paano naging mabait ito sa lahat. Ang sinasabi nilang maswerte kaming may boss na halos kapakanan ng empleyado ang iniisip at makikita naman ito sa mga benefits na natatamasa namin. But this is really unfair and worst offer ever. Sa sobrang pagpupuyos ng damdamin ko ay bigla ko na lang siyang tinalikuran at naglakad na sana patungong pinto. “If you leave, I won’t give you another chance anymore, Ms. Borja.” I stopped walking through the door and think again. Ang herodes na ito! Hindi talaga ako makapaniwalang ginigipit niya ako ng ganito. Iniisip ko ang nanay kong kailangan ng gamutan, ang dalawang kapatid ko na kailangang mag-aral at magkaroon ng kaunting kabuhayan. Wala akong pagpilian at sa isang iglap lang, nilunok ko ang pride ko. Literal akong napalunok, humugot ng malalim na buntong-hininga at muling humarap sa lalaking ito. Unti-unti akong naglakad patungo sa kaniyang kinauupuan subalit tumayo na siya upang harapin din ako ngunit hindi pa rin nagbabago ang eskpresyon sa mukha niyang antipatiko. “Change mind? Akala ko ba ay gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo at mapatawad kita?” Antipatiko talaga! Kinuyom ko ang kamao ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. Matangkad siya sa akin kaya kailangan ko rin siyang tingalain at tinibayan ang loob ko. “Sir, siguro naman pwede akong mag-advance sa offer na hinihingi mo sa akin. Hindi naman siguro ito kalabisan sa iyo.” “Advance?” His forehead wrinkled. “Hindi pa nga tayo nag-uumpisa, gusto mo na rin ng advance.” Marahan siyang umupo sa malambot na arm rest ng couch habang kaharap ko. “Fine. Ano ba ang gusto mo?” Pinagsalikop niya ang kaniyang mga braso sa dibdib. “Uhm… Kailangan ng weekly medicine ang nanay ko sa sakit niya. Pangalawa, may pinapaaral akong mga kapatid at pangatlo ay ang kaunting kabuhayan ng pamilya ko. Magtatrabaho pa rin naman ako rito sa resort mo at walang dapat na makaalam.” Kaya ko ito kahit hindi ko alam ang papasukin kong maging babae niya. “That’s it?” Tumango lang ako bilang tugon. “Okay. Granted.” “Gusto ko rin na gumawa tayo ng kasunduan at ilagay ang mga ito.” Sarkastikong nginitian niya ako. “Sigurista, huh?” “Yes, sir. Sigurista rin naman kayo kaya kailangan ko rin na may panghahawakan. A-Ano ba ang gagawin ko?” “Don’t you have an idea?” I shook my head once. “Wala.” “You have to…” Napatigil siya sa sasabihin niya at muli na naman akong tinititigan. “Wait… Are you still a… I mean, you never have sexual intercourse?” Muli na naman akong umiling. Ano ba naman ang alam ko sa sexual intercourse na sinasabi niya gayong isang beses pa lang ako nagkanobyo? Nangako rin naman ako sa sarili na ang unang lalaking pagkakalooban ko ng pagkababae ko ay ang magiging asawa ko na. Kaya lang ay mukhang mauuwi na lang pala sa ganitong set up ang magiging unang karanasan ko. “Wala akong ideya sa gagawin ko, Sir Ethan. At…wala talaga akong karanasan kong ang iniisip mo ay mapapaligaya kita.” Lihim akong napalunok dahil ito ang pinag-uusapan naming dalawa. Sa lahat pa ng pwedeng mag-alok sa akin nito, boss ko pa. “Damn,” mahina niyang usal. “Uhm, all right.” Muli siyang tumayo. “I’ll prepare our contract. I’ll give it to you later. Ihahatid na kita.” “Ha? K-Kaya ko na po,” tanggi ko. “I insist. At huwag na mo akong pino-po. Nangangagat ako.” “Po?” Namilog ang mga mata ko habang nakatuon sa nakaka-intimidate niyang tingin subalit binawi ko rin dahil naalala kong ayaw niyang pino-po siya. “I mean… Sige, sir.” Nauna na akong tumalikod sa kaniya at baka kung anong klaseng kagat pa ang gagawin niya. Pasimple ko rin pinahiran ang pawisan kong noo habang nasa likuran ko lang ang boss ko. Ni hindi na nga ako mapakali kanina sa mga pinag-uusapan namin at kulang na lang ay maglaho na lang ako na parang bula. Maayos naman akong nagpaalam sa kaniya ngunit hindi ko na siya tiningnan sa mata at baka mas lalo lang akong hindi makapag-isip. Ethan I was typing the contract I made between me and her. Habang nagtitipa ako sa laptop ko ay napatigil ako nang maalala ko ang inosenteng mukha niya. Mamaya lang ay sumulyap ako sa braso kong nilagyan niya ng band aid kagabi. I remembered what she said last night and I heard her apologize. Kaya lang ay hindi na kinaya ng talukap ng mata kong imulat ang mga mata ko at napapikit na lang. When she touched my arms, I felt something. Hindi ko alam pero nang mga sandaling iyon, I wanted to open my eyes. Kaya lang ay natalo na rin ang diwa ko sa sobrang kalasingan ko. When I saw her earlier, mas lalong nanaig ang hindi ko maintindihang damdamin sa dalagang iyon. Sumandal ako sa kinauupuan ko at nanatili pa rin nakatitig sa monitor ng laptop ko. Unti-unti akong napapikit at iniisip ang inosenteng mukha ni Rose. I was thinking that I could touch her face, her shoulder down to her arms and wrapped her waist with my hands. Damn! “Sir Ethan?” Bigla akong nagmulat ng mata at si Mang Roberto ang bumungad sa akin. Muntik ko ng makalimutan na nasa pool side pala ako. “Y-Yes?” Nagkunwari naman akong umayos ng pagkakaupo. “Ayos ka lang ba, hijo? May masakit pa ba sa iyo?” usisa niya. “Nothing. Uhm…” I clear my throat. “May iniisip lang ako.” “Ganoon ba? Siyangapala, heto ang files ni Rose na pinakuha mo.” Inilapag niya sa mesa ang kanina ko pa hinihingi sa kaniya. “Thanks.” Kinuha ko ang folder at tiningnan ang laman nito. “Maitanong ko lang, may problema ba kay Rose?” “Nothing. I just want to know about her and her family. May kasunduan kami na kami lang muna ang makakaalam. Simula bukas ay dito muna siya titira sa bahay ko at sana ay walang makakaalam nito.” So, HRM graduate siya. “Malabo iyang iniisip mo na walang makakaalam pero susubukan kong kausapin si Rose tungkol sa bagay na iyan.” “Na. Ako na lang ang kakausap sa kaniya.” “Sir Ethan, tungkol ba ito sa hinihiling niya at ang kapalit ay⸻” “Mang Roberto…” Nag-angat na ako ng tingin sa kaniya. “This is not what you think. Alam ko ang ginagawa ko at huwag mo sana akong pangunahan.” “I know. Kaya lang ay inosente si Rose at marami siyang pangarap sa buhay. Isa pa, empleyado mo rin siya rito. Nais ko lang naman na paalalahanan ka since nasubaybayan ko ang paglaki mo. Alam ko ang mga babaeng dumaan sa iyo lalo na nitong huli. Nalaman ko na rin ang dahilan kung bakit ka nandito dahil na rin sa mga magulang mo. Ayoko sanang gawin mong panakip-butas si Rose dahil nasaktan ka. Sana ay maintindihan mo ang nais kong tukuyin.” “I’ll keep that in my mind. Thanks for that, Mang Roberto. I won’t hurt her and I want to help her instead.” “Okay. Iyon lang naman at aalis na ako.” Nasundan ko na lang ang papalayong si Mang Roberto at nasa isip ko na naman ang sinabi niya. Maya-maya lang ay bumaling ako sa files ni Rose at muli ko na naman itong binasa. Basang-basa na nga talaga ni Mang Roberto ang kilos ko but this time, wala naman akong masamang intensiyon. Galit ako sa sarili ko at kay Klarissa pero hindi ibig sabihin nito na magiging sadista na ako sa babae. Well, I’m trying to focus on the other thing⸻playing fire sometimes.RosePaika-ika na akong naglakad sa garden isang umaga para sa morning exercise ko. Kabuwanan ko na at mababa na rin ang hulma ng tiyan ko. Suot ko lamang ay maternity dress na kulay puti at isang pares ng flat na tsinelas. Nakahawak ang kanang kamay ko sa balakang ko habang ang isang kamay ko naman ay ang rechargeable fan. Naiinitan ako kahit na malamig naman ang simoy ng hangin sa paligid at nasasamyo ko ang amoy isla.Siyam na buwan na rin ang lumipas at ang pinakaasam-asam naming sandaling mailuwal ko ang baby namin ni Ethan, siya rin buwan na kabado ako. Alam kong hindi niya ako iniwan sa mga oras na kailangan ko siya at nagpapasalamat ako roon. Sa totoo lang ay napakaswerte ko kay Ethan dahil bukod na nagbago na siya sa temper niya, spoiled wife pa ako at ang mga kapatid ko.“Ate Rose, ang laki na pala talaga ng tiyan mo na parang bola. Parang puputok na, ate,” wika naman ng kapatid kong si Raprap na nasa bilugang mesa at nakaupo rin.Nanood siya ng video sa ipad niyang hawak at
RoseMaaga kaming lumuwas ng Maynila kasama ang asawa ko at sina Alonzo at Bea. Masayang-masaya naman ako dahil nagkaroon din ng oras na magkasama ang dalawa at partidang tahimik lang sila pareho habang nasa biyahe. Wala akong naririnig na bangayan nila bagay na ikinatuwa ko naman. Si Ethan naman na todo ang pang-iingat sa akin, pati na rin sa pagkain ko. Maya’t maya lang ang tanong sa akin kung may gusto akong kainin o inumin.Mula nang manggaling kami sa ob-gyne doctor ko kasama siya, hindi na siya mapakali. Sobrang excited na niya at nagpaplano na nga siya ng pag-aayos ng magiging kwarto ng baby. Nabanggit din niyang siya pa mismo ang magkukumpuni ng crib at magdedesenyo. Marami na siyang mga plano kaya hinayaan ko na lang. Ganoon siguro kapag sabik na sabik magkaroon ng anak. Kahit naman ako ay nasasabik na rin.“Matulog ka muna, love. I will wake you up when we will be there,” malambing na wika ni Ethan sa akin habang hinihimas ang puson ko.“Gusto kong makita ang dadaanan natin,
Rose“What did you say?” muling tanong ng asawa ko na bakas sa kaniyang mukha ang sinabi ko.“I-I’m pregnant, love,” marahan kong sabi.“Rose…” Hinawakan niya ang kamay ko habang dama ko ang kaunting panginginig ng kaniyang kamay. Naramdaman ko rin na biglang lumamig ang palad niya at tila kinakabahan. “Is this true? No joke?”Kitang-kita ko sa mga mata ng asawa ko ang tila naluluha ngunit may kasiyahang kasama. Sumilay din ang ngiti sa labi niya pero halatang pigil lang din at nais pa na kumpirmahin ang sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit saka ako napangiti. Balak ko sanang sorpresahin siya sa naging resulta ng pregnancy test ko pero nasabi ko na.“Oo,” mahinahon kong tugon. “Nag-test ako at lumabas sa test iyong positive. Hindi pa ako nakapagpatingin sa doktor kasi gusto kong samahan mo ako. Kaya mister…” Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya at sinakop ang kaniyang pisngi. “Huwag ka ng mag-a-angry bird. Magiging tatay ka na.”“Oh, Rose!” Bigla na lang niya ako
EthanTwo hours after I called my wife, I called Gerald. I confronted him. Noong inirekomenda siya ni Alonzo sa akin, I asked him about his personal life. Tinanong ko rin kung kilala niya ang asawa ko pero ang sabi niya ay hindi. Taga-rito siya sa amin pero wala siyang ideya tungkol sa asawa ko at hetong nalaman ko na magkababata pala sila. Sa lahat ng ayoko ay ang magsinungaling sa akin.I want the best security for my wife and her family. Ayokong mangyari na naman ang tungkol sa kaguluhan noon. Gusto kong maging aware sa paligid namin kaya hindi ko napigilan na sabihin ang salitang ‘sesante’ na siya. Kung ano ang binitawan kong salita sa asawa ko, ginawa ko rin sa kaniya. Noong una, nabigla si Gerald sa nalaman ko. Inaalam ko sa kaniya kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang buong katotohanan. At ang mas kinaiinit pa ng dugo ko, may isang bagay siyang inamin sa akin.“Sir Ethan, I’m sorry. Wala talaga akong masamang intensiyon sa asawa mo. Noong malaman ko ang nilalaman ng kontrata
Rose“Huh?!” Nagulat ako sa sinabing iyon ng asawa ko. “Teka lang, Ethan. Tama ba ang narinig ko? Sesante na iyong bodyguard ko? B-Bakit naman? Anong nagawa niyang kasalanan?” sunod-sunod kong tanong.Hinintay kong sumagot si Ethan sa kabilang linya. Maya-maya lang ay narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. Nagtataka ako sa kaniya na noong isang araw lang ay ipinaliwanag pa niya na kailangan may sarili akong bodyguard para raw sa safety ko. But then again, heto siya at tinatanggal na niya sa serbisyo si Gerald na wala man lang matibay na rason. “Why didn’t you tell me about him? He’s your childhood friend,” mariin niyang sabi.“Ha? P-Paano mo nalaman iyon? Sinabi ba ni Gerald sa iyo?”“Nope. I found it on my own. Now, tell me, my wife. May balak ka ba talagang sabihin sa akin ang totoo na magkababata pala kayo?” May halong kakaiba sa boses niya bagay na ipinagtataka ko.“Ethan, maniwala ka sa akin. Hindi ko namukhaan si Gerald noong una mo kaming pinakilala sa isa’t isa. Oo
EthanHindi agad sumagot si Winston sa tanong ko at tila nag-iisip pa siya. I don’t want to force him and tell me this sudden emotion of him. Malay ko bang pinagtitripan lang pala ako ng lokong ito subalit habang lumalaon ay lalo siyang sumeryoso kaya naghintay pa ako.“Just wait for my love story. Kapag sigurado na ako, saka ko na lang sasabihin kung sino.”“Wow. Walang clue?”Sa lahat ng magkakaibigan, si Winston ang hindi pa nababalitang nasaktan sa babae, may matinong girlfriend o kaya ay ipinakilala sa amin. Kaya imposibleng magkakaganito siya nang dahil lang din sa isang babae. I really doubt it.“Clueless.”Napapangiti na lang akong muling inubos ang kape ko. Maya-maya ay tumingin ako sa pambisig kong relo. “It’s lunchbreak. I told Lorenzo I will go to his place. Do you want to join our lunch meeting on his condo? May dala rin akong pasalubong kay Tamara.”“Buti pa si Tamara may pasalubong. Nasaan na iyong sa akin?” Agad siyang tumayo habang tila batang nagmaktol na wala man la