Share

Chapter 5

Author: Magzz23
last update Last Updated: 2024-07-07 03:54:40

Bea

“Bea, you know, matagal na rin naming gustong mag-asawa si Alonzo. And thank God na nakahanap na rin siya ng pakakasalan niya. May edad na kami ng daddy niya at gusto namin na magkaroon na kami ng apo sa bahay na ito.”

Bigla akong napaubo sa sinabi ng mommy ni Alonzo. Pasimple na lang akong nagpahid sa bibig kong may kaunting tubig. Nasa garden kami habang nagkukuwentuhan na lang tungkol sa plano kuno namin ni Alonzo na kasal.

“Are you okay?” pag-alala ni Tita Catherine sa akin.

“A-Ayos lang po. N-Nasamid lang,” ngiting sabi ko na hindi ko ipinahalata.

“What’s your plan, Alonzo?” tanong naman ng daddy niya.

Hinintay kong si Alonzo na ang sumagot ng tanong ng daddy niya. Sa totoo lang ay naghihimutok pa itong damdamin ko sa ginawa niyang pagtapon ng cell phone ko. Naroon lahat ng mga memories ko sa bansang ito at ibang mahahalagang bagay para sa akin. Hindi iyon maintindihan ni Alonzo dahil temper lang niya ang iniisip niya.

Hindi rin ako makapaniwalang ganoon pala siya kung magalit. He’s a monster and I don’t like it. Kung hindi lang ako matatag, baka umiyak na lang ako sa harapan niya pero muntik na. Wala naman akong naging kasalanan at ang nais lang niya ay ang batas na gusto niya. Kung hindi lang mahalaga ang pamilya ko, iniwan ko na siya sa daan.

“We plan to get married next week. I already prepare all the documents, venue, food, and clothes to wear,” tugon ng binata.

We planned? Saktong pagsulyap ko ay nagtama ang tingin namin pero bigla rin akong umiwas. Paladesisyon talaga ang isang ito. He arranged everything just for the fake wedding. Ni wala nga kaming napag-usapan kung ano ang magiging takbo ng kasal. What the hell?!

“That’s great! Just let me know kung ano pa ang kailangan natin. Pero hindi ba masyadong mabilis naman yata anak? Hindi ba ito bonggang kasal?” tanong ng mommy niya. “We can plan the huge and majestic wedding if you want.”

“Oo nga naman, Kuya Alonzo. Ate Bea should need a grand wedding. Minsan lang sa buhay ng isang babae ang ikasal, ‘no. You should consider it,” dagdag pa ng kapatid niya.

“Na. It’s okay. Ayos lang sa akin ang simpleng kasalan. Hindi naman kailangang bongga at hindi rin makakarating ang mga magulang ko dahil wala pa silang mga passport,” sabi ko naman.

“That’s not a problem. Alonzo can do that easily,” sabat naman ng daddy niya.

“It’s okay, dad. We can have another wedding in her hometown. Gusto ko rin bigyan si Bea ng maayos na kasal sa Pilipinas kasama ang family niya,” wika naman ng binata.

“Ganoon ba? And then, we don’t have a problem now,” dagdag naman ng mommy niya.

Kung sana ay totoong kasal iyang inaalok mo, damulag ka. Kaysarap sanang pakinggan kung ganito ang usapan namin ng kaniyang mga magulang. Maayos at desente ang pamilya ni Alonzo at hindi ko alam kung saan siya nagmana ng temper niya. Nakukunsensiya rin ako sa pagpapanggap naming ito at naaawa sa pamilya ni Alonzo na umaasa na pala na mag-settle down ang binata.

“Ma’am Catherine, may bisita pala kayo,” anang kasambahay nila.

“Ha? Sino raw?”

“Hi, everyone!”

“Pauline!”

Sabay pa kaming lahat na nag-angat ng tingin nang isang napakagandang babae at modelong-modelo kung maglakad ang biglang lumitaw sa kinaroroonan namin. Napasulyap ako kay Alonzo na tila nabigla rin sa pagpapakita ng ex niya at hindi ko alam pero dama kong nasa babaeng ito na ang atensiyon niya.

“Hi, Pauline!” bati ng ina ni Alonzo. “Napadalaw ka, hija?”

“Yes, Tita Cath. I just want to give something to all of you.” Sumulyap siya kay Alonzo. “Hi, Alonzo.” Lumapit naman siya sa nakatayo na ngayong si Alonzo at biglang humalik sa pisngi ng binata.

Bahagya pa akong napayuko para lang hindi makita ang eksenang iyon. Wala naman akong pakialam kung ano ang gagawin nila pero parang awkward lang dahil ang alam ng pamilya ng binata na hiwalay na sila.

“Hi,” bati rin ni Alonzo na may kakaibang mga tingin kay Pauline.

Totoo nga ang sinasabi nilang kakaiba ang karisma ni Pauline at talagang kahit sinong lalaki ay mababaliw dito. Isa na roon si Alonzo kaya nga gagawin niya ang lahat upang bumalik lang ang nobya niya sa kaniya.

“Why are you here?” Alonzo asked her.

“Here.” May iniabot siyang isang invitation. “That’s my wedding invitation next month. Sana makadalo kayo ng pamilya mo.”

“Wow. You’re getting married too. My brother will be getting married next week,” sambit ni Heart na kapatid ni Alonzo. Ipinagmalaki rin ng dalaga ang kasal na magaganap sa pagitan namin ng kapatid niya.

“Oh, really? Who’s the lucky woman?” Saka sumulyap si Pauline sa akin. “Ah…” Saka sumulyap siya kay Alonzo. “Congrats to you, Alonzo. Finally, you really found your right one. Here. Don’t miss my wedding day.” Kinuha naman ito ni Alonzo sa kaniya saka binigyang muli ng isang halik sa pisngi ang binata. “Bye. I have to go. Idinaan ko lang iyong invitation.”

“Take care, Pauline,” wika na lang ng mommy ng binata nang tumalikod na ito sa kanila.

Kaybilis ng pangyayari na ganoon na lang ang treatment nila sa isa’t isa pero dama kong naroon ang isang bahagi ni Alonzo na nasaktan. Nasaktan sa nalaman niyang ikakasal na ang nobya niyang pinagpaplanuhan pa sana naming bumalik sa kaniya. Matapos naman ang eksenang iyon, nagkaniya-kaniya na kami. Ako naman na inihatid na ni Alonzo pauwi ng tinutuluyan namin ng pinsan ko.

“Thanks for the dinner,” wika ko sa kaniya sabay talikod. Wala ako sa mode na makipagdiskusyunan sa kaniya at pagod na rin ang diwa ko.

“Bea…”

Napahinto ako nang magsalita siya. I turned around and looked at him. Bakas sa mga matang iyon ang hindi ko mawaring damdamin. Hindi iyon galit, hindi rin naiinis ngunit dama ko ang isang kalungkutan. Sino ba naman ang hindi malulungkot kung ang taong minamahal niya ay lalagay na sa tahimik? I don’t know if this plan will win her heart to him. Habang nasa kasunduan kami ni Alonzo, wala akong karapatang diktahan siya ng mga dapat niyang gawin. I am here to marry him just for the citizenship.

“About earlier, we will stick to the plan.” Humakbang siya palapit sa akin na siyang ikinabahala ko naman. “She’s my ex-girlfriend, Pauline. I didn’t have the chance to introduce you to her. We will also have this wedding in a natural and normal way. I hope you can get that easily,” kalmado niyang sabi.

Nakatitig ako sa mga mata niya na kaylayo kaninang halos nagbabaga na. He seems that he needs someone to lean on, someone to talk about his damn feelings to that woman. 

“Uhm, I understand. Gagawin ko naman ang lahat para lang maging makatotohanan ang lahat. Pag-aaralan ko ang bawat kilos niya at kung paano siya umakto sa iyo. I know I have a lots to know about her and of course, as part of our agreement, I’ll do my best. Have a good night, Mr. Montecarlos—”

“Hey…”

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko nang akma na akong talikuran siya. I bumped to his chest and he just wrapped me tight in his arms. I am just freeze and I couldn’t talk. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang sandaling magkadikit ang aming katawan at heto akong niyayakap niya.

“A-Alonzo… W-What are you doing?”

Alonzo

Bea and I have this awkward scene while I’m embracing her tightly. Honestly, I knew that she was upset earlier and this was my way on how to ease that anger. Hindi ko muna sinagot ang tanong niya kahit alam kong any moment from now, magagalit na siya. Sa maikling panahong nakilala ko siya, alam ko na agad ang kilos niya at ang kaniyang kahinaan.

“I just want to take this chance to be our moment. Gusto ko lang tanggalin iyong awkwardness natin sa isa’t isa. And this is the way we need to know each other. Have you ever felt it with the other man before?” I asked her.

“Alonzo, ginagawa mo ba ito para maibsan ang inis ko sa iyo? Look, alisin mo iyang mga braso at pakawalan mo ako. It doesn’t make sense anymore. At kung gusto mong maging at ease tayo sa isa’t isa, I think this isn’t the right way. You’re ruining my privacy.”

“Isn’t it? How about this?” Mas mahigpit ko siyang niyakap.

“A-Alonzo! What the— I can’t breathe!”

“Yeah, I know and I hear your heart beating so fast.”

“Hindi mo ba ako pakakawalan? Itutulak kita!” banta niya.

“You can’t do it. I am stronger than you and this piece of your body won’t make my bones tremble,” asar ko pa.

“Ah, ganoon!”

Maya-maya lang ay biglang nagbukas ang pinto ng apartment at iniluwa ang pinsan niyang si Lizzie.

“Oh, my god!” Nanlaki ang mga mata niyang nakita ang eksenang iyon.

Agad naman na kumalas ako sa pagkakayakap kay Bea at ganoon din ang dalaga sa akin.

“Uhm, Lizzie! I-Iyong nakita mo…mali ang iniisip mo! H-Hindi kami… Hindi kami…” taranta ni Bea.

Inakbay ko ang kamay ko sa balikat niya upang kumalma lang siya. “We have done this very tight day so we need to do the…hug challenge.” Naramdaman kong pilit niyang inaalis ang kamay ko sa balikat niya pero hindi ako nagpatinag.

Malawak naman ang ngiti ni Lizzie. “Wow. Sana all may kahug challenge,” wika niyang may ningning sa mga mata habang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Bea. “P-Pasok na ulit ako sa loob at baka naabala ko ang hug challenge niyong dalawa. Akala ko kasi ay kung sino ang nandito sa labas. Good to see you, Alonzo.”

“Same here, Liz. Good night.”

“Good night too.” Isang pilyang ngiti pa ang pinakawalan niya bago muling pumasok sa loob at isinara ang pinto.

Pagkasara ng pinto, noon lang din inalis ni Bea ang kamay ko sa balikat niya. “Goodness, Alonzo. Kanina lang ay gusto mong lamunin ako nang buhay pero heto ka ngayon na para kang sinapian. Ano na lang ang iisipin ng pinsan ko sa ginagawa mo? Sige na! Diyan ka na!” Agad niya akong tinalikuran ngunit bago niya buksan ang pinto ay nagsalita ako.

“About your phone, I have it.” Kinuha ko sa bulsa ng leather jacket ko ang cell phone niyang itinapon ko kanina. I handed it to her. “You cannot use it anymore. The LCD has broken but we can fix it if you really want the phone or maybe we should buy a new one.”

Tinanggap naman niya ito habang nakatitig sa cell phone niyang basag na ang LCD. “All my best memories are here.” Nakita ko ang namumuong mga luha sa gilid ng mga mata niya bagamat pinipigilan niya. “Paano mo ito nakuha at natagpuan?”

“I called someone after our dinner before I headed back to the garden.”

“Ahh… Good night, Alonzo.” Mabilis niya akong tinalikuran at matabang lang ang pagkasabi niyang iyong sa akin. Binuksan  niya ang pinto at agad na pabagsak na isinara.

“Uhm…” I took a deep sigh and I looked at the door she went in. I know she’s mad at me and hates myself in my hell temper. “Damn it,” mahinang mura ko. Napakamot din ako sa batok ko bago ako naglakad palayo sa pinto ng apartment nila Bea.

Habang naglakad ako patungo sa kotse ko, hindi ko maiwasang alalahanin ang mukha niyang nalungkot nang makita ang cell phone niyang basag kaysa nararamdaman kong malaman na ikakasal na si Pauline. Maya-maya lang ay muli akong bumalik sa apartment nila Bea at naglakas-loob na nag-door bell. Nagdadalawag-isip ako pero hindi ako mapalagay sa reaksiyon ng mukha niya.

Ilang saglit pa ay muling bumukas ang pinto at iniluwa si Bea. Nakakunot pa ang noo niya nang muli akong makita sa pinto. Agad ko rin inilibot ang paningin ko sa loob ngunit walang tao. Wala roon sa maliit nilang sala si Lizzie kaya bago pa man siya magsalita ay ginawa ko ang hindi dapat.

“Bakit ba—”

Hindi na niya natapos ang kaniyang pagsasalita nang biglang sinakop ng mga palad ko ang mukha niya at sinakop ang nakaawang niyang mga labi. And the moment our lips taste each other, it makes me feel the comfort. Isang bagay na kahit sa sarili ko ay may kakaiba ang naramdaman.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Ayiee, may nramdaman na sila sa isa't isa.. Tanx miss a
goodnovel comment avatar
Magzz23
Analyn, kumusta si Romano? haha
goodnovel comment avatar
Magzz23
Thank you. Ito na upload na agad heheeh
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 43

    BeaMainit pa rin ang balat ko nang nakayakap ako kay Alonzo, parehong pawis at pagod matapos ang pagniniig. The room was quiet, only our breaths filling the space. His hand lazily traced circles on my hip, at sa bawat dampi niya, parang gusto kong paniwalaan na wala nang ibang mundo kung ‘di kaming dalawa lang.“Hmm,” bulong niya, nakangisi habang hinahalikan ang gilid ng leeg ko. “I should tire you out more often.”I chuckled, swatting his chest lightly. “Arrogant.”But I smiled. Sa totoo lang, sa mga sandaling ganito, ang dali niyang mahalin. Na para bang lahat ng bigat na dala niya, lahat ng unos na hindi niya sinasabi, nawawala kapag magkasama kami.“Let’s get out of here,” he whispered, pressing another kiss on my forehead.“Where?” tanong ko sabay nakataas ang kilay.He smirked. “Somewhere in this place. Horses. Fresh air. Maybe some strawberries, kung swerte tayo.”Napatawa ako, half surprised. “Horses? Strawberries? Really? Kailan nagkaroon ng strawberries dito sa Tagaytay? H

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 42

    BeaTila huminto ang mundo ko nang marinig ang pangalang laman pa rin ng isipan ko. Ang boses na iyon ay malinaw, matalim na siyang saktong tumama sa pandinig ko. Sandaling tumigil ang lahat ng paghinga ko, parang gusto kong humakbang pababa at komprontahin sila pero mas nanaig ang pananatili ko sa kinatatayuan ko ngayon.Nagkubli ako sa parte ng hagdanan na hindi nila masyadong mahahalatang narito ako. Bahagya ko lang silang naaaninag subalit nararamdaman at nakikita ko pa rin ang bawat kilos nila. Relax lang si Winston pero dama ko ang tensiyon sa boses at kilos nila ni Alonzo.“Imelda Alicante,” Winston said, typing quickly, his voice sharp. “She’s not just meeting friends on weekends. Money is moving…”“Shit,” I whispered under my breath, hawak ko yung railing para hindi ako mawalan ng balanse habang unti-unting nanlalambot ang mga tuhod ko. My chest felt heavy, parang may mabigat na nakadapong sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong natakot at na-curious nang s

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 41

    AlonzoThe sun was already creeping through the villa’s tall windows when I finally opened my eyes. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko sa kakulangan ng tulog ng ilang gabing pinag-aaralan ko ang kasong kasalukuyan kong hinaharap. Naalala ko na lang na pasado alas-tres na ng madaling araw ako nakatulog matapos ang pagbubuklat ng mga file ni Lazzari sa study room. Sa isang leather chair na ako inabutan na parang binagsakan ng mundo.I was so desperate to know the truth and to keep my wife away from these demons. Gayunpaman, haharapin ko ito na hindi siya kasama at ilayo siya sa kapahamakan. Tinapunan ko ng tingin si Bea na mahimbing pa rin natutulog. Inilapit ko ang aking sarili sa kaniya saka mariing pinagmasdan ang maamo niyang mukha. I slowly kissed her forehead. Inihawi ko rin ang ilang hibla ng buhok niyang natatakpan ang kaniyang mata, and then I slightly smiled. Maya-maya pa ay kumilos na ako upang muling simulan ang araw na ito.Pasado alas-syete ng umaga ay nasa sala ako, hawak a

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 40

    AlonzoMatapos ang tawag na iyon mula kay Brandon, hindi na ako makatulog. Si Bea naman ay payapang natutulog na sa kuwarto pero ang diwa ko ay gising na gising. The moment I closed my eyes; the name echoed in my head like a curse—Leonardo Lazzari.I slipped quietly out of bed, careful not to wake her. She looked so peaceful, curled up against the pillows, unaware of the storm that was circling around her life. I pressed a kiss on her forehead before leaving the room.Nagtungo ako sa study room ng villa, binuksan ko ang aking black case. Inside were folders, maps, photographs, and a thick file I had guarded for years. The file I could never burn, no matter how much I wanted to.Leonardo Lazzari.The name was stamped in bold on the first page.A man who once walked Turin in luxury, respected in business, feared in silence. Pero sa likod ng maskara ng isang successful businessman, siya ang pinakamalaking demonyo sa Italy—drug trafficking, arms dealing, human smuggling. Lahat ng kasamaan

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 39

    BeaTahimik akong nakatanaw sa labas ng bintana habang umaakyat ang sasakyan sa mahabang kalsada. Malamig na ang simoy ng hangin kahit tanghali pa lang, at unti-unti nang lumalayo ang isip ko sa iniwang kaba. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang bigat sa dibdib ko. Hindi mawala sa isipan ko ang passbook na nakita ko sa bahay, ang SUV, at ang nanay ko.“Relax,” biglang sabi ni Alonzo, mababa at buo ang boses niya. “I can feel your heartbeat from here, Bea. Parang may hinahabol ka.”Napalingon ako sa kanya, halos magtama ang aming mga mata. “Paano mo nasabi?”Ngumisi siya ngunit tipid lang pero sapat para kumabog lalo ang dibdib ko. “Your hands…you’ve been gripping your bag like it’s your lifeline. Cara… non voglio che tu porti pesi che non sono tuoi (I don’t want you to carry burdens that aren’t yours).”Natigilan ako. Ang bawat salitang Italian na binigkas niya ay parang musika sa pandinig ko. Ang himig at accent niya ay parang bumabalik ako sa mga panahong nasa Italy pa ako bilang OFW.

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 38

    BeaInaayos ko ang lahat ng mga maiiwan ko rito sa bahay habang si Alonzo naman ay nagpaalam muna na may aasikasuhin. Hindi niya nabanggit kung ano ang bagay na gagawin niya at ayoko rin naman mag-usisa. Habang nagliligpit ako sa kwarto ng mga magulang ko, may nakita akong bagay na ipinagkunot-noo ko. Isang bank book na sa pagkakaalam ko ay hindi sa akin o sa kanila. Out of curiosity, I picked it and opened the thing. Bumungad sa akin ang laman ng mga halagang pumapasok sa bank book na iyon. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kong nakapangalan ito sa nanay ko. Sa pagkakatanda ko ay wala akong pinagawang bank book para sa kaniya dahil ang lahat ng mga perang ipinapadala ko ay sa atm lang pumapasok.Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko at may halong pagdududa. Saan nakuha ng nanay itong bank book na ito? At sino ang nagpapasok ng pera rito?“Bea!” tawag ng nanay ko.Dali-dali kong ibinalik ito sa pinaglagyan na hindi mahalata ng nanay kong pinakialaman ko iyon.“Yes, ‘

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status