Share

Chapter 6

Author: Magzz23
last update Huling Na-update: 2024-07-09 23:04:56

Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko habang nakatitig ako sa malaking salamin sa kwarto ko. Iniisip kong panaginip lang ang lahat pero kahit anong gawin ko, nangyari iyon. Ilang beses ko rin dinama ng daliri ko ang aking mga labi kung saan lumapat ang mga mapupulang labi ni Alonzo Montecarlos.

Damn it! Totoo ba iyon? Tulala na lang ako kagabi matapos niya akong hinalikan at basta na lang umalis na wala man lang ibang sinabi. Walang sinumang lalaki ang nagtangkang humalik sa akin maliban sa kaniya. Hanggang ngayon ay tila nalasahan ko pa rin ang tamis ng halik ng mapupulang labi niya kahit sandaling segundo lang itinagal niyon.

“Bea!”

“Ay, p**i!” untag ko at nagulat na rin.

“P**i mo rin!” mabilis naman niyang tugon.

Bumalik ako sa kasalukuyan nang biglang naroon na si Lizzie na ginulat ako. “Bakit ka ba nanggugulat? Tuloy kung ano na lang lumabas sa bibig ko,” inis ko sa kaniya.

Te, kanina ka pa diyan sa harapan ng salamin at tulaley. Kanina pa kita napapansin at ni hindi ka man lang kumukurap. Anong nangyari sa iyo? Siguro may nangyari na sa inyo ni Alonzo, ‘no?”

“Ano ba iyang pinagsasabi mo?” balik kong tanong sa kaniya na may halong inis. “Walang nangyari sa amin at kailanman walang mangyayari sa amin. Nag-iisip lang ako sa…sa magiging sitwasyon namin oras na sa poder na niya ako titira,” pag-iiba ko. Ayokong sabihin sa pinsan ko ang totoong nangyari kagabi at baka tampulan lang ako ng tukso niya.  

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inayos ang aking mga gamit. Magkikita kami ni Alonzo ngayon para sana ayusin ang wedding preparation. Si Lizzie naman na pinagmasdan lang ako sa ginagawa ko habang nakaupo siya sa gilid ng aking kama.

“Imposibleng hindi ka bibigay sa isang iyon, sis. Ang gwapo kaya niya at ang lakas ng karisma. Kahit sinong babae ma-ibang lahi man o pinay, magkakagusto sa isang iyon. Nagtataka lang ako kung bakit iniwan siya ng modelong iyon gayong perpekto na si Alonzo. Gwapo na mayaman pa,” pagpapatuloy naman niya.

Napabuntong-hininga ako. “Hindi lahat ng kaloob ng diyos ibibigay sa iyo. Iyong deal namin, personal na dahilan iyon. Ayokong haluan ng kung anong bagay,” pinagdidiinan ko pa rin ang palagay ko sa sitwasyon namin ni Alonzo.

“Hay. Ikaw ang bahala. Basta kapag tagilid na ang sitwasyon niyo, kumalas ka na. Mahirap iyan kapag bigla ka na lang nakaramdam ng kakaiba para kay Alonzo at iyong tao ay inlove pa rin sa ex niya, hindi madaling kumawala. Sige…” Tumayo na rin siya. “Mag-ingat ka na lang. Just call me if you need anything. Day off ko naman ngayon.”

Humarap ako sa kaniya habang isinabit ko sa balikat ko ang shoulder bag na dadalhin ko. “Salamat, sis. I need to go na. Baka umusok na naman ang ilong ng isang iyon.”

“Sige...” Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Bakit?” puna ko. “May mali ba sa suot ko?”

“Grabe. Mula noong nakilala mo ang Alonzo na iyan, pati ang normal mong pananamit nagbago na,” puna rin niya. “Gumanda ka ngayon kumpara sa dati. Natuto ka ng mag-ayos sa sarili mo.”

“Kailangan eh. Kailangan daw na magmukha akong tao. Sige na at baka ma-late ako.”

Hindi ko na hinintay ang tugon ng pinsan ko at nagmamadali na akong tumungo sa lugar kung saan kami magkikita ni Alonzo. Hindi rin niya ako nasundo dahil may dadaanan pa siya kaya nagpresenta na lang akong mag-commute.

Sa isang sikat na restaurant sa Milan kami magkikita ni Alonzo. Nasa labas lang ako ng restaurant at nagdadalawang-isip na pumasok. It was a high-class restaurant in the middle of the heart in Milan. Kahit ang mga ordinaryong Italyano ay hindi afford ang mga pagkain sa loob dahil may kamahalan nga naman.

Humugot pa ako ng malalim na buntong-hininga upang lakasan pa ang loob kong pumasok sa establisyemento na ito. Pasimple rin na niyakap ko ang aking sarili dahil manipis lang na sweater ang suot ko. Sa pagmamadali ko kanina ay naiwan ko ang aking jacket. Winter na at dama ko na ang malamig na panahon sa buong lugar. Subalit bago pa man ako humakbang ay may isang baritonong boses ang nagsalita sa likuran ko.

“Are you not going inside?”

Bigla ko siyang nilingon. “A-Alonzo…” mahinang usal ko. “I-Ikaw pala.” Napuna kong biglang kumunot ang noo niya at sumeryoso bagay na ipinagtaka ko.

“Do you know that we have an average temperature today?” tanong niyang may halong kasungitan na naman ang boses. Marahan niyang tinanggal ang kaniyang grey coat saka ipinasuot sa akin.

Nagulat ako sa ginawang ito ni Alonzo. Nais ko sanang tumutol pero may isang bahagi ng isipan ko ang pumipigil. Habang inaayos niya ang kaniyang coat sa akin tila slow motion ang pangyayaring ito habang nakatitig ako sa kaniyang mukha.

I felt trembling when his hands touched my skin and his massive eyes rolled around my face. Nakaramdam ko tuloy ang kaunting hiya sa ginagawa niya. Ngayon lang din naman ako nakaramdam na may isang lalaking kaya akong tingnan bilang isang babae.

“Sa susunod, magdala ka ng coat mo. Magkakasipon ka sa ginagawa mong iyan,” pangangaral na may kasamang inis sa sinabi niya.

“Nakalimutan ko dahil nagmamadali akong pumunta rito,” mahinang tugon ko. Iniba ko ang aking tingin dahil dama ko ang awkwardness lalo na iyong gabing may ginawa siya.

“Let’s go inside.” Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin upang alalayan ako.

Napasulyap lang ako sa kamay niyang iyon at nagdadalawang-isip din na tanggapin ito.

“Pauline was inside together with her fiancée. Ipakita natin sa kaniya kung ano ang naging deal nating dalawa. This is also your chance to do your part as my soon-to-be wife. Gets mo naman siguro ang nais kong tukuyin.”

Akala ko ay ano na pero parte lang pala ito ng pagpapanggap. Ano pa ba ang aasahan ko na maging makatotohanan ito? Marahan kong iniangat ang aking kamay upang tanggapin ang kamay niyang nakalahad. Inangkla ko na rin ang kamay ko sa kamay niya habang papasok kami sa loob ng restaurant. Marahil ay sinadya rin ni Alonzo na dito kami magkita ng ka-meeting niya at nandito ang ex niya.

Taas-noo naman akong pumasok sa loob habang magkadikit ang aming mga katawan. Kahit hindi ako sanay sa gesture ni Alonzo, pakiwari ko ay nakaramdam ako ng kaunting kilig. Naramdaman ko na ganito pala kapag may isang lalaking umalalay at tila ipinagmamalaki ka. Sa pagkakadikit nga ng aming katawan, hindi naiwasang nag-init ang pisngi ko. Subalit pilit kong inalis ang pakiramdam na iyon dahil nandito ako upang magpanggap. Magpapanggap ka lang, Bea.

Hindi ko na pinansin ang sitwasyon namin at iginala ko na lang ang paningin ko sa kabuuan ng naturang restaurant. Mula sa entrada ay kitang-kita ko na sina Pauline at ang marahil fiancée niya na may dalawang kausap na babaeng Italyana. Hindi ko pinahalata na sa kanila ako nakatingin habang namalayan ko na lang na nasa baywang ko na pala ang kamay ni Alonzo at inaalalayan ako.

Lumihis kami at sa kabilang dulo naman ang aming direksiyon. May dalawang taong naghihintay din sa amin doon at nang makita kami ay agad din nagsitayuan. Malawak ang pagkakangiti ng mga ito kay Alonzo at agad nakipagkamay sa aming dalawa.

Nakilala ko sila bilang mga wedding organizer para sa gaganaping kasal. Nang makaupo kami, halos si Alonzo na ang nakikipag-usap sa mga ito. Tanging pagtango na lang ang ginawa ko bilang pagsang-ayon sa mga gusto niyang mangyari sa simpleng kasal.

“Please excuse me. I will go to the bathroom,” paalam ko kay Alonzo at sa mga kausap namin. Tumango naman ang binata bilang tugon saka ako tumayo upang maglakad patungo sa banyo.

Pagkalabas ko naman ng cubicle, napuna ko ang pigura ng babaeng nag-aayos ng kaniyang lipstick sa salamin—si Pauline. Sumulyap pa siya sa akin at binigyan ako ng isang payak na ngiti. Pulang-pula pa ang lipstick niyang gamit habang hapit na hapit naman ang damit niyang suot na bumagay naman sa maputi niyang kutis.

“Hi,” bati niya sa akin. “You’re Bea, right?” malambing niyang tanong.

“Hi,” tugon ko sabay tumango upang itama ang pagkasabi niya. “Ako nga.”

“It seems that your wedding venue will be here, right? Nakita ko kasi na iisa lang din ang wedding coordinator ang kinuha natin. I’m glad that Alonzo finally found his match. But I was wondering why is it that he found his match so early. Ngayon pa talaga na ikakasal ako at dito pa mismo gaganapin sa restaurant na ito,” wika niya na may halong patama at tamang hinala.

“Baka nagkataon lang. Alonzo and I decided this place ‘coz this is so meaningful to us. Dito kasi kami unang nagkakilala at dito rin namin napagkasunduang gaganapin ang pag-iisang dibdib namin,” pormal ko namang tugon at hindi nagpahalatang imbento ko lang ang mga sinabi ko. Sa kasagsagang ng malakas na ulan ko nga nakilala ang lokong lalaking iyon. Hindi pa nga ako binigyan ng tip.

“Really? What a coincidence?! You know, Bea, dito sana namin balak ikasal ni Alonzo noon. But you know, we aren’t meant to each other. Though he was hands-on in your wedding preparation. Lucky you. And that’s so sweet.”

“Hindi—I mean… M-Maswerte ka rin naman noon sa kaniya. K-Kung kayo ang nagkatuluyan marahil ay ganito rin siya sa iyo.”

“But he’s yours now, Bea. I left him because I felt I was alone in our relationship. Negosyo lang niya ang iniisip niya at lahat ng desisyon ay siya ang masusunod. Kaya kung ako sa iyo, kung ano man ang tama, panindigan mo.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Bea, makes him happy for me, please.”

“Huh?” Naguluhan ako sa tinutukoy niya at kakaibang ugali ang pinakita sa akin ni Pauline.

“Oh, I have to go.” Saka siya nakipagbeso sa akin. “Gracias,” bulong niya saka malawak na ngumiti. Kumaway pa siya bago nilisan ang restroom.

Nahiwagaan ako. Ang inakala kong Pauline na ex niya ay kontrabida at hindi kagandahan ang ugali pero kakaiba ang pinakita niya. Sinusuportahan pa niya kung ano ang mga binabalak ni Alonzo para sa aming dalawa. Tama ba ang nakikita ko, masaya pa siya dahil nakahanap si Alonzo ng babaeng pakakasalan nito. Tekanagkakamali ka, Pauline. I-Ikaw ang gusto niyang pakasalan at hindi ako…

Naghugas ako ng kamay at nagmamadaling kinuha ang tissue upang punasan ang basa kong kamay. After that, I went out to the restroom. Nais ko sanang puntahan si Pauline para sana ipaliwanag pa ang tungkol sa kanila ni Alonzo ngunit huli na dahil paalis na sila ng fiancée niya. Hahakbang na sana ako pero agad akong sinundan ni Alonzo malapit sa restroom kaya nagulat na lang din akong napalingon sa kaniya.

“Alonzo…”

“Why you took so long?” tanong niya sabay sinulyapan ang gawi nina Pauline na naglakad na palabas ng restaurant.

“Nakausap ko siya,” sabi ko. Agad din naman siyang sumulyap sa akin kasabay ng pagkunot ng kaniyang noo. “Hindi kami gaanong nagkausap noong dinner natin ng parents mo pero natandaan niya ang pangalan ko. M-Mabait siyang tao sa tantiya ko, Alonzo. Natutuwa pa nga siya na ikakasal ka na sa iba pero sabi ko naman na kung naging kayo mas lalong magiging masaya ka.”

“And then?”

“And then umalis na siya at lumabas ng restroom. Feeling ko mahal ka pa niya. I did my best na ilapit ang loob niya sa iyo at baka sakaling mag-iba ang desisyon niya.”

Mariin lang akong tiningnan ni Alonzo habang ipinapaliwanag ko sa kaniya ang pagtatagpo namin ni Pauline. Hindi ko alam kung naging kumbinsido siya sa naging paliwanag ko sa ex-girlfriend niya.

“That’s it?” tanong niya saka ako tumango. “Then let’s go.”

“Ha? H-Hindi pa natin tapos kausapin iyong wedding—”

Nagpatiuna na si Alonzo na maglakad palabas ng restaurant habang sumulyap pa ako sa kinaroroonan namin kanina. Wala na ang mga kausap niya roon at mukhang tapos na silang mag-usap. Lintik! Hindi man lang nag-ayang kumain kami rito? Sinundan ko na lang ang wala sa mode na binata at nang nasa labas na ako ng restaurant ay naghintay na pala siya sa parking area. Nagmamadali rin akong sundan siya at pumasok sa kaniyang kotse.

“Sa train station mo na lang ako ibaba, Alonzo. Baka may pupuntahan ka pa—”

“We will have our lunch along the road and dinner in Paris together.”

“Ha? Sa Paris?” shocked kong sabi at namilog ang mga mata ko. “P-Pero ang layo ng Paris dito, Alonzo. You will drive this car to Paris for almost seven hours?!”

“And who told you I will drive this car all out the trip?” pagsusungit na naman niya. Minaniobra na nga niya nang mabilis ang sasakyan. Sumulyap siya sa akin na may ibig sabihin. Isang tingin na madalas niyang ginagawa kapag seryoso na siya. “I will use my chopper.”

“Chopper…” mahinang usal ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Magzz23
Welcome. Mamaya ulit.
goodnovel comment avatar
DENZ
haha ang yabang m alonzo ha,..naku bea baka ma nlove k pag c alonzo ang magpalipad ng eroplano hehe tnx s ud author
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 43

    BeaMainit pa rin ang balat ko nang nakayakap ako kay Alonzo, parehong pawis at pagod matapos ang pagniniig. The room was quiet, only our breaths filling the space. His hand lazily traced circles on my hip, at sa bawat dampi niya, parang gusto kong paniwalaan na wala nang ibang mundo kung ‘di kaming dalawa lang.“Hmm,” bulong niya, nakangisi habang hinahalikan ang gilid ng leeg ko. “I should tire you out more often.”I chuckled, swatting his chest lightly. “Arrogant.”But I smiled. Sa totoo lang, sa mga sandaling ganito, ang dali niyang mahalin. Na para bang lahat ng bigat na dala niya, lahat ng unos na hindi niya sinasabi, nawawala kapag magkasama kami.“Let’s get out of here,” he whispered, pressing another kiss on my forehead.“Where?” tanong ko sabay nakataas ang kilay.He smirked. “Somewhere in this place. Horses. Fresh air. Maybe some strawberries, kung swerte tayo.”Napatawa ako, half surprised. “Horses? Strawberries? Really? Kailan nagkaroon ng strawberries dito sa Tagaytay? H

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 42

    BeaTila huminto ang mundo ko nang marinig ang pangalang laman pa rin ng isipan ko. Ang boses na iyon ay malinaw, matalim na siyang saktong tumama sa pandinig ko. Sandaling tumigil ang lahat ng paghinga ko, parang gusto kong humakbang pababa at komprontahin sila pero mas nanaig ang pananatili ko sa kinatatayuan ko ngayon.Nagkubli ako sa parte ng hagdanan na hindi nila masyadong mahahalatang narito ako. Bahagya ko lang silang naaaninag subalit nararamdaman at nakikita ko pa rin ang bawat kilos nila. Relax lang si Winston pero dama ko ang tensiyon sa boses at kilos nila ni Alonzo.“Imelda Alicante,” Winston said, typing quickly, his voice sharp. “She’s not just meeting friends on weekends. Money is moving…”“Shit,” I whispered under my breath, hawak ko yung railing para hindi ako mawalan ng balanse habang unti-unting nanlalambot ang mga tuhod ko. My chest felt heavy, parang may mabigat na nakadapong sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong natakot at na-curious nang s

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 41

    AlonzoThe sun was already creeping through the villa’s tall windows when I finally opened my eyes. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko sa kakulangan ng tulog ng ilang gabing pinag-aaralan ko ang kasong kasalukuyan kong hinaharap. Naalala ko na lang na pasado alas-tres na ng madaling araw ako nakatulog matapos ang pagbubuklat ng mga file ni Lazzari sa study room. Sa isang leather chair na ako inabutan na parang binagsakan ng mundo.I was so desperate to know the truth and to keep my wife away from these demons. Gayunpaman, haharapin ko ito na hindi siya kasama at ilayo siya sa kapahamakan. Tinapunan ko ng tingin si Bea na mahimbing pa rin natutulog. Inilapit ko ang aking sarili sa kaniya saka mariing pinagmasdan ang maamo niyang mukha. I slowly kissed her forehead. Inihawi ko rin ang ilang hibla ng buhok niyang natatakpan ang kaniyang mata, and then I slightly smiled. Maya-maya pa ay kumilos na ako upang muling simulan ang araw na ito.Pasado alas-syete ng umaga ay nasa sala ako, hawak a

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 40

    AlonzoMatapos ang tawag na iyon mula kay Brandon, hindi na ako makatulog. Si Bea naman ay payapang natutulog na sa kuwarto pero ang diwa ko ay gising na gising. The moment I closed my eyes; the name echoed in my head like a curse—Leonardo Lazzari.I slipped quietly out of bed, careful not to wake her. She looked so peaceful, curled up against the pillows, unaware of the storm that was circling around her life. I pressed a kiss on her forehead before leaving the room.Nagtungo ako sa study room ng villa, binuksan ko ang aking black case. Inside were folders, maps, photographs, and a thick file I had guarded for years. The file I could never burn, no matter how much I wanted to.Leonardo Lazzari.The name was stamped in bold on the first page.A man who once walked Turin in luxury, respected in business, feared in silence. Pero sa likod ng maskara ng isang successful businessman, siya ang pinakamalaking demonyo sa Italy—drug trafficking, arms dealing, human smuggling. Lahat ng kasamaan

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 39

    BeaTahimik akong nakatanaw sa labas ng bintana habang umaakyat ang sasakyan sa mahabang kalsada. Malamig na ang simoy ng hangin kahit tanghali pa lang, at unti-unti nang lumalayo ang isip ko sa iniwang kaba. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang bigat sa dibdib ko. Hindi mawala sa isipan ko ang passbook na nakita ko sa bahay, ang SUV, at ang nanay ko.“Relax,” biglang sabi ni Alonzo, mababa at buo ang boses niya. “I can feel your heartbeat from here, Bea. Parang may hinahabol ka.”Napalingon ako sa kanya, halos magtama ang aming mga mata. “Paano mo nasabi?”Ngumisi siya ngunit tipid lang pero sapat para kumabog lalo ang dibdib ko. “Your hands…you’ve been gripping your bag like it’s your lifeline. Cara… non voglio che tu porti pesi che non sono tuoi (I don’t want you to carry burdens that aren’t yours).”Natigilan ako. Ang bawat salitang Italian na binigkas niya ay parang musika sa pandinig ko. Ang himig at accent niya ay parang bumabalik ako sa mga panahong nasa Italy pa ako bilang OFW.

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 38

    BeaInaayos ko ang lahat ng mga maiiwan ko rito sa bahay habang si Alonzo naman ay nagpaalam muna na may aasikasuhin. Hindi niya nabanggit kung ano ang bagay na gagawin niya at ayoko rin naman mag-usisa. Habang nagliligpit ako sa kwarto ng mga magulang ko, may nakita akong bagay na ipinagkunot-noo ko. Isang bank book na sa pagkakaalam ko ay hindi sa akin o sa kanila. Out of curiosity, I picked it and opened the thing. Bumungad sa akin ang laman ng mga halagang pumapasok sa bank book na iyon. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kong nakapangalan ito sa nanay ko. Sa pagkakatanda ko ay wala akong pinagawang bank book para sa kaniya dahil ang lahat ng mga perang ipinapadala ko ay sa atm lang pumapasok.Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko at may halong pagdududa. Saan nakuha ng nanay itong bank book na ito? At sino ang nagpapasok ng pera rito?“Bea!” tawag ng nanay ko.Dali-dali kong ibinalik ito sa pinaglagyan na hindi mahalata ng nanay kong pinakialaman ko iyon.“Yes, ‘

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status