Share

CHAPTER 5


'WORRYING will never change to outcomes.'

-unknown

***

PLEASE, LEAVE.

Nakarating na ang dalawang magkakaibigan sa mismong destinasyon nila.

Nakatingin sa mga bahay-bahay na dikit-dikit.

Noong una hindi siya naniniwala na may ganitong squatters sa kanilang siyudad.

Ngunit nagkakamali siya, marami pa pala siyang hindi alam sa lugar na kinatatayuan niya.

"Paano ba iyan pasok na tayo?" Simulang saad ni Daxon.

Napatango na lamang siya sa sinabi nito at hinarap na ang daan papasok sa Squatter Area.

May humarang naman sa kanilang mga tambay roon.

Siguro sila ang nagbabantay ng Squatter Area nila at hindi ang mga barangay tanod.

"Anong kailangan ninyo sa lugar namin? Hindi naman kayo halatang taga gobyerno, kaya sino kayo at anong ginagawa ninyo rito?" Iyon agad ang bungad ng nasa gitnang lalake matapos makalapit sa kanila.

Kapansin-pansin naman na matino ang kanilang kasuotan. Ang pagkakaiba nga lamang ay ang mga tattoo nila na kulang na lang lagyan ang buong katawan.

At ang buhok nila ay parehas ang kulay, blonde kumbaga.

"Ako si Rei Zax isang empleyado ng RTC Company. Isang kompanya para sa media at para sa pagsulat ng kakapulutan ng iba kapag nabasa ang libro. At ito naman si —"

"I'm Daxon Iñivera, just call me Xon. Assistant ako nito, slash bestfriend na rin. Nandito kami para sa taong may pangalan na 'Asul' daw. Kilala ninyo siya?"

Nagkatinginan naman ang limang magkakaibigan bago muling harapan sila.

"Kayo pala ang kakausap sa babaeng iyon. Kung gusto ninyo samahan na namin kayo?"

Napalingon naman ang dalawa sa isa't isa. Napatango naman sila sa sinabi nito.

Akala nila katulad ito ng mga tambay sa kanto na kung sinong makapangyarihan.

Maganda naman pala rito. Kaso ang ipinagtataka nila ang sinabi nito.

"Babae po?/ a girl?"

Sabay na saad nilang dalawa. Hindi makapaniwala na babae pala ang kanilang kakausapin ngayon.

"Wala ba kayong alam sa kakausapin ninyo?"

Tanong naman na pabalik noong kasamahan na lalake. Kung ang unang nagsalita ay may matchong katawan, ang isa namang ito ay payat na makikitaan na talaga ng buto sa kamay.

Napailing-iling naman sila dahil wala naman silang alam tungkol dito.

Masyadong malihim ang kanilang supervisor, kailangan ikaw ang makaalam sa trabaho mo.

Kailangan madiskarte ka para malaman mo lamang ang totoo.

"Wala naman sa amin sinasabi. Kami mismo raw ang mag-aalam sa pupuntahan namin."

"Ganon ba," napatango-tango na lamang ito sa kaniyang sinabi. "Tara na, baka umalis pa iyon ngayon. Tuwing sumasapit ang alas tres pumupunta ang babaeng iyon sa may lawa sa likod nitong Squatter. Doon kami naliligo kung minsan kapag wala kaming tubig sa lugar." Dagdag pang saad nitong payat na lalake.

Napanganga na lamang ang dalawa sa sinabi nito at muling tinikop nang mapagtanto nila ang kanilang ginawa..

Dahil sa labis na kahihiyan, nagsimula na sila sa paglalakad.

Narinig nila ang pagtawa ng ilan sa kasamahan nito at sumunod din sa kanila.

Nilakad nila ang tuwid na daang ito na kinapapaligiran ng mga bahay ng magkakapit-bahay.

At may napapansin din sila na iba na nagpapractice ng sayaw sa lilim ng manggang mataas sa gitna nitong nagkukumpulang bahay.

'Astig ah'

"Akala mo normal na tahanan lamang ito. Tingnan mo iyon 'o, marami nang bunga ang mangga tapos iyong mga bata nagsisiakyatan na. Ang astig! Napakasarap talagang bumalik sa pagkabata."

Tinuro ni Daxon ang mangga na hitik na hitik sa bunga.

At ang mga bata na nagkakanyahan na sa pag-akyat para lamang makakuha rin sila ng kanila.

Parang normal na lugar lamang ito, kapansin-pansin na walang nag-aaway o nag-iinuman sa tabi.

Isa itong lugar para sa mga taong gusto ng tahimik na pamumuhay.

"Oo nga 'e. Nasan na ba tayo?" Nilibot niya ang kaniyang paningin at napansin niya na malapit na sa pinakadulo nitong Squatter.

"Nandito na tayo." Tugon naman ng lalakeng matcho.

Napatango na lamang siya sa sinabi nito at pinagmasdan ang kabuuan nitong maliit na bahay.

Nakabukas ang pintuan kung kaya't pumasok sila sa loob.

Akala niya nag-iisa lamang ito. Kaso nakita niya na may dalawa pa rito.

Mahuhulaan na mga bata pa ito, siguro nasa edad na labing walo pababa.

Nang makita sila ng dalawang babae ay nagmadali itong lumabas sa room.

Napalayo naman sila nang tuluyan sa pintuan para bigyan ng daan ang lumabas.

"G-grabe...hindi naman tayo rapist pero kung makareact sila sa atin wagas."

Naiiling na saad nitong si Daxon.

Napangiti na lamang nang tipid si Rei Zax at nilibot nang muli ang kaniyang paningin sa paligid.

Tumigil lamang ang kaniyang tingin sa taong may hawak-hawak na laptop.

Tutok na tutok ito sa ginagawa. Parang wala itong naramdaman na tao sa pagpasok.

Dumako naman ang kaniyang paningin sa tabi nitong mga larawan.

Tila tumigil ang kaniyang mundo nang makumpirma ang mga ito.

Hindi siya nagkakamali. Alam niya kung sino lamang ang meron nito.

Mga litrato,

Mga alaalang nakatatak dito.

Napahawak na lamang siya sa kaniyang bibig.

Pinpigilan ang emosyon na gustong kumawala.

For two years of searching her,

For two years of missing her.

Dito lamang pala niya makikita ang matagal na niyang hinanahanap.

'Sinadya ba talaga niyang dito manirahan para hindi ko siya mahanap. Laishia, bakit ka ba nagkakaganyan?'

Nagtatanong na kaniyang isipan.

Naghahanap ng sagot ngunit walang sinuman ang nagsasabi ng dahilan.

"Laishia."

Sambit niya sa pangalan na matagal na niyang gustong sambitin sa mismong tao na iyon.

Ang kaibigan naman niyang si Daxon ay nagtataka na. Maging ang mga kasama nila na pumunta rin dito.

Pabaling-baling ang tingin ng mga ito sa kaniya at sa babaeng humarap sa kanila.

Maging ito ay nagulat din nang makita siya.

May namumuo na ring luha sa mga mata nito.

Anytime lalabas nang muli. Kagaya lamang ng dati nitong ginagawa.

"Zack."

Sa sinambit nito. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig.

Hindi siya makapaniwala, hindi niya alam kung maniniwala pa ba siya.

'Bakit dito? Bakit dito pa kita mahahanap? Ano bang nangyari sa iyo noong mga panahon na nilisan mo ako? Laishia, malaki ba ang pagkukulang ko?'

Gusto niyang sambitin ang mga katagang ito sa mismong harapan ni Laishia.

Pero na'pipi siya, hindi siya makapagsalita dahil sa sobrang gulat.

May kinalaman ba ang CEO nila?

Sinadya ba talaga nito na magkita sila at hindi sabihin sa kaniya ang pakay nila rito?

Kung ganon, bakit hindi nila sinabi?

Sana handa siya.

Sana may lakas pa siya na makita ito.

"Why here?"

At sa wakas nakapagsalita na rin siya matapos ang limang minuto na tahimik lamang.

Si Daxon naman ay naintindihan na rin ang nangyayari, kung kaya't umalis muna ito upang bigyan nang pribadong pag-uusap ang dalawa.

Ang iba rin ay sumama sa paglisan sa labas ng bahay na ito.

"I-I'm...I'm sorry."

"Ano na bang nangyayari sa atin? Sabi mo ayaw mo akong mawala, pero bakit ngayon pinaparamdam mo sa akin na napakawalang kwenta ko. Sana man lamang sa mga panahon na iyon binigyan mo ako ng pagkakataon, sana naituwid pa natin. Alam kong marami akong kasalanan sa iyo, pero hindi iyon dahilan para dumating sa ganito na makikita kita sa lugar na ito."

"Zack...w-wala kang kasalanan." Pagpapatahan nito sa kaniya sa pagsasalita. "Ako! Ako ang may kasalanan kaya iniwan kita, para mapagbago ko ang buhay ko at bumalik sa iyo na nasa normal na pag-iisip na ako. I leave you cause I want to change!"

"Iyon na nga 'e! Sana sinabihan mo ako, sana nandiyan ako sa tabi mo. Inaalagaan at pinupuntahan para maisip mo na mahalaga ka pa. Tatanggapin naman kita 'e...tatanggapin ko kung ano ka ba, dahil pinangako ko na sa iyo noon na hindi kita iiwan. Bakit ganon?"

Lumapit ito sa kaniya nang dahan-dahan. Kung noon siya ang gumagawa nito,

Ngayon ito naman ang gumagawa.

"Alam kong mali ako. Na'realize ko sa pag-alis ko na bobo ako sa ginawa ko, iniwan kita kasi akala ko doon ako sasaya. Pero hindi pala, sa tuwing mag-isa ako sa ilog naaalala ko ang mga panahon na kasama pa kita."

"I don't want to be a dramatic person right now. I just want to know why? Why are you being like this? I want to know to real reason of it."

Yumuko naman ito sa kaniya.

Ganon pa rin ang ginagawa nito kapag tinatanong na niya sa dahilan nito.

Kung noon kaya niyang hayaan si Laishia, ngayon hindi na niya titigilan ang isang ito na malaman ang totoo.

"Hindi ko na pipigilan pa ang sarili ko na magtanong sa iyo. Kukulitin kita kahit kailan ko gusto para sabihin mo, tutal naman nandito rin ako para malaman kung paano mo naisulat ang magandang kwento. At ano ba ang tunay na buhay mo."

Mukha itong nagulat sa kaniyang sinabi.

Ngunit isang ngisi lamang ang kaniyang ibinigay.

May magandang maidudulot din pala ang misteryosong aralin nila.

Isa na rin itong daan para malaman niya ang totoo.

Kahit na umayaw ito, hindi siya titigil.

Kung kaya mag-iba ng mga tao, ganon din siya.

"H-hindi...hindi ko pa kaya."

"ANO BA LAISHIA?! KAILAN KA BA LALABAS SA MADILIM NA LUGAR NA KINAROROONAN MO? SINABI KO NANG NANDITO AKO PARA TANGGAPIN AT MAHALIN KA PERO IKAW MISMO ANG NAGPAPALAYO SA MGA TAONG MAHALAGA SA IYO. NAKAKAPUSANG INA NA KASI 'E. NAKAKABWISIT ALAM MO 'YON? KUNG GUSTO MO NA MAY MAKAINTINDI SA IYO, SANA SABIHIN MO! HINDI IYANG KIKIMKIMIN MO LAMANG DIYAN SA SARILI MO!"

Napasabunot na lamang siya sa kaniyang sarili at nagpaikot-ikot sa harapan nito.

Lumabas na talaga ang kaniyang pinipigilan na emosyon kapag galit siya.

Hindi niya magawang kontrolin ang sarili kapag sobra na siya.

Sobra na ang kaniyang nararamdaman sa dibdib.

"Z...Zack."

Halata sa mukha nito ang gulat. Hindi makapaniwala na sisigawan niya ito nang malakas sa mismong mukha nito.

Napahilamos na lamang siya sa kaniyang mukha.

Kinuyom ang mga kamao.

Gusto niyang suntukin ang pader, kaso masyadong marupok.

Maging dahilan pa ito ng away sa ibang naninirahan.

"Please...please, Laishia." lumapit siya sa harapan nito at niyakap ang dalaga. Mukha namang nagulat si Laishia sa ginawa niya, para itong natuod sa kinatatayuan. Hindi makareact sa ginawa ng kaibigan. "Leave your comfort zone now. Huwag kang masyadong mag-alala sa mga sasabihin ng iba. Kahit ngayon lang, intindihin mo naman ang sarili mo. Intindihin mo ang mga taong naniniwala at nagmamahal sa iyo nang totoo. Dahil maski ako, nasasaktan kapag nakikita kang nagkakaganyan. Gusto kitang tulungan, alam mo ba iyon. Kaya tulungan mo rin ang sarili mo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status