CHAPTER 74 – Shattered VowsTahimik ang buong bahay matapos magsara ang pinto. Sa itaas, nanatiling nakasiksik si Elle sa likod ng guestroom door. Nanginginig pa rin ang tuhod niya, habang pinipilit pigilan ang mga hikbi. Ramdam niya pa ang pwersa ng boses ni Knox na ilang minuto lang ang nakalipas ay halos yumanig sa buong bahay.Pero kasabay ng takot, may bigat na hindi na niya kayang itago. Mula pa kanina, habang nagbabanggaan ang tinig nina Nathan at Knox, alam niyang hindi siya puwedeng manatiling nakatago. May mga bagay na kailangan niyang sabihin—hindi para sa kanila, kundi para sa sarili niya.Dahan-dahan siyang tumayo, hawak ang brown envelope na mula pa kanina ay nakapatong sa side table. Mabigat iyon sa palad niya, hindi dahil sa papel na laman nito kundi dahil sa bigat ng desisyong dala. Pinikit niya ang mga mata at huminga nang malalim.“Tapusin na natin ’to,” bulong niya sa sarili.Mabilis ang hakbang ni Elle palabas ng kwarto. Halos madapa siya sa pagmamadali, pero hind
CHAPTER 73 – “Lines Drawn”“Nathan…” halos pabulong niyang ulit. “'Wag mo akong ibigay. Hindi ko kaya.”Nathan looked at her steadily, his hand hovering near the doorknob. Kita sa mukha niya ang bigat ng desisyon dahil isang maling galaw, puwedeng sumabog ang lahat.Mula sa labas, muling kumatok si Knox. Mas malakas, mas mariin.“Cruz!” rinig nilang sigaw nito Malamig, mabigat, puno ng banta. “Open the damn door.”Nagtagpo ang tingin nina Elle at Nathan. Sa mga mata ng babae, puno ng takot at desperasyon. Sa mga mata ng lalaki, may halong galit at proteksyon.Malakas, sunod-sunod, at mabigat ang katok sa pintuan. Para bang bawat hampas ni Knox ay may kasamang galit na kayang yumanig sa buong bahay.Sa loob, humigpit ang hawak ni Elle sa damit na kanina lang niya iniimpake. Nawala ang kulay sa mukha niya, at ang mga mata niya’y mabilis na napuno ng takot. Halos mabasag ang tinig niya habang nakikiusap.“Please... ayaw ko siyang makita...”Hinawakan ni Nathan ang braso niya, mariin per
CHAPTER 72 – The Knock at the Door Halos walang tulog si Knox buong gabi. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama, nakabukas ang laptop at sunod-sunod na tawag ang ginawa sa kanyang mga tao niya. Ang mga mata niya ay mapula, nangingitim ang ilalim, at ang katawan ay mabigat pero ayaw niyang sumuko sa pagod. Kanina pa niya kinakausap ang taxi driver na sumundo kay Elle mula sa Forbes mansion. Nakaupo sila sa isang maliit na café malapit sa terminal, hawak ng driver ang sariling cup ng kape habang nanginginig ang kamay. “Sir, nagsasabi po ako ng totoo. Dinala ko lang siya sa Cubao terminal. Hindi ko na alam kung saan siya sumakay pagkatapos. Wala na akong nakuhang impormasyon,” sabi ng driver, paulit-ulit na nag-e-explain. Matalim ang titig ni Knox, nakasandal ang dalawang siko sa mesa at magkahawak ang mga kamay. “Sigurado ka?” Tumango ang driver, pawis na pawis. “Yes, Sir. Pagkababa niya, umalis na rin ako. Wala na akong kasunod.” Hinagod ni Knox ang sentido, frustrated. “Leave,“ mai
CHAPTER 71 – Sanctuary in ShadowsMaaga pa lang ay nagising si Elle, kinabukasan. Hindi agad pumasok sa isip niya kung nasaan siya. For a split second, hinanap ng katawan niya angnmarble floor, chandeliers, at ang malawak na kwarto sa Forbes mansion. Pero nang dumilat siya, ibang tanawin ang bumungad—white walls, warm wooden floors, simpleng kurtina na hinahaplos ng hangin mula sa nakabukas na bintana.She sat up slowly, ramdam pa rin ang bigat ng ulo at ang pamamaga ng mga mata. Kahapon lang, gumuho ang mundo niya. Kagabi lang, pinili niyang tumakas. At ngayon, nandito siya sa isang lugar na hindi niya inakalang papasukan niya—ang bahay ni Nathan Cruz.Elle hugged her knees against her chest. Ilang segundo siyang nakatitig sa kisame, sinusubukang paniwalain ang sarili na ligtas siya rito. Pero kasabay ng relief, naroon din ang guilt at takot.Pagbaba niya sa hagdan, naamoy niya agad ang kape. May konting tunog ng brewing machine mula sa kitchen, at may halakhak ng umagang hindi niya
CHAPTER 70 – Hunted HeartsTahimik ang mansyon ng Evans ngunit ramdam ang bigat ng hangin. Halos sumabog ang mga ugat sa panga ni Knox habang nakaupo sa gilid ng kanyang opisina, hawak ang cellphone na ilang segundo pa lang nakababa matapos ang tawag kay Nathan Cruz.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang boses ni Nathan—kalmado, diretso, walang bahid ng pag-aalinlangan.“She’s not here. If she came to me, I would’ve told you.”A wall of lies stood before him, and Knox had no concrete evidence to refute it.Yet he could feel it—deep in his blood—that Elle was under that man’s control.Tumayo si Knox mula sa swivel chair, halos mabasag ang armrest nang kumuyom ang kanyang kamao. Naglakad siya paikot ng mesa, parang isang hayop na ikinulong at hindi makawala.“Damn it!” sigaw niya, sabay suntok sa dingding. Umingay ang buong opisina, at mabilis na sumilip ang isa sa mga kasambahay mula sa labas, nanginginig, pero agad ding umatras nang magtagpo ang kanilang mga mata.Bumuntong-h
CHAPTER 69 – “The Safe Lie”Tahimik ang loob ng SUV habang binabagtas nina Nathan at Elle ang South Luzon Expressway papuntang Parañaque. Ang lamig ng aircon ay nanunuot sa balat pero mas nangingibabaw pa rin ang bigat na dala ni Elle sa dibdib. Nakayakap siya sa bag, nakasandal ang ulo sa bintana, habang si Nathan ay steady lang ang tingin sa kalsada. Walang usapan sa pagitan nila, tanging tunog lang ng makina at mahinang tugtog mula sa radyo ang gumuguhit sa katahimikan.Paminsan-minsan, palihim siyang sinusulyapan ni Elle. Nakita niya kung paano nakafocus si Nathan—isang kamay sa manibela, isa sa shift knob, calm and composed, parang walang bigat sa mundo. Pero alam niyang ramdam nito ang bigat na dinadala niya. At kahit walang sinasabi si Nathan, sapat na ang presensiya nito para makaramdam siya ng konting seguridad.“Malapit na tayo,” mahina nitong sambit, halos pabulong. “Fifteen minutes, nandun na tayo.”Tumango lang si Elle. “Okay,” sagot niya, mahina, parang natatakot bumunga