LOGINSi Candice ay isang ulila. nakapagtapos siya ng nursing dahil sa bestfriend na si Elora, hiniling kasi nito sa kanyang mga magulang na pag-aralin si Candice. pagkatapos ng graduation ay lilipad na sana papuntang US si Elora para doon mag-aral nang medicina, ngunit nagkaraon ito ng malaking problema nang hilingin ng isang mayamang pamilya na si Elora ang maging kabayaran sa malaking utang ng kanyang mga magulang. Hindi gusto ni Elora na ikasal siya sa lalaki kaya nakiusap siya kay Candice na akitin ito. Pumayag si Candice sa kasunduan at huli na ng malaman niya na ang CEO na dapat niyang akitin at ang lalaking kinamumuhian niya ay iisa, ano ang gagawin nya?
View MoreCANDICE“Okay ka lang ba? Halika sa loob,” sabi niya. Bigla akong napayakap ng makilala ko ang lalaki. Si Gabriel pala ang lalaking nagligtas sa akin. “Nasaktan ka ba? Bakit ka kasi lumabas ng hindi ako kasama?” saad niya habang hinahaplos ang buhok ko at nakaakbay ang kabilang braso sa akin. Binigyan niya ako ng tubig at dahan-dahan na inupo sa sofa.Takot na takot ako at walang tigil ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. Magkahalong takot at kahihiyan ang inabot ko ngayong umaga.“Pasensya kana Gabriel, nawala kasi ako eh hindi ko matandaan kong anong unit ng kwarto mo.”“Ano? Bakit ka kasi lumabas? Tingnan mo tuloy ang nangyari sayo. Madilim pa nasa labas kana at bakit nakapantulog ka pa?” lukot ang kanyang mga noo at kitang-kita ang mga guhit sa noo niya habang nakatitig sa suot kong pantulog.“Sa pagmamadali kong makalabas agad ay nakalimutan ko pala na magpalit ng damit kaya ganito ang suot ko,” napayuko ako sa sobrang kahihiyan sabay hawak sa noo ko.“Saka bakit hindi ka sa rec
CANDICE “Ano ba naman itong lalaki na ito ang gwapo-gwapo tapos ang kalat ng condo,” bulong ko sa sarili. Habang nasa ibaba si Gabriel at kinukuha sa sasakyan ang iba ko pang gamit ay nag ikot-ikot muna ako sa loob ng condo unit niya, malawak ito at may dalawang kwarto. Halatang mayaman dahil kahit kaunti ang mga gamit ay masasabi mong mga mamahalin iyon. Napansin ko rin na ang dami-dami niyang damit nahiya tuloy ako sa isang maliit na maleta na dala ko at halos nandun na lahat ng damit ko.Napansin ko rin na wala siyang mga gamit sa pagluluto sa kusina, sayang naman ang magandang lababo dahil hindi nagagamit. Napa-buntong hininga ako, pakiramdam ko kasi na ang lungkot-lungkot ng buhay ni Gabriel. Kaya siguro siya laging nasa bar para pag-uwi niya dito ay matutulog na lang siya. "Hoy!! ano bang tinitingnan mo riyan?" halos mabitiwan ko ang hawak kong cellphone dahil sa panggugulat ni Gabriel. "Halika nga rito," sabi niya at saka niya ako niyakap sa likod. Nakaharap kami sa labas
"Hoy!" malakas na sabi ni Candice at marahang pinalo ang maliit na table sa harap nila upang makuha ang atensyon ng kaibigan. "What are you thinking? bakit ka biglang natulala riyan?" muling tanong ni Candice. "Ahh wala, naisip ko may pinapagawa pala sa akin si mum, babalik nalang ako mamaya ha, sige alis na ko." Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng apartment. "Hoy! ano bang nangyayari sayo? Kararating mo palang tapos aalis ka na kaagad?"hinabol pa siya ni Candice sa labas hanggang sa sasakyan. "I am fine, babalik nalang ako mamaya," sigaw ni Elora at mabilis nitong pinihit ang manibila ng sasakyan palabas sa maliit na garahe. ***Isang linggo ang hinintay ni Elora para makausap ang kanyang ina ng personal.Ngayon lang ito dumating galing sa business trip kasama ang kanyang ama.Tanging ang kanyang ina lamang ang pinagsasabihan ni Elora ng mga bagay maliban kay Candice. Kinuwento niya sa ina ang tungkol sa napag-usapan nila ni Gabriel. "Mabuti naman at nagkasundo na kayo
3rd person povPumarada sa harap ng mansion ang magarang sasakyan ni Gabriel. Agad tumakbo ang katulong paakyat sa kwarto ni Elora ng makita na si Gabriel ang nandito.“Miss Elora! Miss Elora!” malakas at sunod-sunod na tawag nito habang mabilis na inakyat ang hagdan.Binuksan ni Elora ang pinto ng marinig iyon.“Ano?” mataray na sagot nito dahil sa naisturbong pagbabasa ng magazine.“Narito po si Sir Gabriel,” pabulong na sabi ng humahangos na katulong. Muntik ng mahulog ni Elora ang hawak na magazine ng marinig ang sinabi ng kasambahay. “A-Ano? Sino ang kasama niya?” magkakasunod nitong tanong habang hinahagilap ng isang paa ang paris ng tsinelas na suot niya.Kinakabahan siya na baka nalaman na ni Gabriel ang tungkol kay Candice lalo pa at hindi sumasagot si Candice sa kanyang mga tawag kaninang umaga.“Yes Gabriel? What are you doing here? Tanong niya sa mahinang boses. Tuluyan siyang lumapit sa harap ni Gabriel na nakaupo sa malaking sofa sa sala. "Mom and dad is not here, ne
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews