Share

SEXIEST MISTAKE
SEXIEST MISTAKE
Author: Azuus

CHAPTER 1. Encounter sa Elevator

"Iresssshhhhhh! Ano ba anak! Tanghali na at bakit naka hilata ka pa sa kama?! Mag aalas seyte na at unang araw mo pa sa trabaho!" sigaw ng ina ni Iresh na noo'y ginigising nito ang anak na dalaga.

Nag iinat-inat pa ang dalaga habang nagkakamot ng ulo sa inis.

"Ma naman, aabot na sa kabilang bahay iyang bunganga ninyo. Aba eh, ako lang naman itong inyong ginigising at hindi ang boung baranggay ano?" inis pa nitong sagot sa ina.

"Kung hindi ako sisigaw, wala rin naman sayo. Maghanda ka na," utos pa nito.

Iyon na nga ang ginawa ni Iresh kahit na tinatamad pa siya. Kailangan niyang pumasok ng maaga dahil unang araw pa niya sa kompanyang kaniyang inapplyan.

Nang matapos at naka office attire na siya ay umupo na ito sa hapag kainan.

"Aba naman anak. Ang lupit mo naman. Binilhan kita ng make up kahapon sa palengke para magamit mo sa trabaho. Naghilamos ka lang ata at naligo. Tiningnan mo na ba ang itsura mo sa salamin? Aba e, para kang matanda sa pormahan mong yan! Pinabayaan na nga kita sa gusto mong hindi mag ayos sa college e pati ba naman sa trabaho ay di ka na natuto! " bulyaw pa nito sa anak na noo'y kumakain na.

Wala kasi itong ka make up make up at naka bungkos pa ang mahaba nitong buhok at sout nito ang makapal niyang eye glass. Para siyang mula sa sinaunang panahon. Ngunit wala siyang pakialam. Mag tatrabaho siya at hindi lalandi.

"Anak naman. Bumalik ka na sa kuwarto at ayusin mo ulit ang iyong itsura," pakiusap pa ng ina. Ngunit pasok sa tainga at tagos lang sa kabila ang bawat sinasabi ng ina.

"Ma, trabaho ang pupuntahan ko doon. Tinanggap nila ako dahil sa skills ko at hindi dahil sa itsura ko. Maayos naman akong tingnan at hindi madumi," sagot nito sabay tayo saka humalik at nagpaalam sa kaniyang ina.

Hahabulin pa sana siya ng kaniyang ina subalit, mabilis ng nakalabas ang dalaga.

"Pati yang paglalakad mo! Ayusin mo dahil para kang siga sa kanto!" habol pang sigaw ni Aling Rose.

Pero kinampay lang ng dalaga ang kamay na tila nagpapaalam na.

Sa Lucenas Corporation Company ang pasok ng dalaga. Maaga siyang pumasok subalit dahil sa trapiko ay ma la-late na siya.

Nagtatakbo siya ng makababa siya sa jeep na kaniyang sinakyan. Muntik pa siyang hindi papasukin ng guard dahil sa nakaligtaan pa niyang isout ang name plate. Natanggap siya bilang secretary ng CEO ng kompanya dahil sa excellent record nito.

Papasara na ang elevator, pero tumakbo siya at pinigilan ang nag babadyang pagsara nito. Halos mag overload na ang loob subalit nakapasok pa rin siya.

Medyo naiinis pa ang mga kasama niya sa loob dahil siksikan na sila. Pinindot niya ang close botton. Di siya mapakali sa kaniyang palda. Pakiramdam niya ay maiksi ito kahit hindi naman. Inayos niya ito. Para na nga silang sardinas sa loob subalit naglilikot pa siya.

Nang hahawiin na niya ang likod ng palda niya upang tuluyan ng maayos ay bigla siyang may nasagi. Tumikhim ang lalaking nasa likuran niya.

Naalarma siya sa kung anong bagay ba iyong nasagi niya. Napatigil siya sa pag-iisip nang biglang bumukas ang elevetor. Nagsilabasan ang iba.

Di naglaon ay siya nalang ang natira at ang isa pang lalaki na may katangkaran mula sa kaniyang likod. Umabanti ito at nasa left side na siya ni Iresh. May katangkaran ang lalaki, iyon ang pagpagkaka tantiya niya dahil sa nakikita niya ito sa kaniyang perepheral vision. Ayaw niya itong harapin. Baka punahin pa nito ang ginawa niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status