Share

CHAPTER 7. Aso't Pusa

"BOSS NAMAN! MAY HAWAK AKONG MGA FOLDER TAPOS SA AKIN NIYO PA IUUTOS NA PINDUTIN ANG BUTTON. CELLPHONE LANG ANG HAWAK NINYO DI NIYO PA MAGAWA!" malakas na reklamo ni Iresh.

Nagsalubong ang kilay ni Frank ng —

"Ay anu ba yan si Sir. Napaka ungentleman naman owww."

"Oo nga, simpleng pindot lang, sa panget pa niyang sekretarya ipinagagawa," bulong ng dalawang empleyado na di napansin ni Frank na napadaan.

Nanlaki ang mga mata ni Frank dahil sa pagkapahiya. Agad niyang pinindot ang button saka pumasok na seryuso ang mukha.

Tinitigan naman ni Iresh ang dalawang dumaan na nagbubulong bulongan pa rin. Nang sulyapan ng dalawa si Iresh ay nakita nilang masamang nakatitig ito sa kanila saka inirapan ang mga ito.

Naiinis siya dahil ineexpect niya na pupunahin ang pagiging gentledog ng boss niya upang siya ang magmukhang kaawa-awa subalit nasali rin siya sa nalait.

In short, nagisa sila sa sarili nilang mga mantika dahil sa kanilang pagmamatigas. Tiningnan ni Iresh ang repleksyon sa pintuan ng elevetor. Saka binaling baling ang mukha na tila tinitingnan ang side to side ng kaniyang mukha.

"Narinig mo naman na panget ka diba? Kaya wag mo ng tingnan ang bawat anggulo ng mukha mo. Maguguluhan ka lang at mas masasaktan," seryusong sabi ni Frank.

"Ikaw naman, napaka gentledog mo," simpleng sagot ni Iresh.

Galit na ngayon ang ekspresyon ni Frank na humarap sa babae na hanggang balikat lang niya.

"Ikaw ha. Di ka ba matigil tigil sa kakasagot mo?!" asik nito sa dalaga na nakataas ang kilay na tila nagbababala. Pero si Iresh, di natinag sa pakikipagtitigan dito nang biglang bumukas ang pintuan ng elevetor at nakita ng mga papasakay na empleyado ang eksena ng dalawa.

Napaharap sila saka tumikhim si Frank. Samantalang si Iresh naman ay inayos ang tindig.

"Good afternoon Sir," bati ng mga empleyado. Tumango lang si Frank bilang tugon.

Lumabas sila at seryuso ang mga tingin. Halos magkasabay pa silang maglakad.

"Grabe ang guwapo talaga ni Sir,"sabi ng ilang kababaihan na nag tatrabaho din doon.

" Makalalaglag panty talaga siya, " sagot ng isa.

" Please be mine Sir," mahinang sabi ng isang babae pero sapat na upang marinig ni Frank at Iresh ang mga tila nagpaparinig na kababaihan kay Frank.

" Hey! Hey! Hey! Tawag ng isang lalaki na naka suit rin gaya ni Frank," tumigil sila sa paglalakad saka hinarap ang tumawag.

"Sandro," malamig na sambit ni Frank.

"Para kayong terminator na naglalakad. Yung astala bista baby," biro pa nito sa pinsan niya.

"Kung wala kang importanteng sasabihin, aalis na kami. May meeting pa ako," malamig na sabi ni Frank.

"Wala naman cous. Dinitract lang kita. Napaka seryuso niyo kasi, "sagot nito sabay baling kay Iresh.

" Hi miss! Pagpasensyahan muna itong pinsan ko. Napaka harsh niya,"sabi niya sabay talikod upang umalis.

" Istorbo, " tanging naisambit ni Frank.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status