Share

CHAPTER 5. Frank and the Doctor

"I hear something awhile ago."

Kinabahan si Iresh dahil baka narinig nito ang sinabi niya kanina.

"Kako, mukhang oras na ata para ipagtimpla kita ulit ng coffee. Kasi mukhang nanlalamig ka na diyan sa loob ng office mo," baling ni Iresh kay Frank at seryuso ang mukha upang di mapaghalataan sa sinabi niyang pang-aalispusta sa binata.

"Well, is that so. Good idea. Gawan mo ako ng coffee. Kagaya niyang sayo. But, you forgot to tell me about your medical certificate," muli pa nitong sabi.

"Hmmmm, I'm physically fit. Isa pa, kaya ako natanggap dahil complete ang mga requirements ko,"pagtatakang paliwanag sa boss niya.

"Yeah physically fit but I don't know kung mentally fit nga ba, sige gawan mo ako ng kape, " asar ni Frank kay Iresh ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang malamig na ekspresyon.

"Aba, " titindig na sana si Iresh sa kinauupuan upang harapin si Frank subalit pinagsarhan na siya kaagad ng pinto.

Naiinis man subalit, nagtimpla pa rin ito. Nang ibigay niya sa kaniyang boss at akma sana siyang tatalikod ay biglang nagsalita si Frank.

"Ms. Dimatibag, this coffee is too hot. Palitan mo 'to," muli pa niyang utos na nasa laptop ang paningin.

Nagsalubong ang kilay ni Iresh dahil sa pag-uutos nitong palitan ang kape. Padabog niyang dinampot ang kapeng tinimpla niya. Nang maka alis si Iresh ay saka lamang nag-angat ng ulo si Frank sabay ngiti.

"Ganiyan nga, sundin mo lahat ng inuutos ko. Matigas ka pala," sabay baling ulit sa laptop niya.

Sa kabilang banda ay inis na inis ang dalaga. Kinalmahan niya ang sarili saka maingat na ginawa ang pagtitimpla. Pagkatapos ay bumalik na ulit ito sa office ni Frank.

" Sir, here's your coffee. Enjoy. "

Maingat sana siyang pupuslit kaso, tinawag siya ulit ni Frank na inilalapag na ang tasang kapeng kagagawa niya.

"Ms. Dimatibag. Parang maligamgam naman 'to. Kape pa ba ito?" reklamo niya ulit.

"Ganun po ba? May problema ata Sir," sagot ni Iresh.

" Oo, may problema nga. MAKE ANOTHER ONE, " diin ni Frank sa huli nitong sinabi.

Di na dinampot ni Iresh ang tasa saka umalis na. Napangiti ulit si Frank. Natutuwa siya sa bago niyang secretary. Saka hinigop ulit ang kape. Wala naman problema sa lahat ng tinimpla niya. Katunayan nga, lahat masarap at pwede na ring magtayo ng coffee shop ang dalaga. Kaso pahihirapan niya muna ito dahil sa inaasta niya rito.

"Well, pormal naman siya makitungo subalit, something about her presence. Nakaka trigger," sabi ni Frank sa sarili.

Nang bumalik na ang dalaga ay nagtaka si Frank. Wala itong dalang kape.

"Ms. Dimatibag, where's my coffee?"

"Wait Sir. Lets fix the problem first."

Pagkatapos ay may dumating na ang doctor sa loob.

"Sino po ba ang ipapacheck up niyo Ma'am?" tanong ng doctor.

"Si Mr. Delfuega po," baling nito kay Frank.

"Wait! What is this?!" napatayo na si Frank mula sa pagkakaupo na mariing nakatitig sa dalaga.

"I told you, we will fix the problem first. Unang una, nawawalan ka na ng panlasa dahil hindi mo malasahan ang una kong tinimpla. Gaya nga ng utos mo, kagaya ng kape ko ang iinumin mo. Then nagreklamo ka. So I prepare another one. That time, I make sure na everything is okay kaya ipinatikim ko muna sa ibat ibang employee and they said, masarap daw. So, mukhang nasasayo po ang problema," mahabang paliwanag ni Iresh.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status