Jessa's POV
NAGISING siyang nakayakap sa kanya si Xyrius. Dinig niya ang mahinang paghilik ng asawa. Mahimbing na itong natutulog habang yakap-yakap siya. Nagsumiksik na lang siya rito at muling natulog.
Nang muli siyang magising, umaga na. Nagulat pa siya nang mamulatan niya ng mga mata si Xyrius na nakasandal sa headboard ng kama at pinagmamasdan siya.
"Good morning, doll..." paos ang tinig na bati into sa kanya. Halatang bagong ligo si Xyrius dahil basa-basa pa ang huhok nito. White v-neck t-shirt ang suot ni Xyrius na hapit sa katawan nito. Yumuko ito at hinalikan siya.
"Hindi ka pumasok sa opisina?" tanong niya. Sinulyapan niya ang wall clock, alas nueve na ng umaga.
"Nope. I've planned to spend my day with my wife." Masuyong hinaplos pa nito ang buhok niya.
Gusto niyang matuwa pero hindi niya magawa. Sa ginagawa ni Xyrius mas lalo lang siyang nagkakahinala na may ginagawa itong kalokohan.
Pinilit niyang ngumiti at pinasigla ang tinig. Kung ito ang gusto ni Xyrius, so be it.
"Really?"
"Yes." Hinapit siya ni Xyrius sa balakang at hinalikan sa mga labi hindi siya nito pinakawalan hangga't hindi sila nauubusan ng hangin.
"Biglaan naman ata?" tanong niya nang magkalayo sila. Hinaplos niya ang dibdib nito.
"Gusto ko lang bumawi sa 'yo dahil naging busy ako nitong mga nakaraang araw."
Busy? Saan naman kaya ito naging busy na halos hindi na siya kausapin nito. Hindi na lang siya umimik.
Inaya na siya ni Xyrius na mag-breakfast at halos hindi na ito kumain kakaasikaso sa kanya.
Pagkatapos no'n ay umakyat na siya sa taas para maligo at magbihis. Nakapag empake na pala ang mga katulong ng mga dadalhin nila.
Ang sabi ni Xyrius pupunta raw sila ng Ilocos para bisitahin ang Papa at Tita Betty niya.
Kahit papaano ay natuwa siya. Ilang buwan na ring hindi nabibisita ang ang mga ito. Mabuti na rin siguro iyon para kahit papaano makapahinga siya sa mga isipin.
Matagal na rin ng huli silang magbakasyon ni Xyrius.
"Let's go?" nakangiting ani ni Xyrius at niyakap siya mula sa likuran habang sinusuklay ang busok niya.
"Ilang araw pala tayo ro'n?" tanong niya rito.
"Mmm... Maybe two or three days."
"Okay, halika na." Bumitaw siya kay Xyrius at kinuha ang shoulder bag niya sa ibabaw ng kama.
Narinig niya namang bumuntong-hininga si Xyrius pero hindi niya na ito nilingon.
Masigla si Xyrius at kuwento nang kuwento habang nagmamaneho papunta sa Black tower pero hindi siya nagsasalita. Wala siyang ganang makipag-usap dito kaya nagkunwari na lang siyang inaantok.
Nagmulat lang siya ng mga mata nang makarating sila sa Black tower. Walang imikang sumakay sila sa private elevator paakyat sa roof top kung nasaan ang chopper na maghahatid sa kanila sa Ilocos.
Kahit nang nasa chopper na sila nanatili siyang walang imik. Kahit gustong-gusto niyang tumanaw sa mga ulap hindi niya ginawa at nagkunwari uling tulog para hindi siya kausapin ni Xyrius.
Naramdaman niya namang ginagap ni Xyrius ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. Tinangka niyang bawiin ang kamay ngunit hinigpitan lang nito ang pagkakahawak doom. Wala siyang nagawa kundi ang pabayaan na lang ito.
"ARE YOU hungry?" tanong ni Xyrius sa kanya nang makarating sila ng Ilocos.
Marahan lang siyang umiling. Inakbayan naman siya ni Xyrius at mahigpit na pinisil ang balikat niya. Alam niyang nakatingin sa kanya si Xyrius at iniintay nitong lingunin niya ito pero hindi niya ginawa. Narinig niyang bumuntong-hininga na lang ulit ito.
"Anak!" malakas na tawag ng Papa niya sa kanya na naghihintay sa entrance ng AB Hotel kung saan lumapag ang chopper na sinakyan nila.
Inalis niya ang kamay ni Xyrius na nakaakbay sa kanya at sinalubong ang Papa niya na agad na yumakap sa kanya.
"Na-miss kita, anak!" mangiyak-ngiyak na ani ng Papa niya at mahigpit silang nagyakap.
Ngayong yakap siya ng Papa niya parang gusto niyang bumulalas ng iyak at isumbong ang lahat ng sama ng loob at pag dududa niya pero hindi niya iyon kayang gawin. Hindi niya kayang maging masama ang tingin ng kahit na sino sa asawa niya.
"Na-miss ko rin po kayo. Si Tita Betty?" tanong niya sabay lingon sa likuran nito.
"Nagpaiwan at hindi pa tapos ang lutuin no'n. Maraming niluto ang Tita mo lahat puro paborito mo!"
"Talaga po?" excited na tanong niya. Napapitlag siya nang maramdaman ang mga braso ni Xyrius na pumulupot sa balakang niya.
"Mano po, Pa." Magalang na inabot ni Xyrius ang kamay ng Papa niya at nagmano.
Magiliw na kinamusta naman ito ng Papa niya. Saglit na nag-usap pa ang dalawa bago sila naalalang ayain ng Papa niya na sumakay na sa Van na dala-dala nito.
Van na si Xyrius ang bumili. Simula ng ikasal sila ni Xyrius pinaliguan na sila ni Xyrius ng mga materyal na bagay. Binigyan ni Xyrius ng puhunan ang Papa niya at ginabayan sa negosyong napili nito. Pina-renovate din nito ang bahay ng Tita Betty niya at pinuno ng mga appliances at mamahaling furnitures ang bahay ng Tita niya. Ibinili rin ni Xyrius ng sasakyan ang Papa niya na ikinatuwa ng huli.
Hindi lang siya ang inalagaan at minahal ni Xyrius kundi pati ang Papa at Tita niya.
Si Xyrius din ang sumuporta sa pag-aaral niya hanggang sa nakatapos siya ng college.
Pero kahit nakapagtapos ng kolehiyo hindi naman siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho.
Sinunod niya ang gusto nito na manatili sa bahay at asikasuhin ito. Sa loob ng ilang taon kay Xyrius na umikot ang mundo niya. Sa pag-aasikaso rito at pag-aalaga rito.
Kaya ang hirap tanggapin para sa kanya na bigla-bigla na lang nagbago ang asawa at kung kailan kinompronta niya saka naman nakaisip bumawi. Hindi niya tuloy maiwasan na pagdudahan si Xyrius kahit ayaw niya.
Sa backseat sila naupo ni Xyrius pagkatapos ilipat ng mga gamit nila sa van.
Agad na umakbay sa kanya si Xyrius at bumulong.
"I love you, doll..."
Nilingon niya ito. Namumungay ang mga mata ni Xyrius at tila nagmamakaawa sa kanya na tugunin niya ito. Alam niya na nahahalata nito ang panlalamig niya rito kaya kahit ayaw niya parang may humaplos sa puso niya.
Ngumiti rin siya rito. "I love you too..." sagot niya at hinalikan ito sa pisngi.
Kinabig siya nito at niyakap saka pinatakan ng halik sa sentido.
To be continued...
Xyrius' POV"Damn..." he was breathless. Looking at his three pups. All fricking boys. Nakaramdam siya ng pagka-proud sa sarili habang masuyong pinagmamasdan ang mga anak niya sa nursery room. Anak niya. Fuck! Tatay na siyang talaga.Saglit na may humaplos sa kanyang puso. He was a father, before. Naalala niya si Clyde at ang anak nila ni Giselle na hindi man lang nasilayan ang mundo. Lima na sana. At puro lalaki pa. Makakabuo na siya ng isang basketball team kung nabuhay ang dalawang naunang anak niya.Lumunok siya para tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan. Wherever his son's was alam niyang masaya ang mga ito ngayon dahil masaya siya habang nakatingin sa mga anak niya.
Jessa'sPOV"Nag-almusal ka na ba?" tanong niya kay Xyrius na tila nagulat sa biglaan niyang pagtatanong.Agad na nagliwanag ang nga mata nito at mabilis na umiling."I wait for you for you to wake up," anito.Ipinaghila pa siya nito ng upuan. Ito rin ang naghain sa lamesa.Tumingin naman siya sa wallclock. Alas nueve na ng umaga, napasarap kasi ang tulog niya dahil mas malamig na ang simoy ng hangin dahil nag-umpisa na ang bermonths."Bakit hi
Jessa's POV"HINDI ko alam..." anas niya. Nilunok niya ang bikig sa kanyang lalamunan. Kanina pa iyon kasabay ng paninikip ng dibdib niya at ang masaganang pag-agos ng kanyang luha habang isinasalaysay ni Seth ang lahat ng nangyari kay Xyrius sa Manila simula ng umalis siya.Hindi siya mapakali ng malaman na wala na si Clyde. Hindi niya magawang tanungin si Xyrius dahil nailang siyang lapitan ito.Para kasing biglang may pader na inilagay si Xyrius sa pagitan nilang dalawa. Naglagay ito ng harang para hindi niya ungkatin ang nangyari kay Clyde. Hindi niya alam ang tunay na rason pero may ideya na siya.Kaya nagpasya siyang tawagan si Seth,
Xyrius' POV"THIS IS for Clyde," ani ni Giselle habang dahan-dahan itong naghuhubad sa harapan niya. Nag-iwas siya ng tingin at mahigpit na naikuyom niya ang kamao.Don't let me die, daddy...Parang sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Clyde. Napakainosente pero puno ng pakiusap.Gusto niyang ibigay kahit ang kalahati ng buhay niya madugtungan lang ang buhay nito. Mapagbigyan niya lang ang hiling nito.Pero kahit maglumuhod siya hindi niya madudugtungan ang buhay ng anak niya kung wala siyang gagawin.At ito ang pa
Jessa's POVPINIPILIT niyang iwasan si Xyrius. Madalas na hindi siya sumabay sa pagkain at nagpapahatid na lang ng pagkain sa kuwarto niya. Ayaw niyang makita ito dahil wala siyang tiwala sa sarili niya.Nahahalata naman iyon ni Xyrius kaya madalas na nasa labas lang ito ng bahay, tumutulong sa pagsisibak at pagtatanim ng halaman.Gusto niya na lang matawa minsan dahil alam naman niyang hindi ito sanay sa mga ganoong gawain pero nagtitiyaga pa rin ito. Mukha tuloy probinsiyanong nanliligaw si Xyrius dahil sa mga ginagawa nito."Bakit ba hindi mo pa kausapin ang asawa m
Jessa's POVBUMANGON siya sa pagkakahiga. Kanina pa siya paikot-ikot sa higaan niya. Hindi siya dalawin ng antok dahil iniisip niya si Xyrius. Ala-una na kasi ng madaling araw pero hindi pa rin ito pumapasok sa kuwarto. Siya na nga ang naglatag ng comporter sa sahig na tinutulugan nito.Nagpasya na lang siyang tumayo at lumabas ng kuwarto. Medyo madilim na dahil sa kusina na lang bukas ang ilaw.Madilim na sa sala pero tanaw niya ang kumot at unan na nasa sofa. Nagtataka man hindi niya na lang iyon pinansin at tumuloy na sa kusina."Sorry," hinging paumahin ni Xyrius ng magkasalubong sila sa kusina. Papalabas ito haban