Share

Kabanata 4

Author: Raw Ra Quinn
last update Last Updated: 2025-05-20 10:53:36

Jessa's POV

"WALA pa ba kayong balak mag-anak ni Xyrius, Jessa?" tanong ng Tita Betty niya habang magkatulong na naghahain sila sa mesa.

Natigilan siya. Hindi naman nila napag-uusapan ni Xyrius ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Dalawang taon pa lang naman silang kasal at hindi rin naman sila nagkokontrol sadyang hindi pa lang talaga siya nagbubuntis.

"Hindi pa ho," tugon niya.

"Sabagay mga bata pa naman kayo mabuti nang i-enjoy niyo muna ang buhay may asawa dahil kapag may anak na kayo, doon na iikot ang mundo niyo," nakangiting pangaral ng Tita Betty niya.

Napangiti na lang siya at hindi tumugon. Napaisip siya parang bigla na lang kumabog ang dibdib niya sa isiping magkaka-anak sila ni Xyrius.

"Hindi ka ba naiinip sa bahay?" muling tanong sa kanya ng Tiyahin.

"Hindi naman po." Pero sa totoo lang naiinip na rin siya. Wala naman kasi siyang ibang ginagawa roon. May mga katulong na umaasikaso sa mga gawaing bahay at sa pagluluto.

"Oh, siya, tawagin mo na yung asawa at ama mo para makakain na tayo."

Iniwan niya ang Tiyahin niya at lumabas ng bahay nila. Nakita niya si Xyrius at ang Papa niya na tinitignan ang alagang tandang ng Papa niya. Humalukipkip siya at sumandal sa hamba ng pintuan at pinagmasdan si Xyrius. Hindi niya maiwasang mag-imagine ng isang maliit na bata na kamukha at kasing tindig din ni Xyrius.

Nai-imagine niya ang dalawa na naghahabulan at nagtatawanan. Ano nga kaya ang pakiramdam na magkaroon sila ng anak ni Xyrius? Marahan niyang nahaplos ang impis na tiyan. Siguro dapat makausap niya si Xyrius tungkol do'n.

"Doll!" Nakangiting kinawayan siya ni Xyrius nang makita siya nito.

"Kakain na!" sigaw niya dito.

Ibinalik naman nito ang manok sa Papa niya at lumapit na sa kanya.

"Kanina pa nga ako gutom," anito at inakbayan siya papasok.

Ikinapit niya naman ang kamay sa baywang nito at sabay na silang nagtungo sa kusina. Kasunod na rin nila ang Papa niya at sabay-sabay na silang dumulog sa mesa.

Maraming nakahain at halos nga lahat ay paborito niya. Maganda silang kumain habang nagkukuwentuhan.

"Pumayag na pala si Gonzalo na ibenta yung bandang silangan pati ang kinatitirikan ng bahay nila," ani ng Papa niya na ikinatingin niya dito.

"Sino hong bibili?" takang tanong niya.

Nagkatinginan naman ang tiyahin niya at Papa niya saka parehong tumingin kay Xyrius. Napatingin din naman siya sa katabi niya.

Tumikhim muna si Xyrius bago nagsalita.

"Tayo. Binili ko rin yung batis," nananantiyang sagot nito.

"Bakit?" Balak ba nitong dito tumira? Pero malayo ito sa opisina nito. Hindi practical iyon. O baka naman siya lang ang gusto nitong patirahin dito para malaya ito sa Manila? Biglang nawalan siya ng ganang kumain.

"Kumain na muna tayo mamaya na natin pag-usapan."

Tumango na lang siya at tahimik na kumain.

"NAGTATAMPO ka ba?" tanong ni Xyrius na yumakap sa kanya mula sa likuran. Na sa loob siya ng kuwarto nila at nakatanaw sa bintana.

"May dapay ba akong ikatampo?" balik tanong niya dito.

"I'm sorry kung di ko agad na sabi sa'yo ang tungkol sa pagbili ko sa lupa ni Gonzalo. Balak ko sanang i-surprise ka kapag okay na ang lahat."

"Na-surprise naman ako," matabang na sagot niya.

"Doll..."

"Bakit mo nga pala binili ang lupa? Anong gagawin mo ron?"

Narinig niyang bumuntong hininga ito. Pinihit siya nito paharap sa kanya.

"Remember nasabi mo sa akin na gusto mo kapag tumanda ka dito ka titira?" anito.

Nangunot naman ang noo niya at saglit na nag-isip saka naalala ang napag-usapan nila noon ng unang beses silang magkasama dito sa Ilocos.

"Kaya binili ko ang lupa ni Gonzalo para mapatayuan ng bahay natin." Ikinulong nito ang mukha niya sa kamay nito. "Sabi ko naman sa'yo kung nasaan ka doon din ako. Kung dito mo gustong tumanda dapat ngayon pa lang pinaghahandaan na nating dalawa."

Napakagat siya sa labi at mabilis na nag-init ang sulok ng mata niya.

"H-Hindi mo ako iiwan na lang dito para maging malaya ka sa Manila?" naiiyak na tanong niya kahit pa alam niyang pagtatawanan siya nito.

"Why would I do that?" nakakunot ang noong tanong ni Xyrius. Pinatakan nito ng halik ang noo niya. "Bakit ba kung ano-ano na lang ang mga naiisip mo? Are you pregnant, doll? Nagiging moody ka rin nitong mga nakaraang araw," dagdag pa nito.

Napairap naman siya.

"Kakatapos ko lang. Saka paano naman ako hindi magiging moody e, bigla-bigla ka na lang nagbabago!" di mapigilang sumbat niya kay Xyrius.

Natahimik naman si Xyrius biglang lumungkot ang mga mata nito.

"S-Sorry..."

Matagal na tinitigan niya si Xyrius bago hinuli ang mga mata nito.

"Sorry lang? Wala ka bang balak mag-explain?"

Nakita niya ang dumaang pagkataranta at takot sa mata ni Xyrius.

Wala sa loob na nabasa nito ng dila ang labi. Umalon din ang adams apple nito dahil sa ilang beses na paglunok.

"Pag... Pag-uwi natin ng Manila sasabihin ko sa'yo ang lahat... Pero habang nandito tayo puwede bang mag-enjoy muna tayo?" puno ng pakiusap na anito.

"Bakit kailangang sa Manila pa?" Bakit hindi pa ngayon? Anong bang itinatago ni Xyrius sa kanya at parang hirap na hirap itong umamin?

Sa sinabi nito parang kinumpirma na rin nito na mau itinatago ito sa kanya at iyon ang dahilan kung bakit naging malamig ito nitong mga nakaraang linggo.

"Because right now all I want is to spend my time with you, doll..."

Umiwas siya ng akma siya nitong hahalikan. Seryosong tinitigan niya ito sa mga mata.

"Sige. Mag-enjoy muna tayo dito hangga't hindi pa tayo nakakabalik ng Manila. Pipilitin ko ring alisin ang lahat ng ikinasasama ng loob ko sa'yo," aniya dito. "Pero... sana... wala kang ibang babae, Xyrius..." bahagyang natigilan ito. "Dahil kung may ibang babaeng involved hindi ko na hihintayin ang paliwanag mo. Hihiwalayan kita."

Napalunok si Xyrius dahil sa sinabi niya.

To be continued...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Katapusan

    Xyrius' POV"Damn..." he was breathless. Looking at his three pups. All fricking boys. Nakaramdam siya ng pagka-proud sa sarili habang masuyong pinagmamasdan ang mga anak niya sa nursery room. Anak niya. Fuck! Tatay na siyang talaga.Saglit na may humaplos sa kanyang puso. He was a father, before. Naalala niya si Clyde at ang anak nila ni Giselle na hindi man lang nasilayan ang mundo. Lima na sana. At puro lalaki pa. Makakabuo na siya ng isang basketball team kung nabuhay ang dalawang naunang anak niya.Lumunok siya para tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan. Wherever his son's was alam niyang masaya ang mga ito ngayon dahil masaya siya habang nakatingin sa mga anak niya.

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Kabanata 39

    Jessa'sPOV"Nag-almusal ka na ba?" tanong niya kay Xyrius na tila nagulat sa biglaan niyang pagtatanong.Agad na nagliwanag ang nga mata nito at mabilis na umiling."I wait for you for you to wake up," anito.Ipinaghila pa siya nito ng upuan. Ito rin ang naghain sa lamesa.Tumingin naman siya sa wallclock. Alas nueve na ng umaga, napasarap kasi ang tulog niya dahil mas malamig na ang simoy ng hangin dahil nag-umpisa na ang bermonths."Bakit hi

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Kabanata 38

    Jessa's POV"HINDI ko alam..." anas niya. Nilunok niya ang bikig sa kanyang lalamunan. Kanina pa iyon kasabay ng paninikip ng dibdib niya at ang masaganang pag-agos ng kanyang luha habang isinasalaysay ni Seth ang lahat ng nangyari kay Xyrius sa Manila simula ng umalis siya.Hindi siya mapakali ng malaman na wala na si Clyde. Hindi niya magawang tanungin si Xyrius dahil nailang siyang lapitan ito.Para kasing biglang may pader na inilagay si Xyrius sa pagitan nilang dalawa. Naglagay ito ng harang para hindi niya ungkatin ang nangyari kay Clyde. Hindi niya alam ang tunay na rason pero may ideya na siya.Kaya nagpasya siyang tawagan si Seth,

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Kabanata 37

    Xyrius' POV"THIS IS for Clyde," ani ni Giselle habang dahan-dahan itong naghuhubad sa harapan niya. Nag-iwas siya ng tingin at mahigpit na naikuyom niya ang kamao.Don't let me die, daddy...Parang sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Clyde. Napakainosente pero puno ng pakiusap.Gusto niyang ibigay kahit ang kalahati ng buhay niya madugtungan lang ang buhay nito. Mapagbigyan niya lang ang hiling nito.Pero kahit maglumuhod siya hindi niya madudugtungan ang buhay ng anak niya kung wala siyang gagawin.At ito ang pa

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Kabanata 35

    Jessa's POVPINIPILIT niyang iwasan si Xyrius. Madalas na hindi siya sumabay sa pagkain at nagpapahatid na lang ng pagkain sa kuwarto niya. Ayaw niyang makita ito dahil wala siyang tiwala sa sarili niya.Nahahalata naman iyon ni Xyrius kaya madalas na nasa labas lang ito ng bahay, tumutulong sa pagsisibak at pagtatanim ng halaman.Gusto niya na lang matawa minsan dahil alam naman niyang hindi ito sanay sa mga ganoong gawain pero nagtitiyaga pa rin ito. Mukha tuloy probinsiyanong nanliligaw si Xyrius dahil sa mga ginagawa nito."Bakit ba hindi mo pa kausapin ang asawa m

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Kabanata 36

    Jessa's POVBUMANGON siya sa pagkakahiga. Kanina pa siya paikot-ikot sa higaan niya. Hindi siya dalawin ng antok dahil iniisip niya si Xyrius. Ala-una na kasi ng madaling araw pero hindi pa rin ito pumapasok sa kuwarto. Siya na nga ang naglatag ng comporter sa sahig na tinutulugan nito.Nagpasya na lang siyang tumayo at lumabas ng kuwarto. Medyo madilim na dahil sa kusina na lang bukas ang ilaw.Madilim na sa sala pero tanaw niya ang kumot at unan na nasa sofa. Nagtataka man hindi niya na lang iyon pinansin at tumuloy na sa kusina."Sorry," hinging paumahin ni Xyrius ng magkasalubong sila sa kusina. Papalabas ito haban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status