MasukKabanata 1: Niko
"You killed my son! You murderer! Ambisyosa ka! You ruined our family!" Nanlalabo ang paningin ko habang nakatitig sa nanggagalaiti sa galit na ginang. She is the well-known Mrs. Gallardo, the mother of Niko, my boyfriend. Kalilibing lang kanina ng durog na durog na bangkay ni Niko. Sobra kong ikinadurog ang sinapit niya kaya para na akong namamanhid sa binabatong salita sa akin ngayon ng Mama niya. Tanging ang walang katapusan kong luha ang kusang tumutugon sa ginang. Hindi ko magawang maipagtanggol man lang ang sarili ko. "Ipakukulong kita, tandaan mo 'yan! Magtago ka na dahil gagawin ko rin sa'yo ang ginawa mo sa anak ko!" With that, she stormed off, her heels echoing through the marble floor, leaving me frozen where I stood, crying, broken, staring at the door she had just slammed. Namatay sa car accident si Niko. Ako ang kasama niya doon. Dalawa kaming nasangkot sa aksidente pero hindi tulad niya, wala akong masyadong naging galos. Naospital din ako pero lumabas din ako matapos ang tatlong araw na pananatili doon. Habang si Niko, tuluyan nang sumuko ang katawan niya doon. He never woke up again. Matagal ko nang gusto patigilan siya sa pagiging drug dealer. Oo, nasanay at gusto ko ang marangyang buhay na ibinibigay sa akin ng illegal niyang pagtitinda, pero sadyang ayaw niya. I don't care about the luxurious life that came with it, the money, the clothes, the expensive nights out. All I wanted was for him to be safe, but he refused to listen. "Wala akong alam na trabaho, love. Ito na ang kinalakhan ko. Buong pamilya namin ay ito ang hanap-buhay. How can I give you the life you deserve if I stop?" Iyan ang madalas niyang katuwiran sa akin. Kapag iginigiit ko ang kagustuhan kong patigilin siya, ang lagi niyang sinasagot ay huwag ko na raw problemahin iyon. The Gallardos have powerful connections, after all. If safety was what I feared, he said I had nothing to worry about. Totoo naman ang sinabi niya. The Gallardo family is the most powerful drug empire in all of Asia. They are known even across Europe and America. Their reach extends far beyond what most people could imagine. Presidents, senators, high-ranking police officials, everyone bowed to them. They were untouchable. Pero hindi pa rin maiiwasan ang katotohanan. Kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo, illegal pa rin ang ginagawa nila. May batas para diyan, at iyon nga ang nangyari. Bago ang aksidente, nagsunod-sunod ang paghabol ng mga alagad ng batas sa amin ni Niko. Someone had been leaking our locations. Whoever that person was, their influence was clearly stronger than we thought. Sa loob lang ng isang linggo, tatlong beses kaming nagpalipat-lipat ng bahay, huwag lang kami mahuli. Hanggang sa nasaktuhan nila kami. We were on our way to another province, planning to hide there temporarily after our last safe house was discovered. But the police had already found us. Aaminin ko, nanginig na ako noon sa takot dahil may mga tropa din ng mga sundalo at SWAT units na nakasunod sa humahabol sa aming mga pulis, kaya naman taranta kong pinagsasabihan no’n sa kotse si Niko. Alam ko, nahawaan ko siya ng pagkakataranta. Hindi man niya ipahalata, pero bakas na rin sa mukha niya ang matinding pangamba sa mga oras na ’yon. He did everything he could to shake them off, but then something bad happened instead. A massive nine-wheeler truck lost its brakes and swerved into our lane. At dahil todo lingon si Niko sa likuran, ganoon din ako, wala sa amin ang nakapansin sa malaking truck na iyon. Nabangga no’ng truck na iyon ang sasakyan namin. Pinilit iliko ni Niko ang sasakyan para maiwasan ang truck, pero wala din. Sobrang bilis ng pangyayari. Basta ko na lang natagpuan ang mga katawan namin na magkahiwalay. He saved me, even in his last breath. The way he turned the wheel, he made sure he took the full hit instead of me. Bukod sa kaunting galos na natamo ko, dumugo din ang bandang ulo ko dahil sa mga nabasag na salamin ng sasakyan, pero si Niko ay halos hindi na makilala dahil sa sinapit. His body was crushed. The seat he was in had taken the full impact. He was gone before the rescue even arrived. Tatlong araw matapos akong dalhin sa ospital, nagawa kong tumakas sa tatlong pulis na nagbabantay sa akin doon. Saktong pinaglalamayan din no’n si Niko kaya pinilit ko talagang tumakas para lang masilayan man lang siya kahit sa huling pagkakataon. Pero hindi na ako pinapasok ng pamilya niya, lalo na ang mga magulang niya. They blamed me for everything, and maybe they were right. Maybe I did kill him, not with my hands, but with my choices. Kung sana mas lalo ko pa siyang pinilit na magbagong buhay at tigilan na niya ang pagiging drug dealer, hindi na sana hahantong sa gano’n. Eh ’di sana magkasama pa kami hanggang ngayon. Pero wala. Nangyari na. Naiwan na akong mag-isa. Iniwan na niya ako. “Kahit anong trabaho, Sef, I can do it... huwag lang paglilinis ng banyo o ’di kaya pagmo-mop. Hindi ako marunong no’n,” halos nagmamakaawa ko nang pakiusap. Kagabi ay umalis na ako sa condo unit namin ni Niko. Sinisisi ko rin ang sarili ko sa pagkamatay niya at sobra akong lugmok sa pangungulila sa kaniya, pero kailangan ko pa ring mabuhay. I love him, but that doesn’t mean I’ll let his family throw me in jail. Wala naman talaga akong kasalanan. Kinakain ako ng konsensya kasi may pagkukulang ako, pero hindi ibig sabihin no’n ako na ang pumatay sa kaniya. Ang dami ko pang gustong patunayan sa buhay. May pamilya pa ako na naghihintay sa buwan-buwan kong pinapadalang pera. Sure, my sister Suzy can take care of that part, but my parents are used to the amount I send. I don’t want to disappoint them... again. Magmula nang maging boyfriend ko si Niko, doon na rin nagsimula ang pagpapadala ko sa kanila ng malaking pera. Nakita ko sa mga mata ng magulang at kapatid ko kung gaano sila ka-proud sa akin. Ang tagal ko ring hiniling ang bagay na ’yon, kaya hindi ako papayag na mabalik na naman sa dati ang tingin nila sa akin... walang ambag, pariwarang babae. “Wala akong koneksyon sa agency na puwedeng makapagbigay ng trabaho sa tulad mo. Pasensya na,” tugon sa akin ni Sef. Hahabulin ko pa sana siya, pero mabilis na siyang pumasok sa kaniyang kotse. Ni hindi man lang nagdalawang-isip na paharurutin ito. Siya ang kanang kamay ni Niko. Siya lang ang naisip kong puwedeng lapitan ngayong kailangan ko nga ng trabaho. Umasa kasi ako na matutulungan niya ako. We weren’t exactly close, but I believed I meant something to him as Niko’s girlfriend. Sadly, I was wrong. Malakas din ang kapit no’n at bigatin din siyang tao, kaya kung gugustuhin niyang tulungan ako sa pinoproblema ko, madali lang iyon sa kaniya. Siguro, baka isa rin siya sa nag-iisip na kasalanan ko kaya namatay ang boss niya. Wala akong alam na puwedeng matuluyan. Plano ko rin kasi kanina na humingi ng tulong sa Sef na ’yon para sa pansamantala kong matutuluyan. Oh, ngayon, wala na. Hindi naman ako puwede sa mga kaibigan ko dahil tiyak na makakarating kay Ate Suzy ang sinapit ko. Lumabas na lang ako sa kinaroroonang commercial building. Dala ang nag-iisang bag na dinala ko, hindi pa kalakihan, naglakad-lakad ako sa kalye. Mag-a-alas tres na ng hapon. Mula pa noong umaga hanggang ngayon ay wala pa akong kain. May dala akong cash. Nasa mahigit kumulang sampung libo din iyon. Nasa loob ito ng dala kong bag. Nandito rin ang naitago kong isang set ng alahas. Tingin ko, maibebenta ko iyon ng nasa halagang fifty thousand. Kung itototal lahat, mabubuhay ako nito ng isang linggo. Pero kailangan ko pa ring tipirin iyon. At dapat, makahanap na ako ng trabaho bago ko pa iyon magastos lahat. Kung alam ko lang na susugurin ako ni Mrs. Gallardo kagabi para kunin sa akin ang mga ari-arian namin ni Niko, pati na ang perang ipon namin, sana ibinaon ko na muna ang mga iyon sa lupa. Hindi ko naman kasi inaasahan na magagawa iyon ng minsang itinuring na akong anak. Hindi man lang niya naisip na kung nabubuhay lang si Niko, paniguradong magagalit iyon sa ginawa niya sa akin. Tingin ko tuloy, napilitan lang ang pamilyang Gallardo na gustuhin ako noon dahil girlfriend ako ng anak nila. Napabuntong-hininga na lang ako. Lumiko ako sa nadaanang maliit na store at naupo na muna sa gilid nito. Kanina pa ako naglalakad, pero wala pa akong nakikitang hiring posters. O baka dahil gutom ako kaya hindi ko nabibigyan masyado ng pansin ang mga nadaanan ko nang gusali. Siguro kailangan ko nang kumain. Luminga-linga ako sa paligid. Ang daming nakakalat na mga restawran. Natakam ako nang matanaw ko ang tingin ko’y pang–fine dining. Doon kaya ako kumain? Napatitig ako roon at napaisip. Nasa tapat ko lang naman ito naroroon, sa kabilang kalsada. Mukha talaga iyong fine dining. Sa pailaw pa lang at disenyo nito sa labas ay halata na ang karangyaan. Kung doon nga ako kakain ngayon, ipagpalagay na natin na mauubos ang cash ko sa isang upuan lang. I think I deserve a proper meal today. Nitong mga nakaraang araw kasi, wala na talaga akong matinong kain. Abala ako sa pagluluksa. Lagi lang akong nakakulong sa kuwarto namin ni Niko, yakap-yakap ang T-shirt niyang huli niyang sinuot bago ang aksidente. Bago pa magbago ang isip ko ay tumayo na ako at tumawid papunta sa kabilang kalsada. Pagkatayo ko sa tapat no’ng restaurant, napatanga ako nang mabasa ang pangalan nito. Velvet Sin. It’s not a restaurant. It’s a bar. Sinuyod ko ng tingin ang ayos ng labas nito. The building was sleek and modern, with tinted glass walls reflecting the golden city lights. The black marble façade gave off a mysterious glow, while the silver signage gleamed under the neon light. May dalawang bouncer na tuwid na nagbabantay sa may entrance nito. Even from the outside, I could tell this isn’t an ordinary bar. It’s the kind that only the rich and powerful go to. Nasa ganoong posisyon ako, nakatitig sa pangalan ng bar, nang bumukas ang de-salaming pintuan nito sa may entrance. Lumabas mula sa loob ang dalawang tao, isang lalaking may kaedaran na at isang babaeng kaedad ko lang, hapit na hapit ang suot nitong itim na tube sa kaniyang katawan. Sa paglabas nila ay bahagyang sumama sa kanila ang nagmumulang tugtugan sa loob. Agad din nawala nang sumara ang pintuan. Gumilid ako ng bahagya nang sa mismong harap ko pa sila tumigil. Mukhang malalim ang pinag-uusapan nila kaya inalis ko na muna sa kanila ang tingin ko. Hm... saan kaya ako puwedeng kumain? Muli akong nagpalinga-linga sa paligid. May agad akong naispatan sa tabi. Sa pagkakataong ito ay sigurado na akong fine dining restaurant na iyon. “So, next time?” dinig kong sabi no’ng may katandaang lalaki sa kasama nitong babae. Pasimple ko silang nilingon. May iniabot ang matanda sa babae. Kung hindi ako nagkakamali ay makapal na pera iyon. “Baka bumalik ako bukas. Just be ready. Kapag maganda ulit ang performance mo, mas malaki pa diyan ang matatanggap mo,” nakangising sabi no’ng matanda kay Sexy. “I’ll make sure of that,” nang-aakit namang tugon ni Sexy. Nagiwas na ulit ako ng tingin. Gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko, pero nakaharang kasi sila sa dadaanan ko. Ayaw ko namang istorbuhin ang pag-uusap nila. “Bye, Gov!” Kumaway na si Sexy kay lalaki. Papasok na no’n ang lalaki sa nakaparada na pala niyang kotse sa harap nang habulin siya ni Sexy. Literal na nalaglag ang panga ko nang maglaplapan sila. Hindi lang iyon. Nagawa pa ngang dakmain ni Sexy ang bukol ng lalaki sa pagitan ng hita nito. Okay... don’t tell me this woman is a paid escort? Umalis na ang kotse ng matanda kaya naiwang nakatanaw doon ang sexy na babae. “Take care, Gov!” she yells, waving her hand high in the air, her grin stretching from ear to ear. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila no’ng sasakyan. Nang lumiko na sa unang kanto ang kotse ng lalaki ay mabilis na nag-iba ang ekspresyon no’ng babae. From a bright smile, she drops her hand and rolls her eyes with an annoyed groan. Okay... She counted the money the old man gave her, her fingers moving fast as she flipped through the bills. When she finished, she scoffed. "Ang daming pera pero mag-toothbrush, hindi magawa. Tanginang kalbo," she muttered, but loud enough for me to hear. Binulsa na niya ang pera at didiretso na sana pabalik ata sa loob ng bar nang mapansin niya ako. Kunot ang noo niyang tumigil sa harap ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay nang magtagal ang tingin niya sa akin. Hinead-to-foot pa niya ako. "Kanina ka pa d’yan?" nagtataka niyang tanong, na para bang matagal na kaming magkakilala. At dahil ayaw kong maakusahan na chismosa sa gilid, umiling ako. "Hindi naman..." "You look lost, by the way. Wanna come with me? Malaki kinita ko sa kalbong ’yon, kaya trip kong manlibre ngayon." That shocked me. Marahan niyang tinawanan ang naging reaksyon ko, na para bang mali pa na naging gano’n ang reaksyon ko. "Shock na shock, ’te? Gano’n ako kabait ’pag may pera na. Nanlilibre bigla ng kapwa maganda." She's... crazy. Tanging nasabi ko lang sa utak ko. Hindi pala siya si Crazy. Her name is Sha, short for Shanchi. Kaedad ko lang siya. Pareho kaming nasa dalawampu’t lima ang edad. Iyon ang unang beses na nagkakilala kami. Noong araw na iyon, pinatuloy niya ako sa kaniyang condo unit. Tama nga ang hinala ko na paid escort siya sa bar na iyon, at ’yong tinatawag niyang Gov noong gabing iyon ay isa lang sa malalaking kliyente niya. That’s how our friendship started too. Halos hindi na kami mapaghiwalay magmula no'n. Ipinakilala niya sa akin ang trabahong meron siya noong araw na rin na ’yon. Nawili ako sa perang kinikita niya kaya pinasok ko na rin ang pag-e-escort makalipas ang halos isang buwan na kasama siya. But unlike her, I only take clients who want company, like talking, drinking, and dancing. I never let anyone touch me. Gano’n lang ang naging takbo ng buhay ko sa loob ng mahigit isang taon. Dahil sa trabaho ko, nakakapagpadala na ako sa pamilya ko. Malalaki-laki rin, kahit hindi na napapantayan ang dating naipapadala ko sa kanila noong nabubuhay pa si Niko. Sobrang hirap sa totoo lang. Lagi akong nauubusan ng pera. Wala na rin akong ipon. Isang araw, tumawag si Mama dahil gusto niyang magpadala ako ng malaking pera. Kapapadala ko lang sa kanila no’n kaya problemadong-problemado na ako. Walang-wala na kasi ako. Limang milyon mahigit ang kailangang maipadala ko. Nagkumbulsyon ang bunsong kapatid ko kaya ipambabayad daw iyon sa ospital. Alam ko namang masyado iyong malaki para sa pagpapaospital lang, pero wala. Hindi ko puwedeng kuwestiyunin iyon. Nasanay na kasi silang hindi ako nawawalan ng pera. Wala silang alam sa trabaho ko ngayon. Wala rin silang alam na patay na si Niko noong nakaraang taon pa, kaya siguro iniisip nilang barya lang sa akin ang gano’n kalaking pera. "Pasensya na, bestify," Sha says, applying lipstick in front of the mirror. "Magpapadala din kasi ako sa nanay ko. Birthday kasi ng bagong asawa niya kaya malaki-laki ring pera ’yon. Kay Boss ka lumapit. Siguro naman pahihiramin ka." Problemado akong napabuntong-hininga. Naiintindihan ko siya. Katulad ko, grabe rin makahingi ng pera ang pamilya niya kaya lagi rin siyang kapos. Kinabukasan ay pumunta na lang ako kay Boss, katulad ng suhestyon ni Sha. Ito pa lang ang unang beses na lalapit ako kay Boss para mangutang. Sana pagbigyan niya ako. Siya ang may-ari ng pinagtatrabahuhan naming bar. Boss ang tawag namin sa kaniya, pero minsan ay Tatay. Depende rin kasi sa trip naming mga trabahador niya. At dahil hindi ko naman siya tatay, Boss ang itinatawag ko sa kaniya. Hiwalay ang opisina niya sa bar pero magkadikit lang naman ang mga ito. Kilala na ako ng guard kaya diretso lang ang pagpasok ko. Saka lang ako kumatok nang nasa harapan na mismo ako ng opisina ni Boss. "Boss, si Chayo po ito," pakilala ko sa tawag nila sa akin nang tinanong mula sa loob kung sino ang kumakatok. Ang second name kong Chayo ang naisip kong sabihin sa lahat, lalo na sa mga katrabaho ko. Mahirap na. Baka mamaya ay mahanap pa ako ng pamilyang Gallardo. "Ikaw na pala ’yan! Bukas ’yan!" dinig kong sagot ni Boss mula sa loob. Binuksan ko na ang pintuan. Tumayo siya agad kaya napangiti ako, lalo na nang salubungin niya ako ng yakap. "Tamang-tama ang pagdating mo. May gustong kumausap sa ’yo dito!" masigla niyang sabi. Kumunot ang noo ko. Hindi ko pa man naitatanong kung sino, ay may nginuso na siya sa bandang gilid. That’s when I saw him. He was sitting casually in a leather chair, legs crossed, a glass of red wine in one hand. The dim light from the chandelier was reflecting off his sharp jawline. His hair was slicked back neatly, and his eyes... those dangerous, deep-set eyes locked on me like a predator sizing up his prey. What the fuck! Anong ginagawa rito ng isang Gallardo?! Bilog na bilog ang mata kong nakatingin sa kaniya. May sinasabi pa si Boss sa akin, pero para na akong nabingi dahil sa tindi ng pagkabog ng puso ko. No, no, no! Huwag niyang sabihing ipapahuli niya ako sa mga pulis?! He set the wine glass down gently on Boss’s table, the sound of glass against wood echoing in the silence. Then he stood up. Hindi siya nakangiti. His expression stayed cold, unreadable, but his presence alone felt suffocating. Kada hakbang ng mahahaba niyang binti ay siyang pahirap nang pahirap din ng paghinga ko. He’s Zale Augustus Gallardo. Siya ang panganay ng mga Gallardo. Kapatid siya ni Niko. For God’s sake, I’ve heard about him countless times from Niko before. Zale... ang nag-iisang hari ng emperyong droga! Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang tumayo na siya sa mismong harap ko. Diretso niya akong tiningnan sa mga mata habang ang kamay niyang nasa bulsa lang kanina ay dinala na niya sa pisngi ko. Sinakop niya ito saka dahan-dahang hinaplos habang titig na titig pa rin sa akin. I swallowed hard. His fingers slid down gently, then moved to the back of my neck. Gusto kong makiliti dahil isa sa sensitibo kong parte ay ang batok ko, pero mas nangibabaw ang matindi kong pangamba. Seriously, what is he doing? "Fifty million pesos," he says, his voice low and deep. "I’ll buy you with that amount. Be my personal sex slave."Kabanata 5: Bought "Hi, ladies. Um, this is my friend Zale. I hope you don’t mind that I brought him here," Sha’s boytoy introduced the drug lord casually.Walang atubiling lumapit si Sha sa dalawang lalaki at nakipagkamay kay Zale. Ako nama’y agad nang nag-iwas ng tingin sa kanila.Maybe I should just go back inside and lock myself in my room... pero kasi..."By the way, mga chupapi! This is my friend, Chayo. She’s an escort also, pero off-limits siya."Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko sa paraan ng pagpapakilala sa akin ni Sha sa dalawa. Nakaangkla na ang braso niya sa braso ng boylet niya, habang ang lalaki naman ay mahigpit nang nakahawak sa balakang ng babae.For God’s sake, kahit hindi ko nilingon si Zale ay ramdam ko ang mabigat niyang paninitig sa akin. Kanina pa, sa totoo lang!What if pagsarhan ko na lang silang tatlo ng pintuan para sila-sila na lang ang mag-usap?Pakiramdam ko kasi ay hindi na ako kumportableng pag-usapan ang pag-utang ko sa boylet ni Sha dahil sa dru
Kabanata 4: Hickey Dire-diretso lang ang lakad ko palabas ng gusali. Ni hindi ko pinansin ang pagsalubong sa akin kanina ni Boss sa may bulwagan. Pumara na ako ng taxi at umuwi na sa apartment.“Oh? Ba’t ang shungit ng awra natin? Hindi ka pinautang?” Sha asked as she opened the gate for me.Umiling lang ako at nilagpasan siya. Nakita ko ang bahagyang pagtataka sa mukha niya pero tahimik lang siyang sumunod sa akin sa loob.“Ugh!” I hissed as I dropped myself onto the sofa.“Ayy, high blood ang atake natin, ’te? Ano ba’ng nangyari?”Inis kong nilingon si Sha na para bang sa kaniya ako galit. Nginiwian niya ako saka naupo sa tabi ko.“Nainis lang ako. Sana hindi na lang ako pumunta doon. Badtrip!”“Hm…” Tumango siya, tila naintindihan ang pinaghuhugutan ko kahit wala pa man akong sinasabi. “Eh, ’di hindi ka nga pinautang?”Sumandal siya sa backrest ng sofa at umiling-iling. She probably thinks I am mad at Boss.“Hayaan mo na ’yon. Kailan mo ba kailangan ng dats? Baka puwede kong kausa
Kabanata 3: Kiss Sa sobrang pagiging satanas niya, parang ginamitan niya ako ng hipnotismo dahil hindi na ako nakapagsalita. Napatitig na lang ako sa kaniya habang nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya. We sinners only do forbidden doings... Niko will understand... One hundred million... Kusa akong umatras at napailing na lang sa kaniya. "It's still no, Zale," sagot ko nang nahagilap ko na ang boses ko. He pursed his lips, studying my entire face like there was something wrong with how it was made. "Sabi ko, ayaw ko," tinagalog ko na nang hindi siya umimik. “Just name your price. I’m not taking a no for an answer,” aniya, patuloy pa ring sinusuyod ng tingin ang buong pagmumukha ko. God, he’s making me self-conscious! Dahil sa ginagawa niya ay parang gusto ko na tuloy manalamin at tingnan kung may dumi ba ako sa mukha. Nag-iwas na lang ako ng tingin at bumalik na sa harap ng pintuan. "No is no, Zale. Iyon na ang sagot ko," giit ko. "Then why?" Hinawakan na naman
Kabanata 2: Sinner “Fifty million?!” Napabaling ako kay Boss nang mas nauna pa siyang mag-react kaysa sa akin. May patakip pa siya ng kamay sa umawang niyang bibig habang bilog na bilog ang mga matang nakatingin sa lalaking kaharap namin ngayon. Nalilito pa rin akong nakatingin sa Boss ko, hindi alam kung ano ang ire-react sa nangyayari. “I’m still talking to you.” Napabalik ang tingin ko kay Zale nang basta na lang niya akong hinawakan sa baba at pinaharap sa kaniya. He smirked a little when his eyes dropped to my parted lips, still hanging open in shock. “What’s your take?” tanong niya. Nanatili akong gulat. Ngayon lang talaga nag-sink in sa akin ang mga sinabi niya. Fifty million? Seryoso ba siya? At para ano? Para maging... parausan niya? Nakadrugs ba ang drug lord na ito?! Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa baba ko at umatras upang ilayo sa kaniya ang katawan ko. “What are you doing here?!” I asked when my senses completely returned. Tumuwid siya ng tayo at sery
Kabanata 1: Niko "You killed my son! You murderer! Ambisyosa ka! You ruined our family!"Nanlalabo ang paningin ko habang nakatitig sa nanggagalaiti sa galit na ginang. She is the well-known Mrs. Gallardo, the mother of Niko, my boyfriend.Kalilibing lang kanina ng durog na durog na bangkay ni Niko. Sobra kong ikinadurog ang sinapit niya kaya para na akong namamanhid sa binabatong salita sa akin ngayon ng Mama niya. Tanging ang walang katapusan kong luha ang kusang tumutugon sa ginang. Hindi ko magawang maipagtanggol man lang ang sarili ko."Ipakukulong kita, tandaan mo 'yan! Magtago ka na dahil gagawin ko rin sa'yo ang ginawa mo sa anak ko!"With that, she stormed off, her heels echoing through the marble floor, leaving me frozen where I stood, crying, broken, staring at the door she had just slammed.Namatay sa car accident si Niko. Ako ang kasama niya doon. Dalawa kaming nasangkot sa aksidente pero hindi tulad niya, wala akong masyadong naging galos.Naospital din ako pero lumaba
Trigger Warning: This story contains adult themes, including sexual content, drug use, violence, blackmail, and dark psychological situations. Reader discretion is strongly advised. Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. The content is intended for mature audiences only. It explores dark themes and adult situations that may be disturbing to some readers. ***Simula: First Night"What the fvck, woman! Move with me. Grind your fvcking as*!" I squeezed my eyes shut as he pushed his manh*od deeper into me from behind.Hindi ko alam na ganito siya katindi sa kama. Tahimik siyang tao: bilang lang sa daliri ang maririnig mong salita sa kanya. Kaya nakakagulat na ganito pala siya ka-agresibo."I hate to admit this, but your cock is too hard to handle. Ang laki masyado—ahh!" impit akong napaungol nang bigla niya akong itulak, dahilan ng pagkakasubsob ko sa headboard ng kamaI hate him already! I know I love s-x, but







