LOGINElora
Sa buong maghapon, hinarap ko ang mga mabibigat na gawaing-bahay. Mula sa pagpupunas ng malalaking kasangkapan sa malawak na sala hanggang sa pag-aayos ng mga gamit sa kusina.
Ang mansyon ay napakalaki ngunit kahit gaano pa man ito kalaki ay hindi kami nagpang-abot ni Kael. Mukhang sinasadya ni Kael na hindi magpakita sa akin at tila masaya na lamang sa panonood sa mga CCTV’ng nakapalibot. Duwag! Bahag ang buntot!
Wala akong nakakausap sa mga tauhan niya, maliban kay Aling Myrna, na mayordoma ng mansion na ito. Siya ang nagturo sa akin kung ano ang aking dapat gagawin, labag man sa loob ko ay kailangan ko siyang sundin.
In our home in Manila, I was treated like a true princess. We had numerous housekeepers attending to our luxurious residence in Forbes Park. I never even had to wash the dishes or sweep my own room. Everything was left to the household staff because that was what we paid them for—to serve us.
Dama ko na ang pagod sa aking katawan at mga kamay na hindi sanay sa gawaing-bahay. Malayo sa kinagisnan ko na laging nakaharap sa laptop, meetings, at pag-aasikaso ng family business. Minsan, lihim pa akong naluluha dahil iniisip ko na baka hindi na ako kayang hanapin pa ng pamilya ko at habang-buhay na akong magsisilbi rito. Tatanda katulad ni Aling Myrna na sa murang edad pa lang daw ay nagsilbi na sa pamilyang Santander.
“Hija…” sambit ni Aling Myrna na naroon na sa tabi ko habang nakaupo ako sa ikatlong baitang ng hagdan sa labas malapit sa may kusina. “Heto ang juice at tinapay. Magmeryenda ka muna at baka gutom ka na. Ako ang may gawa niyan.”
Pasimpleng pinunasan ko ang nangingilid kong mga luha at kinuha ang dala niya. “Thank you, Aling Myrna.”
Umupo siya sa tabi ko. “Namimiss mo na ba ang buhay mo sa Maynila? Pasensiya ka na rito sa lugar namin. Malayo ito sa nakasanayan mong buhay at nakikita ko naman iyon. Sigurado akong hinahanap ka na ng mga magulang mo.”
“Sana nga ho, Aling Myrna,” may pait sa sagot kong iyon. “Sana nga rin ay kaya akong tubusin ng pamilya ko kay Kael.”
“M-May anak din akong babae at bilang isang magulang ay masakit ang makita kang ganyan. Kung h-hindi mo mamasamain, hija, maaari ko bang malaman kung bakit ka nandito?”
Ibinaling ko ang tingin sa malawak na lupaing natatanaw lang sa kinauupuan namin. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nagkuwento kay Aling Myrna. “That night, I was a fallen angel without wings. It was supposed to be the night I would finally be happy, spending it with the husband I had longed for so desperately. But instead, it turned into a nightmare. No—not just a nightmare. It was hell.
“Ibinenta ako kapalit ng malaking pagkakautang ng asawa ko kay Kael Santander. Isang utang na kailanman ay wala akong alam at pananagutan. Ang masaklap pa ay ibinenta ako ng asawa ko sa mismong araw ng aming kasal sa lalaking…sa taong walang puso. Ang sakit, Aling Myrna. Sariwa pa ang lahat sa akin at walang oras na hindi ko iniisip kong paano iyon nagawa sa akin ni Gabriel,” muli na naman nangilid ang luha ko.
“Hija, tatagan mo ang iyong loob. Baka naman naghahanap na ngayon ng paraan ang asawa mo para tubusin ka. Nasa magkano ba ang utang ng asawa mo kay Sir Kael at baka kaya niyo namang bayarang mag-asawa?”
“I heard, fifty billion pesos,” tugon ko.
“Ha?!” Nanlaki ang mga mata niya. “Ganoon kalaki?”
“Kahit siguro pagsamahin namin ang yaman ng aming pamilya, baka hindi rin aabot.” Bumaling ako sa kaniya. “Kaya, Aling Myrna, tulungan mo akong makatakas. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa iyo. Ikaw lang ang taong nakakausap ko rito,” pagsusumamo ko.
“Elora…gustuhin ko man ay hindi maaari. Hawak ni Sir Kael ang buhay ng mga tao rito kabilang na ako. Ayokong mapahamak ang pamilya ko sa pagtulong sa iyo. Mabuti sigurong kausapin mo si Sir Kael.”
“Paano ko kakausapin ang taong hindi matibag ang puso? He’s totally a wall you can’t break through.”
Bumuntong-hininga siya saka marahang tumayo. “Papasok na ako sa loob at mag-aasikaso na rin ng hapon. Sumunod ka na lang.”
Hindi na ako umimik. Batid kong iniiwasan niya ang pag-usapan pa ang amo niya. Sapat na rin ang mga kataga ni Aling Myrna na hindi lang batong pader ang binabangga ko, apoy din ang nilalakaran ko.
Dumating ang gabi, at ang buong mansyon ay nabalot ng katahimikan. Ang mga tauhan ay nagtungo na sa kanilang sariling mga quarters sa labas ng pangunahing gusali, at si Kael naman ay mukhang nakakulong sa kaniyang opisina sa ikalawang palapag.
Habang naglilinis pa rin ako sa isang bahagi ng mahabang pasilyo malapit sa kusina, napansin kong bahagyang nakabukas ang isang maliit na likurang p***o na patungo sa hardin. Sumilip ako sa labas. Manaka-naka na lang ang ulan na kanina lang biglang bumuhos. Ang paligid naman ay nababalot ng makakapal na hamog.
Sinipat ko ang hardin at walang kahit ni isang guwardiya o bantay lang ang naroon. Isang plano ang bumuo sa isipan ko. Ang aking puso ay biglang tumibok nang napakabilis. Ito na ba ang pagkakataon ko? Kung tatakbo ako ngayon patungo sa masukal na bahagi ng burol, baka makahanap ako ng daan pabalik sa highway at makahingi ng tulong sa mga dumadaang sasakyan.
Ang pananabik na makatakas sa gintong hawlang ito ay nagbigay sa akin ng biglaang lakas ng loob. Isinantabi ko ang hawak kong basahan at dahan-dahang humakbang patungo sa nakabukas na p***o.
Bawat hakbang ko sa madulas na damuhan ng hardin ay puno ng kaba. Tumingin ako sa itaas, sa mga bintana ng mansyon, upang masigurong walang nakakakita sa pag-alis ko. Malaya na ako ng ilang metro mula sa p***o. Nararamdaman ko na ang malamig na hangin ng kalayaan. Habang naglalakad ako sa gitna ng hardin, hindi ko namalayang may napatid akong paso ng halaman dahilan kaya naramdaman ko ang biglang pagtusok ng matulis na bagay.
“Ouch!” impit kong sabi.
Subalit nagpatuloy pa rin akong naglakad makarating lang sa dulong bahagi. Bawat hakbang ko ay simbolo ng pag-asang ito na ang tsansa kong makalayo sa lugar na ito. Mas lalo ko pang binilisan ang aking paghakbang kasabay ng pangingilid ng aking mga luha. Hindi ko na rin iniinda ang maninipis na pagpatak ng ulan sa aking katawan. Naalala ko na naman ang gabing tinangay ako at inilayo sa mga taong mahal ko at ang pagtataksil ni Gabriel.
Ngunit bago pa ako makahakbang nang mas malayo patungo sa gate ng burol, isang matangkad at armadong guwardiya na naka-uniporme ng itim ang biglang sumulpot mula sa likod ng isang malaking puno. Mabilis niyang hinarangan ang aking daan, hawak ang isang malaking armas sa dibdib niya. Ang kaniyang mukha ay seryoso at walang emosyon. Napaatras ako sa matinding gulat, napasinghap habang hawak ang dibdib ko.
“Saan mo gustong pumunta?” anang malaking boses.
“N-No!” Bigla akong napahinto sa harapan niya saka sumulyap sa hawak niyang armas.
“Bumalik ka na sa lungga mo, magandang kuting,” wika niyang sabay ngisi. “O baka gusto mong pasabugin ko iyang bungo mo.”
Nahintakutan ako. Bumalot sa buong katawan ko ang labis na takot na may kasamang panginginig. Hindi ko inaasahan na sa dulong bahagi nitong hardin ay may taong nakaantabay lang pala at mukhang alam ang bawat galaw ko. Kaya naman tila napako ang aking mga paa sa lupa’t hindi makagalaw.
“Do you really think you can escape from here?”
A bone-chilling, deafening voice suddenly echoed from behind me. I quickly turned around and saw Kael standing right behind me. Ang kaniyang mga kamay ay nasa bulsa, at ang kaniyang mga mata ay may kakaibang kislap ng isang mangangaso na alam na ang susunod na galaw ng kaniyang biktima.
Humakbang siya palapit sa akin sa ilalim ng mahinang ambon, at ang kaniyang boses ay nag-iwan ng isang nakapangingilabot na babala na nagpatigil sa takbo ng aking mundo.
“I already told you, you belong to this mansion now. And let me remind you…every attempt you make to escape will come with a severe punishment—one you definitely won’t like.”
Kael
Sa buong maghapon, hindi ako lumabas ng opisina ko. Hinayaan ko siyang mapagod sa mga gawaing-bahay, habang pinapanood ko ang bawat galaw niya sa mga monitor ng CCTV. Akala siguro ng babaeng ito na nakakalusot siya.
Kitang-kita ko kung paano mangilid ang mga luha niya habang kausap si Aling Myrna, kung paano niya isinusumpa ang pangalan ko, at kung paano niya tinawag ang sarili niya na isang fallen angel. Lahat iyon ay narinig ko mula sa audio ng CCTV.
Isang anghel na ibinenta ng sarili niyang asawa.
Nang sumapit ang gabi, akala niya tulog na ang buong mansyon. Nakita ko sa screen ang dahan-dahan niyang paghakbang patungo sa likod-bahay. Nakakatawa. Talagang inisip niyang ganoon kadaling takasan ako.
Hinayaan ko muna siyang makalayo nang kaunti, binigyan ko siya ng huwad na pag-asa, bago ko pinasundan sa tauhan ko. And now, here I am, standing behind her as she trembles before my bodyguard.
“Do you really think you can escape from here?” Ang malamig kong boses ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Kitang-kita ko ang marahas na pagbaling niya sa akin. Mukha siyang basang sisiw sa ilalim ng manipis na ambon, ngunit ang mga mata niya ay naghahalong nag-aapoy sa galit at takot.
“K-Kael...” nauutal niyang sambit. Umaatras siya habang hawak ang kaniyang dibdib.
“Sumasakit ang ulo ko sa mga katulad mong matitigas ang ulo, Elora,” mariin kong sabi habang dahan-dahang humahakbang palapit sa kaniya. “Do you think my mansion is some kind of playground? That once you get tired of being a servant, you can simply walk away?”
“Let me go! I haven’t done anything wrong to you! My husband is the one who owes you money, not me!” sigaw niya, lumalabas ang kaniyang pagiging pinalaking prinsesa sa Forbes Park.
Hindi ko pinakinggan ang mga dahilan niya. Sa isang mabilis na pagkilos, mahigpit na hinablot ko ang kaniyang braso. Sapat na para maramdaman niya na wala siyang laban sa akin. “We’re going back inside. Right now!” maautoridad kong utos sa kaniya.
“Let me go! You’re hurting me, Kael! I said, let me go!”
Nagsimula siyang magpumiglas. Marahas niyang iwinasiwas ang kaniyang katawan, sinusubukang bawiin ang kaniyang braso sa pagkakahawak ko. Ginamit niya ang kaniyang kuko para kalmutin ang kamay ko, ngunit hindi ko binitawan ang pagkakasunggab sa kaniya. Para siyang ligaw na pusa na nagwawala.
Ang bawat hakbang pabalik sa mansyon ay naging isang malaking pakikipagbuno dahil ayaw niyang magpatianod. Walang patid ang paghampas niya sa likuran ko.
“Huwag mong subukan ang pasensya ko, Elora,” banta ko, habang patuloy siyang kumakawala.
“Ayoko! Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa makasama ang isang demonyong katulad mo!” galit na galit niyang isinumbat, habang patuloy ang kaniyang malakas napag-iyak.
Dahil nga sa walang humpay niyang pagwawala at sa takot kong baka tuluyan kaming madulas pareho sa basang damuhan, nawalan na ako ng pagpipilian. Walang sabi-sabi, binitiwan ko ang braso niya at mabilis na isinukbit ang isang braso ko sa kaniyang likod at ang isa naman ay sa ilalim ng kaniyang mga tuhod.
“Ibaba mo ako! Kael, ano ba! Iibaba mo ako!” Nagsimula siyang magwala habang nakalitin ang kaniyang mga kamao sa likod ko. Pinalo-palo niya ang balikat ko, walang tigil sa pag-iyak at pagwawala habang dahan-dahan kong binabaybay ang daan pabalik sa p***o ng mansyon. Mabigat siya dahil sa basang damit, pero mas mabigat ang kaniyang pride na pilit kong binabasag.
Pagbukas ko ng malaking p***o ng mansyon, sinalubong kami ng maliwanag na ilaw ng sala. Ngunit hindi lang iyon—dahil sa lakas ng kaniyang mga tili at hiyaw, naglabasan na ang ilang mga tauhan ko. Una kong nakita ang mayordomang si Aling Myrna, na bakas ang takot at pag-aalala sa mukha habang nakatingin sa amin.
“Sir Kael... ano pong nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Aling Myrna, napahawak pa sa kaniyang dibdib habang nakikita ang histerikal na si Elora.
“Bitawan mo ako! Tulong! Aling Myrna, tulungan mo ako! Demonyo siya!” patuloy na pagsigaw ni Elora, walang pakialam kung marinig man siya ng buong sambahayan. Ang kaniyang boses ay umalingawngaw sa mataas na kisame ng malawak na sala.
Doon na tuluyang napuno ang salop ko. Ang galit na kanina ko pa pinipigilan ay sumabog na. “Shut up!” dambana ko sa kaniya, isang boses na sapat para magpatahimik sa buong silid kabilang na ang mga tauhan na nakikiusyoso. Binalingan ko ang mga bodyguard at katulong na nakatayo sa gilid. “All of you, go back to your rooms! No one leaves unless you want to lose your job—or worse!”
Nanginig ang mga tauhan at mabilis na nag-alisan, kabilang si Aling Myrna na bago umalis ay nag-iwan ng isang nagmamakaawang tingin para kay Elora.
Ibinaba ko nang marahas si Elora sa marmol na sahig. Napaupo siya roon, habang ang kaniyang buhok ay gulo-gulo at ang kaniyang mukha ay basa ng luha at ambon. Kahit na kitang-kita ang takot sa kaniyang mga mata, pinilit niya pa ring makipagmatigasan.
Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata, may pait at poot. Umiiyak siya, ngunit ang kaniyang mga labi ay nakakagat habang pinipigil ang lalo pang paghagulgol. Talo na siya, alam niya iyon. Wala siyang magagawa sa teritoryo ko.
“Akala mo ba matatakot mo ako sa pagsigaw mo?” bulong ko sa kaniya habang nakatayo sa harapan niya, parang isang higante na nagmamasid sa isang bagsak na kalaban. “Dito sa mansyong ito, ako ang batas. Ang asawa mo ang nagdala sa iyo rito, kaya matuto kang sumunod.”
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakaupo sa malamig na sahig, nakayuko at tahimik na humihikbi, habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao.
Hihilahin ko na sana siya patayo para dalhin sa kaniyang kwarto nang biglang may pumukaw sa paningin ko. Sa puting marmol na sahig ng sala, may ilang patak ng likido. Hindi ito tubig-ulan dahil may kakaibang kulay ito—pula.
Ipinako ko ang tingin ko sa kaniyang binti. Doon ko napansin na ang kaniyang manipis na pantalon ay may punit, at mula roon ay umaagos ang sariwang dugo na dahan-dahang pumapatak sa sahig. Naalala ko, napatid niya ang paso. Nagawa niyang masugatan nang malalim dahil lang sa pagmamadaling takasan ako.
Sa hindi malamang rason, parang may biglang nagbago sa loob ko. Ang kaninang nag-aapoy kong galit ay tila biglang nalamigan nang makita ko ang dugo. Ang imahe ng isang matapang at palaban na Elora ay biglang napalitan ng isang mahina at nasasaktang babae. May kung anong kirot o kakaibang emosyon ang dumaan sa dibdib ko na mabilis ko ring itinanggi sa aking sarili.
“Sir Kael...” Isang tauhan ang sumilip muli, natatakot sa aking reaksyon.
Hindi ko na inalis ang tingin ko sa sugat sa kaniyang binti. Agad na nag-iba ang tono ng aking boses—wala na ang galit, kung ‘di isang malamig ngunit mabilis na utos.
“Kumuha kayo ng first-aid kit ngayon din,” utos ko sa aking tauhan, habang dahan-dahan akong lumuhod sa harap ni Elora upang tignan nang malapitan ang kaniyang sugat, habang siya naman ay napasinghap at napaurong sa aking biglaang paglapit.
EloraHumarap ako sa malaking salaming nakadikit sa pader ng aking master’s bedroom sa loob ng penthouse. Tapos na ang halos dalawang oras na pag-aayos sa akin ng pinagkakatiwalaang glam team na inilaan ni Kael para sa hapon na ito. Tinitigan ko ang aking sariling repleksyon, at sa unang pagkakataon, hindi ko na nakita ang nanghihina, umiiyak, at basag na Elora Samonte.Suot ko ang isang napakarangya ngunit pormal na emerald green na designer power suit. Ang tela nito ay mabigat, seryoso, at yakap na yakap ang aking katawan, na may natural na awtoridad. Pinadisenyo ito ni Kael para sa akin—isang kulay na malayo sa tradisyunal na puti ng isang bride, dahil alam naming dalawa na ang pagiging asawa ko ay hindi simbolo ng masayang panimula, kung ‘di isang kasunduan ng digmaan.My hair was tightly tied into a ponytail, and my lips were painted in a dark red lipstick that seemed to mirror the darkness gathering inside me. The woman who had once been vulnerable was nowhere to be found. In he
EloraNakatayo ako sa harap ng napakalawak na glass window ng penthouse sa pinakatuktok ng Santander Tower. Tanaw ko mula rito ang naglalakihang mga ilaw ng lungsod na tila ba mga bituing bumagsak sa lupa, ngunit wala akong maramdaman na kahit anong pagkamangha.Ilang linggo na ang nakalilipas mula nang ibenta ako ni Gabriel, at ngayong araw, nakatali na ang aking bagong pangalan sa lalaking bumili sa akin. Ang marangyang penthouse na ito ay minimalistiko, moderno, at napakalinis—isang perpektong repleksyon ng malamig na pagkatao ng aking bagong asawa.“Have a sit, Elora.”Ang malamig at masungit na boses ni Kael mula sa aking likuran ang bumasag sa aking malalim na pag-iisip. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko siyang nakaupo sa isang mahabang leather sofa sa gitna ng sala, inaayos ang kaniyang kuwelyo habang may mga papeles na nakalatag sa ibabaw ng kristal na lamesa. Lumakad ako patungo sa kaniya at naupo sa tapat niyang silya, pinapanatili ang katigasan ng aking mukha.“Now th
TheoIbinagsak ko ang kristal na baso sa ibabaw ng mahogany desk sa loob ng sala ng aking pribadong villa rito sa Tagaytay. Ang tunog ng pagkabagok ng baso ay umalingawngaw sa buong silid, kasunod ng marahas na pagbuhos ng alak sa aking mga daliri.Hinawakan ko ang aking kanang panga. Masakit pa rin. Kumikirot pa rin ang latay ng matinding suntok na ibinigay sa akin ng magaling kong kuya—si Kael Santander—noong gabing mabulabog ko ang kaniyang mansyon sa probinsya. Ngunit mas masakit sa aking panga ang matinding kahihiyan at inggit na lumalamon sa aking buong pagkatao ngayon.“Theo... kailangan natin ng panibagong paraan o plano. Hindi pwedeng ganito na lang!”Nilingon ko ang lalaking pabalik-balik na naglalakad sa harap ng aking fireplace—si Gabriel Monteverde. Kung noong mga nakaraang buwan ay mukha siyang isang mayaman at seryosong negosyante mula sa mayayamang angkan sa Maynila, ngayon ay mukha na lamang siyang isang basang sisiw na natakasan ng kaniyang sariling katinuan.Ang kan
Naramdaman ko ang marahas na panginginig ng mga tuhod ko. Ang alaala ng gabing iniwan niya ako sa hotel suite, ang pait ng kaniyang pagtataksil, at ang mukha ng kaniyang mistress sa mga larawan ay sabay-sabay na sumabog sa aking isipan.Ang lahat ng sakit na aking iniyakan sa loob ng dalawang linggo sa probinsya ay biglang nagbago ng anyo. Hindi na ito kahinaan. Ito ay naging isang nag-uunahang agos ng purong poot. Subalit bago pa man ako tuluyang manghina, naramdaman ko ang lalong paghigpit ng hawak ni Kael sa aking kamay. Ang kaniyang init ay tila ba naging isang invisible na pader na nagbigay sa akin ng lakas upang tumayo nang tuwid.Humakbang si Gabriel palapit sa amin. Ang kaniyang mga hakbang ay gulo-gulo, mabilis, at halatang natataranta. Ang kaniyang mga mata ay nagpalipat-lipat sa aking puting satin dress at sa matikas na mukha ng lalaking kasama ko.“E-Elora...” pautal-utal niyang sambit, ang kaniyang boses ay nanginginig nang tuluyan niya
EloraAlas-nuebe ng umaga nang huminto ang aming convoy sa tapat ng isang marangyang five-star hotel sa gitna ng lungsod ng Makati. Ang ulan mula sa probinsya na sumubok sa aking katapangan kagabi ay napalitan ng pamilyar na mausok, maingay, at nagmamadaling sikat ng araw sa lugar na ito, ngunit ang lamig sa loob ng sasakyan ay nanatili hanggang sa huling sandali ng biyahe namin.Pagkababa namin, mabilis kaming pinaligiran ng mga piling tauhan ni Kael. Ang iba sa kanila ay nanatili sa labas ng hotel, mga matang alerto at nagmamasid sa bawat sulok ng paligid, habang ang iba naman ay tahimik ngunit mabilis na sumunod sa aming likuran papasok sa pribado at eksklusibong elevator.Naalala ko na naman ang hotel kung saan idinaos ang kasal ko noong gabing iyon at sa tuwing naaalala ko ang sandaling iyon, purong pait lang ang unti-unting sumasaksak sa dibdib. Hindi ito ang hotel kung saan ginanap ang kasal namin ni Gabriel pero mahirap pa rin isipin na sa pangalawang pagkakataon ay ikakasal a
GabrielIpinako ko ang aking paningin sa naglalakihang mga ilaw ng lungsod habang inihahanda ko ang aking sarili para sa susunod na malaking hakbang. Ang bawat segundo ng katahimikan sa loob ng aking penthouse rito sa Bonifacio Global City ay tila ba nagpapatibay sa aking paniniwala na ako ang pinakamatalinong lalaki sa mundong ito. Nakasandal ako sa marangyang leather sofa, dahan-dahang hinihithit ang aking mamahaling tabako, habang ang isang mapait at mayabang na ngisi ay hindi maalis sa aking mga labi.The taste of victory is incredibly sweet when you know you’ve outmaneuvered the most formidable businessman in the entire country. For the first time, I wasn’t the one being chased—I was the one leading the game. And the best part? He never once thought I was capable of beating him. Hinding-hindi ako papayag na alipustahin mo ako, Kael.“Babe, ano’ng iniisip mo?” Isang malambot at mainit na kamay ang marahang humaplos sa aking balikat mula sa likuran. Lumingon ako at nakita ko ang ma







