共有

Chapter 4

作者: Magzz23
last update 公開日: 2026-08-18 17:41:43

Elora

A heavy and painful feeling. It felt as though a thousand tons of steel were pressing down on my head, making my thoughts foggy and my senses dull as I slowly opened my eyes. Ang unang bagay na nakita ko ay isang payak na puting konkretong kisame, magaspang at malamig sa aking pakiramdam—malayong-malayo sa maringal na chandelier ng hotel na siyang huling bagay na natatandaan ko.

 I blinked several times, struggling to adjust my vision to the faint, flickering light filtering through a small, unfamiliar window on the side, heightening my sense of disconnection.

Nang subukan kong bumangon, isang matinding rebolusyon ng sakit ang dumaan sa aking sentido. Napahawak ako sa aking noo at humugot nang malalim na paghinga. Doon ko napansin ang aking kasuotan na nagbago na. Wala na ang aking mabigat at mamahaling lace wedding gown na gawa ng isang sikat na designer.

Wala na ang mahabang belo na maingat pang inayos ni Karla bago ako lumabas patungo sa altar ng ballroom. Sa halip, suot ko na ang isang simpleng t-shirt na kulay abo at maluwag na gartered na shorts—mga damit pambahay na hindi ko alam kung kanino nagmula o kung sinong nagpalit sa akin habang wala akong malay.

Saan ako naroroon?

Iginala ko ang aking paningin sa buong silid. Ito ay isang maliit at simpleng kwarto lamang malayo sa kwartong nakasanayan ko. May isang solong kama, isang lumang kabinet ng kahoy, at isang maliit na lamesa sa gilid.

Walang karangyaan. Walang bakas ng ginto o mamahaling kagamitan na nakasanayan ko sa mansyon ng aking pamilya sa Maynila. Ang hangin ay malamig, may amoy ng sariwang damo at basang lupa, na nagpapahiwatig na malayo ako sa mausok at maingay na lungsod.

At sa isang iglap, kasabay ng malamig na ihip ng hangin mula sa bintana, bumalik ang lahat.

Ang helipad. Ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ang nakatutulig na ugong ng helicopter.

Hindi kita mahal! Kailanman ay hindi kita minahal!

Ang boses ni Gabriel ay umalingawngaw sa aking isipan, parang isang malupit na kidlat na muling tumama sa dibdib ko.

Ginamit lang kita para sa mga magulang ko, at ngayon... pambayad ka sa kaligtasan ko! Wala kang halaga sa akin, kaya mas mabuting ipagbili na lang kita sa kaniya!

Napahikbi ako, kusang pumatak ang mga luha sa aking pisngi habang niyayakap ko ang aking mga tuhod. Ang sakit ng pagtataksil ay sariwa pa rin, tila ba kasalukuyan pa ring hinihiwa ang aking puso ng bawat salitang binitawan ng lalaking pinagkatiwalaan ko ng aking buhay.

Ipinagbili ako ng sarili kong asawa, ang lalaking pitong taong gulang pa lang ako ay pinapangarap ko ng maging akin, at heto ako, itinapon na parang isang basahan. Ginawa akong kalakal upang isalba ang sarili niyang buhay mula sa isang malaking utang o kung ano man.

Ang bawat alaala ng araw na iyon ay parang isang masamang panaginip na hinding-hindi ko pinangarap na magising. Naalala ko kung paano ako puwersahang isinakay sa loob ng helicopter ng mga tauhan ni Kael Santander habang humihingi ako ng tulong kay Gabriel.

 Ang huling nakita ko bago ako tuluyang mawalan ng malay dahil sa matinding takot at pagod ay ang malamig, walang-awang mga tingin ng bilyonaryong si Kael habang nakatitig sa aking pagkawasak.

Napatigil ako sa aking pag-iyak nang marinig ko ang mabibigat na yabag ng sapatos na papalapit sa aking silid. Ang tunog ng bawat hakbang ay tila countdown na nagpapabilis sa tibok ng puso ko.

Dahan-dahang bumukas ang p***o ng silid, at kasunod niyon ay ang pagpasok ng isang nag-uumapaw at dominanteng presensiya na agad na nagpababa sa temperatura ng hangin sa loob ng kwartong kinaroroonan ko. Bumungad sa akin ang lalaking bangungot ng buhay ko—si Kael Santander.

Nakasuot pa rin siya ng isang mamahaling suit, ngunit sa pagkakataong ito ay wala na ang kaniyang coat. Ang kaniyang puting polo ay bahagyang nakatupi hanggang sa kaniyang siko, na nagpapakita ng matitipunong braso, at ang kaniyang mga kamay ay nasa bulsa ng kaniyang pantalon.

Ang kaniyang mukha ay nananatiling isang blangkong pader—walang galit, walang awa, purong malamig na awtoridad lamang. Tinitigan niya ako mula sa aking magulong buhok hanggang sa aking nanginginig na mga kamay.

“You’re awake,” His voice was low and baritone, each word carrying the weight of an order that could not be disobeyed.

Pilit kong pinatatag ang aking tinig, bagama’t nanginginig ang buong katawan ko habang nakaupo sa ibabaw ng kama. “Where am I? Why did you bring me here? What right do you have to imprison me?!” Isang sunod-sunod na tanong ang ibinato ko sa kaniya, umaasang makakakuha ng kahit kaunting sagot. “Ibalik mo ako sa pamilya ko! Hahanapin nila ako! Isang malaking krimen ang ginagawa mo!” pag-akusa ko.

Isang maliit, halos hindi mapansin na ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Kael, ngunit mabilis din itong nawala. Humakbang siya palapit sa dulo ng aking kama, at sa bawat paglapit niya ay parang lalong sumisikip ang espasyo sa aking paligid.

“Find you?” he said, his tone dripping with sarcasm. “Your family is currently too busy covering up the scandal your husband left behind. And just so you know, you’re in an exclusive hillside estate. A place where no one will ever know where you are unless I want them to.”

“You can’t keep me as a prisoner! I’ve done nothing to you!” sigaw ko, kasabay ng muling pag-agos ng aking mga luha dahil sa galit at kawalan ng pag-asa.

“You’re right. You’re not to blame,” tugon ni Kael, habang diretso siyang nakatitig sa aking mga mata, tila ba binabasa ang bawat takot na naroon. “But your husband owes me a great debt. Fifty billion pesos, Elora. That’s the amount he failed to pay by the agreed deadline.”

Naguguluhan, napamaang at napatitig ako sa kaniya. “A-At anong kinalaman ko sa utang niya?!”

“Simple lang,” malamig niyang binitawan ang mga salitang tuluyang nagpako sa buong pagkatao ko. “Simula ngayong araw, ikaw ay pag-aari na ng mansyong ito bilang pambayad sa utang ni Gabriel. Ibinigay ka niya sa akin, at tinanggap kita bilang kabayaran.”

Nanuyo ang aking lalamunan. “P-Pambayad? Hindi ako isang ari-arian! Hindi mo ako pwedeng ariin nang parang isang kalakal!”

“For Gabriel, you are nothing more than a commodity. And to me, you are a transaction that must yield a return,” Kael said coldly. He walked toward the door, but before leaving, he turned to look at me one last time. “Don’t expect to live here like a princess, Elora Samonte. You will work in this mansion to prove that you’re worth the price your husband paid for you. You’ll start doing the household chores today. I have no use for a lazy woman under my roof.”

Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Lumabas siya ng silid at marahas na isinara ang p***o na nag-iwan ng isang nakabibinging tunog na tila hudyat ng aking opisyal na pagiging bilanggo.

Nang maiwan akong mag-isa, tuluyan nang bumigay ang lakas ko. Napasubsob ako sa aking mga palad at umiyak nang walang patid. Ang tindi ng kahihiyan at sakit ay halos hindi ko kayang tanggapin. Ako na isang Samonte, isang tagapagmana na pinalaki sa luho at iginagalang sa alta-siyudad, ay ginawang alipin at pambayad-utang ngayon sa isang hindi pamilyar na lugar.

Ang aking dangal ay tuluyang niyurakan ng sarili kong asawa, at ngayon ay hawak ako ng isang lalaking walang kaunting init o awa sa kaniyang puso. Parang isang panaginip na binuo sa impiyerno ang aking kasalukuyang buhay.

Maya-maya lang ay muli na namang bumukas ang p***o at sa pagkakataong ito ay hindi na si Kael ang naroon.

Isang may edad na ginang ang pumasok sa kwarto, isinara muna niya ang p***o saka siya humarap sa akin. Sa tantiya ko ay nasa mid-50’s na siya. May kaunting puti na ang kaniyang buhok, medyo kulubot na rin ang balat, hindi siya gaanong katangkaran at medyo payat.

Umaayos ako sa pagkakaupo saka pinahiran ang aking mga luha. Naisip ko na baka tauhan ito ni Kael at may iniwan sigurong utos na kailanman ay hindi ko susundin.

“Hija…” anas niya. “Magandang umaga. Ako nga pala si Aling Myrna. Isa ako sa mga tagapangasiwa rito sa bahay. Inihanda ko na ang iyong almusal at pagkatapos mong kumain ay sumunod ka sa akin para ipakita ko sa iyo ang dapat mong gagawin dito sa mansion,” malumanay niyang sabi.

Mabuti pa ang katiwala ni Kael, napakamalumanay magsalita. Hindi katulad ng kaniyang amo na sukdulan ang kasamaan at bato ang puso. “A-Aling Myrna…” Mabilis akong kumilos na nilapitan siya at nagmamakaawa. “Aling Myrna, t-tulungan niyo ho ako. H-Hindi ako dapat nandito. I was kidnapped by your boss! Kailangan kong makalabas—kailangang malaman ng mga magulang kong—”

“Sssshh!” Iniharang niya ang kaniyang mga daliri sa bibig ko kaya ako napatigil. “Hija, labas na kami sa kung anong mayroon kayo ni Sir Kael. Nandito ako dahil sa utos niyang asikasuhin kita para sa unang araw mo rito sa mansion. Pasensiya ka na at hindi kita matutulungan. Si Sir Kael ay hindi ang tipong amo na kilala ng lahat. Halika, sumunod ka sa akin.”

“P-Pero—”

“Makabubuting huwag ka ng magreklamo sa kung anong gusto niyang gawin. Iba magalit si Sir Kael at ayokong ako ang pagbalingan niya. Hija…” Inilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa kaliwang balikat ko. “Magpakatatag ka rito. Nakikita ko sa iyong isa kang mabuting babae at kung ano man ang naging kasalanan mo kay Sir Kael, ikaw na sana ang magpasensiya.”

“Magpasensiya?!” maang kong sabi. “He’s a devil! Ni wala siyang karapatang itago o iburo ako sa mansion na ito. I need justice!”

Tinanggal niya ang kaniyang kamay sa balikat ko sabay napailing. “Naiintindihan ko pero sa ngayon ay magpakumbaba ka muna. Halika na at baka bumalik na naman iyon dito at magwala.” Pilit ang ngiti niya sa akin saka siya nagpatiunang naglakad upang buksan ang p***o.

Bagsak ang balikat kong sinundan ng tingin si Aling Myrna. Kahit anong gawin kong pagmamakaawa ay hindi rin uubra. Hawak ni Kael sa leeg ang kaniyang mga tauhan at batid kong mahihirapan ako sa planong tumakas.

Pero hindi! Hindi makatarungan ang lahat ng ito. Naalala ko ang mga salita ni Karla—huwag mong hahayaan na mawala ang sarili mo. Tama siya. Kung mananatili akong nakahiga at umiiyak dito, tuluyan akong wawasakin ng sitwasyong ito.

Muli kong pinunasan ang aking mga luha, inayos ang aking simpleng damit, at buong dignidad na binuksan ang p***o ng aking silid upang simulan ang unang araw ng aking bagong buhay bilang bilanggo ni Kael Santander.

Dinala ako ni Aling Myrna sa likod-bakuran na may malawak na hardin. Katatapos lang din namin mag-almusal kasama pa ang ibang mga tauhan ni Kael. Bukod doon, may mga tauhan din siyang nagbabantay sa paligid na naka-sibilyan lang. Tantiya ko ay hindi nga basta-basta makakapasok ang kahit sinong mga taga-labas kung ganito kahigpit ang kaniyang seguridad.

“Heto, hija.” Iniabot sa akin ang isang bagay na hindi ko naman alam kong ano ang pangalan.

Napatitig ako sa hawak niya. “What’s that, Aling Myrna? What should I do with that?”

“Ha?” kunot-noong wika niya. “Hindi mo ba alam kung para saan ito?”

Umiiling ako. “Hindi ho. Para saan ho ba iyan?”

“Ito ay walis-tingting. Ginagamit ito bilang panlinis at pantagal ng mga tuyong dahon. Ang gagawin mo ay maglinis sa buong hardin.”

“What?!” gulat ko. “A-Ako ho ang maglilinis at magtatanggal ng mga tuyong dahon sa buong paligid?” Mabilis kong iginala ang aking paningin sa napakalawak na hardin ni Kael saka muling bumaling kay Aling Myrna. “You’re not joking, right? Aling Myrna…wala ho akong alam sa gawaing bahay. I swear, I can’t do this.”

Napabuntong-hininga siya. “Hija, kung ako lang ang masusunod ay hindi ko na ito ipapagawa sa iyo. Tingnan mo ang paligid ng mansion, puno ito ng mga CCTV. Sa mga oras na ito ay pinapanood na tayo ni Sir Kael. Kung ako sa iyo ay sundin mo na lang siya para hindi ka mapahamak. Sige ka, kapag nahuli ka niyang walang ginagawa, ipapahabol ka niya sa mga lion dito,” banta pa niya sa huli.

Nanlaki ang mga mata ko. “L-Lion? Is there a lion here?”

“Oo. Lumalabas lang sila tuwing gabi,” pagkawika niyang iyon ay agad niya akong tinalikuran. Iniwan niya ang walis-tingting sa may halaman.

“But—Aling Myrna—I don’t know how—” Inis akong dinampot ang tinawag niyang walis-tingting habang nagngingitngit ang aking kalooban. Sumulyap ako sa mansion na may camera saka iniangat ang aking kamay na may hawak na walis-tingting na animo’y nagbabanta kay Kael. “I swear on my dead body, Kael Santander…you will pay for every single thing you’ve done to me. I will make sure of it.”

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • SOLD TO A COLD BILLLIONAIRE: MY EX-HUSBAND'S DOWNFALL   Chapter 4

    EloraA heavy and painful feeling. It felt as though a thousand tons of steel were pressing down on my head, making my thoughts foggy and my senses dull as I slowly opened my eyes. Ang unang bagay na nakita ko ay isang payak na puting konkretong kisame, magaspang at malamig sa aking pakiramdam—malayong-malayo sa maringal na chandelier ng hotel na siyang huling bagay na natatandaan ko. I blinked several times, struggling to adjust my vision to the faint, flickering light filtering through a small, unfamiliar window on the side, heightening my sense of disconnection.Nang subukan kong bumangon, isang matinding rebolusyon ng sakit ang dumaan sa aking sentido. Napahawak ako sa aking noo at humugot nang malalim na paghinga. Doon ko napansin ang aking kasuotan na nagbago na. Wala na ang aking mabigat at mamahaling lace wedding gown na gawa ng isang sikat na designer.Wala na ang mahabang belo na maingat pang inayos ni Karla bago ako lumabas patungo sa altar ng ballroom. Sa halip, suot ko n

  • SOLD TO A COLD BILLLIONAIRE: MY EX-HUSBAND'S DOWNFALL   Chapter 3

    EloraMatagal akong nakatayo sa gilid ng engrandeng ballroom, pilit na ngumingiti sa bawat bisitang lumalapit upang bumati. Hawak ko ang isang baso ng champagne na hindi ko naman magawang inumin. Ang aking matalik na kaibigang si Karla ay abala sa pakikipag-usap sa ilang kakilala, kaya naman naiwan akong mag-isa kasama ang aking nagwawalang mga isipin.Nasaan na ba si Gabriel? Bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya nang tawagin siya ng security guard? At ang pinakamasakit, iniwan niya akong mag-isa rito sa reception, na walang kasama at puno ng mga katanungan ang karamihan. Bawat segundo ng kaniyang pagkawala ay parang isang taon para sa akin, unti-unting dinudurog ang natitirang lakas ng aking loob.“Elora.”Napasinghap ako at mabilis na lumingon nang marinig ko ang pamilyar na baritono ng kaniyang boses. Si Gabriel Monteverde. Ang lalaking pinakasalan ko at asawa ko na. Bumalik siya sa reception area na parang walang nangyari. Ang kaniyang tindig ay tuwid, ang kaniyang tuxedo ay

  • SOLD TO A COLD BILLLIONAIRE: MY EX-HUSBAND'S DOWNFALL   Chapter 2

    Gabriel My hands trembled as I hurried down the long hotel corridor, the distant music and laughter from my wedding clashing with the pounding of my heart, which echoed my inner chaos and sense of alienation.I felt as though I were slowly walking toward my own grave, overwhelmed by a mix of fear and despair that made each step heavier than the last. The tuxedo I wore, which should have been a symbol of my triumph tonight, felt more like a suffocating cage, its invisible bars pressing against my chest and stealing away my breath, as if the air itself was constricting around me.Huminto ang guwardiya sa tapat ng isang magara at pribadong opisina sa dulong bahagi ng hotel. Walang kung ano-anong binuksan niya ang pinto at sumenyas na pumasok ako sa loob. Nang tuluyan akong nakapasok, narinig ko ang marahas na pag-click ng pagkakasara ng pinto sa aking likuran. The guard locked the door. Ikinulong ako kasama ang demonyong nagmamay-ari na ng aking buhay ngayon.Sa loob ng silid, tanging a

  • SOLD TO A COLD BILLLIONAIRE: MY EX-HUSBAND'S DOWNFALL   Chapter 1

    Elora“Huminga ka nang malalim, Elora. Baka himatayin ka riyan, ako ang magbubuhat sa iyo pabalik ng hotel suite natin,” natatawang biro ni Karla habang maingat na inaayos ang mahabang belo ng aking lace-embroidered wedding gown.Hindi ko napigilang mapangiti habang nakatitig sa sarili ko sa malaking salamin ng five-star hotel dito sa Maynila. Puno ng luha ang aking mga mata, ngunit luha ito ng purong kaligayahan. “Karla, I can’t believe it, and it’s really happening. Gabriel is finally going to be my husband”“Alam ko, asawa mo na ang childhood crush mo mula noong pitong taong gulang ka pa lang,” sagot ni Karla, sabay yakap sa akin mula sa likod. Bakas sa kaniyang tinig ang saya para sa akin, ngunit may bahagyang pag-aalala sa kaniyang mga mata. “Sana lang talaga, Elora, sana talaga ay pahalagahan niya ang pagmamahal mo. Alam mo naman kung gaano siya kalamig nitong mga nakaraang buwan sa iyo.”“Magbabago rin siya, Karla. Kapag magkasama na kami sa iisang bubong, ipapadama ko sa kaniy

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status