Share

Chapter 23.2

Naghila ng upuan si Mario at pagkatapos ay naupo. Kasalukuyan ng kumakain ng umagahan ang dalawa niya pang kapatid na sina Thirdy at ang bunsong si Ceazar. Tahimik lamang ang mga itong kumakain kaya tahimik na lang din naman siyang sumandok ng kaniyang kakainin.

Pagkasandok niya nga ay mabilis siyang nag- umpisang kumain. Halos mapapikit siya dahil sa sarap ng pagkain na nakahain sa kaniyang harapan ng mga oras na iyon. Noong hindi pa siya nagpapanggap bilang si Vin ay halos sumasapat lamang ang kinikita niya noon para sa pang- araw araw na gastusin nila ng kaniyang pamilya.

Oo mayroon na siyang asawa at may dalawang anak na halos ilang buwan na rin niyang hindi nakikita dahil nga sa pagpapanggap na ginawa niya. Dahil nga sa nagpa- opera siya ng kaniyang mukha ay hindi siya pwedeng magpakita sa mga ito kahit na sobrang miss na miss na niya ang mga ito dahil kahit naman magpakita siya ay tiyak na hindi naman siya makikilala ng mga ito dahil sa iba na nga ang mukha niya.

Para nga hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status