ANMELDENTHIRD PERSON:
Makalipas ang ilang sandali, marahang gumalaw ang mga daliri ni Liam at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata habang mahina at paos niyang tinawag,
“A... Ate,” dahilan upang agad na mapalingon si Sera at mabilis na lumapit sa kama upang marahang hawakan ang malamig nitong kamay.
“Nandito lang si Ate.”
Bahagyang ngumiti si Liam ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa kanyang mga mata habang matagal siyang nakatingin sa mukha ng kanyang ate, na para bang may gusto siyang sabihin ngunit natatakot siyang bigkasin, kaya mahina niyang sinabi,
“Ate...” at nang sumagot si Sera ng
“Mmm?” ay agad niyang idinugtong,
“Pa-sensya ka na,” nanghihinang sabi ni Liam na ikinatigilan naman ni Sera.
“Ha?”
"Pasensya ka na ate..." mahina niyang sambit, puno ng pagsisisi. "Dahil sa akin... palagi kang pagod. Dahil sa akin... wala ka nang pahinga. Dahil sa akin..." Naputol ang kanyang mga salita habang pilit niyang nilulunok ang sakit at konsensya na matagal na niyang kinikimkim.
"Palagi kang umiiyak."
Nakatingin lamang si Liam sa kanyang ate. Kitang-kita niya ang labis na pagod sa mukha nito, ang namumugto nitong mga mata, ang pilit na ngiting itinatahi sa kabila ng sakit, at ang katawan nitong halos wala nang lakas dahil sa walang tigil na pagsasakripisyo para sa kanya. Bawat bakas ng pagod na nakikita niya ay tila unti-unting dumudurog sa kanyang puso.
"Ate..." mahina niyang tawag, halos paos na ang boses.
"Hindi ko na gustong makita kang umiiyak. Hindi ko na rin gustong makita kang nahihirapan."
Huminto siya sandali habang pilit na pinipigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Bata pa lang ako... pero alam kong sobrang hirap na hirap ka na."
Napayuko siya at mahigpit na napisil ang kumot na kanyang hawak.
"Araw-araw kang nagpapagod. Halos hindi ka na nagpapahinga... lahat ng iyon para lang sa'kin."
Muli siyang tumingin sa kanyang ate, bakas sa kanyang mga mata ang matinding lungkot at pagsisisi.
"Ayoko nang makita kang unti-unting nauubos dahil sa akin, Ate..."
Napailing si Sera at agad na pinunasan ang mga luhang patuloy na umaagos.
"Huwag..." mahina niyang pakiusap, tila ayaw nang marinig ang mga salitang alam niyang dudurog sa kanyang puso.
Ngunit hindi na tumigil si Liam.
"A-Ate..." mahina niyang tawag, halos pabulong na lamang.
Hirap siyang huminga bago muling nagsalita.
"Na... naririnig kita..." saglit siyang napapikit. "...kapag... umiiyak ka... sa gabi."
Napalunok siya at bahagyang ngumiti, ngunit bakas sa kanyang mukha ang lungkot at panghihina.
"A-Akala mo... tulog na ako..." mahinang sabi niya habang hinihingal. "...pero... gising pa ako ate."
Sandali siyang tumigil upang makahinga bago muling nagsalita.
"N-Nakikita rin kita..." bahagya siyang napangiwi. "...na umaalis... nang madaling-araw..."
"...t-tapos... uuwi ka na lang... kapag gabi na."
Nangilid ang kanyang mga luha.
"P-Pagod na... pagod ka na..." nanginginig niyang sambit. "...pero... hindi ka... nagrereklamo."
Napahinto na naman siya at ilang beses na huminga bago ipinagpatuloy ang sasabihin.
"M-Minsan..."
"...hindi ka pa... kumakain..."
"...b-basta... masiguro mo lang..."
"...na may pagkain ako."
Mahina siyang napaiyak.
"A-Ate..." basag ang boses niyang tawag. "...a-ayoko na... na ikaw ang... nahihirapan... dahil sa akin."
Tumingin siya kay Sera na may namumuong luha sa mga mata.
"Akala mo hindi ko napapansin... pero alam ko ang lahat ng sakripisyo mo para sa'kin, Ate. Kaya ang pinakamasakit para sa'kin... ay ang makita kang unti-unti nang nauubos dahil lang gusto mo akong iligtas."
Tuluyan nang napahagulhol si Liam. Halos hindi na niya maituloy ang kanyang mga salita dahil sa matinding pag-iyak.
"Ate..." umiiyak niyang tawag. "Pagod ka na... dahil sa akin."
Pilit niyang pinahid ang mga luhang walang tigil sa pag-agos.
"Hindi ako magagalit kung... kung gusto mo nang tumigil."
Huminga siya nang malalim, ngunit lalo lamang siyang nasamid sa sariling hikbi.
"Sobra na... sobra na ang lahat ng ginagawa mo para sa'kin."
Parang may kung anong malakas na sumabog sa dibdib ni Sera sa bawat salitang narinig niya.
"Liam..." mariin niyang tawag, nanginginig ang kanyang boses.
Ngunit hindi na napigilan ng bata ang lahat ng matagal na niyang kinikimkim.
"Baka... baka mas magiging masaya ka kung wala ka nang aalagaan..."
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin.
"Tama na!"
Halos mapasigaw si Sera.
Napaatras si Liam sa sobrang gulat. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na muling napaiyak. Hindi niya kailanman narinig ang kanyang ate na magsalita nang ganoon kalakas.
Nanginginig ang buong katawan ni Sera habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"H-Huwag... huwag na huwag mong sasabihin 'yan!" halos pasigaw niyang sabi. "Huwag mong isipin kahit kailan na pabigat ka sa akin!"
Napahawak siya sa magkabilang balikat ni Liam at mahigpit itong niyakap, na para bang natatakot siyang mawala ito anumang sandali.
"Ikaw ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban. Kahit gaano ako mapagod... kahit ilang beses akong madapa... hinding-hindi kita susukuan."
Lalong humigpit ang yakap ni Sera habang kapwa sila umiiyak.
"Kaya huwag mo nang uulitin ang mga salitang iyon... dahil mas gugustuhin kong ako ang mahirapan habang buhay kaysa dumating ang araw na wala ka na sa tabi ko."
Nanginig ang buong katawan ni Sera habang sunod-sunod na bumagsak ang kanyang mga luha.
"Hinding-hindi mo na uulitin ang mga salitang 'yan!" halos pasigaw niyang sambit habang mahigpit na hinahawakan ang magkabilang balikat ng kapatid. "Naririnig mo ba ako? Hindi mo ako pwedeng iwan!"
Tuluyan na ring napahagulhol si Liam.
"P-Pero, Ate..."
"Hindi!" mariing putol ni Sera habang paulit-ulit na umiiling.
"Hindi ka pabigat! Hinding-hindi ka naging pabigat sa akin!"
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa magkabilang balikat ni Liam, na tila natatakot siyang mawala ito anumang oras.
"Tumingin ka sa akin."
Dahan-dahang itinaas ni Liam ang kanyang ulo. Punong-puno ng luha ang kanyang mga mata habang nanginginig ang kanyang mga labi.
Hindi nag-atubiling sinalubong ni Sera ang kanyang tingin.
"Kung kailangan kong magtrabaho nang sampung beses sa isang araw..."
"Gagawin ko."
"Kung kailangan kong mapagod hanggang sa halos wala na akong lakas..."
"Kakayanin ko."
Humugot siya ng nanginginig na hininga bago muling nagsalita.
"Kung kailangan kong isakripisyo ang lahat ng mayroon ako..."
"Gagawin ko 'yon nang walang pag-aalinlangan."
Napaiyak siya nang mas malakas habang marahang hinaplos ang mukha ng kanyang kapatid.
"Dahil ikaw ang kapatid ko, Liam. Ikaw ang natitira kong pamilya... at walang kahit anong hirap o sakit ang makakapagpabago roon."
Yumuko siya at idinikit ang kanyang noo sa noo ng bata.
"Kaya huwag na huwag mong sasabihin na mas magiging masaya ako kapag wala ka. Dahil ang totoo..." naputol ang kanyang boses sa paghikbi, "ikaw ang dahilan kung bakit kinakaya kong mabuhay araw-araw."
Mahigpit na niyakap ni Sera ang kanyang kapatid, na para bang natatakot siyang mawala ito sa oras na lumuwag ang kanyang pagkakayakap.
Nanginginig ang buo niyang katawan habang patuloy na pumapatak ang kanyang mga luha sa balikat ni Liam.
"Kaya huwag na huwag mong sasabihin na mas mabuti pang sumuko ka," umiiyak niyang sambit. "At huwag na huwag mong iisipin na mas magiging masaya ako kapag wala ka."
Bahagya siyang lumayo upang mahawakan ang mukha ng kapatid, saka niya ito tinitigan nang diretso sa mga mata.
"Dahil kasinungalingan 'yon."
Naputol ang kanyang boses sa paghikbi bago niya muling ipinagpatuloy ang kanyang sinabi.
"Kapag nawala ka..." nanginginig niyang bulong, "...wala na ring matitira sa akin."
"Ikaw na lang ang pamilya ko, Liam. Ikaw ang dahilan kung bakit bumabangon pa rin ako sa araw-araw. Kahit gaano kahirap ang buhay, kinakaya ko dahil alam kong hinihintay mo akong makauwi."
Muli niya itong niyakap nang buong higpit, tila ayaw na niya itong pakawalan kahit kailan.
"Kaya huwag mo akong iiwan... pakiusap."
Sa mga salitang iyon, tuluyan nang napahagulhol si Liam.
Mahigpit din niyang niyakap ang kanyang ate habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Sorry, Ate..." umiiyak niyang bulong.
Habang si Alex naman ay tahimik lamang na nakatayo sa gilid ng hospital bed, hindi niya napigilang mamasa ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang magkapatid.
SERA POV:Muli na namang napalibutan ng magulong ilaw, nakabibinging tugtog, at ingay ng mga taong walang tigil sa pagsasayaw at pagsasaya. Habang ang buong club ay buhay na buhay sa sigawan, tawanan, at alak, ako naman ay tahimik na naglalakad sa pagitan ng mga mesa, bitbit ang mga order ng mga customer at pilit na kinakalimutan ang pagod na unti-unti nang bumibigat sa aking katawan."Excuse me po," magalang kong sabi habang marahan kong inilalapag ang tray ng mga inumin sa harap ng mga customer. Nagawa ko pang ngumiti sa kanila, kahit pilit lamang iyon.Ngunit ang totoo...Pakiramdam ko'y anumang oras ay bibigay na ang katawan ko.Huminga ako nang malalim at muling binuhat ang tray na may lamang mga bote ng alak. Pilit kong inihakbang ang aking mga paa.Isa...Dalawa...Tatlo...Ngunit pagsapit pa lamang ng ikatlong hakbang, bigla akong inatake ng matinding pagkahilo.Nanlabo ang aking paningin.Tila umikot ang buong paligid, at ang malalakas na tugtog na kanina'y malinaw kong narir
THIRD PERSON:Makalipas ang ilang sandali, marahang gumalaw ang mga daliri ni Liam at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata habang mahina at paos niyang tinawag,“A... Ate,” dahilan upang agad na mapalingon si Sera at mabilis na lumapit sa kama upang marahang hawakan ang malamig nitong kamay.“Nandito lang si Ate.”Bahagyang ngumiti si Liam ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa kanyang mga mata habang matagal siyang nakatingin sa mukha ng kanyang ate, na para bang may gusto siyang sabihin ngunit natatakot siyang bigkasin, kaya mahina niyang sinabi,“Ate...” at nang sumagot si Sera ng“Mmm?” ay agad niyang idinugtong,“Pa-sensya ka na,” nanghihinang sabi ni Liam na ikinatigilan naman ni Sera.“Ha?”"Pasensya ka na ate..." mahina niyang sambit, puno ng pagsisisi. "Dahil sa akin... palagi kang pagod. Dahil sa akin... wala ka nang pahinga. Dahil sa akin..." Naputol ang kanyang mga salita habang pilit niyang nilulunok ang sakit at konsensya na matagal na niyang kinikimkim."Palagi
THIRD PERSON:Makalipas ang halos isang oras na paghihintay, sa wakas ay bumukas ang pintuan ng Emergency Room. Agad na napatayo sina Sera at Alex. Pakiramdam ni Sera ay anumang oras ay titigil ang pagtibok ng kanyang puso sa sobrang kaba. Hindi niya namalayang mahigpit na pala niyang nahahawakan ang manggas ng kanyang kaibigan habang nakatitig sa pintuan.Nang makita niya si Dr. Gabriel Mendoza na papalapit sa kanila, lalo lamang bumigat ang kanyang dibdib. Matagal na niyang kilala ang doktor dahil ito na ang gumagamot kay Liam sa loob ng maraming taon. At sa tuwing nakikita niya ang ganoong kaseryosong ekspresyon sa mukha nito, alam niyang hindi maganda ang balitang dala nito."Doc..."Basag ang boses niyang tawag."Kumusta po ang kapatid ko?"Napabuntong-hininga muna si Dr. Gabriel bago ito nagsalita."Na-stabilize na namin siya."Parang saglit na bumalik ang hangin sa dibdib ni Sera. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakahinga nang maluwag ay muli nang nagsalita ang doktor."Per
THIRD PERSON:Hingal na hingal at halos mawalan ng hininga sa pagmamadali si Sera habang mabilis na tumatakbo patungo sa St. Catherine Medical Center. Hindi na niya alintana ang pagod at pananakit ng kanyang mga binti. Ang mahalaga sa kanya ay makarating agad sa ospital.Mahigpit niyang hawak ang kanyang bag habang patuloy ang pagtakbo. Halos lumundag ang kanyang puso sa kaba at pag-aalala sa bawat segundong lumilipas.Nang marating niya ang entrada ng ospital, napahinto siya sandali upang habulin ang kanyang hininga. Mabilis na tumaas-bumaba ang kanyang dibdib habang pinapahid ang mga butil ng pawis sa kanyang noo.Ngunit kahit halos hindi na siya makahinga, muli siyang nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng ospital, desperadong makita ang kalagayan ni Liam.Pagdating niya sa Emergency Room, agad niyang hinanap si Alex.Nakita niya itong nakaupo sa labas ng ER habang nakayuko."Alex...!"Halos wala nang lakas ang boses ni Sera.Agad siyang lumapit sa kaibigan niya."N-Nasaan si Lia
THIRD PERSON:Mag-aalas dos na ng madaling araw nang tuluyang makauwi si Sera.Halos hindi na niya maramdaman ang sarili niyang mga paa sa sobrang pagod.Mabagal niyang binuksan ang pinto ng maliit nilang inuupahang silid upang hindi magising ang kanyang kapatid.Tahimik ang buong paligid.Tanging mahinang pag-ugong lamang ng lumang electric fan ang maririnig.Dahan-dahan siyang lumapit sa maliit na higaan nila sapat na para magkasya silang dalawa magkaptid.Naroon si Liam.Mahimbing na natutulog.Maputla ang kanyang mukha, ngunit bakas pa rin ang inosenteng anyo ng isang walong taong gulang na batang wala sanang ibang iniisip kundi ang maglaro at mangarap.Napaupo si Sera sa gilid nito.Hindi niya namalayang unti-unti nang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Marahan niyang iniabot ang nanginginig niyang kamay.Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ng kanyang kapatid.Napapikit siya ng maramdaman niya ang init ng kanyang kapatid.Parang may mahigpit na kamay na pumisil sa kanya
Third Person:Tahimik lamang na pinagmamasdan ni Damian ang nangyayari.Wala pa ring emosyon ang kanyang mukha.Habang ang dalawang babaeng kasama niya ay pilit hinihila ang waitress palapit sa kanilang mesa, nananatili lamang siyang nakaupo, tila sinusukat ang bawat kilos ng dalaga.Napansin niya ang nanginginig nitong mga kamay.Ang namumutlang mukha.At ang mga matang halos maiyak sa takot habang pilit kumakalas sa pagkakahawak ng dalawang babae."Naku... Ma'am...""W-Waitress lang po ako...""Hindi po ako escort..."Halos hindi na magkadugtong ang mga salita ng dalaga.Patuloy itong umatras habang pilit na binabawi ang mga kamay.Biglang sumagi sa isip ni Damian ang eksenang nakita niya kaninang umaga.Siya...Siya ang babaeng nakita ko sa pedestrian lane.Ang babaeng bakas ang matinding pagod sa mukha.At ngayon...Ganoon pa rin ang mga matang iyon.Pagod ngunit puno ng determinasyon.Nang akmang hihilahin muli ng isa sa mga babae ang waitress...Dahan-dahang tumayo si Damian.Ag







