LOGINHindi ko alam kung paano ko narating ang driveway nang hindi ko namamalayan ang sariling paghinga—mabigat, parang may humahabol sa akin na multong gawa ko mismo. Kanina lang ay kausap ko si Mirielle, at ngayon ang pakiramdam ko ay para akong pinalulunod sa isang bangungot na hindi ko kayang gisingin ang sarili ko mula rito.Pero nang sumalubong sa akin ang gate, may kakaiba akong naramdaman.Isang tibok sa dibdib na hindi normal.Isang pakiramdam na parang may mali.Tahimik ang buong paligid.Hindi ito ’yung tahimik na normal sa mansion—ito ’yung uri ng katahimikan na may tinatago, ’yung klase na parang may nagtatangkang magtago ng kaguluhan sa ilalim.At tumama sa utak ko ang isang salitang mas malakas pa sa hiyaw:Liza.Pagkabukas ko ng pinto, hindi pa man umaabot ang pa—“DRAKE!”Boses niya.Maliit.Hingal.At… takot.
Drake’s POVAng katahimikan sa loob ng opisina ay parang lubid na unti-unting humihigpit sa leeg ko.Nakaharap sa’kin si Mirielle, nakapulupot ang ngiti sa labi niya—’yung pamilyar na peke, calculative, manipulative na ngiting matagal ko nang dapat winasak.Pero ngayon, mas delikado siya.Mas mabangis.Mas desperado.“Kung hindi mo ako susundin,” bulong niya, bakas ang pagyayabang, “masisira ka. At hindi mo gugustuhin na mangyari ’yan, Drake.”“Masisira?”Umikot ang panga ko sa galit.“Ikaw ang sumisira ng buhay ng ibang tao. Ng mga taong pinagkakatiwalaan ako.”Nag-angat siya ng kilay.“Huwag mo akong gawing kontrabida. Hindi ako ang pumatay kay Cynthia.”Sumiklab ang isang matinding sakit sa dibdib ko—hindi dahil naniniwala ako, kundi dahil wala pa ring katiting na pagsisisi sa mga mata niya.“She met you hours before she died,” sabi ko, kontrolado ang boses pero nanginginig ang mga kamay ko.“At may footage na nagpapatunay.”“Footage doesn’t prove motive.”Mas lumapit siya.“At ku
Hindi ako makatulog.Hindi ako makahinga.At hindi na ako makapagpanggap na kaya kong kontrolin ang sitwasyon.Buong gabi kong naririnig ang paghinga ni Liza mula sa kabilang kwarto— mabagal, pagod, nanginginig sa trauma, parang bawat hinga niya ay nagpapaalala sa’kin ng isang katotohanang matagal ko nang tinatakbuhan:Hindi na siya ligtas.At kasalanan ko ‘to.Kinuyom ko ang kamao ko habang nakaupo sa gilid ng kama ko, nakabukas ang lamp shade, nanginginig ang panga ko sa galit na hindi ko maungusan.Ilang beses kong paulit-ulit pinanood ang sira-sirang footage na ‘yon hanggang magsakit ang mata ko. Wala akong nakuha. Wala.Pero isang bagay ang malinaw:Mirielle wants her gone.At si Cynthia— hinarap si Mirielle dahil may tinatakpan akong kasalanan noon.Hindi ko iyon maamin kay Liza.Hindi pa ngayon. Hindi sa puntong mas lalo lang siyang guguhong parang bubog sa harap ko.Pero kailangan kong harapin ang isang tao.At hindi si Liza.8:47 A.M. — De La Joya Holdings HeadquartersTahimi
Hindi ko agad namalayan na umaga na, not until sumayad ang unang guhit ng liwanag sa mukha ni Liza. She’s curled against my chest, quiet, breathing steady, hair nakakalat sa braso ko. And for a moment—maybe the first in years—I felt something dangerously close to peace.Hindi ako dapat nakakaramdam nito.Hindi ako sanay gumising nang may kasama.Hindi ako sanay na may babae sa dibdib kong nakahiga na parang… akin siya.Pero eto ako, hawak-hawak ang babaeng ilang taon ko nang sinusubukang iwasan—at ilang linggo ko nang hindi kayang bitawan.“Drake…” bulong niya habang gumagalaw nang konti, parang ina-adjust ang sarili.Shit. I pulled her,niyakap ko siya closer to me, automatic, parang reflex.I shouldn’t. Pero ginagawa ko pa rin.Huminga siya nang malalim, then nagmulat ng mata—slow, groggy, soft.“Good morning,” she whispers.And God help me — gusto kong ulitin ‘to every morning.“Morning,” sagot ko, boses ko mas mababa kaysa dapat. “You okay?”She nods gently. “Yeah… surprisingly.”S
Tinitigan ko si Liza habang nakatayo siya sa harap ko. Ramdam ko ang bigat ng sikreto na matagal ko nang dinadala—mas mabigat pa sa kahit anong desisyon sa boardroom. Basa pa ang buhok niya, dumadampi sa balikat niya na parang silk, at ang kurba ng leeg niya… hindi ko maiwasang titigan. Gusto kong hawakan siya, damhin ang init niya, pero alam ko… hindi ito tungkol sa pagnanasa lang ngayon.“Liza…” bumulong ako, mababa at rough ang boses ko. Parang kung masyado kong tataas, baka masira ang tahimik na hangin sa kwarto. Tinitingnan niya ako, at alam kong nakikita niya ang bawat pader na matagal ko nang itinayo sa paligid ko.Lumapit siya ng kaunti. “Ano ‘yon, Drake? Natatakot ako eh.”Lumunok ako nang malalim. “Kailangan mong malaman ang katotohanan,” sabi ko, bawat salita mabigat, deliberate. “Tungkol sa akin… sa ginawa ko… ilang taon na ang nakalipas. May kinalaman sa isang ilegal na bagay. Akala ko noon kaya kong kontrolin… pero mali ako. At maaaring maapektuhan ka. Ikaw ang huling ta
Hindi ko alam kung mas malakas ang tibok ng puso ko o ang pag-ikot ng makina sa labas.Pero ang sigurado ko?Hindi na ako puwedeng bumalik sa dati.Hindi na ako puwedeng maging passive, tahimik, diplomatic CEO na nagpapadala sa sistema.Dahil muntik nang mamatay si Liza ngayong gabi.Dahil sa kagagawan ni Mirielle.Hindi ito business war.Hindi ito rumor game.Hindi ito blackmail.This.Is.Hunting.At ako ang maghuhunting.Pero bago ko harapin ang demonyo sa labas, hinarap ko muna ang liwanag sa harap ko.Si Liza.Duguan ang kaliwang braso niya, may gasgas sa tuhod, at nanginginig ang dibdib niya sa takot na hindi niya inaamin.She’s strong.But I can read through the cracks.Lumapit ako.Hinawakan ko ang panga niya.Marahan.Pero may galit na nakatago sa likod ng bawat hinga ko.“Liza… may sugat ka,” sabi ko, mababa, pigil, parang isang tali na puputok na.Napatingin siya sa braso niya na parang doon niya lang napansin.“Oh,” mahina niyang sabi, nanginginig. “Akala ko pawis lang.”G







