Share

STRIPPED
STRIPPED
Author: jules

PROLOGUE

Nakabibinging tugtugan, iba’t-ibang kulay ng ilaw, mabahong usok mula sa vape at sigarilyo, lasing at nagsasayawan na mga tao, ito ang gabi gabing nasasaksihan niya sa loob ng dalawang taon sa RAS, ang bar kung saan nagtatrabaho si Lhaarny. Isa siyang dancer dito at sa oras na matapos sa pagsayaw, siya ay binabayaran upang i-table, bagamat ganito ang uri ng trabaho niya, hanggang pagsasayaw at pag-entertain lamang siya ng mga customers.

“Anastacia! Table number 6 dali! ” malakas na tawag sa akin ng manager namin na si Madam K, agad naman akong napasimangot dahil sa gabi gabing trabaho ko dito, walang customer ang hindi tumable sa akin. Lahat kami ay binigyan ng ibang pangalan upang maprotektahan daw ang personal naming buhay, I just wish. I’m done dancing at the stage so sa table naman ako, kailan ba ako makakaalis sa pesteng trabaho na ‘to?

“Pwede magpahinga muna?” patagong irap ko kay Madam K habang kunwaring busy sa pag-aayos ng gamit ko sa backstage, kung pwede lang hindi na ako lumabas dito eh. Tomorrow, I will start to find a decent job naman as soon as possible para naman makaalis na ako dito.

“Ang sungit na naman ‘nak, ha. Ano ka ba, mayaman ‘yun! Sigurado akong malaki ang ilalabas ‘non, ikaw daw ang gusto niya kaya bilisan mo na jan at naaamoy ko na ang pera hahaha!” sabi nya, halos mag-hugis barya ang mata.

“Eto na” walang gana ‘kong sabi habang mabigat ang mga paa na lumabas ng backstage suot ang maskarang kulay pula na nagtatago sa kalahati ng aking mukha, tanging nasa VIP room lamang ang pwedeng makakita nito. I easily saw an old man in a black suit, drinking wine while watching me walk towards him. I forced myself to smile when I finally reach him. Amoy alak! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho, masarap manampal ng matandang bastos eh.

“Ahh...smells good” halata ang kalasingan at pagnanasa sa mata nito. He suddenly carried me to sat on his lap, ayaw ko man, but this is my job. I started to shake my butt while caressing his nape. Ang isa pa sa hindi ko pinahihintulutan ay ang halikan at hawakan ako sa maselang parte ng katawan. Bago pa man ako i-table ng mga customers, agad na itong sinasabi ni Madam K. Pero napapansin ko na parang napapasarap na yata ang customer ko, unti unting tumataas ang kamay niya sa bewang ko, I started to feel uncomfortable. Mahigpit ang yakap niya sa akin kung kaya’t nang hawakan na niya ang dibdib ko ay hindi agad ako nakapalag.

“Hey! Don’t touch me!” sigaw ko habang patuloy na kumakalas sa kaniya ngunit lalo lamang humihigpit ang yakap niya. Walang nakapapansin kung saan ang pwesto namin dahil na rin sa patay sindi na ilaw.

“You’re so soft... I want you honey...” mahinang sabi nito habang sinisimulang halikan ang leeg ko. Fuck! Please, no.

“I said—“ naputol ang sigaw ko nang may isang malaking palad ang humila sa akin patayo, I don’t know how he did that samantalang ako hirap na hirap pumiglas.

“Mr. Zapanta...” malalim na bigkas ng lalaki sa gilid ko. So, Mr. Zapanta pala ang pangalan ng hayok na ‘to. Agad ‘kong tinignan ang mukha ng lalaking humila sa’kin ngunit tila kumislap ang mata ko nang makita ko ang mukha niya. Is this true? Did angels really exist?

“Mr. Cua... you’re here” casual na sabi nito sa lalaki. Agad na inayos ang itsura at tumayo.

“It’s a great timing to see a business partner here. Would you mind if I take her Mr. Zapanta? Because I think, molesting a girl will not be good in the eyes of your business partner, right?” mabagal ngunit may diin na sabi niya. Wait, sino ba siya? In my 2 years here in RAS, this is the first time na may nagtanggol sa’kin, well, ngayon lang din naman ako nabastos.

Mr. Zapanta cleared his throat and loosened his tie.

“Uhmm... Go on Mr. Cua.” and without saying anything, this guy grab my arms until we reach the bar counter area. Shocks, his palm was so hot.

“Can you give her water, please?” he said to the bartender while intently looking at me. He has a brown-colored eyes at para akong hinahatak ng mata niya papunta sa kaniya. Ano bang sasabihin ko? Magpapasalamat ba ‘ko? Magpapakilala? Nakakahiya.

“I’m Josh Cua. I know I shouldn’t ask this but how are you feeling?” i can see a glimpse of concern in his eyes. Even though gusto ‘kong kiligin sa kaniya, feeling ko parang ang sarap lang niya maging kaibigan.

“Thank you... I’m just shocked, akala ko kasi malinaw sa matandang yun na he’s not allowed to touch me or even kiss me.” nang bigla ‘kong maalala ang nangyari 2 years ago, hindi ko maiwasang matakot ulit. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

“Ahh... I think I need to go, baka hinahanap na ako ng manager ko. By the way, they call me Anastacia here.” I slightly smiled before I bid my goodbye. Pag pasok ko sa backstage, kasabay ng pag-alis ko sa maskara ko agad na lumapit sa akin si Madam K.

“‘Nak!” nang yakapin niya ako, agad na bumuhos ang luha ko. I felt so harassed. Mula nang mag simula akong magtrabaho dito, si Madam K na ang tumayong nanay ko kahit minsan parang mas mahalaga pa ang pera sa kaniya, naiintindihan ko ‘yon since negosyo niya ito at kung hindi dahil sa kaniya, baka namamalimos na lang ako kung saan saan.

“Pinaalis ko na yung walanghiyang matanda na ‘yon! Bwisit na ‘yon, binastos ka na nga ‘di pa nagbayad!” hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinasabi ni Madam K, masama ba ‘yong loob niya dahil binastos ako o dahil sa hindi nagbayad? Tsk!

“Pasensya ka na ‘nak, ah. Sinabihan ko naman siya bago kita ibugaw eh.” what a term, hay nako. Huminga ako ng malalim, sabay buga ng hangin, trying to compose myself.

“Kasama yata talaga ‘to sa trabaho ko Madam, palibhasa mga mayayaman.” hindi ko maiwasang magalit nang maalala ko na naman ang nangyari 2 years ago, why is it so easy for them to throw me away like a dirty trash? Inalis ko na lamang iyon sa isip ko at umupo.

“Kung mayroon lang akong pwedeng ibigay sayo na ibang trabaho, hindi mo na kailangan gawin ‘to eh.” she gently caress my hair while looking at me with a sad eyes. I just smiled at her sadly, feeling exhausted.

“Hay nakoo, mabuti pa maaga ka magpahinga para makabawi ka naman ng lakas bukas. Hindi ba sabi mo maghahanap ka ng trabaho? Mauna ka ng umuwi.” nagpapasalamat pa rin ako kahit papaano, alam ‘kong ayaw niya na pinababayaan ko ang sarili ko.

Umuwi na ‘ko sa maliit na apartment na nirerentahan ko buwan-buwan, ito lang sa ngayon ang kaya ‘kong tirhan dahil iniipon ko ang sahod ko sa bar. Pagod akong humiga at hindi maiwasang maluha.

*Flashback:*

“Get out of the house! You’re a disgrace to this family! Ito nalang nga ang hiniling namin para makatulong ka sa pamilyang ‘to pagkatapos ito lang ang gagawin mo?!” galit na galit na sigaw ng daddy. Nanginginig ang buong katawan ko at nanghihina. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko.

“Dad, please no. I don’t know what happened to me... please dad, help me...” i was crying my heart out, begging for him to listen to me. I badly need them...

“Lucio, please let her explain. She’s our daughter for pete’s sake! You can’t just disown her!” I know mommy is trying her best to change daddy’s mind, but just like me, she can do nothing about it. In our family, daddy decides in everything.

“No! You can’t tolerate your daughter! Kahihiyan lang ang isinampa ng anak mo sa bahay na ‘to! Hindi ako papayag na ang pinaghirapan ‘kong pangalan ay mababahiran lang ng dumi dahil jan sa anak mo! Gusto mong sumama sa anak mo?! Sige, lumayas kayo!” after saying that, he walked out and slammed the door, leaving us.

“Mommy...” my heart feels so much pain and hatred. I can’t believe that his image is more important than me, than his family. Fuck that image!

“Lhaarny, anak. I’m sorry” kaagad akong tumingin sa kaniya habang parehas kaming nakaluhod. Parang alam ko na rin kung saan ang punta nito.

“Pati ikaw, mommy? You’re not even asking me kung anong nangyari sa’kin?” lalo akong nanghihina at parang unti unting nauupos kung saan ako nakaluhod. Pakiramdam ko ay hindi nawawala ang hilo ko.

“Baby, I promise... babalikan kita. You just need to trust me. I love you... I’m sorry.” and with that, tuluyan na akong tinalikuran ng pamilya ko.

*End of flashback*

Parang madilim na ulap na nagdadala ng napakalakas na ulan, bumuhos ang luha ko matapos maalala kung paano ako itakwil ng sarili ‘kong pamilya. Hindi ko kasalanan, wala akong kasalanan. Hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari, dahil ako mismo, biktima ng karahasan. Kung sana lang pinakinggan niyo ako, hindi sana magiging ganito kahirap ang buhay ko. Hindi ko maiwasang magalit, hindi na ako makapaghintay na hanapin ang lalaking naging dahilan ng pagbabago ng buhay ko.

Kinabukasan, maaga akong gumising para mag-prepare ng damit para sa pag-aapply ko sa trabaho, hinanda ko na rin ang mga documents na kailangan ko. Pagtapos kumain at maligo, humarap ako sa salamin at nagpakawala ng buntong-hininga. I’m wearing a white fitted blouse and black pencil skirt partnered with 2 inches black shoes. Kung ibang tao lang ang makakakita sa’kin, siguradong hindi iisipin na stripper lang ako sa isang bar, hahaha!

Buong maghapon akong nag-ikot at nag-apply ngunit lahat ay iisa lamang ang sinabi,

“We will just call you.”

Ganito pala kahirap humanap ng trabaho, kahit tapos ako ng college sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management, hindi pa rin sapat dahil may mga hinahanap silang dokumento na hawak ng daddy ko, so paano ko makukuha? Tsk! Ang hassle naman. Nang malapit ng dumilim, umuwi na ako sa apartment at nagsimula naman mag-ayos para sa trabaho. Dala ang aking bag, sumakay ako ng taxi papunta sa bar. Hindi ko alam pero bakit parang nanlalamig ang pakiramdam ko, dahil ba ito sa nangyari kagabi? o dala na rin siguro ng pagod sa buong araw na pag-iikot. Pag pasok ko sa dressing room, kaagad akong nagsimula mag-ayos.

“O status mga be?! In 20 minutes mag-start na tayo ha! At request lang ng mga customers, baka daw pwede kayong lumapit ng konti sa dulo ng stage! Alam niyo na, gusto mas malapit sa grasya!” sigaw ni Madam K, agad siyang lumapit sa akin ng makita ako.

“‘Nak, kamusta? Aba eh, sure ka na ba na magpeperform ka na? Okay ka na ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Kung pwede lang talaga hindi na magperform eh.

“Laban na ‘ko, Madam. Kailangan eh.” malungkot akong ngumiti sa kaniya. Kailangan. Kailangan ‘kong mabuhay.

Nagsimula na ang show at tuloy tuloy ang pagsasayaw namin sa stage hanggang sa matapos ito. Nang matapos, agad na dumeretso kami sa backstage para magpalit ng damit, balita ko may VIP daw na gustong mag-table sa’kin, so bilang pambawi man lang kay Madam kagabi, pumayag na ako.

“Anastacia!” tawag sa akin ni Madam habang nagmamadaling pumasok sa dressing room ko.

“Sigurado akong safe ka dito! Jusko napakagwapo! Parang gusto ko na din tuloy maging hubadera! O eto ha, birthday celebration daw yung nasa VIP, ikaw ang kinuha bilang regalo daw hahaha! Kaya galingan mo!” excited niyang sabi habang inaalog alog pa ako. Kinakabahan ako.

Habang patungo sa VIP, there’s something wrong with my stomach. Parang masusuka ako na ewan. Pagpasok ko sa VIP room, agad nagsigawan ang tingin ko ay mga sampung lalaki doon.

“Happy Birthday, bro!” sabay sabay na bati nila sa isang lalaking nakayuko at umiinom ng alak, I felt weird. Kasabay ng pagsayaw at pag tanggal ng maskara ko, ang siyang pagtaas ng tingin ng lalaking nakayuko. Bigla akong napatigil at nanlamig ang buong katawan, parang mayroong isang malaking bato ang bumagsak sa harap ko at hindi ako makagalaw.

”Ellie...”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status