Share

Chapter 5

Hindi mapigil ang mga luha na patuloy na umaagos sa aking mukha, para bang hindi ito hihinto hangga’t hindi nauubos ang tubig sa katawan ko. Pagod na ako, hindi pa rin makapaniwala ang isip ko sa mga pangyayari na paulit ulit na naririnig ng mga tenga ko. Nakatulala sa kawalan, naka-sandal sa gilid ng kama habang naka-upo sa sahig, my eyes are already swollen, tuyo na rin ang lalamunan ko ngunit ayaw ‘kong lumabas ng kwarto. Ayaw ko silang makita. How dare him? How dare him to put me in this situation where I couldn’t choose whether I want or not? Does he even care about me? If yes, then why is he always make my life a miserable one? Dads are supposed to be the person who protects his family, right? But his money and fame seems like the most important thing in the world for him, and that really hurts me a lot. I can still remember when I was a child, everytime he saw me playing outside he will automatically scold at me, he doesn’t want me to look dirty or sweaty. Whenever he sees me stumble and cry, he will shout at me but he will not help me stand. That’s how cruel he is. And now, this? All of that are still not enough? I cried even harder while hugging my knees, my heart feels so heavy to the point that I want it stop from beating. I want to rest, give me a f*cking break. I’ve suddenly heard a knock on my door, agad akong napatingin dito.

“Baby...” I felt a sudden pang in my chest. And now she’s here? My door was locked and I don’t want to open it because I don’t wanna talk to her, to them. Hindi pa rin ako tumayo kahit patuloy si mommy sa pagkatok.

“Baby, can we talk please?” I can hear sadness in her voice, I don’t want her to be sad pero nasasaktan din ako. I cried silently so she wouldn’t hear me.

“Lhaarny, anak, hindi ka pa kumakain.” pag-aalala niyang sabi. It was already 12 o’clock in the midnight, she’s still awake.

“Anak, please open the door. Mommy is worried about you, please baby...” kahit hindi ko nakikita, alam ‘kong umiiyak siya, I know her. Ang sabi mo kakampi kita, pero you let him, your letting him hurt me. I remained silent until the knocks on my door suddenly stopped, lalo lamang bumigat ang pakiramdam ko pag-alis niya. But my eyes opened in shock when I heard a click on my door, oh sh!t, I forgot my duplicate key downstairs! Mabilis ‘kong pinunasan ang luha ko at bumuga ng hangin. I heard a footsteps walking towards me.

“Baby, I brought you a dinner...” malumanay na sabi niya at nakita ko siyang sumulpot sa harap ko, I just looked at her pero agad din namang umiwas ng tingin. I can’t look at her sad face. Ibinaba niya ang dalang tray ng pagkain sa table sa gilid ng kama ko, dahan dahan siyang lumuhod sa harap ko.

“I’m sorry...” her voice cracked when she said that, parang ulan, biglang bumuhos ang pinipigil ‘kong luha. I’m in so much pain right now. Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko at doon umiyak. I want this to stop, please.

“Mommy wants to say sorry... please talk to me.” she keeps on saying sorry habang hinahaplos ang nakayuko ‘kong ulo. Pinakawalan ko ang hagulgol na kanina ko pa pinipigilan. Bahagya ‘kong itinaas ang ulo ko at pagod na tumingin sa kaniya habang basa ang mukha dahil sa labis na pagiyak.

“I can’t stand this anymore...” halos pabulong na lamang ang boses ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nakita ‘kong tumulo ang luha niya, bakas ang awa sa mukha niya. Agad niya akong niyakap ng mahigpit habang nakaluhod, narinig ko ang pagsinghot niya.

“I’m sorry, walang magawa si mommy para sayo. Please, don’t hate mommy.” i want you to fight for me, kasi ikaw nalang ang inaasahan ko na lalaban para sa’kin.

“You know I can’t do this, right? Mommy, please I can’t...” pagmamakaawa ko sa kaniya. Umaasa ako na tutulungan niya akong mabago ang isip ni daddy. Naramdaman ‘kong bumitaw siya sa yakap sa’kin at tinignan ako ng deretso sa mata.

“Listen to me...” seryoso niyang sabi, hinawakan niya ang magkabila ‘kong balikat at nagsalita,

“This is your chance to free yourself from your dad, once you’re finally married, wala na siyang pagkakataon para hawakan ka sa leeg.” aniya. Bigla akong napaisip, she has a point. Pero hindi ako papayag na maikasal ako sa taong hindi ko mahal.

“That’s not an option. I want him to stop controlling my life and let me choose on my own.” madiing sabi ko kay mom. Kunot ang noo akong tumingin sa kaniya.

“I want to be alone...” I said. Napahinto siya nang sabihin ko iyon. Magsasalita pa sana siya nang magsalita ulit ako.

“Please, mom, I’m tired.” pagod na pagod ‘kong sabi, she sighed heavily and looked at me with a tears in her eyes. She’s hurting. She wiped her tears and said,

“Eat your food, okay? Take a rest and we will talk again tomorrow. Good night, baby. I love you.” she kissed my forehead before leaving my room. Naiwan akong nakatulala at iniisip ang mangyayari bukas at sa susunod na araw, dad said that I will meet him the day after tomorrow, on the engagement party. Bumigat na naman ang dibdib ko, paano ko ba ‘to matatakasan? Pagod akong humiga sa kama habang umiiyak pa rin. I just closed my eyes and fell asleep.

Nagising ako nang may kumakatok sa kwarto ko, I looked at my alarm clock and it was already 10:00 in the morning.

“Baby, wake up... daddy and I are waiting for you downstairs...” malumanay na sabi niya sa’kin habang kumakatok, I kept silent. Wala akong gana sa lahat. Maya maya lamang ay bumukas ang pinto ko at bumungad ang mukha ni mom.

“Baby... get up na.” dahan dahan siyang lumakad patungo sa kama ko at saka umupo sa gilid ko. Tinignan ko lamang siya habang hinahaplos niya ang pisngi ko. Bumigat agad ang pakiramdam ko.

“You’re still mad at me?” she said in a sad voice, I can see how hurt she is. And that makes me feel guilty, I’m hurting my mommy. Umiling lamang ako sa kaniya.

“Please, don’t...” pagsusumamo niya at napayuko ang ulo. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard.

“You know I can’t.” namuo ang luha ko habang sinasabi ko iyon, agad akong napayuko at nilaro ang mga daliri ko. I can’t look at her sad eyes. The moment she raised her head, tears automatically run down on her cheeks. My heart suddenly aches seeing her crying in pain because of me. Nagsimula akong lumapit sa kaniya at niyakap siya, kusang tumulo ang luha ko nang maramdaman ‘kong niyakap niya ako pabalik. Her shoulders are making me cry even more, I was so devastated last night and it feels like ngayon lamang ako nakahanap ng kakampi. Ibinuhos ko ang bigat ng nararamdaman ko sa kaniya at ganoon din siya. After we cried enough, she reaches my face and wipe out the tears in my face.

“I’m really sorry, baby... but I think this is the best for you because your dad won’t be able to control you when are finally married. I hope you understand.” she’s still trying to convince me, napaisip na rin ako kagabi tungkol dito at narealize ko na may point siya.

“But I can’t do that... It won’t make me happy marrying someone I don’t even know. Mom, what if he’s not a good person? What if he happens to be a rude guy? Mom, paano naman ako?” para akong batang nagsusumbong na inaway ng kalaro niya.

“Trust me, baby... we know him.” aniya. I just looked at her. I don’t know what to say.

“Can we eat na?” alanganin siyang tumingin sa akin at ngumiti. I sighed.

“Pwede mo ba ako turuan na tiisin ka? You always win, mom.” napairap na lamang ako. How? Alam niyang hindi ko siya matitiis everytime. Agad naman siyang napatawa.

“I know right, hahaha! You love me that much, huh? Hahaha!” oh yeah, she laughed like a villain in a movie.

“Yeah, yeah... whatever. I’ll gonna go take a shower na, sunod na ako sa baba, mom.” muntik na yatang mapunit ang labi ng mommy ko sa pagkakangiti, she really knows how to make me feel better. Biglang bumalik ang sigla niya.

“Okay! We’ll wait for you downstairs.” she kissed me on my forehead and leave my room immediately. Agad na din akong nag-ayos ng sarili.

Pagbaba ko ng dinning ay nakita ‘kong naghihintay na si mom and dad. I suddenly felt unease. Deretso lamang ako umupo nang hindi binabati si dad, I just smiled at mom. Nagsimula na kaming kumain nang tahimik. In the middle of our breakfast slash lunch, I heard dad cleared his throat, asking for attention. Huminto ako sa pagkain at uminom ng tubig.

“Tomorrow will be your engagement party, the party will start at exactly 7:00 o’clock in the evening. Everything you need are all settled, ikaw nalang. I just need you to cooperate as you should.” ma-awtoridad na sabi niya sa akin. I don’t want to argue with him, ipinagpatuloy ko lamang ang pagkain ko. Nangingibabaw pa rin ang pagsalungat ko sa desisyon niya.

“Is that how you respond to your father? I am talking to you, Jewel.” madiin at alam ‘kong galit na siya. Hindi ko makalimutan ang pagsagot ko sa kaniya kagabi at alam ‘kong galit pa rin siya dahil doon, pero wala akong pakialam.

“Will it matter? Everything I say, will it matter? Hindi, ‘di ba? So, what’s the use of answering you? Kakain na lang ako kaysa bastusin kita sa harap ng pagkain.” dere-deretso at walang bakas ng takot sa boses ko. Hindi na ito ang pagkakataon na pakikitunguhan ko pa siya nang ayos, not anymore.

“Lhaarny, anak...” narinig ‘kong tawag ng mommy sa’kin, she’s trying to stop me.

“Bastos ka.” tumingin ako nang deretso sa kaniya, kitang kita ang pagngalit ng panga niya. I just shrugged my shoulders. Bastos kung bastos. Tuloy tuloy lamang ang pagkain ko hanggang sa tumayo si mommy upang sagutin ang tumatawag sa kaniya.

“Excuse me.” naiwan kaming dalawa ng daddy sa dinning, everything became awkward. Mabilis ‘kong tinapos ang pagkain ko nang bigla siyang magsalita.

“You have no choice but to follow my order, or else... you will never see your mom again.” Agad akong napahinto sa pag-inom ng tubig. What did he say? Bigla ko siyang tinignan at akmang magsasalita nang mauna itong tumayo,

“Mark my words.” with that, he left me dumbfounded.

“or else... you will never see your mom again.”

“or else... you will never see your mom again.”

“or else... you will never see your mom again.”

Naiwan akong tulala at paulit ulit naririnig ang sinabi niya. Wtf! Ilalayo niya sa’kin ang mommy ko! Lalo lamang lumalalim ang galit at sakit na idinudulot niya sa akin. Lalo lamang niya akong tinuturuan kamuhian siya.

“Sorry... someone called m—“ naputol ang ano mang sasabihin ni mom nang mapansin niyang wala na ang daddy. Kumunot ang noo nito at agad akong tinignan, mukhang alam na niya ang nangyayari.

“Something happened,” she said habang umuupo at pinagpatuloy ang pagkain. Nang maisip ko ang sinabi ni dad, matagal akong napatitig kay mom. No, I won’t let him. He can’t just get her away from me. Umiling lamang ako at tumayo na.

“I’m done eating, mom. Excuse me.” nagpaalam na ako at mabilis na tumungo sa aking kwarto. Doon bumuhos ang luha ko, hindi na talaga niya ako naisip kahit kailan. Palagi na lang sarili niya, negosyo niya, pera niya. Handa niyang saktan ang lahat ng nakapaligid sa kaniya, kahit pamilya niya para lamang sa pera na iyan. Hindi niya pwedeng ilayo sa akin ang mommy ko, siya na lamang ang meron ako. I don’t have a choice but to accept that goddamn marriage, for the sake of my mom. Simula ngayon, tandaan niya lahat ng ginagawa niya sa akin. Sa oras na magmerge ang kompanya at magkaroon ako ng pagkakataon na magimbestiga sa loob ng kompanya, hahanapin ko ang kahit anong tinatago niya, alam ‘kong hindi imposible ang naiisip ko. Sa oras na magawa ko iyon, magkakaroon ng katahimikan ang buhay ko.

For now, I need to rest a lot because tomorrow will be the day that I will going to meet him, my soon-to-be husband.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status