MALAPIT nang dumilim nang makarating ng Maynila si Mia. Kung hindi sana siya naipit sa traffic, marahil hindi siya inabot ng ganitong oras sa byahe. SA labas ng lumang bahay nanatiling nakatayo si Mia habang tahimik na nakamasid doon.
Matagal na panahon narin ang lumipas pero nararamdaman parin niya ang tila maliit na kurot sa kaniyang puso habang nakatingala sa kung tutuusin ay malaking bahay na nakatayo sa kaniyang harapan.
Noon kumilos si Mia saka itinulak pabukas ang kinakalawang na gate ng bahay. Alam niyang bukas marami sa mga kapitbahay niya ang magtatanong kung bakit biglaan ang kaniyang pagbabalik? At kung ano ang nangyari sa kaniya?
Mapait ang ngiti na pumunit sa kaniyang mga labi.
Sa ayos niya, baka wala nang magtanong. Baka pag-usapan nalang siya nang ibang taong mapanghusga.
Tama.
Dahil mula nang magkasakit si Nanay Rosita at napilitan siyang kumapit sa patalim para maipagamot ito, wala naman yata kahit isa sa mga tao sa paligid niya ang nakaunawa sa kaniya maliban sa yumaong matanda.
Noon inilabas ni Mia ang susi saka binuksan ang malaking pintuan ng lumang bahay.
Natural, maalikaok at maraming agiw. Pero dahil nga iniwan niya iyon nang nakatakip ng telang puti ang mga gamit ay alam niyang hindi siya gaanong mahihirapan sa pagpupunas ng mga antigong gamit sa bahay na iyon.
Bukas na siya maglilinis. Ang gagawin niya ngayon ay mag-aayos ng kaniyang tutulugan dahil gusto narin niyang magpahinga. Ngayon niya biglang naramdaman ang pagod kasama pa ang pananakit ng katawan gawa ng mga pasa na tinamo niya dahil sa pananakit sa kaniya ng ngayon ay dati na niyang kinakasama.
Nagsindi lang siya ng kandila at sinimulan na niya ang pag-aayos ng kaniyang matutulugan.
Bukas na bukas ay kailangan niyang pumunta sa electric company. Mahirap kumilos sa dilim lalo na at siya lamang mag-isa roon. Pagkatapos ay sisimulan na niya ang paghahanap ng trabaho. Kailangan niyang kumita ng pera, kahit pa sabihin siya lamang mag-isa. Ang ibinigay na pero sa kaniya ni Aling Ising ay mauubos at mauubos rin at mas mahirap kung hihintayin pa niyang mangyari iyon.
*****
KINABUKASAN gaya ng inasahan niya ay inulan si Mia nang maraming tanong at bulung-bulungan mula sa kaniyang mga kapitbahay.
At dahil nga likas naman siyang tahimik ay minabuti niyang ngitian na lamang sa halip na sagutin ang mga ito.
Sa tindahan ni Mrs. Ramos siya bumili ng pang-almusal niya nang araw na iyon. Kape at biscuit.
Okay na iyon na panlaman ng tiyan. Kailangan niyang magtipid lalo at wala pa siyang trabaho na nakikita. Ang totoo plano talaga niyang pumunta sa Pegasus mamaya.
Iyon ay ang night club kung saan siya namasukan noon bilang waitress.
Siguro naman kahit matagal na panahon na ay makikilala parin siya ng may-ari. Gusto niyang pumasok doon kahit taga-hugas nalang ng plato o kaya ay serbidora. Katulad nang dati. Pero hindi kagaya ng iniisip ng iba. Waitress lang talaga siya noon. At tanging si Bernie lang ang lalaking sinasamahan niya. Sa katunayan ay ito lang ang lalaking pinagbigyan niya ng sarili niya at wala nang iba pa.
At dahil nga sa gabi naman ang trabaho sa Pegasus, minabuti narin niyang bilinan at pakiusapan si Mrs. Ramos na kung may alam itong tao na naghahanap ng tagalinis at tagalaba ay siya na lamang ang irekomenda nito.
Makakapaglinis at makakapaglaba naman siya sa umaga lalo na kung iyon ay araw ng dayoff niya sa club.
Nagtanong kasi sa kaniya ang ginang, at dahil nga sa pagnanais niyang tulungan siya nito ay naisipan ni Mia na sabihin lamang rito ang totoo. Kung ano ang talagang nangyari sa kaniya at kung bakit siya nagbalik ng Maynila pagkatapos ng napakatagal na panahon.
Hapon na nang matapos si Mia sa paglalakad at pag-aasikaso ng lahat ng kailangan niyang ayusin. Sinuwerte naman kasi siyang tinanggap ng club owner na si Rosanna. Nang maalala ang naging pag-uusap niya ay napangiti ang dalaga.
"Ganoon ba? Nakakaawa ka naman pala. Hayaan mo, bibigyan kita ng trabaho. Sinabi ko naman sa iyo nang umalis ka dito hindi ba?Para na kitang anak kaya pwede kang bumalik dito anumang oras na gustuhin mo," anitong hinawakan ang kamay niya saka iyon marahang pinisil.
"Tahan na, huwag ka nang umiyak. Dito kana lang sa atin, at least dito kahit may mga taong tsismosa at mapanghusga, sa huli tutulungan ka parin nila kasi nakita nila kung paano ka lumaki. Hindi ka namin pababayaan, huwag ka nalang ulit sasama sa demonyong lalaking iyon!" ang kaniya namang Ate Dahlia na isa na ngayong club manager.
"Ano bang gusto mo? Kaya mo bang maging waitress ulit? Dating gawi, hindi ka pwedeng i-table ng kahit sino. Pwera nalang kung gusto mo," si Rosanna sa mahinahon parin nitong tono.
Tumango si Mia saka kumuha ng tissue sa box at nagpahid ng kaniyang mga luha. "Opo Ate, dating gawi," sagot niya na ngumiti narin pagkatapos.
*****
MAKALIPAS ang isang linggo, heto na ulit siya ngayon. Kahit paano ay nasasanay na sa buhay niya ng mag-isa.
Katulad nang sinabi niya hindi siya nagbukas ng cellphone hangga't hindi siya nakakabili ng bagong sim card.
Kaya naman nang makabili ay agad niyang tinawagan ang cellphone number na ibinigay sa kaniya ni Aling Ising upang tiyakin sa matanda na okay na siya. Nagpasalamat narin siya sa lahat ng naitulong nito sa kanya. Dahil kung hindi dahil sa rito, malamang nandoon parin siya ngayon sa poder ni Bernie, naghihintay kung kailan siya nito uuwian.
Ang alam kasi niya ay dalawang linggo ang out of town na pupuntahan nito.
At alam rin niya na ang babaeng nabuntis nito ang kasama nito kung totoo man ang out of town na sinabi sa kaniya ng lalaki at siyang pinagmulan ng kanilang pagtatalo. Hanggang sa umabot na nga iyon sa muli na naman pananakit sa kaniya ni Bernie, physically.
Mabilis na ipinilig ni Mia ang ulo niya para iwala sa isipan niya ang alaalang iyon.
Sa loob ng isang linggong pananatili niya roon ay masasabi niyang bahagya naman niyang nakakalimutan na si Bernie. Siguro ay mas magiging lubusan na iyon kapag nakapagsimula na siya ng kaniyang trabaho sa Pegasus.
Ang bilin kasi sa kanya ni Rosanna, kailangan muna niyang pagalingin ang mga pasa sa katawan, braso at mukha niya bago siya magsimula sa pagtatrabaho. At nauunawaan naman niya iyon kung bakit. Alam niyang kailangan sa ganoong trabaho ang palagi kang maganda at presentable sa mga tao.
"Mabuti naman at napadaan ka anak, naku may magandang balita ako para sa iyon," si Mrs. Ramos nang isang gabing bumili siya ng isasaing na bigas at dalawang piraso ng itlog na maalat at kamatis sa tindahan nito.
"Ano ho iyon?" tanong niya sa ginang.
Sa aura ng mukha nito ay mukhang good news nga ang sasabin sa kaniya ng babae kaya naman nakaramdam siya kaagad ng excitement.
"Naihanap na kita ng lilinisang bahay. Naalala mo ba si Erik, iyong lalaking kaklase mo na nakatira doon sa bahay na iyon na may kulay berdeng gate?" pagsisimula ni Mrs. Ramos.
Agad na natigilan si Mia sa narinig. "Si Erik po?" ang ulit niyang tanong.
Tumango si Mrs. Ramos."Kapapasok lang niya, sayang at hindi kaya nagpang-abot. Nandito rin siya kanina at bumili lang ng kape. Palagay ko hindi pa naman siya tulog, puntahan mo na. Tutal linggo naman bukas at baka bukas rin mismo ay magpalaba at magpalinis na siya sa iyo. Sayang ang kita," payo pa sa kanya ng ginang.
Sa narinig ay naisip ni Mia na tama nga naman si Mrs. Ramos.
Kung magpapalinis at magpapalaba bukas i Erik, habang hinihintay niya ang paggaling ng mga pasa niya ay may income siya.
"Sige po, pupuntahan ko siya ngayon," aniyang inabot ang sukli mula sa ginang saka na tumawid ng kalsada para puntahan ang bahay mismo ni Erik.
Noon naramdaman ni Mia ang kakatwang emosyon sa dibdib niya.
Si Erik, ang first love at first dance and last dance niya noong high school.Ngayon lamang sila nito muling magkikita dahil ilang araw lang mula nang graduation nila ay umalis na ang binata kasama ang pamilya nito para manirahan sa Canada.
Sa tapat ng kulay berdeng gate ay diniinan ni Mia ang doorbell.
Hindi naman nagtagal at narinig niyang bumukas na ang pintuang kahoy ng kabahayan. Pagkatapos ay ang mga yakag na papalapit na sa kanya. Hanggang sa tuluyan na ngang bumukas ang gate saka niyon ibinalandra sa paningin niya ang isang napakagwapong lalaking kay katagal na panahon bago niya muling nakita.
"Mia?" ang taka nitong tanong habang nakatitig sa mukha niya.
Alanganin ang ngiti na pumunit sa mga labi ng dalaga. "Long time no see," ang naisipan naman niyang isagot.
“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
“BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.
“HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig
“E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy
“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
“NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa