Share

KABANATA 72 “MISSING PIECE OF HIS HEART”

NANG makababa ng kotse ay agad na sinalubong si Erik ng matinding kalungkutan habang nakatanaw siya sa malaking bahay sa kanyang harapan.

“Mia, miss na miss na kita,” bulong niya bago itinulak pabukas ang gate para maipasok sa loob ng bakuran ang sasakyan.

Mulis siyang sumakay sa loob ng kanyang kotse para igarahe ng maayos ang sasakyan niya. Pagkababa niya ay noon naman eksaktong huminto sa tapat ng bahay ang isang traysikel kung saan bumaba si Rosanna. Kasama nito si Dahlia.

“Erik, may balita ka na ba kung nasaan si Mia?” iyon ang agad na tanong sa kanya ni Dahlia nang makalapit.

Kung ilang beses na niyang narinig ang kaparehong tanong mula sa dalawa, hindi na niya mabilang. Ang totoo, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, para bang gumising, nabubuhay, at umuuwi na lamang siya sa bahay na iyon para marinig ang kaparehong tanong.

Malungkot na umiling si Erik.

“Mukhang wala na tayong option, Erik. Kailangan na talaga nating mag-post sa social media para mahanap siya,” ani Rosanna na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status