Share

KABANATA 73 “NATHANIEL”

“MABUTI naman ang dumating ka na, hijo, pwede mo bang samahan si Mia sa doktor niya?”

Iyon ang agad na itinanong sa kanya ng kanyang Tiya Ising nang lapitan niya ito para magmano.

“Ay, oo ng apala, ngayon ng apala ang schedule niya ng checkup,” ang nakangiti niyang sabi saka tumango. “Walang problema, Tiya,” ang dugtong pa niya.

“Maraming salamat, hijo,” anitong tinapik siya sa balikat. “Kumain kana ba? Nagluto si Mia ng adobong atay ng manok.”

Sa narinig ay agad na nakaramdam ng pagkagutom ang binata. “Kumain na po ako. Pero dahil masarap magluto si Mia, kakain ulit ako,” sagot niya sa masiglang tinig.

Malapad at matamis ang ngiting pumunit muli sa mga labi ng kanyang tiyahin. Ilang sandali pa ang iniwan na niya ito. Saktong may bumili sa tindahan kaya tumayo ang tiya niya para pagbilhan iyon.

Sa loob ng ilang buwang pananalita ni Mia sa bahay nila ay hindi niya maitatanggi na magaan ang loob niya dito. Likas na mabait kasi ang dalaga. Sa kabila iyon ng pagiging mahiyain nito na una
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status