Share

79

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-10-16 10:57:07
MIRABELLA

Pagpasok ko pa lamang sa opisina kinabukasan, napansin ko agad ang ilang miyembro ng board of directors na nakatayo sa harap ng conference room. May hawak na mga dokumento ang bawat isa, at halatang hindi maganda ang kanilang mga mukha. Napatigil ako nang makita kong si Mr. Valdez ang unang lumapit sa akin, kasunod ang tatlo pang board members na tila may mahalagang sasabihin.

“Mirabella, mabuti at dumating ka na. Kailangan nating mag-usap ngayon din,” bungad ni Mr. Valdez.

Napa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sa Bisig ni Byenan   219

    ADAMHindi na ako mapakali habang naghihintay kay George. Ilang minuto na ang lumipas mula nang sabihin niyang may sasabihin siya. Pero habang tumatagal ay lalo akong nagiging mausisa kung ano ba talaga ang mahalagang sasabihin niya sa akin.“Bakit hindi mo na lang tawagan ulit?” tanong ni Julio nang mapansin niyang ilang beses na akong tumingin sa cellphone ko.“Tumawag na siya. Sinabi niyang pupunta siya rito.”“Eh, bakit hindi ka mapakali?”“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Matagal na rin kaming hindi nagkakausap nang maayos.”“Baka may problema na naman sa pera.”Napatingin ako sa kanya. “Iyon din ang iniisip ko.”Alam naman naming pareho kung ano ang naging dahilan kung bakit bumagsak ang buhay ni George. Mayaman ang pamilya namin. Pero dahil sa pagkalulong niya sa droga at pagsusugal, naubos ang lahat ng mayroon siya. Maraming beses na rin siyang tinulungan ng pamilya namin, pero sa tuwing nakakabangon siya ay bumabalik din siya sa dati niyang bisyo.Kinuha ko ang cell

  • Sa Bisig ni Byenan   218

    ADAM“ANO BA ang sinabi mo?”“Sinabihan ko siyang huwag ka nang guluhin. Alam kong may sarili kang problema at ayokong dagdagan pa niya. Hindi rin naman maganda kung patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa iyo lalo na kung alam niyang ayaw mo nang magkaroon ng anumang koneksiyon sa kaniya.”“Mas mabuti na iyon. Sa dami kong problema, huwag na siyang dumagdag pa.”“Sinabi ko rin sa kaniya na huwag nang gumawa ng anumang eksena. May pamilya ka na at ayokong masira iyon dahil sa mga desisyon niyang hindi naman pinag-isipan.”Malakas akong natawa. “Ikaw pa talaga ang nagsasalita tungkol sa mga desisyong hindi pinag-isipan.”“Hoy! Huwag mo akong ipamukha sa akin ang mga kasalanan ko.”“Hindi ko naman kailangang ipamukha. Ikaw mismo ang nagkuwento.”Pareho kaming natawa. Kahit papaano ay naging magaan ang usapan namin. Matagal na rin akong hindi nakakapagrelaks nang ganito. Sa mga nakaraang araw, halos puro problema ang laman ng isip ko. Nandoon ang pagkawala ni Jonas, ang paglayo ni Mirabella,

  • Sa Bisig ni Byenan   217

    ADAM Nasa bahay ako ni Julio at kasalukuyan kaming nag-iinuman sa kaniyang entertainment room. Ilang araw na rin mula nang huli kaming magkita, kaya naisipan kong dumalaw sa kaniya para kahit paano ay malibang at pansamantalang makalimot sa mga problemang gumugulo sa isip ko. May nakahandang bote ng mamahaling whisky sa mesa, kasama ang ilang pulutan. Nakaupo kami sa magkabilang sofa habang nagkukuwentuhan tungkol sa negosyo at iba pang bagay. Pero gaya ng inaasahan ko, hindi rin nagtagal bago napunta ang usapan sa personal naming buhay. “Alam mo, Adam, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa mo,” panimula ni Julio habang iniikot ang laman ng baso niya. “Sa dami ng babaeng puwede mong makarelasyon, bakit sa manugang mo pa talaga? Hindi ko akalaing magagawa mo iyon.” Napangisi ako at uminom muna bago siya sinagot. “Hindi rin ako makapaniwala sa iyo, Julio. Sa tagal ng taon na magkakilala tayo, ang pagkakakilala ko sa iyo ay isang mabuting asawa. Iyong tipong walang

  • Sa Bisig ni Byenan   216

    KARENNanlamig ang batok ko nang marinig ang pangalan ni Adam.“Ano ang kinalaman ni Adam dito?”“Wala ba? Akala mo hindi ko alam na dito ka nakatira ngayon? Narinig ko rin na binilhan ka niya ng bahay. Mukhang maganda ang naging takbo ng plano mo.”“Tumigil ka na, George…” nanginginig kong sabi.Tama nga ako. Talagang nakabantay pa rin siya sa amin mula sa malayo. Sabagay, marami siyang koneksyon. Marami siyang kaibigang adik!“Bakit? Hindi ba totoo? Nakakatawa lang dahil noong iniwan mo ako, wala kang ibang ginawa kundi maghanap ng taong sasalo sa iyo. At ngayon, pinsan ko pa ang napili mo.”“Wala kang karapatang manghusga sa akin, George. Hindi mo alam ang buong nangyari.”“Pero alam kong anak ko si Nike. At kung totoo ang narinig ko, ipinakikilala mo siya kay Adam bilang anak nito.”Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol kay Nike at Adam, pero malinaw sa mukha niya na hindi siya basta nanghuhula.“Wala kang alam,” sagot ko.

  • Sa Bisig ni Byenan   215

    KAREN Abala ako sa paghuhugas ng mga pinggan sa kusina nang biglang tumunog ang doorbell. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Hindi ko naman inaasahan ang pagdating ng sinuman, kaya nagtataka akong pinunasan ang mga kamay ko sa maliit na tuwalya bago lumabas ng bahay. Muling tumunog ang doorbell. “Saglit lang!” sigaw ko habang naglalakad papunta sa gate. Pagbukas ko nito, agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko nang makita kung sino ang nasa labas. Walang iba kun'di si George. Nakatayo siya sa harap ko habang nakangisi, na para bang matagal na kaming hindi nagkita at masaya siyang makita ako. Guwapo pa rin siya gaya ng dati. Nandoon pa rin ang matangos niyang ilong, maayos na hugis ng mukha, at mga matang minsan kong hinangaan. Pero hindi ko na maikakaila ang malaking pagbabago sa kaniyang hitsura. Namumula ang mga mata niya, magulo ang buhok, at halatang hindi na niya inaalagaan ang sarili. Payat siya kumpara noong huli ko siyang nakita, at may kung anong kakai

  • Sa Bisig ni Byenan   214

    MIRABELLA “Mirabella?”Napatingin ako kay Renzo nang marinig ang boses niya. Nasa kabilang bahagi siya ng sala at tila napansin niyang matagal akong nakatitig sa cellphone.“Ayos ka lang ba? May problema ba?”Umiling ako nang bahagya. “Wala naman. May nabasa lang ako.”Lumapit siya at umupo sa sofa na katapat ko. Napansin niyang may mga luha pa sa gilid ng mga mata ko, kaya hindi na niya ako tinanong kung bakit ako umiiyak. Sa halip, hinintay niya akong magsalita.“Si Adam,” sabi ko pagkaraan ng ilang sandali. “Ang dami niyang messages.”Hindi siya nagsalita. Tumingin lamang siya sa akin, naghihintay na ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.“Humihingi siya ng tawad. Gusto niyang bumalik ako. Sinasabi niyang mahal niya ako at handa siyang maghintay hanggang maging handa akong makipag-usap sa kaniya.” Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Renzo. Mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili kong kailangan ko nang lumayo, hindi ko naman kayang bas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status