Share

9

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-08-30 11:56:21

MIRABELLA

ABALA AKO SA PAGLULUTO ng paborito kong ulam nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Napahinto ako sa paghahalo at saka asar na ngumiti.

"Na-miss kita, asawa ko. Sobrang busy ko lang talaga sa business trip kaya hindi ako nakapag-message sa iyo."

Gusto kong matawa ng malakas. Tangina talaga ng lalaking ito. Ubod ng sinungaling! Huwag nga ako! Malamang panay ang kantután nilang dalawa ni Sheena!

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at saka hinaplos ang mukha niya. Sa mga o
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
hahahaha Akala mo Jonas ikaw lng mas masakit Sayo Jonas pag nlaman mong daddy mo Ang kbit ng Asawa mo
goodnovel comment avatar
Allecorianna
KAINAN NAAA HAHAHA
goodnovel comment avatar
Dhenz
nakakain nya un ng nakaupo na d nakaliyad c miravella ang hirap kaya kinin nun hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Sa Bisig ni Byenan   230

    ADAMHindi pa rin humuhupa ang galit na nararamdaman ko habang nagmamaneho papunta sa mansyon ni Tita Marla. Matapos kong komprontahin si Karen, siya naman ang gusto kong harapin. Hindi ko kayang palampasin ang ginawa niya sa akin. Kung hindi dahil sa plano niyang iyon, hindi sana ako napalayo kay Mirabella at hindi sana naging magulo ang relasyon namin.Naging mabuti akong pamangkin ni tita Marla. Pinakinggan ko ang mga payo niya at iginalang ang mga desisyon niya kahit hindi kami palaging nagkakasundo. Pero hindi ko inakalang kaya niyang gumawa ng ganitong bagay para lamang paghiwalayin kami ni Mirabella.Pagdating ko sa mansyon, mabilis akong bumaba ng sasakyan. Hindi na ako nag-abalang maghintay na may magbukas ng pinto para sa akin. Pagkapasok ko sa malaking sala ay agad kong nakita si Marla na nakaupo sa sofa habang may hawak na tasa ng kape.Nang makita niya ako, ngumiti pa siya."Adam? Hindi ko inaasahang pupunta ka ngayon. May kailangan ka ba?"Hindi ko pinansin ang tanong n

  • Sa Bisig ni Byenan   229

    ADAM “Paano mo ako nagawang lokohin? Wala akong natatandaang ginawang masama sa iyo, tapos gagaguhin mo ako?” Napatigil si Karen. Halatang hindi niya inaasahan ang ganoong pagsalubong ko sa kaniya. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago tuluyang mawala ang kulay ng kaniyang mukha. “Adam, ano ba ang sinasabi mo? Bakit ka nagagalit?” “Talaga bang kailangan mo pang itanong iyan?” mariin kong sagot. “Huwag kang magkunwaring walang alam dahil alam kong alam mo kung bakit ako narito!” “Hindi kita maintindihan.” “Tumigil ka na sa pagsisinungaling, Karen! Tama na ang ilang buwan na panloloko mo sa akin. Hindi mo na kailangang dagdagan pa!” Nagsimula nang mangilid ang luha sa mga mata niya. Tila naghahanap siya ng tamang sasabihin, ngunit hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makaiwas sa usapan. “Alam ko na ang lahat. Alam ko na kung sino talaga ang ama ni Nike. Alam ko rin kung sino ang nasa likod ng lahat ng kasinungalingang sinabi mo sa akin.” Napahawak siya sa dibdib. “Paa

  • Sa Bisig ni Byenan   228

    ADAMHalos magimbal ako sa narinig ko.“Ano?!”Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni George. Ilang segundo akong nakatitig lamang sa kaniya habang pilit inuunawa ang bawat salitang binitiwan niya. Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang buong katawan ko. Hindi ko inaasahang ang isang bagay na matagal ko nang pinaniniwalaan ay isa lamang palang kasinungalingan.“Pakiulit nga ang sinabi mo,” mariin kong sambit. “Gusto kong marinig ulit mula sa iyo. Sinasabi mo bang hindi ako ang tunay na ama ni Nike?”Tumango siya. “Oo, Adam. Hindi ikaw ang tunay niyang ama. Ako ang tatay niya. Ako ang tunay na ama ni Nike at alam niya iyon.”Napailing ako at napaupo sa sofa. “Hindi puwede…Bakit naman gagawin sa akin ni Karen ang ganoon? Inakala kong anak ko si Nike. Bakit niya nagawang magsinungaling sa akin?”“Dahil iyon ang plano nila ni Tita Marla. Noong una, hindi ko rin alam. Iyon pala, balak tutol si tita Marla sa pakikipagrelasyon mo sa manugang mo. Nang maghiwakay kayo ni Karen, matagal din kaming

  • Sa Bisig ni Byenan   227

    ADAMGabi na ako nakauwi mula sa pag-iinspeksyon sa mga condominium na kasalukuyang ginagawa ng kompanya. Ilang oras din akong naglibot sa iba't ibang palapag para tingnan ang progreso ng proyekto at siguraduhing maayos ang bawat detalye bago ang susunod naming pagpupulong. May ilang bagay pa akong kailangang asikasuhin sa opisina, pero ipinagpaliban ko muna iyon dahil gusto ko nang makauwi at makapagpahinga.Pagkapasok ko sa bahay, napansin kong bukas pa ang ilaw sa sala. Akala ko ay may naiwan lamang na ilaw ang kasambahay, ngunit nang tuluyan akong makapasok ay nakita ko si George na nakaupo sa sofa. Nakasuot siya ng simpleng damit at nakasandal sa sandalan habang tila malalim ang iniisip. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, agad siyang napatingin sa akin at tumayo."George? Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa nagpapahinga sa kuwarto mo?” tanong ko habang inilalapag ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng mesa."Adam, hinihintay kita."Napakunot ang noo ko. "May kailangan ka

  • Sa Bisig ni Byenan   226

    GEORGEHindi ko maiwasang maalala ang sinabi ni Tita Marla habang pauwi ako mula sa karinderya. Hindi ko inaasahang pupuntahan niya ako para ialok ang limang milyong piso kapalit ng paglayo ko kina Karen at Nike. Mas lalo akong nainis nang sabihin niyang wala akong kwenta at mananatili akong isang adik.Alam kong marami akong pagkakamali sa buhay. Hindi ko itinatanggi na ako mismo ang sumira sa magandang kinabukasan na mayroon ako noon. Pero hindi ibig sabihin na habamvuhay na akong mananatili sa ganoong sitwasyon. Gusto kong magbago at gusto kong patunayan na kaya ko pang maging mabuting tao.Higit sa lahat, gusto kong bumawi sa anak kong si Nike.Kaya matapos kong asikasuhin ang ilang bagay sa karinderya, nagpasya akong puntahan si Karen. Hindi ko na kayang maghintay pa. Alam kong magagalit siya kapag nakita niya ako, pero kailangan naming mag-usap. Hindi ko hahayaang habambuhay niyang ilayo sa akin ang sarili kong anak.PAGDATING ko sa bahay niya, agad akong kumatok. Ilang sandali

  • Sa Bisig ni Byenan   225

    GEORGE Masaya akong nag-aasikaso sa mga customer habang abala naman si Calix sa pagkuha ng mga order at paghahanda ng mga kailangan sa bawat mesa. Dalawampung taong gulang siya at anak ng isa sa mga kaibigan ko. Nang malaman ng ama niya na magbubukas ako ng karinderya, inirekomenda niya si Calix para tulungan ako. Mabait ang bata at masipag, kaya hindi ako nahirapang makasundo siya. Hindi ko inaasahang magiging ganito karami agad ang aming customer. Simula nang magbukas kami, halos hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong maupo nang matagal. Maraming estudyante mula sa kalapit na paaralan ang kumakain dito, pati na rin ang mga empleyado ng pabrikang ilang minuto lamang ang layo sa aming puwesto. “Kuya George, dalawang order po ng adobo at isang pritong isda sa mesa roon!” tawag ni Calix. “Sige, ihanda mo na. May kanin pa ba tayo?” “Meron pa po. Magluluto na rin ako ng panibago.” “Salamat. Pakitingnan na rin kung kailangan na nating magdagdag ng tubig sa mga baso ng customer.” Tum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status