Masuk"The hardest secrets to uncover are the ones protected by people you were taught to trust."*******Hindi pa tuluyang humihinto ang tatlong itim na SUV ay bumukas na agad ang pinto ng sinasakyang sasakyan ni Ethan De Vega.Mahahaba ang kanyang hakbang habang tinatahak ang basement parking ng De Vega Global Holdings. Kasunod niya sina Alyannah, Chairman Eduardo, Anthony, Marco at ang ilang miyembro ng Corporate Security.Hindi na sila dumaan sa executive lobby.Diretso silang sumakay sa private elevator na eksklusibong ginagamit ng board of directors.Habang paakyat ang elevator, walang nagsasalita.Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang electronic indicator na pabago-bagong numero ang maririnig.Hanggang sa si Marco na naman ang unang bumasag sa katahimikan "Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam nito," aniya habang napapakamot sa batok, "pero parang gusto kong mag-resign pagkatapos ng kasong ito."Napalingon sa kanya si Anthony at napairap."Ikaw? Magre-resign? Wala pang s
"The moment you stop chasing your enemy... is the moment your enemy starts wondering what you already know." ****** Hindi agad tumuloy ang convoy sa North Harbor Logistics. Sa halip, paglabas nila sa pangunahing highway ay biglang lumiko ang unang SUV sa isang mas makitid na kalsada papunta sa lumang industrial district ng lungsod. Patuloy pa ring bumababa ang digital countdown na nakabukas sa tablet ni Anthony. 42:58:41 Bawat segundo ay tila nagpapaalala na lumiliit na ang oras nila. Ngunit sa kabila ng pressure, hindi minadali ni Ethan De Vega ang susunod niyang hakbang. Nakatitig lang siya sa blueprint na nasa kandungan niya, paulit-ulit niyang binabalikan ang bawat detalye. Hindi ang guhit ang hinahanap niya, ang dahilan kung bakit iyon ipinadala. Kung gusto silang iligaw ng kalaban, bakit pa ito magbibigay ng blueprint? Kung gusto silang patayin, mas madali sanang gumawa ng bitag. Pero pinili nitong magbigay ng direksiyon. Ibig sabihin, may gusto itong isipin ni
"The smartest enemy doesn't hide the truth. He chooses the exact moment you are ready to see it." ****** Hindi agad umandar ang convoy ng De Vega Global Holdings. Nakahinto pa rin ang tatlong itim na SUV sa basement parking habang isa-isang kinukumpirma ng Security Team ang ruta. Walang sirena. Walang convoy markings. Kahit ang communication line ay inilipat sa encrypted frequency. Hindi ito ordinaryong pagbisita sa isang lumang warehouse, pakiramdam ni Ethan De Vega ay bawat galaw nila ay pinapanood ng taong ilang araw nang nauuna sa lahat ng plano nila. Sa gitna ng paghahanda, nakaupo siya sa likurang bahagi ng unang sasakyan kasama sina Chairman Eduardo at Alyannah. Sa kabilang sasakyan naman sina Anthony, Marco at ang ilan sa security personnel. Nasa kandungan ni Ethan ang lumang blueprint ng North Harbor Logistics. Ilang minuto na niya itong paulit-ulit na tinitingnan, gindi ang drawing ang sinusuri niya. Kundi ang dahilan kung bakit ito ipinadala. Kung gusto s
"The truth does not always arrive with answers. Sometimes... it arrives inside an envelope." ***** Walang nagsalita sa loob ng Executive Conference Room matapos marinig ang ulat ni Anthony. "Sir, may courier daw po sa lobby" May iniwang brown envelope, umalis na raw agad." alangang pahayag nito Mas lalo pang bumigat ang hangin sa silid. Hindi na ito ang unang beses. Una ay ang anonymous website. Sumunod ang litrato ng anim na founders. Pagkatapos ang Archive Box 06. Ang VHS tape. At ngayon, isa na namang brown envelope. Marahang tumayo si Ethan. "Anthony." "I-lock ninyo ang conference room. Walang lalabas na dokumento rito hangga't hindi tayo bumabalik." "Copy, Sir." Lumingon siya sa Head of Security "Isara ang lahat ng exit. Harangin ang basement, loading dock at parking area.Kahit limang minuto lang." "Yes, Sir!" Nagmamadaling lumabas ang security team. Humarap naman si Ethan kina Alyannah, Marco at Chairman Eduardo. "Tayo na." Pagdating nila sa ground
"The strongest walls do not fall because of force. They fall because of the first crack no one noticed." ****** Alas-nuwebe na ng umaga nang muling maging abala ang buong De Vega Global Holdings. Mas maaga pa sa karaniwan ang pagdating ng mga executive. Hindi pa man nagsisimula ang regular na operasyon, sunod-sunod na ang emergency reports na dumarating sa Crisis Command Room. Patuloy pa ring tumatakbo ang countdown. 44:18:27 Habang lumiliit ang natitirang oras, lalo ring tumitindi ang pressure sa buong kumpanya. Ngunit para kay Ethan De Vega, hindi ang countdown ang pinakamahalagang problema. Ang mas gusto niyang malaman ay kung bakit parang isang hakbang laging nauuna ang kalaban. Kung may nakapaglagay ng VHS tape sa Archive Box. Kung may nakapagbura ng access logs, at kung may nakapagpapadala ng anonymous files, iisa lang ang ibig sabihin. May taong nasa loob. At iyon ang kailangan nilang makita bago pa mahuli ang lahat. Pagkababa ni Alyannah mula sa elev
"The most dangerous lies are not the ones we hear from strangers but the ones wrapped in the warmth of someone we trust the most."*******Halos dalawang oras na ang lumipas mula nang maipadala sa forensic laboratory ang VHS tape at brown envelope na natagpuan sa loob ng lihim na compartment ng Archive Box 06.Sa buong De Vega Global Holdings, nanatiling mataas ang alert level.Nakadisplay pa rin sa Crisis Command Room ang digital countdown na inilabas ng anonymous website. Bawat segundo ng pag-ikot nito ay tila nagpapaalala na may mas malaking bagyong paparating.45:52:11Wala pang nakaaalam kung ano ang mangyayari kapag umabot ito sa zero.Samantala, abala ang legal department sa pagsagot sa media. Ang IT team naman ay halos hindi na umaalis sa kanilang monitoring room habang sinusubukang matukoy kung saan nanggagaling ang sunod-sunod na anonymous leaks.Sa gitna ng lahat ng kaguluhan, isang tao lang ang pinauwi ni Ethan De Vega.Si Alyannah.Hindi dahil wala na itong silbi sa imb







