Share

Sa Piling Mo, Señorito Maximo
Sa Piling Mo, Señorito Maximo
Author: ysovel

Chapter 1

Author: ysovel
last update publish date: 2026-07-08 11:58:22

Ysabel Trinidad’s point of view

Ngayon na ang araw na pagpunta ko sa mansyon ng mga Montenegro upang magsimulang magtrabaho. Araw na matagal kong pinaghandaan, ngunit ngayong narito na ito ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

Bago tuluyang magtungo roon, dumaan muna ako sa ospital upang mabisita si Valerian. Kailangan kong makapagpaalam nang maayos bago magsimula sa bagong trabaho.

Hindi na sapat ang maliit naming ipon upang tustusan ang pagpapagamot sa kanya. Habang tumatagal ay lalo lamang lumalaki ang gastusin sa ospital. Kaya kahit gaano ako kinakabahan at natatakot, kailangan kong gawin ito.

Pagdating ko sa silid ni Val, agad akong sinalubong ni Inay Violeta.

"Oh, iha. Nandito ka na pala."

Napangiti ako bago tumingin sa kapatid kong mahimbing na natutulog sa hospital bed. "Kamusta po siya, Nay?"

"Maayos naman sa ngayon."

Bahagya akong nakahinga nang maluwag.

Nang magtanong ako tungkol sa operasyon ni Val, napansin kong agad na nalungkot ang ekspresyon ni Inay.

"May inaayos pa ang doktor," mahina niyang sagot.

Tumango na lamang ako.

Hindi ko maiwasang maalala na kung hindi dahil sa aksidenteng nangyari kay Val, baka hindi pa namin nalaman na may cancer siya. Masakit man isipin, pero kahit paano ay nabigyan kami ng pagkakataong maagapan ang sakit niya.

Maya-maya ay hinawakan ni Inay ang braso ko.

"Sigurado ka bang gusto mong magtrabaho roon?" Ramdam ko ang pag-aalala sa kaniyang tinig.

"Opo, Nay. Kailangan natin ito para kay Val."

Bahagya siyang ngumiti ngunit halatang nag-aalala pa rin.

Lumapit ako sa higaan ng kapatid ko at marahang hinaplos ang kanyang buhok.

"Pagaling ka, ha?" mahina kong bulong. "Ipapagamot ka ni Ate. Pangako."

Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako. Hindi ko na rin nahintay pa ang Itayb na bumili ng makakain nila.

Mahigpit kong niyakap ang bag na dala ko habang palabas ng ospital.

Kaya mo 'to, Ysabel.

Para kay Valerian.

Para sa pamilya mo.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang sumakay sa pampasaherong sasakyan papunta sa mansyon ng mga Montenegro. Habang papalapit ang sasakyan sa destinasyon ko, lalo ring bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa mansyon ng mga Montenegro. Ngunit kailangan kong maging matatag.

Pagkababa ko sa harap ng napakalaking gate ay halos mapahinto ako sa kinatatayuan ko. Napakalaki ng mansyon, mas malaki pa ito kaysa sa anumang naisip ko noon. Parang isa itong lugar na nakikita lamang sa telebisyon o sa mamahaling magazine.

Napalunok ako bago lumapit sa isa sa mga katulong na nakabantay sa loob.

"H-Hello po."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ikaw ba ang bagong maid?"

“Opo." Sagot ko.

"Halika."

Tahimik akong sumunod.

Habang naglalakad kami papasok, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa paligid. Makikinang ang sahig, napakalalaki ng mga chandelier, at halos bawat sulok ng mansyon ay sumisigaw ng karangyaan. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na iyon.

Pagdating namin sa servant quarters ay itinuro niya ang isang pinto. "Diyan ang kwarto mo."

Napakurap ako.

"May sarili po akong kwarto?"

Tumango siya.

"Lahat ng katulong dito ay mayroon."

Bago pa ako makasagot ay may lumapit na babae sa amin. Malawak ang ngiti nito.

"Ako nga pala si Amaris."

"Ysabel."

"Nice to meet you."

Napangiti rin ako. Sa wakas ay may mukhang mabait akong nakilala at kaedad ko pa.

Ngunit agad ding nagbago ang ekspresyon niya. Lumapit siya sa akin at ibinaba ang boses.

"Darating si Señorito Maximo mamaya."

Napakunot ang noo ko.

"Si Señorito?"

Tumango siya.

"Mag-ingat ka."

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

Saglit siyang napalingon sa paligid bago muling tumingin sa akin.

"Lahat ng tao rito ay takot sa kaniya."

Bago pa ako makapagtanong ay may tumawag sa kaniya.

“Amaris!”

Agad siyang napalingon.

"Kailangan ko nang umalis. Mamaya ulit."

At mabilis siyang tumakbo palayo. Naiwan akong mag-isa at puno ng tanong.

Sino ba ang Señoritong iyon? At bakit parang takot na takot ang lahat sa kaniya?

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko.

"Ysabel!"

Agad ko iyong binuksan.

"Andiyan na si Señorito!"

Hindi ko alam kung bakit, pero tila sabay-sabay na bumilis ang tibok ng puso ng lahat ng tao sa paligid. Agad akong sumunod palabas, at habang papalapit kami sa malaking sala ay napansin kong tila mas lalong naging tahimik ang buong mansyon.

Pagpasok namin ay agad kong nakita ang lalaking pinag-uusapan nila. Doon ko lang tuluyang naintindihan kung bakit kinatatakutan siya ng lahat.

Napakataas ng tindig nito.

Malamig ang ekspresyon.

At kahit wala siyang ginagawa, ramdam na ramdam ang awtoridad na dala ng kaniyang presensya.

Mukhang hindi siya ang tipo ng taong madaling suwayin.

Habang tahimik na nakatayo ang lahat ay may isang katulong na humahabol na dumating.

Agad itong napatingin kay Maximo. "S-Sorry po, Señorito."

Hindi man lang siya tinapunan ng tingi nito. "You are late."

Namutla ang katulong.

"P-Pasensya na po—"

"You are fired."

Parang huminto ang buong paligid. Walang nagtangkang magsalita, walang nagtangkang magtanggol. Tahimik lamang na yumuko ang katulong bago umalis.

Nanlaki ang mga mata ko.

Isang pagkakamali lang at tanggal agad sa trabaho?

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Talaga ngang nakakatakot siya.

Pagkatapos noon ay muli siyang nagsalita. "Where's the new maid?"

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba. Lalo rin bumilis ang tibok ng puso ko.

"A-Ako po." Bahagya akong humakbang papunta sa harap.

At sa unang pagkakataon ay direktang nagtama ang aming mga mata. Biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Pakiramdam ko ay ako lamang ang nakikita niya sa sandaling iyon.

Malamig at mariin ang kaniyang titig. Parang sinusuri niya ang bawat detalye ng pagkatao ko.

Hindi ko alam kung ilang segundo iyon tumagal. Ngunit sapat iyon upang makaramdam ako ng hindi maipaliwanag na tensyon.

"Mhm." Iyon lamang ang sinabi niya. Pagkatapos ay tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Napabuntong-hininga ako nang hindi ko namamalayan.

Agad akong kinalabit ni Amaris.

"Si Señorito Maximo Felipe Montenegro iyon."

Napalingon muli ako sa direksiyong pinuntahan niya.

"Ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Montenegro."

Tumango ako, ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin.

"At isa pa," bulong ni Amaris.

"Hm?"

"Sa lahat ng taong nagtrabaho rito, ikaw lang ang nakita kong pinagtuunan niya ng pansin."

Napakunot ang noo ko.

“Huh?”

"Ngayon lang siya tumitig nang ganoon sa isang katulong."

Bago pa ako makasagot ay may matandang babae ang lumapit sa amin.

"Maglinis na kayo at huwag magdaldalan. Kapag naabutan kayo ni Nanay Carlotta, siguradong mapapagalitan kayo."

Agad kaming tumango.

"Si Ate Leonor 'yan. Katiwala ni Nanay Carlotta, ang mayordoma ng mansion."

Nagtungo kami sa second floor upang maglinis. Tahimik ang lahat habang abala sa kani-kanilang gawain.

Ngunit habang tumatagal ay may kakaibang pakiramdam na unti-unting gumagapang sa akin.

Parang may mga matang nakamasid.

Huminto ako sandali at lumingon sa likod ko. Wala.

Tumingin ako sa magkabilang dulo ng hallway. Wala rin.

Napakagat ako sa ibabang labi.

Baka guni guni ko lang.

Ngunit kahit anong pilit kong balewalain ang nararamdaman ko, hindi nawawala ang pakiramdam na may isang pares ng mata na mariing nakatingin sa akin.

At hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko alam na sa kabilang dulo ng mahabang palsilyo ay tahimik na nakatayo si Maximo Montenegro.

Tahimik, mariin, at hindi inaalis ang tingin sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Piling Mo, Señorito Maximo    Chapter 19

    Ysabel Trinidad’s point of viewGalit at bahagyang gulat na mura ang unang narinig ko bago ko pa tuluyang maramdaman ang matibay na brasong mabilis na pumalibot sa bewang ko. Mahigpit niya akong hinila pabalik sa kanya bago pa ako tuluyang mawalan ng balanse at mahulog sa hagdan. Halos magdikit ang katawan namin sa lakas ng pagkakahawak niya, dahilan para mapasinghap ako at mapapikit nang mariin sa gulat. Nang unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, agad kong nakita ang mukha ni Maximo na sobrang lapit sa mukha ko. Bahagyang magulo ang buhok niya, mabilis ang paghinga, at kitang kita sa mukha niya ang matinding kaba. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay tila nilamon iyon ng pamilyar niyang malamig na ekspresyon. Nawala ang pag-aalala sa mga mata niya at napalitan iyon ng galit na pilit niyang pinipigilan. Hindi ko man lang napansin na nakasunod na pala siya sa akin. Muntik na naman. Isa na namang segundo ang pagitan bago ako mapahamak. Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya

  • Sa Piling Mo, Señorito Maximo    Chapter 18

    Ysabel Trinidad’s point of viewUnti-unti ring humupa ang tawanan namin. Pareho kaming napaupo sa gilid ng kama habang inaayos ang magulong buhok at pinapakalma ang mabilis na paghinga. Sa unang pagkakataon simula nang makarating ako sa Montenegro Mansion, pakiramdam ko ay may normal akong sandali. Isang simpleng pagkakataong makatawa nang walang iniisip na panganib o mabibigat na sikreto. “Nga pala...” Napalingon ako kay Agnes. “Paano 'yung mga gamit natin sa lumang kwarto?” Napakurap siya bago bahagyang sinampal ang sariling noo. “Ay, oo nga!” “Buti pinaalala mo.” Tumayo siya agad sa kama at mabilis na inayos ang suot niyang damit. “Kukunin na natin ngayon. May lilipat na kasi sa dati mong kwarto.” “Huh?” Napataas agad ang kilay ko. “Ang bilis naman.” Napatawa siya. “Gano'n talaga.” “Nabawasan ng dalawa ang occupants, eh.” Napaisip ako sandali bago muling nagtanong. “Sino'ng lilipat doon?” “Si Nanay Carlotta.” “Ah...” Tumango na lang ako. Kung tutuusin, mas bagay nga s

  • Sa Piling Mo, Señorito Maximo    Chapter 17

    Ysabel Trinidad’s point of view“Si Maximo ba naman backer ko.” Pareho kaming natawa. Unti unti ring gumaan ang mabigat na usapan namin. “Pero higit sa lahat…” Mas naging seryoso ulit siya. “Gusto talaga kitang maging kaibigan, Ysabel.” “Una pa lang.” “At pagkatapos…” Napatingin siya sa akin na para bang may gusto siyang kumpirmahin. “Nakita ko kung paano ka tingnan ni Maximo.” Nanahimik ako. “Alam ko na agad.” “Sa lahat ng naging girlfriend, fling, o kahit talking stage niya…” Bahagya siyang ngumiti. “Ikaw lang ang tiningnan niya nang gano'n.” Pakiramdam ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. “Malamig ang mga mata no'n.” “Matigas ang puso.” “Palaging seryoso.” “Halos hindi nagpapakita ng emosyon.” Huminto siya sandali bago ako muling tiningnan. “Pero kapag ikaw ang kaharap niya…” “Lahat ng 'yon nawawala.” “Daig pa maamong tupa e.”Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Parang gusto kong tanggihan ang bawat salitang naririnig ko, pero kasabay no'n ay unti unti ri

  • Sa Piling Mo, Señorito Maximo    Chapter 16

    Ysabel Trinidad’s point of view“Ganito.” Dahan dahan siyang humarap sa akin hanggang sa tuluyan kaming magkatapat. Wala na ang kanina niyang pilyang ngiti. Seryoso ang ekspresyon niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko, na para bang sinisigurado niyang bawat salitang sasabihin niya ay maiintindihan ko. Mahinahon siyang huminga bago marahang pinisil ang kamay kong hawak niya. “Magpapaliwanag ako. You don't need to process everything in one day, okay?” malumanay niyang sabi. “We have plenty of time to do that. Just hear me out… and accept me. Accept what we've both been doing.” Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong tumango. Ang dami ko nang nalaman ngayong araw at pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa dami ng impormasyon, pero mas nanaig ang tiwala ko kay Agnes. Kung may isang tao sa mansion na ito na sigurado akong walang balak saktan ako, siya iyon. “Kaya nga sinabi kanina na kay Maximo lang tayo magtatrabaho, diba?” “Oo.” Mahina kong sagot. Bahagya siyang napangu

  • Sa Piling Mo, Señorito Maximo    Chapter 15

    Ysabel Trinidad’s point of view“Nasa second floor.” “Nasa pagitan ng office ko at ng kwarto ko.” Hindi ko napigilang mapatingin kay Agnes. Maging siya rin ay halatang nagulat. “May isa pang room na nakakonekta roon,” dagdag niya. “Separate ang pinto.” “Naka-lock iyon.” “I'm the only one who has the key.” Bahagya siyang tumigil bago muling nagsalita. “Don't worry.” “Wala akong tinatago roon.” Hindi ko alam kung bakit... Pero imbes na mawala ang kaba ko, lalo lang iyong lumalim. Pakiramdam ko ay may mas malaki pang dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. “For now,” pagpapatuloy niya, “bumalik na kayo sa room n'yo.” “Alam na rin ni Manang Carlotta ang bagong assignment n'yo.” “Mula ngayon... sa akin lang kayo magtatrabaho.” “At sa mga lugar kung saan ako naroon.” Tahimik kaming dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. “Malinaw ba?” “Opo,” sabay naming sagot. Kahit puno ng tanong ang isip ko, alam kong wala akong mapapala kung pipilitin ko pa siyang magsalita

  • Sa Piling Mo, Señorito Maximo    Chapter 14

    Ysabel Trinidad’s point of view“Mamaya.” Mabilis niya akong tinapik sa balikat, pilit na ngumiti kahit halatang hindi na iyon natural, bago siya halos patakbong umalis sa hallway. “Agnes!” Hindi na siya lumingon. Tahimik akong naiwan doon, hawak pa rin ang papel habang pinagmamasdan siyang mawala sa dulo ng pasilyo. Mas lalo lang akong naguluhan. Kung kanina ay ako lang ang kinakabahan... Ngayon, pati si Agnes. At sa paraan ng reaksyon niya, pakiramdam ko ay may alam siya tungkol sa sulat na ito. Napababa ako ng tingin sa papel. Muli kong binasa ang nakasulat. "You're brave. Ikaw na ang susunod." Hindi ko alam kung bakit... Pero sa unang pagkakataon simula nang tumira ako sa Montenegro Mansion, nakaramdam ako ng kakaibang takot. Parang may mga bagay na nangyayari sa paligid ko na hindi ko pa nauunawaan. At pakiramdam ko... Unti-unti na akong hinihila ng mga sikreto ng mansyon na ito. Tahimik akong nanatiling nakaupo habang mahigpit pa ring hawak ang sulat. Hindi ko na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status